Chapter 28: Passion, Tension, And Delusion
Nakayakap nang mahigpit si Belle habang nasa biyahe sila pauwi ni Isaac. “Hindi ka ba mairereklamo ng mga empleyado at mamamayan ng Santiago?”
“Ngayong araw lang naman, honey. Bumabawi lang tayo sa maraming overtime. Sa Wednesday na tayo papasok ha. Tomorrow night we will have dinner with my family.”
“Isaac, okay lang kaya ako sa kanila. B-baka ayaw nila. Naalala mo pa inaway mo ako sa binyag ng mga inaanak ko kay Gov,” nag-aalalang sabi niya pero malakas lang na natawa ito.
“Okay na iyon. They will love you, that’s for sure,” sabi nito at kumindat sa kanya.
“Sige pero sa tabi lang kita dapat kapag nandoon na tayo. Natatakot ako.” Tumango lang ito habang tumatawa at hinalikan ang kamay niya habang nagmamaneho. Pagkauwi nila ay agad siya nitong pinagpahinga dahil medyo mahaba ang biyahe nila. Minsan OA na ito mag-ingat sa kanila ng baby niya pero natutuwa siya sa concern at pag-aalaga sa kanila nito. Nakatulog nga siya at gabi na nang magising siya sa mga bisig nito. Nakayakap pa rin siya sa hubad-barong katawan nito at lalo pa niyang isiniksik ang sarili dito na parang kuting dahil sa lamig na nanggagaling sa parehong bukas na air conditioner at electric fan. Muli siyang nakaidlip hanggang magising siya sa pagdampi ng mga labi nito sa kanyang leeg. Maya-maya’y tumunog ang cellphone nito pero tulog na tulog na naman ito. Tumatawag si Frances. Sinagot niya iyon. “Hello, Frances, Isaac is still asleep. May I know why you called him up?” Nagpaliwanag itong may itatanong lang at may mga text messages daw itong wala raw reply mula sa nobyo niya. “Okay I’ll tell him that. Thanks. Bye,” aniya at tinapos ang tawag.
“That was Frances right?”
“At bakit? Gusto mong kausapin? Oh siya sige, ayan tawagan mo,” naiinis na sabi niya at inabot dito ang cellphone.”
“Do I sense jealousy huh?” Nakangiti lang ito sa kanya. “Halika nga dito nang mahalikan ko ang magandang honey ko.”
“Hindi! Bakit ako magseselos? H-hindi naman kita m-mahal! Naka-move on na ako at ikaw itong naghahabol sa akin kahit ayoko na! Naaawa ako sa ‘yo, hindi ko alam kung bakit.”
“I see,” walang emosyong sabi nito at tumango lang. Nagbihis na ito at lumabas ng kuwarto. Paglabas niya pagkalipas ng ilang minuto ay nakita niyang nag-aayos na ito sa kusina. Nakapagluto na pala ito ng paborito niyang sopas na itinuro dito ng tatay niya kung paano lutuin. “Sit down, and we will eat now.”
“O-okay.” Tahimik lang sila habang kumakain na parang hindi sila magkakilala. Nang matapos ay nagligpit na ito ng pinagkainan nila at sinabihan na siyang maligo. Sumunod naman agad siya at pagbalik sa kuwarto ay ito naman ang pumasok ng banyo. Uminom na muna siya ng gamot at vitamins habang hinihintay ito. May guilt pang nagpipilit na manggulo sa sistema niya dahil sa mga sinabi niya rito. Siyempre nagseselos siya pero ayaw niyang malaman nito iyon dahil baka abusuhin na naman nito ang pagmamahal niya. Maayos na sana sila at sasabihin na niyang mahal niya ito kung hindi dahil sa ex-girlfriend nito. Mabait naman ang babae pero hindi ba nito alam na magkakaanak na sila? Hindi ba nito alam na girlfriend siya nito? Pagkalipas ng isang oras ay lumabas siya ng kuwarto at nakita niya ito na nakaupo lang sa couch at nakatingala sa kisame.
