Chapter 14: Possessive And Official Boyfriend

Pasado alas-singko na nang hapon nang matapos siya sa ginagawa. Nakapag-adjust na sila ni Leandro kaya unti-unti na silang bumabalik sa usual schedule nila. Marahil sa mga susunod na araw ay makakapag-log out na siya sa tamang oras. Noon din nag-text si Isaac na patapos na ito at magla-log out na rin. Pagkatapos niyang mailipit ang lahat ng gamit ay nagpahinga muna siya. Maya-maya’y dumating si Lucas at itinanong kung naroon si Leandro. Agad itong pumasok sa opisina ng kanyang boss. Nang mag-text si Isaac na nasa tapat na ito ng restaurant ay tumayo na siya. Saktong lumabas din si Lucas kaya sabay na silang naglakad palabas ng building habang nagkukuwentuhan.

“Kumusta, Belle?”

“Okay naman.”

“Eh iyong pinsan ko, kumusta naman kayo?”

“Si gov? Okay naman. Nakakapag-adjust na kami sa mga trabaho.”

“I’m referring to the hottest ex-congressman in town,” nakangiting sabi nito.

“Ikaw talaga, Lucas. Akala ko ba NBI agent ka? Kailan ka pa naging showbiz correspondent?” Tawanan sila nang tawanan habang tumatawid sa kalsada kaya hindi niya napansin ang maliit na butas. Natisod tuloy siya sa tapat mismo ng restaurant. Muntik pa siyang masubsob kung hindi lang ito naging maagap sa pag-alalay sa kanya.

“What the heck do you think you’re doing?” Narinig niya ang galit na boses ni Isaac. Pagbaling niya dito ay nakita niyang masamang-masama ang tingin nito sa kanila. Agad itong lumapit at kinalas ang kamay ni Lucas na nakakapit sa braso niya kaya tawa nang tawa ang isa.

“Possessive ‘tol?”

“You don’t know anything, shut up.”

“Why? Is she your girlfriend?” Naghahamon ang tono ni Lucas.

“No, and you don't have to ask about it."

"Wala naman pala. Siguro okay lang naman sa kanya kung lalapit ako."

"Damn you! We’re exclusively dating, so back off,” naiinis na sabi ni Isaac.

“Exclusively dating lang naman. Hindi pa kayo official.” Tumingin si Lucas sa kanya. “I’ll see you tomorrow, Belle. Manliligaw ako,” anito bago muling tumingin kay Isaac.

“What the heck is your problem. I changed my mind. Girlfriend ko na siya, boyfriend niya na ako,” galit na galit na balik ni Isaac at malakas na itinulak si Lucas. Hindi naman ito gumanti. Nagkibit-balikat lamang ito at sumakay na sa Harley Davidson nito at pinaarangkada na. Nang tingnan niya ito ay nakasunod lang ito ng tingin sa papalayong sasakyan ng pinsan habang nanginginig sa galit. Namumula ang mukha nito at nakakuyom ang mga kamao na parang handa nang manapak.

“Isaac,” malumanay na sabi niya na bahagyang kinakabahan.

“Why did you let him touch you? For damn sake we are exclusively dating. Is that how promiscuous you are?”

Binigyan niya ito ng mag-asawang sampal. “Sumusobra ka na, Isaac. Sa ilang salita mo lang, nagawa mo nang husgahan ang pagkatao ko. Nagkasabay lang kaming lumabas at nagkataong dito rin siya naka-park.” Hinila niya ito papunta sa maliit na butas sa kalsada. “Iyan, Isaac, diyan ako natisod. Kung hindi niya ako hinila, nasubsob pa ako.”

“Tawanan kasi kayo nang tawanan habang nasa daan,” naiinis pa ring sabi nito na naging malumanay na pero halatang pinagtatakpan pa rin ang guilt nito.

“Bahala ka na diyan. Nakakapikon ka,” aniya at naglakad na papunta sa jeep. Hindi pa siya nakakalayo ay hinatak na siya nito at kinarga papunta sa sasakyan nito at isinakay siya. “Iyan, iyan, diyan ka magaling.” Maglilitanya pa sana siya pero pinatahimik na siya ng halik nito.

“Just to shut you up for now.” Mabilis itong sumakay at pinasibad na ang sasakyan. Nagtaka pa siya nang makarating na sila sa Santiago at nag-park sa tapat ng Liwasan Hotel, ang pinakamalaki at sikat na hotel sa buong lalawigan. “We’ll eat first before we talk.” Inalalayan pa siya nito sa pagbaba at inakay papasok ng hotel. Dumiretso sila sa restaurant sa loob nito at inihatid ng maitre d sa isang mesa sa dulo.

“Isaac?” Hindi yata at pinaghandaan nito ang pagpunta nila roon.

“Peace offering ko sana kanina kaya lang ginulo na naman ni Lucas,” nahihiyang sabi nito sabay inabot sa kanya ang isang bungkos ng ecuadorian roses.

“Well?”

“I’m sorry, girlfriend.”

“Sorry din. What? Girlfriend mo na ako?" Nanlalaki pa ang mga matang nakatingin siya rito. Natatawang tumango pa ito bago pinisil ang kamay niya. She stood up and sat beside him. “Tabi na tayo ha?” Ngumiti lang ito sa kanya bago pasimpleng hinalikan ang kanyang pisngi. Nang dumating ang mga pagkain ay siya na ang umasikaso rito at sinubuan pa ito na parang bata. Hiyang-hiya ito dahil napansin nito ang ilang waiters at waitresses na napapangiti habang pinapanood sila. May kumislap na kapilyahan sa isip niya. "Napaka-unromantic ng anniversary natin dahil sa pinsan mo. But, I'm happy. Kiss mo ako, Isaac.”

