Chapter 26: Cheesy Again
Hapon na nang muling magising si Belle. Awtomatikong napangiti siya nang bumungad ang nakangiting mukha ni Isaac habang yakap siya. “Good afternoon, my pretty girlfriend. What do you want to eat?”
“Good afternoon, my handsome boyfriend,” aniya at mabilis na hinalikan ito sa mga labi. “Gusto namin ni baby ng Gambas Al Ajillo. Do you know how to cook that?” Natawa siya nang napakamot lang ito sa batok.
“Pasensya na, honey ha. Puro prito pa lang ang kayang lutuin ng gwapong boyfriend mo eh.”
“It’s okay. Pwede bang magpabili ka na lang ng hipon? Ako na lang ang magluluto para tuturuan din kita.” Nakangiting tumango ito at tinawagan ang isang bodyguard nito para magpabili ng hipon. Meron naman siyang mga ingredients doon. Mismong hipon lang ang wala dahil hindi niya pinapatagal sa fridge ang seafoods para masigurong sariwa ang mga iyon.
Pagkalipas lang ng wala pang tatlumpung minuto ay dumating na ang ipinabiling hipon ni Isaac. Malalaki ang mga iyon kaya natuwa siya dahil mas masarap iyon na gawing putahe. Hinugasan niya agad iyon habang nakayakap sa likod niya ang kanyang boyfriend. Minarinate niya iyon sa lemon bago humarap dito. “Oh twenty to thirty minutes pa ito para kumapit ang lasa. Hubad na,” masungit na sabi niya. Napangiti siya na parang batang tumawa ito na sapo pa ang tiyan. Matagal niya nang hindi ito nakitang tumawa nang ganoon, noong unang beses pa na may mangyari sa kanila. Bigla niya tuloy itong niyakap nang mahigpit. “I missed you, Isaac,” malambing na sabi niya.
Iniharap siya nito at pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang namalisbis na sa kanyang pisngi. “I missed you, too, honey. Pasensya ka na sa boyfriend mo ha.”
Natatawang tinampal niya ito sa dibdib. Medyo malakas iyon kaya nasamid ito na tinawanan lang niya. “Kapal mo! Nang dahil sa ‘yo naging iyakin ako.”
“Sorry na nga. Hindi na mauulit, honey, promise,” masuyong sabi nito at muli siyang niyakap. Ilang minuto silang magkayakap. Nang maghiwalay sila ay bigla itong ngumisi. “Undress me, honey.”
“Hoy lalaki, gusto ko lang malaman mo na nasa first trimester ako ng pagbubuntis kaya ganito ang pakiramdam ko ha,” defensive na sabi niya nang maalis ang shirt nito.
“Whatever you say,” biro nito pero nasamid na naman ito nang dibdiban niya ito. “Honey naman, medyo masakit iyon ah. Hindi pa tayo mag-asawa, battered boyfriend na ako sa ‘yo,” nakangusong sabi nito bago muling ngumisi at itinuro ang mga labi. “Kiss me.”
“Heh!”
“Sige na, please,” malambing na sabi nito.
“Oo na.” Magaan na halik ang ibinigay niya rito na lumalim hanggang sa maging mas maalab iyon at muli silang mag-isa. They took their sweet time and heated up the whole kitchen with their whimpers of pleasure.
“Thank you, honey,” nakangiting sabi nito habang binibihisan siya. Parang walang nangyaring binalikan niya ang minamarinate at mabilis na naghiwa ng bawang at sibuyas bago iginisa. Nang makitang maayos na iyon ay saka niya inilagay ang red bell pepper kasunod ang mga marinated na hipon. Nakasanayan nang inaalis niya ang balat at ang veins sa gitna ng katawan nito na sabi ay primary source ng hypertension. Habang hinahalo iyon ay saka niya inilagay ang tomato sauce at kulay green na sili. Patapos na siya nang maalalang wala siyang tapuy o rice wine kaya nag-imbento na lang siya gamit ang suka at asukal bago niya binudburan ng asin at paminta. Hinalo niyang muli ang niluluto at tinikman na nagustuhan naman niya bago in-off ang stove. Nakangiti ang kanyang nobyo na inayos ang mesa at pinagsilbihan siya. “This is really good, honey. Ang bilis lang palang lutuin nito,” masayang sabi nito na halatang magana sa pagkain dahil nakakailang sandok na ito ng kanin para sa kanilang dalawa.
