Chapter 12: He Denied Their Relationship
Mabagal na lumipas ang mga oras. Kumusta na kaya si Isaac? Busy kaya ito? Nang mapatingin siya sa wrist watch niya, past twelve noon na pala. Habang kumakain sa cafeteria ay tinext niya ito kung kumain na ba ito. Pasado alas dos na ito nang tumawag para sabihing kakain pa lang ito. Pinagsabihan niya itong huwag magpagutom dahil baka magkasakit na tinawanan lang nito. Sinabi lang nitong susunduin siya nito at sa tapat na restaurant na lang maghihintay. Past six in the evening ay nag-text ito na naroon na raw ito sa restaurant. Sakto at lumabas na rin sina Leandro at Tiffany. Nalimutan niyang mag-di-dinner pala sila kaya doon na lang din niya yayayaing kumain ang lalaki.
Nang makarating sa tapat ng restaurant ay nagmamadali niyang nilapitan ang Ford Raptor nito. Kinatok niya ang bintana nito at maya-maya’y ibinaba na nito iyon. May munting ngiti na naman sa mga labi nito at halatang nakatulog sa paghihintay sa kanya. “Let’s go?”
“Ahh ehh, nagyayaya kasi ng dinner sina Leandro, napa-oo ako kaya dito na lang muna tayo kumain.”
“Oh ‘tol nandito ka pala? Close na pala kayo ulit nitong si Belle,” nakangising sabi ni Leandro nang makalapit sa kanila.
“Ahh n-no. We’re not. She just left something on her table,” anito itinaas nito ang ilang supplies niyang naiwan niya pala. Did she hear him right? He denied her in front of his cousin and Tiffany. That hurt, but she hid it perfectly.
“T-totoo po iyon, governor. Maraming salamat po m-mayor,” aniya at walang emosyong tumingin dito bago lumapit kina Leandro.
“Sige, sasabay na ako sa inyo sa dinner,” anito at bumaba ng sasakyan. Habang kumakain ay panay ang kulitan ng mag-asawa. Habang siya ay nakayuko lang habang kumakain kahit dama niya ang mga titig ni Isaac. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakumpirma niya ngang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya mabasa kung ano ang ibig sabihin niyon kaya ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain. Maya-maya ay napunta na sa pulitika ang usapan ng mag-pinsan habang si Tiffany ay nanatili lang na nakatitig sa kanya. Mukhang alam nitong may namamagitan sa kanila ni Isaac or at least alam nito ang nararamdaman niya para sa lalaki. Ngumiti na lang siya dito nang pilit at tinapos ang pagkain.
Nang matapos ay lumabas na sila at nagpipilit pa sina Leandro at Tiffany na ihatid siya dahil ang alam ng mga ito ay sa Santiago pa rin siya umuuwi. Nagpakatanggi-tanggi na lang siya dahil ayaw niyang matagtag sa biyahe ang asawa nito. Kaya nagsabi na lang siyang magko-commute. “Sige, governor, Tiffany,” paalam niya sa mag-asawa. Nagpaalam na rin si Isaac at hinawakan ang kamay niya na agad niyang binawi. “Sige po, mayor,” paalam niya at nagmamadaling maglakad papunta sa sakayan ng mga jeep.
“Honey, wait.” Hinila siya nito kaya napilitan siyang humarap dito. “I’m sorry, okay? I didn’t mean it.”
“Okay lang po iyon, mayor. You have made yourself perfectly clear,” nakangiti niyang sabi. Nang subukan nitong pigilan siya ay muli niyang binawi ang braso at tinanguan ito. “Just don’t.” Hindi na ito nagtangka pang lumapit. Habang nakapila, napansin niyang nakahinto ang sasakyan nito sa hindi kalayuan. Ayaw man niya ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha kaya bumaling siya sa kabilang direksiyon at pasimple niyang pinunasan ng panyo ang mukha. Nang makasakay siya ay mabilis namang napuno ang jeep at umandar na. Habang nasa biyahe ay maya’t maya siyang tumitingin sa daan at nakitang nakasunod sa kanya ang sasakyan ni Isaac.
Ilang saglit lang ay katabi na ng jeep ang kotse nito at nakabukas ang bintana sa side nito. “Sorry, honey,” he mouthed. He looked so sorry kaya hirap na hirap siyang tiisin ito. Nang may pumara ay gusto niyang sumabay sa pagbaba. Agad ding huminto ang kotse nito at hinintay ang jeep na umandar ulit. “I’m sorry,” he said again and sighed. Nahihiya na siya dahil napapansin niya din ang tingin ng ibang pasahero sa kanya. Siguradong kilala ng mga ito si Isaac at alam na siya ang kinakausap nito.
Siguro uuwi muna siya at magpapalipas ng sama ng loob. Nang makarating siya sa Estrella ay pumara na siya at bumaba. Maghihintay na lang muna siya na may dumaang jeep papuntang Santiago. Huminto ang kotse nito sa harap niya at nag-hazard. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya habang titig na titig sa kanya. “Isaac, mapapalayo ka na dito. Umuwi ka na nga kasi. May pasok ka pa bukas. Kailangan mo nang magpahinga. Past nine na baka mapuyat ka.”
“Please come with me. Ayokong umuwi kapag hindi kita kasama. Kahit itaboy mo ako, susunod pa rin ako sa iyo. Kahit doon na lang ako matulog sa kotse sa tapat ng bahay mo basta nasa malapit ka lang. Basta sumama ka pabalik sa akin. Tell me what you want. I will give it to you now.”
How about love? Would you give it to me? Hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot. Pero paano niya magagawang tiisin ang lalaking ito? Kulang na lang ay magmakaawa ito sa kanya gayong mahal na mahal naman talaga niya ito. “Okay, you win.” Sumakay na sila at agad nitong pinasibad ang kotse. Pero sa halip na umuwi ay dinala siya nito sa isang parke at niyaya siyang maupo sa bench.
“I’m sorry, honey. I did not know what came over me,” nahihiyang sabi nito sa kanya. So the snob and arrogant Mayor Isaac Lagdameo was apologizing to her. Hindi naman din niya ito matiis kaya ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya at mabilis na hinalikan ito. Napangiti ito pero halatang naiilang pa rin bago siya niyakap nito habang marahang hinahaplos ang buhok niya.
“Ano ba tayo, Isaac?”
“We’re exclusively dating.”
“Dating, pero nasa iisang bubong tayo lagi? Gusto ko lang maging malinaw para alam ko kung saan ako lulugar, para alam ko kung tama ba talagang magsama tayo sa iisang bubong na parang mag-asawa. Hindi naman siguro tayo naglalaro lang ng bahay-bahayan. Alam mo naman siguro iyan.”
“Uhmm,” anito na parang nahihirapan. "Pwede bang dahan-dahang lang muna tayo? Please trust me on this." Sa isang banda nauunawaan niya na hindi pa ito handa gawing official ang lahat tungkol sa kanila. She was willing to give him more time. If she was not important to him, why would he say sorry and keep following her?
“I guess I know what you are trying to say. I’ll give you more time, but remember, no games.”
“I promise,” nakangiti nang sabi nito.
“Uwi na tayo, Isaac. Nagugutom na kasi ako.” Nagtaka pa ito bago napahalakhak at ipinaalala sa kanya na nakita nito kung paano siya kumain nang sandwich nang gabing unang beses na may nangyari sa kanila. When they got home, he gave her a special apology while taking a bath and carried her like a baby to their bed. And before she closed her eyes and went to la la land, he kissed her again and hugged her tight.