Chapter 27: Ambush Proposal

Tarantang naglalakad si Belle pabalik-balik sa kuwarto niya. Doon na sila natulog ni Isaac dahil sa pamimilit ng mga magulang niya. Pagtingin niya ay nakakunot lang ang noo ni Isaac at nakangiti sa kanya. “Hindi ako natutuwa sa ‘yo!”

Tumayo ito nang nakangiti pa rin bago siya niyakap nang mahigpit. “Bakit na naman naiinis ang honey ko?”

Pumiksi siya at hinampas sa braso nito pero tinawanan lang siya. “Ginamit mo pa iyung pagkakataon para ma-corner ako! Bakit mo sinabing buntis ako? Bakit hindi mo hiningi muna ang opinyon ko bago mo sinabi iyon? Mga magulang ko iyon para pangunahan mo ako!”

Naiinis na tumingin siya sa mukha nito. Hindi na ito nakangiti. Para na itong naaalangan bago muling ibinuka ang mga braso. “Come, honey,” anito pero hindi siya lumapit. Muli lang din nitong ibinaba ang mga braso at bumuntong-hininga. “Ako ang lalaki, ako ang ama, ako dapat ang magsabi.”

“Puro ka pride at ego. You have a planet for your ego, man! Paano ako? Ayokong magpakasal sa iyo!” Hinubad niya ang engagement ring at binalik dito. “Kunin mo!”

“Ayoko,” napapailing na sabi nito. “Isuot mo na iyan, Belle, please. Pumayag ka na.” Muli itong lumuhod sa harap niya. “Please marry me, Belle. I'm really sorry if I did not consider your feelings earlier. I admit natakot ako kay Tatay. Hindi ko itatangging naisip kong gawing pagkakataon iyon para mag-propose. I thought it was romantic. Apparently, I was wrong,” malungkot na sabi nito at yumuko.

Ilang minuto lang itong nakaluhod at nakayuko. Para naman siyang nakaramdam ng guilt dahil sa outburst niya. Hindi man niya aminin ay medyo sumobra siya pero naiinis siya rito. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong magdesisyon dahil hindi naman simple ang relasyon nila. “What’s your plan now?”

Muli itong nag-angat ng tingin sa kanya. “Ikaw, bahala ka sa akin. Ano bang gusto mo? You got me wrapped around your fingers. Pakasalan mo lang ako, ikaw na ang bahalang magdesisyon.”

Naluha siya sa sinabi nito. “Nakakainis ka! Huwag ka ngang ganyan. Kapag hindi ka tumayo hindi ko ito isusuot!” Tumayo ito at inabot niya ang singsing. “Isuot mo ulit iyan sa akin!”

“My Belle, my honey, will you marry me?”

“Yes,” sabi niyang pumiyok pa at inabot pa ang kaliwang kamay dito kaya natawa na ito bago isinuot sa kanya ang singsing at niyakap siya nang mahigpit.

PASADO hatinggabi na ng maalimpungatan si Belle. Nakita niya si Isaac na nakatayo sa harap ng bintana. Nakapatong lang ang mga kamay nito sa pasimano at nakatanaw lang sa kawalan. Oh how she loved the sight of him. They would get married, knowing that he cared for her. He didn't say he loved her. That was the sad thing, but maybe love would spring from it. How she wished he would love her, too. But, her mind was still full of doubts. Kanina habang naliligo ito ay may message na naman si Frances at nagtatanong kung nababasa ba nito ang messages. Humihingi pa ito ng pasensya dahil baka nakakaabala na rito. Binura niya muli iyon dahil iniiwasan niya nang magkaroon ng koneksiyon ito sa lalaki. Bumangon siya at lumapit dito para yumakap sa likod nito. Naramdaman niyang parang natigilan ito bago hinimas ang mga kamay at braso niyang nakayakap dito.

“Ang sarap namang yumakap ng fiance ko,” anito at humarap sa kanya. “Bakit ka bumangon? Nagugutom ka ba?”

“Hindi,” aniya at muling yumakap dito. Niyakap din siya nito at kinarga papuntang kama. “Okay ka lang ba?” Nang tingnan niya ito ay halatang malalim ang iniisip nito. Ngumiti lang ito sa kanya bago tumango.

“Tulog na, honey,” aniya at kinantahan pa siya. He could actually sing, and so she gave him a kiss for that. Nakangiti lang siya habang pinapakinggan ang pagkanta nito at nakakulong sa matitipunong mga braso nito.

