Chapter 22: Tiffany Confessed Again
Nakasandig lang si Tiffany sa matipunong dibdib ni Leandro. Nagpasya rin silang magpunta sa Santuario. Ayon sa lalaki ay maraming istorbo sa beachhouse lalo na at naroon ang kapatid nitong makulit. Nakasakay sila sa bangka at ito ang nagsasagwan. Siya ay feeling leading lady lang na naka-relax lang sa katawan nito. Nasa dulong bahagi ng club ang ilog at medyo masukal papunta roon. Sinadya raw ng mga itong panatilihing ganoon ang bahaging iyon. Hindi na siya nagtanong kung for aesthetic purposes o mayroon bang sentimental value or emotional attachment ang Santiago Brothers doon. Nag-camping lamang daw kasi ang mga ito roon at mula noon ay pinangako ng mga itong gagawin iyong sanctuary. Napakahusay mag-isip ng mga ito lalo na si Apollo na nagsisilbing lider ng grupo.
Mamaya ay tumigil ito sa pagsagwan at ipinalibot ang braso sa kanya. Matagal din silang nanatili sa ganoong ayos habang pinagmamasdan niya ang makikinang na mga bato na kita sa napakalinaw na tubig. Mabagal ang agos ng tubig at sa malayong bahagi ay tanaw niya ang isang talon. To say it was a romantic scenery was an understatement. Once again, she fell in love with the idea of being in love. Most of all, she fell deeper in love with the man behind her. Lumingon na siya rito. Nakatingin lang din ito sa kanya bago kinintalan ng halik ang mga labi niya. “Andoy.”
“Hmm?” Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.
“Andoy.”
“Bakit nga?” Nakangiti lang ito sa kanya.
“Dati ayaw mo kapag tinatawag kita ng Andoy.”
“Masagwa eh. Ang gwapo ko at ng pangalan ko, gagawin mong ganyan. Pero kapag sa ‘yo nanggaling, masarap sa pandinig.”
“Ay ang sweet naman ng mamang pogi na iyan.” Pinisil niya ang mga pisngi nito na ikinatawa nito. “Salamat ha.”
“Ako nga ang dapat magpasalamat sa ‘yo eh. Thank you for the second chance. Thank you for loving and trusting me again.”
Tiningnan niyo ito nang mataman bago ngumiti rito. “I never stopped loving you.”
“Totoo?”
“Oo. From now on, lagi kong sasabihin iyan. I will love you always and make you love me, too. Hihintayin kong mahalin mo ako. I will stay here until you tell me you don’t need me anymore.”
“Baby naman. I will never let you go again. You’re like the air I breathe. Believe me, my baby. I will never hurt you again. Mas mahalaga ka lagi sa kahit anong bagay dito sa mundo. Siguro nagkamali ako pero baka kailangan iyon para mas mag-mature ako, para mas maintindihan ko kung ano ba ang dapat kong ingatan. When I saw you again, I felt alive again. I knew at that moment that I would make you mine again. Iniiwasan ko lang dahil novice ka na.”
“I have a confession to make.” Tumingin lang ito nang mataman sa kanya at hinintay ang sunod na sasabihin niya. “Bago pa tayo muling magkita, sigurado na akong lalabas na sa kumbento. Iyung nakita mo ako sa ilog sa Santa Clara, madalas talaga ako doon.” Natatawang itinuro niya ang malayong bahagi kahit hindi naman matatanaw mula sa puwesto nila. “Nang makita kita alam ko na eh, ikaw ang ipinadalang proof na tama ang desisyon ko.”
“That’s so sweet. You made me happy, baby.”
“Ikaw din, pinasaya mo ako.” Muli niyang inaalala ang gabing iyon. “On that same night, this feeling resurfaced. Natakot pa ako kasi akala ko aswang ka. Nakayuko ka pa.”
“Aswang?” Pumailanlang sa paligid ang malakas na halakhak nito.
“I know that was so un-madre-like,” natatawa ring sabi niya. “Eh kasi iyung mga inaalagaan naming lola, madalas na pag-usapan iyon. Wala ka pang suot na shirt kaya natakot ako.”