“Do you need anything?” Tumingin ito sa kanya nang mataman.
“Ahh itatanong ko lang kung pwede na tayong pumasok bukas.”
“Okay lang. Ikaw ang bahala. Ang sabi ko kanina sa Wednesday na tayo papasok pero kung gusto mong pumasok bukas, papasok na tayo bukas.”
Muli siyang pumasok ng kuwarto at naiyak dahil sa malamig na pagtrato nito sa kanya. May Frances na nga na tumatawag dito, magtatampo pa sa kanya. Naiinis siya pero nalulungkot siya dahil parang gumuho ang kanyang positibong tingin sa relasyon nila. Pero hindi niya kayang tiisin ito. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Tiffany sa kanya na minsan ang pride at mistrust ang gumugulo sa maayos na relasyon. Kung may misunderstanding man ay mas magandang pag-usapan muna. Lumabas na siya ng kuwarto at nakitang ganoon pa rin ang ayos ni Isaac. Tumabi siya rito at niyakap niya ito nang mahigpit. “Sorry, Baby Pogi,” sabi niya rito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
Naramdaman niyang yumakap din ito sa kanya. “Okay na iyon.”
“Nagseselos ako,” nahihiyang sabi niya.
Pinakawalan siya nito at ikinulong sa mga palad nito ang mukha niya. “Do you mean that?”
“Oo, alam mo namang gustung-gusto kita. May tumatawag pa sa ‘yo,” sabi niya at ngumuso pa bago muling yumakap dito.
“Honey, huwag ka nang magselos. I told you, Frances is just a friend.”
“Pero bakit ang sweet niyo noong makita ko kayo noong binyag ng mga anak nina governor?”
“Hindi naman sa ganoon. Kaibigan ko kasi iyon. Wala namang ibig sabihin iyon.”
“Ano ba kayo dati? Baka may unfinished business kayo.”
“Wala nga. Ikaw talaga, honey. We are just friends.”
Hindi nito sinabing ex nito ang babae kahit alam na niya. Nagsinungaling na naman ito sa kanya kahit tinanong na niya ito tungkol sa nakaraan nito. Hindi ba nito kayang magtiwala sa kanya? Mahal ba talaga siya nito? Baka mahal siya nito pero maliit lang kung ihahambing sa babae. Pakiramdam niya ay may alambreng bumubutas sa puso niya at naglalabas-masok doon. “Isaac, pinagbabawalan na kitang makipagkita sa kanya dahil nagseselos ako. Huwag mo akong tawanan!” Naiinis siya dahil tinawanan lang siya nito na parang batang nagtatantrums.
“Sorry na honey. I can’t help it. Masaya kasi sa pakiramdam kahit politically incorrect tingnan. Para bang mahal na mahal mo ako at sa ‘yo lang ako.”
“Hindi ko alam pero baka malapit na kitang mahalin ulit kaya huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan ha!”
“Opo, honey,” nakangising sabi nito at kinarga na siya papasok ng kuwarto. “But on one condition.”
“Ano iyon?”
Ibinaba muna siya nito pagpasok ng kuwarto at hinapit. “Feel that? The big man has been asleep for three days. It needs some exercise.”
“Iyan, diyan ka magaling! Hmp! Hubad na!”
“Napakasweet mo talaga,” natatawang sabi nito at pinanggigilan ang buong mukha niya.
“Umupo ka na nga,” nakangiti nang sabi niya. She unbuttoned her pajama top one by one. Her smile became wider when she saw how his adam’s apple moved while looking at her like a nymph. Oh boy, the man was at her mercy, and she was more than willing to spare him some. When she was done, she asked him to lean on the headboard, and he did. When their lips met, that was the start of their passionate act that seemed to get better and hotter as time went by.