“Ahh ehh, sige,” anito at hinalikan ang kanyang pisngi. Gusto niya itong batukan. Alam niya kung bakit ito nagkakaganoon. Of course, he was Isaac Lagdameo, the trending ex-congressman of the year. He didn’t want to get caught with a woman. He was very careful with his private liaisons, but she would not allow him to get away tonight.

“Halik bata?” She did not wait for his reply. She cupped his face and french kissed him in front of the staff and other guests.

“You tease,” anito at pinalalim pa lalo ang halik. She was surprised to say the least. There he was kissing her hungrily in public, not worried about what his constituents and ex-flings would say.

IT was a pleasant Saturday morning. They decided to enjoy themselves at Santuario de Santiago. It was quite a long drive but worth the time and energy. They drove for more than two hours because it was a far-flung area in San Jose. They did all the activities the exclusive club could offer. When the night came, it was time to fill his cabin with their moans and cries of pleasure. Belle was more than content with his relationship with Isaac. They no longer had to hide themselves after his confrontation with Lucas. She loved him more for that.

Kinabukasan ay pareho pa silang nagdesisyong pumunta sa ilog. It was the first time Isaac brought him there. Ang sabihing maganda iyon ay kulang. It was enchanting. It was crystal clear with colorful pebbles beneath the water. Sumakay na sila pareho sa bangka at ito ang nagsagwan. Nakasandal lang siya sa matipunong katawan nito at nang makarating na sila sa malayo ay tumigil ito. Kinuha niya ang mga braso nito at iniyakap sa kanya. “Ang macho talaga ng poging mayor na iyan,” humahagikgik na sabi niya habang kinukurot ang biceps nito. Lumingon na siya dito. “You’re so so so cute.”

“Ikaw talaga,” anito at napangiti na parang nahihiya.

“Ang ganda dito, Isaac.”

“Mas maganda ka pa rin.”

“Uy ang sweet ng mamang pogi na iyan.” Lalo pa siyang lumingon dito para mahalikan ito na lumalim at tumagal nang ilang minuto.

“Ay bold,” sigaw ng mga lalaki na paglingon niya ay mga kaibigan nito.

“Mga istorbo talaga kayo, Donatello at Alessandro,” naiiling na sabi ni Lucas na halata namang nanunudyo rin.

“Ibang babae na naman ang kasama niyo ha. Tuwing pupunta kayo dito papalit-palit kayo bawat buwan,” ganti ni Isaac. Naalarma na siya nang makitang nagulat ang mga babae at tiningnan ang mga loko.

“Don’t believe him, Kitten. Ikaw lang ang babae ko ngayon,” lambing ni Donatello na nakapagpairap sa kanya.

“Bolero iyang lalaki na iyan. Huwag kang maniwala diyan,” sigaw niya pa na nakapagpatawa lalo sa kanilang lahat.

Nang magsawa sila sa bangka ay nagsagwan na ito pabalik. Doon na siya nakaramdam ng gutom. “Gutom na gutom na talaga ako, Isaac.”

“Okay,” nakangiting sabi nito. Napatili na siya dahil binitbit na siya nito na bridal style. Bumalik ito malapit sa ilog at lumiko sa kanan. Pagkalipas ng ilang minuto ay ibinaba na siya nito at nakita ang isang bungalow-type na bahay.

“May nakatira dito?”

“Yep,” anito at nanggigil na siniil siya ng halik.

“Mamaya na iyan, Isaac,” tawag ng isang boses ng lalaki.

Pagtingin niya ay nakangiti ang matandang lalaki katabi ang isang matandang babae na nakangiti rin sa kanila. “Magandang tanghali, ‘Tay Tiago, ‘Nay Vicky,” magalang na sabi nito at lumapit sa mga ito para magmano.

Lumapit din siya para magmano. “Magandang tanghali po.”

“Her name is Belle.”

“Magandang tanghali din, Belle.”

“‘Tay, ‘Nay, makikikain sana kami kung okay lang.”

“Aba’y okay na okay.”

Masaganang tanghalian ang pinagsaluhan nila. Nagkuwentuhan pa sila bago nagpasyang bumalik na sa cabin nito. “Babalik na po kami sa cabin ko. Thank you po,” nakangiting sabi ni Isaac. Nagpasalamat din siya.

Bago pa sila makalabas ng kahoy na gate, nagsalita si Tatay Tiago. “Masaya akong dinala mo dito si Belle. Balitaan mo na lang ako, anak, kung kailan.”

“Ahh o-opo, sige po,” anitong nakangiting muli pero bakas dito ang pagkaasiwa. Tumango lang ito muli sa kanya at hawak-kamay silang naglakad pabalik ng cabin.

“Isaac?”

“Yes?”

“Bakit doon sila nakatira? Sino pala sila?”

“Mas gusto nila doon eh. Mga malalapit na kaibigan namin sila na parang pangalawang mga magulang namin,” anito at parang ayaw nang magdagdag pa.

“Ano pala ang ibig sabihin ng sinabi ni Tatay Tiago?”

“Ahh wala iyon. Huwag mo nang isipin.” Napansin din niya ang biglang pagkailang nito kaya hindi na siya nagtanong.