Hindi niya na namalayang nakatulog siya at maliwanag na ang paligid nang magising siya. Tumatagos ang sikat ng araw sa kurtinang bahagyang hinahangin. Bumangon na siya at napangiti nang makita itong nagsisibak ng kahoy. Holy guacamole! His body was indeed a magnificent work of art. Hindi na niya namalayang kagat na niya ang ibabang labi habang pinagmamasdan ang pag-igting ng biceps at triceps nito habang itinataas at ibinabagsak ang palakol. Nang huminto ito ay nakita niyang tapos na ito sa pagsisibak. Nagsalin ito ng tubig sa baso at nang mapatingala ay nakangiti itong kumaway sa kanya. Habang umiinom ito ng ay nakita niya ang mga pawis na naglalandas sa katawan nito. Para bang may stunts ang mga iyon na nasa obstacle course habang dumadaan sa abs nito. Napaangat lang siya ng tingin nang marinig ang malakas na pagtikhim nito. May naglalarong pilyong ngisi sa mga labi nito at mukhang alam ang naiimagine niya. Inirapan niya lang ito at tumalikod na sa bintana. Nagdala siya ng tuwalya at pamalit na shirt nito bago bumaba.

Paglapit niya dito ay nakaupo na ito at nagpupunas na ng katawan. Nakangisi pa rin ito sa kanya nang makita siya at abutin ang mga dala niya. “Huwag kang ngumisi! Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Pawis ka!” Tumili siya nang niyakap siya nito.

“Ang sungit naman ng honey ko. Ang aga pa, masungit na kaya lalong gumaganda eh. Huwag mo na akong awayin, hindi ko naman kasalanan na nabibighani ka sa abs ko,” tumatawang sabi nito.

“Ang baho mo! Amoy-araw ka na!” Mabangong-mabango ito kahit pawis na pawis. Amoy safeguard na ginamit nito kagabi sa pampaligo.

Biglang kumunot ang noo nito at inamoy ang sarili lalo na sa bandang kilikili. “Hindi naman ahh! Kahit kapag nasa gym o nagba-basketball kami, hindi naman ako amoy-araw o putok.” Bigla nitong kinabig ang batok niya at isiniksik ang mukha niya sa kilikili nito. “Magsawa ka muna sa amoy ko, my honey Belle.”

“Bwisit ka!” Tawa lang ito nang tawa habang inginungodngod siya sa katawan nitong mabango pa rin. Nang magsawa ay pinagpapalo niya ito at pinunasan na ang pawis nito. Muli siyang yumakap dito at kinagat ito sa balikat.

“Aray, honey, pinaggigigilan mo ako. I know, I know I’m delicious, better than gambas and nilagang baka. Bite me, eat me, I won’t complain,” bulong nito sa tenga niya na parang inaakit siya. “Pero mag-breakfast na muna tayo. Mamaya, magle-lechon kami ni tatay."

“Thank you!” Niyakap niya ito bago kinintalan ng halik ang mga labi nito at tumayo. “Gutom na talaga ako, Isaac.”

“I’m coming,” sabi nito at parang bagong kasal na kinarga siya nito paakyat ng bahay. Nang mapatingin siya sa mga magulang ay nakita niyang nakangiti lang ang mga ito sa kanila.

Habang nag-aalmusal ay pinagmamasdan lang niya itong inaasikaso siya. “Isaac, okay lang ba dito muna tayo hanggang bukas?”

“Sure, Sunday naman bukas. Tuesday na tayo papasok para makabawi naman sa dami ng overtime natin. Kaya kahit sa Monday na tayo umuwi kung gusto mo.”

“Okay, sa Monday na tayo uuwi. Ang kisig mo habang nagsisibak ka ng kahoy.”

“Alam ko, kaya ka nga nakatitig sa katawan ko kanina eh,” sabi nito bago malakas na humalakhak, “Ganito pa ang hitsura mo,” anito at eksaheradong kumagat pa sa mga labi nito pero totoo namang napakagat siya sa mga labi niya.

“Nakakainis ka! Hindi ako ganyan! Pa-demure naman ako kahit paano,” sagot niya at muling tinampal ito.

“Aray naman, honey! Lagi mo na lang akong binubugbog. Tingnan niyo naman, ‘Tay, ‘Nay, bugbog-sarado ako dito sa misis ko,” pagsusumbong nito kunwari bago siya mabilis na hinalikan sa pisngi.

HINDI pa rin makapaniwala si Isaac na nagsisimula na silang bumalik sa dati ni Belle. Oh God, he loved her so much. He could not make it without her. His nights have been lonely and cold in the last year. He couldn’t believe he survived a year without her. But, he could not go on pretending he did not love her. He was just a jerk who did not know how much he loved and needed her. The only thing was Belle was no longer in love with him. It was still breaking his heart. He even wondered if Belle would still love him or if it was just because of libido. She said herself that women experienced heightened sex drive during pregnancy. Even before he found out she was pregnant with her child, Belle said she wanted him, his body, and the pleasure he gave her.