KINABUKASAN din ay pumasok na sila kahit antok na antok pa ito. Ganoon na ganoon pa rin ito kaya natawa siya. Siya itong buntis pero ito ang matakaw matulog. Oh well, it should not be surprising at all. They were still awake humping like rabbits even after midnight. “Oh ano, puro ka harot, ngayon inaantok ka?” Sinesermunan niya ito habang hinahainan ng pagkain. “Wala mahina pala ito,” pang-aasar niya.
“Woman! Pagod lang ako kahapon dahil nag-drive ako. Kapag nakabawi ako ng pahinga, babawian din kita,” sabi nito at biglang ngumisi na ikinapula ng mukha niya. “Oh my honey is blusing. Excited to get me to bed, honey?” Tumaas-baba pa ang kilay nito habang nakangisi na para bang nagsasabing gagawin talaga nito ang mga sinabi. Para bang biglang naging mainit sa kusina at gusto niyang lakasan pa ang electric fan. “I know what you’re thinking. You can take me now all day, honey.” Sa klase ng ngisi nito ay para bang nangangako ito ng walang kapantay na ligaya.
“Tse! Diyan ka sa couch mamaya matulog!”
“Honey naman biro lang, hindi na, sige na,” kunwaring nagtatampong sabi nito na ngumuso pa kaya hindi niya napigilang dampian ng halik ang mga labi nito.
“Ang cute mo talaga,” aniya at pinisil ang pisngi nito. Nang matapos silang kumain ay pinauna na siya nitong maligo dahil ito na ang nagligpit ng pinagkainan. Ito kasi ang boluntaryong tagapagluto pero dahil tulog na tulog pa ito, siya na ang nagluto ng almusal at snacks nila. Nang makapagbihis ay nasa banyo pa si Isaac kaya nang tumunog ang doorbell ay binuksan na niya iyon. Pagbukas niya ng gate ay si Jennifer iyon. Pinapunta raw ito doon ni Leandro dahil may ipapakitang dokumento kay Isaac. May service naman para dito kaya hindi na nila kailangang ihatid sa munisipyo ang babae. “Naliligo pa si Isaac eh. Patapos na naman iyon.”
“Sana topless ulit siya or naka-underwear lang. Jusme ma’am para akong magha-hyperventilate last time.”
“Ano ka ba? Belle na nga lang ang itawag mo sa akin. Mag-behave ka diyan ha! Akin na siya, maghanap ka na lang ng iba.”
“Honey, ready na tayo ha.” Narinig niya ang papalapit na boses ni Isaac at nakita niyang napanganga ang secretary ni Leandro nang makita nila itong nakatapis lang ng tuwalya.
“Jennifer, ikaw pala. Oo nga pala, may ipinapahatid na dokumento si Leandro. Magbibihis lang ako,” sabi nitong parang wala lang.
“Hoy babae, isara mo naman iyang bibig mo.”
“Ang sherep!” Impit itong tumili.
“Ano ka ba? Tumigil ka nga diyan ha! May tatak ko na iyan.”
“Okay lang iyan, ma’am.” Naglabas ito ng pamaypay at nagkunwaring init na init sa paligid. “Hindi ko kinakaya talaga! Paano niyo ba natitiis na hindi dahasin si mayor? Hindi na iyan makakalabas dito kung ako ang asawa niyan. All day all night walang kawala iyan sa akin dahil uubusin ko ang energy niya,” malisyosang sabi nito at lalong tumawa nang pagsabihan niya. “Naku, Ma’am Belle, huwag niyo na talagang pakakawalan iyan si Mayor dahil aagawin ko siya sa inyo kapag nabawasan ako ng twenty pounds,” sabi nito na ikinatawa niya. “Pero aminin niyo na kasi ma’am, hot talaga si Mayor Lagdameo.”
“Oo na nga, hot naman talaga iyang si Isaac kaya binabakuran ko talaga.”
“Nagseselos na naman ang honey ko,” sabi ni Isaac na bumulong sa gilid ng tainga niya at yumakap sa kanya habang nakatalikod siya.