“Pero lumapit ka pa rin,” natatawa pa ring sabi nito.
“Ang macho mo eh,” balik niya na lalong ikinatawa nito.
“Pero bakit mo ako iniwan pagkatapos may mangyari sa atin sa beachhouse?”
“Eh kasi po, natakot ako. Alam mo naman ang mga nangyari. May kasalanan naman ako dahil nananahimik ka doon, pinuntahan pa kita habang nag-e-exercise. Tapos kiniss pa kita ulit. Ang pogi kasi eh.”
“Thank you at napopogian ka pa rin sa akin.”
“Super pogi ang Baby Andoy ko eh.” Ngumiti lang ito at lalo pa siyang niyakap bago binigyan ng magaan na halik sa mga labi. Kusang yumakap ang mga braso niya at pinalalim pa ang halik.
“Huy tama na iyan! Bawal bold dito.”
“Tarantado ka talaga, Donatello. Iniistorbo mo si Mayor at ang first lady eh.”
“Get lost, assholes!” Natawa na siya nang makita ang iritableng mukha ni Leandro pero natatawa rin sa mga kaibigang sina Donatello at Alessandro. May kasama pa ang mga itong babaeng hindi niya kilala pareho. Balewala lang nagtawanan ang mga ito at hinila ang mga bakanteng bangka para sumakay doon kasama ang kanya-kanyang date ng mga ito.
Maya-maya’y dumating din ang isa pa nitong kaibigang si Jaime na bestfriend daw nito. Napanganga pa siya hindi dahil dito kung hindi sa kasama nito. Sanay na siya kay Jaime na isa ring babaero katulad ng dalawa. Isa ito sa mga sikat na pigura kahit saang parte ng bansa. Hindi ito artista pero ang daming babae at binabae ang kinikilig sa gwapong captain ball ng Blue Mighty Kings. Ang nakapagpagulat sa kanya ay ang kasama nito na walang iba kung hindi ang sikat na singer na si Dorothy Herrera. Best friend niya ito.
“Dora, is that you?”
Napalingon din sa kanya ito at nanlaki ang mga mata.”Tiff! Jaime, pakilapit naman kina Tiffany itong bangka.” Hindi na ito nagulat nang makita siya. Ito ang unang taon sinabihan niya na lalabas na siya sa kumbento. Ito pa ang naghatid sa kanya pauwi sa Rosario. Mabuti na lang at tapos na rin ang taping nito para sa isang bagong singing reality show sa istasyon nito.
“Sige, malakas ka sa akin,” anito at nag-sagwan na.
“Dora, paano mo nakilala iyang luko-luko na iyan?” Nag-alala din siya dahil sa hindi magandang reputasyon ng lalaki pagdating sa pakikipag-relasyon.
“Tiffany naman,” napapakamot sa batok na sabi ni Jaime.
“Ahh h-hindi, m-magkaibigan lang naman kami ni Jaime.”
“Wait,” nalilitong sabi ni Jaime na parang noon lang napansin na kaswal ang usapan nilang magkaibigan. “How did you know Tiffany?”
“Bestfriend ko si Tiffany, Jaime. Malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila. Lagi akong sinasamahan niyan dati sa mga amateur singing contest sa Rosario,” ang bayan kung saan sila nakatira pareho.
“I see,” si Jaime na parang nailang at naging malikot ang mga mata.
“Jaime, sinasabi ko sa ‘yo ha. Bestfriend ko iyang si Dora kaya huwag kang magkakamali man lang paiyakin iyan,” nakataas ang kilay na sabi niya.
“Ito naman, magkaibigan nga lang kami ni Dora. Masaya siyang kasama at kausap. Para kaming Batman and Robin nito.”
“O-oo nga, bff. T-totoo ang sinabi ni Jaime,” nauutal na sabi ni Dora.
“Okay,” nakangiting sabi niya bagaman may pagdududa. The way Dora looked at Jaime gave all the answers she needed. That was also the way he looked at Leando, the look of love. Hindi na lang din siya nagtanong dahil nirerespeto pa rin niya ang privacy ng mga ito.