“Naku baka lumaki ang tiyan mo. Mawawala ang abs mo, matatalo ka ni Lucas,” pang-aasar niya.
Halatang nainis na naman ito dahil sumimangot bago sumagot. “That will never happen.”
“Iyan, ganyan nga, mas magsungit ka, mas pumu-pogi ka eh,” natatawang sabi niya.
“Ikaw talaga,” nakangiting sabi nito pero halatang medyo naiilang.
“Uy nahihiya iyung mayor pogi ko,” lambing niya at kinurot ang mga pisngi nito bago pinaliguan ng halik ang buong mukha nito pero sa huli ay hinuli rin nito ang mga labi niya. Missed na missed niya ang ganoong pakiramdam na malaya siyang halikan at panggigilan ang ama ng bata sa sinapupunan niya. Mahal niya ito at susubukan niyang maniwala rito pero hindi pa siya handang umamin ng nararamdaman dito dahil medyo nababahala pa talaga siya kay Frances. Lukaret na siya kung lukaret pero kahit sino ay ganoon ang mararamdaman kapag nalaman ang tungkol sa mga ito at nababasa ang messages nito.
“Honey?”
“Yes?”
“Kailan mo ako ipapakilala sa parents mo?”
“Are you serious, Isaac? G-gusto mo ba talaga?”
“Okay lang naman,” nakangiting sabi nito.
“S-sige.” Her heart sank. Okay lang daw pero ang dating sa kanya ay okay lang out of formality at hindi dahil gusto nitong makilala ang pamilya niya bilang boyfriend niya. Pero iwinaksi din niya ang pagtatampo at sinubukan ding irationalize ang sagot nito. “Mamayang dinner, okay lang?”
“Seryoso ka? Game, honey. Then the day after tomorrow, I’ll introduce you to my family. We’ll have dinner and sleep there,” anito at mabilis na iniligpit ang pinagkainan nila. “Ligo na tayo,” nakangising sabi nito at binuhat siya papuntang banyo. You can do whatever you want,” pilyong sabi nito.
“Masyado kang maharot, medyo OA na ha, Isaac,” sermon niya na tinawanan lang nito. Nang makaligo at makapagbihis ay nag-empake ito ng damit dahil nagdesisyon itong sa hotel na lang sa bayan nila sila magpapalipas ng gabi dahil halos dulo na iyon ng lalawigan. Mahigit dalawang oras ang biyahe kaya ayaw nitong matagtag siya sa biyahe.
Isinakay na nito sa paborito nitong Ford Raptor ang mga bag nila at inalalayan siyang makasakay sa tabi nito. Nang makasakay ito ay yumakap siya dito nang mahigpit dahil natutuwa siyang ingat na ingat ito sa kanila ng baby nila. “Ang sweet naman ng honey ko. Honey, bahala ka baka ipasok kita ulit sa bahay. Alam mo na,” anito at kumindat pa.
Pinalo niya ito sa braso at napahalakhak. “Puro ka ganyan ha! Hmp mamaya na lang!”
“Talaga ha? I’m looking forward to another countless lovemaking tonight.”
