CHAPTER EIGHT
HAPON na rin nang nagpasyang bumalik ang grupo ni Carmie sa rest house ng dalaga. Ni hindi na rin sila nagtagal pa lalo na at may sarili naman silang bahay na babalikan sa Bulacan. May mga trabaho rin sila kinabukasan kaya hindi na sila pwedeng magpagabi pa kahit na sabihin pang nasa Bulacan lang din ang bahay nila. Tanging sina Carmie at Michael na lamang ang naiwan nang umalis na ang mga kaibigan ng dalaga.
“Mukhang binigyan ka nila ng isang matinding shovel talk ah,” biro agad ni Carmie sa binata. “Pinakamatindi pa yata si Sofia sa nagbigay sa iyo.”
Hindi na lamang kumibo si Michael nang sandaling iyon. Nahihiya siyang aminin sa dalaga na hindi naman talaga siya binigyan ni Sofia ng isang matinding shovel talk. Para ngang nagtanong lang siya sa kaibigan nito kung pinagselosan na rin ba nito sina Carmie at Rafael.
“Alam mo, kung hindi ka magsasalita ay iisipin ko nang tinanong mo na si Sofia kung pinagselosan ba niya ako noon,” nakangiting sambit ni Carmie sa binata.
Mas lalo lamang nanahimik si Michael nang sinabi na ni Carmie ang hinala nito tungkol sa pinag-usapan nila. Alam niyang once na nagsalita siya ay siguradong aasarin lang siya nitong muli.
“Siguro nga ay nagseselos ka na!” sambit agad ni Carmie in a confident tone na ikinagulat ni Michael.
“Hindi ako nagseselos!” mabilis na tanggi ni Michael na bigla na lang ding namula nang sandaling iyon.
“Eh bakit namumula ka?” panunukso pa ni Carmie sa binata.
“Mainit ang panahon kaya namumula ang balat ko,” palusot agad ni Michael sa dalaga.
“Sa tagal ba naman nating magkakilala ay alam kong nagsisinungaling ka,” sagot naman ni Carmie. “Tell me, nagseselos ka ba o naiinitan ka lang?” tanong pa niya na sadya nang idinidikit ang sariling katawan sa katawan ng binata.
“Carmie, ano na naman ang ginagawa mo?” tanong agad ni Michael. “Ang akala ko ba ay hindi mo na ako hahalayin?”
Ngumiti na lamang si Carmie nang sandaling iyon, “Hindi naman kita hinahalay ah, nanunukso lang.”
“Carmie!”
Imbes na magpasaway ay mas inilingkis pa ni Carmie ang katawan niya sa katawan ng binata. Hindi naman makapalag basta-basta si Michael dahil kada iwas nito ay sumusunod lang si Carmie. Napatigil na lamang ang dalaga sa ginagawa niya nang may naramdaman siyang kakaiba sa pagitan ng mga hita ni Michael.
Nagulat na lamang si Michael nang bigla na lang siyang tinigilan ni Carmie. Actually, wala naman nang kaso sa kanya ang ginagawa ni Carmie lalo na at madalas naman na talagang nakadikit ang katawan nito sa kanya. Iyon nga lang, hindi siya komportable dahil nararamdaman na niya ang balat mismo ng dalaga sa balat niya. Pagtingin niya sa mukha ni Carmie ay napansin pa niya ang biglaang pamumula ng mukha nito. It seems like pareho na silang binuhusan ng malamig na tubig mula sa ilog mismo.
“I guess maliligo muna ako at medyo tipsy ako,” sambit ni Carmie na tinanguan naman ni Michael nang sandaling iyon. “Ikaw na ang bahala muna rito. Kung trip mong magpakalasing ay may mga natira pa tayong canned beer diyan, pagtiyagaan mo na lang muna iyan.”
Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Michael nang sandaling iyon dahil sa biglaang naging awkward ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa ni Carmie. Napakamot na lamang siya ng ulo nang napansin niya ang nasa ibabang bahagi ng katawan niya. Now, he knows kung bakit biglang napatigil ang dalaga sa ginagawa nito sa kanya. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan niya nang sandaling iyon.
“Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa naging reaksyon ko o manghihinayang ako,” naiiling na sabi ni Michael sa kanyang sarili.
NAGULAT na lamang si Carmie dahil pagkalabas niya ng banyo ay inabutan na siya ni Michael ng isang canned beer. Natawa na lamang siya dahil sinabi pa niya sa binata na pawawalain niya ang pagkalasing niya kaya siya naligo.
“Ang akala ko pa naman ay matatanggal na ang lasing ko,” natatawang sabi ni Carmie nang iniabot sa kanya ni Michael ang nasabing beer. “Pero mukhang hindi mo rin pala pawawalain ang pagkalasing ko.”
“Shut up and tanggapin mo na ang beer na ito,” sagot naman ni Michael. “Ang sabi mo naman ay magtatanggal tayo ng stress. Lubus-lubusin na natin iyon hangga’t nandito pa tayo.”
Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Carmie nang sandaling iyon, “Well then, hindi ko na tatanggihan pa ang alok mo. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako pababayaan kapag nalasing na ako.”
“Para namang malalasing ka eh napakalakas mo kayang uminom,” sambit ni Michael sa dalaga. “Hindi ko nga alam kung saan mo nakuha ang ideyang tipsy ka lang kanina.”
“Kontrolado ko lang ang pag-inom ko,” sagot naman ni Carmie. “Anyway, since nandito na rin naman tayo ay mas makabubuti na rin siguro kung kikilalanin na natin ang isa’t isa. You know, hindi naman pwedeng magkaroon tayo ng bakbakan tapos hindi naman pala natin kilalang lubusan ang kapartner natin.”
