CHAPTER 3- His girlfriend?

ELCAN'S POV

__________

"Kaist! Pare?"

Nagtagpo ang aking mga kilay nang ipatong ni Zach ang kanyang braso sa aking balikat. Hawak niya sa isang kamay ang baso na may lamang wine.

"WTF! Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kanya sabay tanggal ng kanyang braso. Basang-basa kasi ito ng pawis at pakiramdam ko ay dumikit iyong lahat sa akin.

Nagsasayaw siya kanina sa gitna kasama ang mga babae sa kabilang table ngunit napagod yata kaya bumalik siya rito sa kinaroroonan namin.

Tatlo kami ngayong nandito sa Frosttea bar. Ang bar na ito ay pagmamay-ari ng pamilya ko. Sa susunod na taon ay ililipat na ito sa pangalan ko.

Kasama ko ngayon sina Zach at Zikui. Sila ang malalapit kong kaibigan.

"Kinasal ka lang, ganyan ka na kung umasta?" Pabirong sabi ni Zach sabay distansya sa akin. Alam niya kasing tatamaan siya kung hindi siya lalayo.

"Oho!" biglang pagsingit ni Zikui. Napapagitnaan siya ng dalawang babae na parehong nakasuot ng maikli at manipis na damit.

Naiirita kong linapag ang hawak kong baso sa mesa sabay pinag-cross ang aking mga hita at ipinatong ang isang braso sa sandalan ng sofa na inuupuan ko. Naalala ko na naman ang mukha ng babaeng iyon. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko siya. The nerve of that girl!

"Seryoso, pre? Bakit ka pumayag na ipakasal sa babaeng iyon?" ngayon ay seryoso na ang mukha ni Zach.

Sasagot na sana ako ngunit inunahan na ako ni Zikui.

"Para namang may magagawa siya kung tatanggi siya sa gusto ng mga magulang niya. Alam mo kapag tumanggi siya, malamang hindi siya bibigyan ng mana ng mga magulang niya." Tumawa pa ito.

Mas lalong uminit ang aking ulo. Totoo ang sinabi ni Zikui, kung tumanggi ako ay malamang nasa kalsada na ako ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ganuon nalang ang galit ng mga magulang ko kay Yuri-ang aking kasintahan. Wala naman siyang ginawang masama. In fact, malaki pa nga ang naitulong niya sa akin noong mga panahong nag-iisa ako. Noong mga panahong malungkot ako dahil sa pag-alis ni Daddy, siya iyong nasa tabi ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit gano'n nalang ang galit ni Mommy kay Yuri.

"Speaking of kasal. Pre, kamusta naman kayo ni Yuri?" Hindi pa ako nakakasagot sa tanong ni Zach nang may magsalita sa likuran ko.

"Maayos naman kami," boses babae. Napangiti ako nang makita si Yuri- Yuri Prem Llaga ang buo niyang pangalan. She's half Chinese. Maikli ang buhok at may singkit na mga mata. Dito rin kami mismo nagkakilala sa bar, noong time na lasing na lasing siya at halos matulog na sa comfort room dahil sa kalasingan. Naging magkaibigan kami hanggang hindi nagtanggal ay nahulog ang loob ko sa kanya. She's kind, maganda at malinis ang kalooban. Mga katangian na gusto ko sa isang babae.

Tumabi siya sa akin sabay halik sa aking pisngi. Inakbayan ko naman ito.

"You're here. How's your day?"

"Pretty good. You won’t believe what happened!"

Kumunot ang aking noo.

"Hhmm? Why? What happened?" Kinuha ko ang aking baso na may lamang alak saka ininom ang laman nito.

"I saw her." Nakasimangot niyang sabi. Napatigil ako sa pag-inom at seryosong tumingin sa kanya. Wala man siyang binanggit na pangalan ngunit alam ko kung sino ang ibig niyang sabihin. It's Issa... whatever her name is.

Pabagsak kong linapag ang baso. "Anong nangyari? Nakilala ka ba niya? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Sunod-sunod kong tanong sabay inspect sa katawan niya. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Yuri lalo na't alam ko ang kasamaan ng babaeng iyon.

Marahan siyang umiling-iling. "Wala naman. Nagkasalubong lang kami sa mall."

"Sinong nakita mo, Yuri?" Bakas sa mukha ni Zach ang pagkasabik.

"Ang ipinalit ba sa'yo ni Kaist?" Kantiyaw ni Zikui. Pinakyuhan ko nga ito.

Napansin ko ang pag-iba sa ekspresyon ng mukha ni Yuri kaya marahan kong pinaharap ang kanyang mukha sa akin at banayad na hinaplos ang kanyang pisngi.

"Forget it! You're my girlfriend. I love you and you're my only one." I kissed her forehead. Matamis siyang napangiti.

"Ohh..." sabay na welga ng dalawa. Hindi na namin sila pinagtuunan ng pansin.

In-orderan ko si Yuri ng juice ngunit pinilit niyang wine ang iinumin niya kaya hindi na ako nakahindi. Nagpatuloy ang party hanggang sa umabot ng madaling araw.

"Yuri, enough. May trabaho ka ba bukas," aniya ko. Nakalimang baso na kasi siya ng wine at medyo tipsy na rin.

Samantala, si Zach ay parang wala man lang kapaguran kakasayaw sa gitna. Pasuray-suray na ito ngunit patuloy parin sa pagsayaw habang si Zikui ay nakasandal na sa kanyang kinauupuan at halatang tinamaan na ng alak.

"No... I want to drink more!" Yuri insisted.

"No, Yuri. Let's go home." Inalalayan ko siyang tumayo. Nakaakbay ang isang braso niya sa leeg ko habang ang isang kamay ko naman ay nakapulupot sa kanyang beywang.

Habang naglalakad kami palabas ng bar ay tuloy ang pagsasalita ni Yuri to the point na hindi ko na nainintindihan ang ibang pinagsasabi niya. Natawa na lang ako. Ang cute niya tingnan kapag nalalasing.

Dumating kami sa aking kotse. Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa tabi ng driverseat at sinuotan ko na rin siya ng seatbelt bago ako tumungo sa kabilang side.

"Uuwi na ba tayo?" bulong ni Yuri habang nagsusuot ako ng seatbelt. Pumipikit-pikit na ang kanyang mga mata.

"Uh-huh!"

Binabaybay namin ang kahabaan ng daan nang bigla akong mapapreno matapos marinig ang binubulong ni Yuri. Nakapikit at nakasandal ang kanyang ulo sa upuan ngunit patuloy parin siya sa pagsasalita. Ngunit mahina lang.

"Ano b-ba, babe?" pagrereklamo niya matapos siyang muntik masubsob sa unahan ng sasakyan.

"What did you say?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Tuluyan ko nang itinabi ang sasakyan.

"H-huh? Why? W-what did I say?" Lasing na talaga siya.

"'Yung sinabi mo kanina lang. Puwede bang ulitin mo?" I clearly heard something a while ago.

Bahagya siyang tumawa. "Ah! 'Yung sinabi ko k-kanina? A-ang sabi ko humanda sa akin ang ba-babaeng 'yun. I-I'll kill..." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang tuluyan na siyang makatulog. Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi ko na lang din pinansin ang sinabi ni Yuri. Malamang ay bunga lang iyon ng kalasingan niya.

Mag-uumaga na nang dumating kami sa condo na binili ko para kay Yuri. Regalo ko iyon sa kaarawan niya. Inalalayan ko siya hanggang sa makahiga siya sa kanyang kama. Tinamaan din ako ng antok kaya napagpasyahan kong doon na rin matulog-sa tabi nya.