“Ang bibig mo, Isaac ha,” aniya at tinampal ang bibig nito pero agad din niyang inalis iyon nag dilaan nito iyon. “Kadiri mo!” Muli lang tumawa ito at kumindat saka pinaarangkada na ang kotse nito. Dahil ingat na ingat ito sa pagmamaneho ay halos tatlong oras ang naging biyahe nila. Nang makarating sila sa San Jose ay napangiti siya nang makita ang mga paborito niyang lugar. Napatingin siya sa Simbahan ng San Jose. Doon niya kasi ipinagdasal na sana makilala niya ang kanyang mapapangasawa sa Santiago. Hayun nga at nakilala niya si Isaac. Ipinagdasal din niya dati na sana ay balikan siya nito nang mga panahong iniwan siya nito pagkatapos may mangyari sa kanila. Muli siyang tumingin kay Isaac na tumaas lang ang isang kilay na nagtatanong kung bakit. “Payakap ulit ha,” aniya at niyakap ito nang mahigpit. “Isaac, don’t blow this chance again ha. Hindi ka na makakabalik sa amin ni baby kapag umulit ka pa!”
“Opo, honey,” nakangiting sabi nito at pinisil ang baba niya. Inihinto muna nito ang sasakyan sa gilid ng daan. “I just want you to know that I will take care of you and never make you sad again. I won’t let you go. Sayang lang at hindi mo na ako mahal, mas masaya sana pero wala eh. Napakabagal ko. Mabuti na lang at bukas pa ang puso mo para sa akin. I swear to you, I’ll make you fall in love with me again.” He kissed her tenderly without urgency. That was the kind of kiss they shared the night they first made love and the night they broke up. She was worried and hopeful at the same time. At least he already said he needed her many times. She really would have been jubilant if not for Frances and their constant meetups. Of course, she would not give up without a fight. She knew she was bound for another heartbreak, but she must give themselves another chance.
Muli nitong pinaandar ang sasakyan at ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na sila sa barrio nila. Hindi na maluwag ang daan dahil malapit na sila sa palayan pero kasya naman ang sasakyan ni Isaac. Medyo ma-traffic lang dahil saktong two-way lang ang daan. Natanaw na niya ang bahay at masayang pinisil sa braso ang kanyang nobyo. “Boyfriend, ayan na ang bahay namin.” Itinuro niya ang two-storey house nila. Makaluma ang disenyo niyon at capiz pa ang mga bintana pero gusto niya iyon. Walang air conditioner pero presko dahil malapit sila sa taniman at bundok.
“Maganda pala dito,” sabi ni Lucas at pinagmasdan ang paligid. “Do you want to live here, honey?”
“Oo,” sabi niya at tumango pa.
“Sige,” anito at mabilis siyang kinintalan ng halik sa pisngi bago bumaba ng kotse. Mabilis itong lumigid papunta sa pinto niya at inalalayan siya sa pagbaba.
“OA ka na sa pagka-gentleman. Oo na, kinikilig ako sa mga ganitong gestures mo!”
“Medyo mataas itong sasakyan ko. I don’t want to take chances kaya iniingatan ko ang dalawang baby ko,” malambing na sabi nito at niyakap siya.
“Oh siya sige, sweet ka na, pogi,” humahagikgik na sabi niya at pinisil ang mga pisngi nito kaya napaaray ito bago sila nagkatawanan. Nang matanaw niyang palapit ang mga magulang ay bumitaw siya kay Isaac at lumapit sa mga ito. “Nanay, Tatay, kumusta po,” sabi niya at nagmano sa mga ito.
“Kaawaan ka ng Diyos. Bakit ka pala biglang napauwi rito? Kumain ka na ba? Tamang-tama katatapos ko pa lang magluto, paborito mo, nilagang baka at chopsuey.”
“Wow! Ang dami naman, Nanay! Nandiyan ba sina ate at kuya?”
“Wala. Bukas pa uuwi. Iyung kapatid mong bunso pauwi pa lang galing paaralan. Tara pumanhik na tayo pero napahinto ang mga ito nang mapansin si Isaac. Mayor?”
“Magandang gabi po,” sabi ni Isaac at nagmano sa mga magulang niya.
“Kayo po si Mayor Lagdameo, hindi ba? Maraming salamat po sa paghatid sa anak ko. Nabalitaan ko nga pong kayo ang bagong boss ng anak ko."