“Tse!” Natawa na naman siya nang makitang kumunot ang noo nito dahil bigla na namang tumili si Jennifer dahil sa kilig. “Oh honey, crush na crush ka pala nitong secretary mo,” biro niya na ikinatawa lang nito. Mabilis lang din na ipinaliwanag ng babae kung para saan ang dokumento at ipinakita ang mahahalagang bahagi na kailangang basahing mabuti. Nang lumabas ito ay akala niya lalabas na rin sila pero lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Napasinghap siya nang maramdaman ang bahagi nitong tumatama sa ibabang bahagi ng likod niya. “Isaac ha!”
“Sige na honey, isang beses lang please.”
“Hindi pwede! Mamaya na lang.” Magpoprotesta pa sana ito pero wala itong nagawa nang kumawala siya at hatakin ito palabas ng bahay.
IT was already past ten in the evening when Belle woke up. Nakatulog siya pagkatapos nilang maghapunan ni Isaac dahil sa pinaghalong pagod at puyat. Pero hindi siya yakap nito dahil wala ito sa tabi niya. Naisip niyang baka nasa banyo lang ito. Dalawang gabing magkasunod na nagigising siyang wala sa tabi niya ito. Pero kagabi ay hindi niya malabanan ang antok kaya hindi niya na inintindi dahil naisip niyang nasa banyo ito. Ngayon ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Paglabas niya ng kuwarto ay pumunta siya sa kusina at banyo pero wala ito doon. Nang silipin niya ang labas ay wala doon ang kotse nito.
Hindi siya mapakali dahil hindi naman ito nagsabi kung saan pupunta. Wala rin itong iniwang message or note kahit text message at chat man lang. Nang mag-online siya ay nakita niyang may chat si Pamela na nagtatanong kung nasaan siya. Ang dami pa nitong tanong tungkol sa kanila ni Isaac bago ito tumawag para mag-usap sila. Maya-maya ay bumuntung-hininga ito at sinabing ayaw siyang pangunahan nito pero pakiramdam daw nito ay ganoon pa rin ang lalaki. Tinanong naman niya ito at sinabi nitong nasa restaurant ito kasama ang mga kaibigan. Nandoon din daw si Isaac kasama ang isang babae. Nang ilarawan nito ang babae ay nakumpirma niyang si Frances iyon. Pagkatapos ay nag-send ito ng picture na magkayakap ang dalawa at sumunod ay video na nag-uusap ang mga ito habang nakaupo nang magkatapat. Hawak pa ni Isaac ang kamay ng babae habang nakangiti rito. Inilapag niya na ang cellphone sa bedside table, at napahagulgol na lang siya sa mga palad niya. Hindi pa rin ito nagbabago dahil ganoon pa rin ito.
Para bang may bombang sumabog na pati puso at kaluluwa niya ay nasugatan at nadurog. Parang may dam na bumukas at walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya. Kung kailan handa na siyang ipagkatiwalang muli ang puso rito saka na naman ito gumawa ng kalokohan. Dalawang beses na niya binalak sabihin iyon sa lalaki pero dalawang beses ding naantala na ipinagpasalamat niya. Mukha kasing hindi pumapayag ang kanyang sitwasyon na paluhain siyang muli ng lalaki. Pagkalipas ng isang oras ay dumating na ang lalaki. Humiga na siya at nagtalukbong para magpanggap na tulog. Nang pumasok na ito ng kuwarto ay lalo niyang ginalingan ang pagkukunwari. Nang tumabi ito ay marahan nitong inalis ang kumot sa pagkakatalukbong niya at kinabig siya payakap dito. Saktong tapos na rin siyang magpunas ng luha. Bumulong pa muna ito. “Goodnight, my honey Belle.” Pinigilan niyang dumilat dahil siguradong maiiyak na naman siya at makikita rin nitong namamaga pa ang mga mata niya. Naunawaan niyang sa pagkakataong iyon na mula noon ay ang babae ang mahal na mahal nito at siya ay isang hamak lang na rebound para dito.