He wondered if he could make her fall in love with him again. He was afraid she just wanted to have sex with him. But, he did not want to entertain that thought. He knew deep within him there was still another chance for them. The way Belle hugged and kissed him, the way she called his name whenever they made love, it was as if he was the only man she had ever loved. He also knew Belle had been deleting all Frances messages. That made him happy and yet worried at the same time. He wished her jealousy and possessiveness would become love. Hindi niya isusuko si Belle dahil mahal na mahal niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Ang totoo ay plano iyon ni Frances para mapaamin si Belle na mahal pa siya nito. Mukhang malaki ring tulong iyon dahil sweet na ulit ito sa kanya kaya lalo naman din siyang nagpapaka-sweet dito. Gusto niyang maramdaman nito ang pagmamahal niya bilang kabiyak nito at sa magiging anak nila.

May tumikhim mula sa pinto ng sala at nakita niyang ang tatay ni Belle iyon at sinenyasan siyang bumaba sila. Naglakad sila papuntang taniman at pumuwesto sa pahingahan ng mga magsasaka na bakante naman. “Isaac, hijo, magkuwento ka nga kung paano kayo nagkakilala at naging magkasintahan ng anak ko.”

Nahihiya man ay ikinuwento niya rito ang lahat pati ang ilang beses na pagpapaiyak niya sa anak nito. Nang matapos siyang magkuwento ay inabutan siya nito ng isang malinis na tuwalya para punasan ang mga luhang pumatak na pala sa mukha niya. “Mahal na mahal ko po si Belle, ‘Tay. Marami po ako naging pagkakamali pero gusto kong bumawi at maging asawa niya hindi lang dahil sa magkakaanak na kami. Gusto ko po talagang magkaanak kami para bumuo kami ng masayang pamilya.” Napatango lang din ito at tinapik ang kanyang balikat. Napangiti siya nang ilahad nito ang isa nitong kamay sa kanya at tanggapin nito bilang mapapangasawa ng anak nito na mahal niya.

Nang makabalik sila sa bahay, natawa silang magbiyenan nang makita si Belle na halatang naiinip sa paghihintay sa kanya. Nilapitan niya agad ito at niyakap. “May pinuntahan lang kami ni tatay, honey, sorry na.” Nakahinga siya nang maluwag nang bumaba ang kilay nito at dinampian siya ng halik sa mga labi.

PINAGMAMASDAN ni Belle sina Isaac at ang tatay niyang halatang magkasundo na. Parang magtatay at magkaibigan na ang mga ito kung magbiruan. Napapangiti na lang ang nanay at mga kapatid niya sa mga ito at halatang itinutukso siya lalo sa mapapangasawa niya. “Kumain ka pa,” aniya at nilagyan pa ng pagkain ang plato nito.

“Ikaw din, para hindi magutom si baby,” malambing na sabi nito at sinandukan siya ng kanin at ulam.

Napangiti lang siya dito at maganang kumain. Lalo lang din tuloy siyang naiinlove sa lalaki. Hindi niya ito papakawalan ngayong nagpapaka-ideal boyfriend at husband ito sa kanya. Sabi nga nina Tiffany at Dorothy na sikat na singer na naging kaibigan na rin niya, huwag niya nang pakawalan si Isaac. Halata naman daw na mahal na mahal siya nito at nagbago na. Sinabi rin niya ang alalahanin niya na ipinangako ng mga itong sikreto lamang nila. Nagbigay lang ang mga ito ng mga payo sa kanya kung paano masisigurong hindi ito maaagaw ng kahit na sino at mamahalin na siya nito. Pero siya pala ang lalong maiinlove dito dahil sa mga magagandang katangian nitong mas lumabas nang muli silang magsama. Nakita rin niya kung paano nito pakitunguhan ang pamilya niya na parang pamilya rin nito. Alam niyang hindi likas na magiliw sa ibang tao si Isaac, but he won them all in the wink of an eye.

Bumulong ang ate niya sa kanya. “I perfectly understand now why you fell in love with that sexy ex-congressman, mayor, and fiance of yours.”

“Ate! Akin na siya!”

“Luka-luka,” natatawang sabi nito. “He was a walking contradiction. He looks like he is ready to fight in a boxing ring, but he can be very charming and gentle. Keep him. He loves you so much. Sana maging kamukha niya itong pamangkin mo,” sabi nito at humimas pa sa tiyan nito.

“Naku, ate, baka mag-away pa kayo ni bayaw kapag nagkataon. Basta, akin na iyang si Isaac, bawal agawin at pagpantasyahan,” biro niya na ikinatawa naman nito. Lumingon sa gawi niya sa Isaac at pinisil ang isa niyang kamay bago hinalikan. Napangiti siya lalo sa sweet gestures nito. Talagang mahal na mahal niya ito at sasabihin na niyang mahal na mahal pa rin niya ito kahit may pagdududa pa siya.