“Nanay, Tatay, boyfriend ko po, si Isaac,” putol niya sa sinasabi ng mga ito.
“Boyfriend? Totoo ba iyan?”
“Totoo po, ma’am, sir.” nahihiyang sabi ni Isaac.
“Ganoon ba? Halina kayo at kakain na tayo,” masiglang sabi ng nanay niya.
“Tara na, M-mayor, sabi ng tatay niya.”
“Isaac na lang po, sir.” Tumango lang ang tatay niya bago pumasok sa bahay nila. “Honey, ayaw yata nila sa akin eh,” nahihiyang sabi nito at kumamot sa kilay.
“Loko!” Tawa siya nang tawa dahil kita niya ang pagbubutil ng pawis nito sa noo kaya pinunasan niya iyon ng panyo. Nang makapasok sila ay asikasong-asikaso sila ng mga magulang niya. Ang nanay naman niya ay ginawang celebrity si Isaac.
“Isaac na lang po ang itawag niyo sa akin. Huwag na po mayor,” nakangiting sabi ni Isaac.
“Ay okay kung iyan ang gusto mo, Isaac.”
“Ikaw ba ay seryoso sa anak ko?” Kahit siya ay kinabahan sa pagtatanong ng tatay niya. Hindi ito palakibo at bihirang magalit pero sa pagkakataong iyon ay parang nasa thesis defense na sila.
“O-opo, sir. P-pwede ko na po bang pakasalan si Belle?”
“Kasal ka diyan! Ano bang sinasabi mo?”
“Ahh ehh, ayaw mo ba? Gusto ko po talaga siyang pakasalan.” Pagtingin niya sa tatay niya ay umiiling lang ito bagaman halata ang pinipigil na pagngiti. Pero napahalakhak din ito sa inaakto nila. Marahil ay napansin nitong takot sa kanya ang nobyo.
“May sasabihin ba kayo?” Nakatingin lang sa kanila nang mataman ang tatay niya na wala nang bakas ng pagngiti.
“S-sir, buntis po si Belle. Ako po ang ama.”
“Sinasabi ko na nga ba.” Napailing ito na parang dismayado.
“Pero aalagaan ko po ang anak at apo niyo kaya nga po gusto ko na siyang pakasalan.”
“Aba’y magkakaapo na pala tayo, Berting. Huwag ka nang maarte diyan at pakakasalan naman pala si Isabel nitong mamanugangin natin.”
“Ikaw, Maria Isabel, papakasalan mo ba itong nobyo mo?”
Takot na takot siya sa tatay niya. Alam niyang kapag sinabi niyang hindi ay magagalit pa lalo ito. “O-opo! Opo. Pakakasalan ko po.”
Napatingin sa kanya si Isaac bago napangiti. “Yehey!” Natahimik ang hapag at muling nagsalita. “Babalik po ako. May kukunin lang po ako sa kotse.” Pagbalik nito ay naluha siya nang makitang masayang-masaya ito. “Belle, honey, will you marry me?” Napanganga siya nang biglang lumuhod ito at inilabas ang isang kahitang may singsing at diyamanteng kaya na yatang buhayin hanggang apo niya.
“Y-yes,” napipilitang sabi niya. Tumayo ito at isinuot ang singsing sa kanya bago siya niyakap at kinarga.
“Yes!” Tumatawa pa ito habang iniikot siya sa ere. Nang ibaba siya nito ay nagmano ulit ito sa mga magulang niya. “Maraming salamat po, itay, inay.” Muli itong lumapit sa kanya at niyakap siya. “Thank you, my honey Belle!”
Ngumiti lang siya dito nang pilit. Hinalikan siya nito sa pisngi bago niyakap nang mahigpit. “Nagugutom pa ako, Isaac. Kumain pa tayo,” sabi niya at muling umupo bago sumandok ng maraming pagkain sa plato niya.