Chapter 16: The Breakup
Kanina pa nakatulala si Isaac sa harap ng kanyang laptop. “What have I done?” Naihilamos niya ang kanyang kamay sa buo niyang mukha dahil nasira ang plano niya? Talaga bang marupok na ang kanyang self-control na isang hawak lamang nito ay bumibigay ang kanyang depensa. He wanted to punch his face for being a sissy. Paano niya pa masasabi rito ang balak kung kanina ay siya mismo ang ayaw nang pumasok para buong araw niyang makasama ito. Naalala niya pang nagmamadali itong bumangon dahil male-late na sila pero siya naman ang pigil nang pigil dito dahil gusto niyang matulog na lang sila at magpahinga. Kung hindi lang ito nagtanong kung wala siyang ibang planong gawin kung hindi humilata maghapon ay hindi niya maalala na kailangan nilang mag-usap. Heck. What’s wrong with him? It seemed that Belle already got him wrapped around her fingers. Hell no. That would never happen. He had to tell her everything so they could stop the act, part ways, and start anew. He was being more unfair to her, and he did not want to hurt her more.
When he went home, he realized he was in big trouble. There she was smiling at him like he was the most wonderful thing that has happened to her. She stood up and rushed towards him. “I missed you,” she said. “Where have you been? Late na. I was worried.”
He groaned inwardly. How could he hurt Belle? But if he did not do it, he would be hurting her even more. “Hey, I’m here,” he said and planted a soft kiss on her forehead. He changed clothes and went to the kitchen to have dinner with her. He looked at her and saw her staring at him. “Why?”
HINDI naman kailangan pang itanong kung bakit. He has been acting weird since they woke up. He was shifting moods extremely. He was cold yet extra sweet. And now, he looked vexed and bothered. “Out with it, Isaac,” she whispered. Hindi naman ito sumagot at ipinagpatuloy lang ang pagkain. Maya’t maya lang nitong hinahawakan at pinipisil ang kamay niya.
Nang matapos silang kumain ay ito muli ang naghugas ng kanilang pinagkainan. Tahimik lang siyang nakamasid hanggang sa mailigpit nito ang mga hugasin. “Let’s talk in the living room,” he said flatly. Nang makarating doon ay umupo siya sa couch at ito naman ay tumabi sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay at paulit-ulit na hinalikan bago siya niyakap nang mahigpit. Ilang minuto silang nanatili sa ganoong posisyon bago siya nito pinakawalan.
“I will listen to whatever you will say,” she said calmly. But deep within her, her whole system was shaking and rumbling. She was so anxious about what he had to say. She had a clue but did not want to entertain it. He belonged to her, and she was sure of it.
“You are so precious, and I have grown to care for you more than you could ever imagine.” He sighed. “You are so important to me that’s why it hurts me knowing I may hurt you with what I will say.” Tinitigan niya ito at kitang-kita ang paghihirap ng kalooban nito at pagkalito. Alam na niya kung ano ang sasabihin nito pero masokista nga yata siya at gusto pa niyang marinig ito nang buo. Siguro dahil kahit paano ay umaasa siyang iba ang sasabihin nito. At umaasa din siyang sasabihin nitong mahal din siya nito pero hindi pa ito handa sa mas seryosong relasyon. Sasabihin niya okay lang sa kanya iyon dahil mahal niya rin ito at iyon lamang ang mahalaga. Handa siyang hintayin ito basta sabihin lang nitong mahal siya nito. Susugal siya kung kinakailangan dahil ibinigay niya na ang lahat dito at handa siyang ibigay pa ang kung anumang natitira sa kanya. “But I’m afraid, this setup,” tukoy nito sa sitwasyon nila. “You and I are so compatible. But, I’m afraid it will not work. I’ve been wanting to tell you this since last night, but I had to muster enough courage to do so.”
“Y-you’re b-breaking up with me, right?”
“Yes,” seryoso nitong sabi bago bumuntung-hininga.
