Chapter 25: The Mastermind
Kaharap ni Leandro ang mastermind ng ilang beses na tangkang pag-ambush sa kanya at mga tauhan. He was right all along.
"How's our future governor?"
"Just fine."
"Won't you ask why I had to do it?"
"Envy and selfishness," tipid na sabi niya.
"And why would I envy you? Kukunin ko lang ang dapat na sa akin. Kung mas may karapatan sa ating maging governor, ako iyon. Pero ikaw ang pinili ng partido. You lacked the leadership skills. But you had the charisma to beat the incumbent governor."
"Ouch," sarcastic na sabi niya. "I guess you were not as good as me. After all, you were boring and too uptight," ganti niya.
"Fuck you!" Sinenyasan nito ang isang tauhan para sikmuraan siya.
"That's a bit brutal, isn't it, vice governor? Bakit hindi pa itinuloy ang plano niyo? Si Leo na lang ang kasama ko at nasa inyo na ang lahat ng pagkakataon. Pinatakas niyo pa ako.”
“None of your damn business.”
“Mas okay pa iyon para isang tiisan na lang. Ngayon papatagalin mo pa.” Wala siyang choice kundi makisakay sa trip nito.
"Serves you right. I worked harder than any of you, but they preferred you to me. Isn't that too absurd?"
"Absurd, I guess not." Sapo ni Leandro ang tiyan habang patuloy sa pang-aasar dito. "After all, you have already embezzled a lot of money."
"That's why I have to be the next governor."
"So you can hide your dirty little secrets and continue paying for a gigolo?"
"Bugbugin niyo pa iyan," nanggagaliiti nitong sabi. Pulang-pula ang mukha nito sa pagkapahiya.
Sa ilang beses na pagtatangka sa kanya ay napagtanto niyang nasa loob lang ng partido ang gagawa nito sa kanya. Para ba kasing alam na alam ang lahat ng kanyang galaw at business affairs. At napansin niyang kapag nangyayari iyon ay laging tumatawag ito sa opisina niya upang kunwari ay yayain siyang makipag-meeting dito pero iyon naman pala ay inaalam lang nang pasimple ang kanyang schedule.
Isa ito sa primary suspects niya na palihim niyang pinaimbestigahan ngunit mukhang mabilis itong kumilos at medyo naunahan siya. Kung hindi lang naharang ang mga convoy niya sa checkpoint kanina. Lutang na lutang siya sa kakaisip kay Tiffany kaya medyo nawala siya sa focus. Pero magagawa niya itong lusutan kung magagawa ni Isaac ang action plan kahit pa hindi nila inaasahan ang nangyari. Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makaligtas. Nakikita niya pa lang ang malungkot na hitsura ng kanyang pamilya lalo na ni Tiffany ay nahihirapan na siya. Nakapag-ensayo na siya kung paano niya sasabihing mahal at papakasalan niya ito. Natagalan lang bago niya natanggap na mahal na mahal niya ang dalaga at ito lang ang gusto niyang magdala ng pangalan niya. Kung hindi ba naman napaka-epal nitong si vice governor, maayos na sana ang lahat. Makawala lang siya, pauulanan niya ito ng suntok. Pero hindi magiging madali ang lahat dahil sa ilang bodyguard na nakapaligid sa kanya.
Bigla niyang naaalala ang naging pag-uusap nila ni Isaac.
"'Tol, alam mo weird talaga iyang si vice gov. Napakabait pero malabo talaga," naiiling na bungad ni Isaac.
"Bakit na naman? Okay naman iyon.”
"Paano ba naman noong nasa Sta. Clara tayo panay ang sabi niya na solid ang suporta nila sa iyo. Pero noong nasa backstage kami tinatanong ako kung bakit hindi ako ang pinili ng partido."
"Alam naman niya, hindi ba?"
"Exactly."
"So what seems to be the problem there?"
"Kinukulit ako kung hindi ko raw ba naiisipang tumakbo pa. Pwede naman daw akong mag-independent."
"What did you say?"
"That would be a waste of time, money, and energy."
"Then?"
"Hindi raw ba sumasama ang loob ko na nauna akong mag-volunteer pero tinanggihan ako. Nanghinayang ako pero mas okay nga na ikaw dahil mas malaki ang chance na manalo ka. After all, iisa lang ang goal natin."
"What did he say?"
"Should I change my mind, sabihan ko na lang daw siya. He would support me all the way," natatawang sabi nito.
"Baka crush ka," pang-aasar niya. Kaklase kasi nila itong magpipinsan. Kahit dati pa ay bulung-bulungan na sa campus ang kasarian nito. May naging scandal pa ito sa isang kasamahan nila sa varsity. Itinanggi nito iyon pero napaamin nila ang kasamahan nila at sinabing kailangan nito ng pera. Scholar kasi ito doon dahil sa pagiging mahusay na basketball player at matataas na marka nito. Wala namang kumalat na kahit anong ebidensiya dahil ayon dito ay binili raw ng pamilya nito ang lahat ng pwedeng gamitin laban sa mga ito. Nang taon ding iyon ay umalis ito ng paaralan at lumipat sa ibang bansa.
"Tigilan mo ako, 'tol ha," namumula ang mukha nito sa pagkapahiya.
“What’s with that red face ‘tol?” Hindi niya mapigilang punahin at lalong asarin ito.
“It’s like receiving an indecent proposal to be honest in his most subtle way.”
"'Tol, I know it's too late, but I would like to apologize for hmm you know what I'm talking about, everything."
"Arte mo 'tol, sapakin kita eh. It's alright 'tol, no harm done," tapik nito sa balikat niya.
Doon niya napagkonekta ang takbo ng mga pangyayari kaya kinailangan niya ang tulong ni Isaac at isa pa nilang pinsan na si Lucas para palihim na imbestigahan ang vice governor. At ngayong nasa panganib siya, nandito ang lahat ng tiwala niya. Tutulungan sila ng Diyos lalo na at maganda ang hangarin nila para sa lalawigan.
Sa totoo lang ay wala namang kaso sa kanya kung ano pa ito basta walang inaapakang tao. Kahit kailan naman ay totoong hindi iyon naging isyu sa kanya dahil maraming mga katulad nito ang may busilak na puso. Ang iba pa nga ay tumutulong sa mga programa nila kaya malapit ang loob niya sa mga ito. Pero sa mga nalaman niya, napatunayan lang niyang talagang dapat itong iwasan. Sa dami ng ninakaw nito sa kaban ng bayan na natuklasan nila, dapat mapigilan ang hindi magandang mga plano nito.
Alam niya sa mga pagkakataong iyon ay wala siyang magagawa kung hindi hintayin ang pagdating ng kanyang dalawang pinsan. Ang mga ito lang ang maaasahan niya dahil nakakonekta sa mga ito ang GPS niya. Umaasa na lang din siyang malaman agad ng mga ito kung nasaan siya.