“Sigurado ka bang virgin ka pa?” tanong agad ni Michael. “Kung makapagsalita ka talaga ay parang may experience ka na eh.”
“Busog nga kasi ang mata ko sa porn at yaoi kaya may alam na ako,” sagot naman ni Carmie. “But I am one hundred and one percent sure na virgin pa ako. Maaaring nahalikan mo na, pero hindi mo pa tuluyang natitikman. Isa pang fun fact sa akin ay hindi pa ako nahahawakan ng ibang lalaki.”
“Do you masturbate then?” tanong agad ni Michael na naniniguro kung utak lang ba ang wild sa dalaga.
“Of course not!” mabilis na sagot ni Carmie. “Ginagamit ko nga lang ang mga nalalaman ko as reference sa story ko. Hindi ko iyon iniaapply sa sarili ko ang mga nakikita ko.”
“Eh bakit inaapply mo sa akin ang mga nalalaman mo kung ginagamit mo lang iyon as reference?” tanong ulit ni Michael sa dalaga.
“Sabihin na lang nating kinukuha mo lang ang reaksyon mo bilang isang lalaki para malaman ko kung ano ang dapat kong iportray sa mga lalaki kong characters,” paliwanag naman ni Carmie.
“Ayos ah, ginawa mo pa akong guinea pig nang wala sa oras,” mabilis na sabi ni Michael. “Of all the boys na kilala mo, ako pa talaga ang pinag-eksperimentuhan mo.”
Natawa na lamang si Carmie sa sinabi ni Michael, “Wala namang masama kung ikaw ang napag-eksperimentuhan ko ah. Single ka naman, walang girlfriend na magagalit so mas mainam na ikaw ang hingan ko ng reaksyon palagi.”
Hindi malaman ni Michael kung matatawa na lamang ba siya o maiinis sa sinabi ng dalaga. Ang alam lang niya ay sadyang weird ang dalaga sa mga ginagawa nito.
“By the way, nahilig nga pala ako sa yaoi noon pang bago ko nakilala si Rafael,” pag-amin ni Carmie kahit na hindi siya tinatanong ni Michael. “Gusto mo bang malaman kung bakit?”
“Kahit na hindi ako interesado sa rason mo, sabihin mo na rin sa akin para naiintindihan ko,” sagot naman ni Michael.
“Yaoi, bromance, boy’s love for me gives me more definition of the word love,” sambit ni Carmie in a gentle tone. “I mean, mas nakikita mo ang tunay na depenisyon ng pag-ibig kapag nakikita mong nalalagpasan na noon ang boundaries na isinet na ng society para sa mga tao.”
“Eh nagagawa rin naman iyon ng normal stories ah,” depensa naman ni Michael.
“Nagagawa nga, kaso nga lang kasi hindi ko talaga iyon maramdaman kung iyon ang nababasa ko,” sagot naman ni Carmie. “You know, nagiging boring na iyon sa akin kasi normal na nga iyon sa paningin ko.”
“Pambihira ka talaga mag-isip,” napapailing na sambit ni Michael. “Hindi na talaga ako magtataka pa kung bakit maraming lalaki na rin ang umilag sa iyo.”
DALA na rin ng kanilang kwentuhan ay hindi na namalayan pa ng dalawa na malalim na pala ang gabi at tanging sila na lamang ang gising. Hindi na rin nila masasabing tipsy sila pareho lalo na at tunog lasing na ang tono ng mga boses nila. Malakas na rin ang mga halakhakan nila na para bang normal lang sa kanila ang ginagawa nilang pag-iinuman nila.
“You know what? Mukhang timang sina Sofia at Rafael noong high school kami,” sambit ni Carmie sa binata. “Lalong-lalo na si Sofia.”
“Bakit mo naman nasabi?” tanong ni Michael sa dalaga.
“Eh kasi naman nakakatanga talaga ang pagtataboy niya kay Rafael noon,” sagot naman ni Carmie. “Halata namang may gusto na rin siya sa asawa niya pero pinipilit pa niyang ilapit sa akin si Rafael noon.”
“And so, masaya ka naman noon?” tanong agad ni Michael sa dalaga na may hindi niya nahalatang may himig na pala ng pagseselos nang oras na iyon.
“Timang ka rin pala eh, kung masaya ako sa ginagawa niya noon eh di sana ay hindi ako mananatiling no boyfriend since birth,” sambit ni Carmie sa binata. “Gusto mo bang malaman kung totoo ang sinasabi ko sa iyo o hindi?”
“Para namang interesado ako,” sagot naman ni Michael.
Dala na rin ng kalangisan ay inilapit na ni Carmie ang mukha niya sa mukha ni Michael, “In. te. re. sa. do ka,” dahan-dahang sambit ni Carmie sa binata.
Dahil sa lasing na rin si Michael ay hindi na rin niya alam kung ano ang ginagawa niya nang sandaling iyon. Napatitig na lamang siya sa labi ni Carmie nang oras na iyon. Hindi na niya alam kung ano ang hanging pumasok sa utak niya at nagawa na niyang kabigin ang batok ng dalaga upang siilin ng halik ang mapupula nitong labi.
(a/n: ako po ay humihingi na po ng tawad in advance. Wala po sanang papalo sa fallopian tube ko.)
RIDIN’ AND ROLLIN’
(LION HEART SERIES 3)
Written by: Lovina Alice