“I understand,” nakangiti niyang sabi at hinaplos ang pisngi nito. He had no idea how much it hurt her. It was like a bomb that exploded right in front of her. She died of too much pressure, burns, and wounds from the shrapnels. Pero parang mas tamang sabihing para siyang biglang sinaksak at lalo pang pinapalalim iyon at iniikut-ikot pa habang nagmamakaawa siyang tumigil na ito. There he was, the love of her life, her one true love, her one great love, the man of her dreams, crushing her for the upteenth time. Ganoon pala kasakit iyon. Akala niya imahinasyon lang iyon ng mga romance authors. No words could fathom how massive was the damage he inflicted on her. And to say that it was gut-wrenching was a gross understatement.
“Really?” Nag-aalala ito base sa tono nito pero hindi naitago niyon ang relief dahil siguro hindi nito inaasahang iyon ang magiging reaksyon niya.
“Yes,” aniya at kinuha ang isang kamay nito at itinapat sa dibdib niya. “It’s fine,” tukoy niya sa puso. “It’s still beating. It’s not breaking,” nakangiting sabi niya pero iba ang gusto niyang sabihin. Can you hear its sobs? It’s breaking into pieces. You broke it before, and now you’re breaking it again after telling me that everything would be alright. You left it again lifeless after you told me you’re mine. It’s breaking, Isaac, it’s breaking. You had no idea how I tried to survive the first two heartbreaks you caused me. Now, I don’t know how I can endure another one.
“Belle,” anito at niyakap siya pero agad din siyang kumawala nang nakangiti pa rin.
“Ano ka ba? Naiintindihan kita. Huwag mo nang pahirapin pa ito.” Sinugatan mo na nga, dinurog mo pa. Please huwag mo nang tapakan.
“I’m sorry. I’m sorry for all the pain I’ve caused you.”
Pain? So much pain, Isaac. Bakit ka naman ganoon? Bakit mo sinabing magiging maayos ang lahat? Bakit hindi mo sinabi agad noong mga panahong naglalambing ako sa iyo at paulit-ulit na sinasabing ikaw ang para sa akin? Maybe you were confused then. But it hurts. “Ganoon naman yata talaga siguro. At least we both know where we are headed for. So this is it,” natatawang sabi niya para pagaanin ang sitwasyon niya. Tumayo na siya at pumasok ng kuwarto. Kinuha niya ang maleta niya at mabilis na inilagay ang lahat ng mga damit at gamit niya. Gusto niya sanang sabihin ang mga na-practice niya kung sakali mang makipaghiwalay ito pero hindi pala siya ganoon katapang. Tama na marahil ang katotohanang sinaktan na naman siya nito nang labis. At least may natira pa siyang awa sa sarili. Nang matapos ay lumabas na siya ng kuwarto at nakitang sapo ng dalawang kamay ni Isaac ang mukha. “Goodbye, Isaac,” sabi niya at matipid na ngumiti rito.
“W-wait,” habol nito at pinigil ang kamay niya sa pagpihit ng seradura. Nagtataka siyang napatingin dito. “Y-you’re really leaving?”
“Iyon ang dapat gawin, hindi ba?”
“Y-you can stay here. It’s past ten pm.”
“Hindi na. Okay na iyon. Hindi magandang dito ako magpalipas ng gabi. Don’t worry I’ll get by.”
“You sure?”
“Yes,” aniya at lumabas na ng penthouse. Nang makarating na siya sa elevator ay nagsisimula nang umakyat sa kanyang mga mata ang lungkot pero pilit niya iyong nilabanan.
“B-Belle,” anito at mabilis na lumakad palapit sa kanya. “P-please stay,” anito at parang hirap na hirap sa pagsasalita.
“Y-you know I can’t, Isaac, kaya huwag mo na akong pahirapan, please,” malungkot na balik niya.
“Then let me take you home.” Hindi na siya nagreklamo rito at hinayaan itong bitbitin ang maleta niya. Wala silang kibuan sa biyahe hanggang sa maihatid siya nito sa bahay niya.
“S-sige, Isaac. Thanks.”
Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. Nang kumawala siya ay siniil siya nito ng halik at pinakawalan siya bago pa man tumugon. “You take care, honey. I’ll never forget you,” anito at inalalayan na siya sa pagbaba hanggang sa makarating sa tapat ng gate ng bahay niya.
“S-sige.” Hindi na ito sumagot at bumalik na ng sasakyan bago iyon pinasibad. Nang mabuksan ang gate ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay at hindi na nakaabot sa kuwarto ang mga luha niya. Tuluyan na siyang napahagulgol. Hindi na yata niya ito pwede pang mahalin. Paano na siya? Hindi na mukha nito ang una niyang makikita sa paggising sa umaga. Wala na siyang ipaghahanda ng almusal. Wala nang yayakap sa kanya sa malamig na gabi. Wala na siyang maririnig na malalakas na hilik sa madaling-araw. Hindi na niya ito muling mahahalikan at mayayakap kapag gusto niya itong lambingin. Sa ngayon ay iiyak muna siya bago mag-isip ng susunod na plano.
Paggising niya kinabukasan ay para siyang robot na naghanda papasok ng opisina. Ganoon siya buong araw. Mabuti naman hindi iyon napansin ni Leandro dahil abala ito sa dami ng trabaho. Naka-paternity leave na kasi ito sa susunod na linggo dahil next week na ang due date ng panganganak ni Tiffany. Kambal ang mga anak ng mga ito kaya mas hirap na sa pagkilos ito at bantay na bantay ng lahat. Nang oras na ng uwian ay para pa rin siyang de-bateryang laruan na lumabas ng opisina. Pero para siyang nagbalik sa realidad nang tumawid at matanaw ang restaurant na madalas pagparadahan nito ng sasakyan. Wala na palang susundo sa kanya. Naglakad na siya papunta sa sakayan at umuwi na pagod na pagod. Nang nakahiga na siya ay muling bumalong ang mga luha niya at ilang oras na naman siyang umiyak hanggang sa makatulugan na niya.
BAHAGYA pang nagtaka si Isaac nang magising at hindi makita ang mukha ni Belle na nakamasid sa kanya. Baka nasa kusina kaya nagmamadali siyang bumangon pero wala naman ito roon. Mula kahapon pa siya ganoon. Para siyang naninibago dahil wala na ito sa kanyang unit. May nadarama pa siyang disbelief na hindi na talaga ito doon nakatira at wala na siyang kasalo mag-almusal at kasabay maligo. Ipinilig na lang niya ang ulo at nagmamadaling maligo para hindi mahuli.
Nang makalabas ng opisina ay nagmaneho na siya papuntang Rosario. Kumusta na kaya si Belle. His Belle, his Honeybee. He loved calling her that because she tasted like honey. She was his, but he let her go. Tama nga ba ang naging desisyon niya? Sigurado siyang tama ang kanyang ginawa kahit ba parang may paulit-ulit na tumutusok na mga karayom sa kanyang dibdib kapag uuwi ng unit niya na wala ito.
Dumiretso na lang siya ng restaurant at doon na naghapunan. Pagkatapos ay pumunta na siya sa bar malapit sa condominium building nila. Nakakailang bote na siya nang marinig ang pamilyar na boses. “Isaac?”
Napamaang siya sa babae at agad niyang nakilala ito. “Frances?”
“”Kumusta ka na?”
“Ito,” nakangiti niyang sabi at itinaas ang bote.
“What happened?” Nagtaka ito at parang napuno ng pag-aalala nang makita ang hitsura niya.
“Wala naman. I’m celebrating.”
“Well,” anito at umupo sa tabi niya. Namalayan na lang niyang nakikipagtawanan na siya rito. Nang matapos, masaya pa siyang nagpaalam dito. May usapan silang muling magkikita dahil may itatayo itong business sa Rosario. Nangako siyang sasamahan ito para kausapin ang mayor. Siguro dadaanan na rin niya si Leandro. Siguro nandoon din si Belle. Maybe they could talk and have lunch afterwards.