CHAPTER SEVEN
KAHIT na sabihin pang malapit lang ang Manila sa Bulacan ay hindi pa rin naiwasan ni Michael na hindi maramdaman ang pananakit ng katawan niya habang nagmamaneho siya. Kahit na sabihin pang pagod siya sa nasabing gawain ay hindi naman niya masasabing lugi siya lalo na at ramdam niya ang katahimikan ng Doña Remedios Trinidad. Seriously, pwede na nga siyang tumira sa nasabing lugar kung hindi lang iyon malayo sa pinapasukan niya ay siguradong bibili na siya ng lupa roon. Gustong-gusto niya ang katahimikan ng kapaligiran niya.
“Mukhang gustong-gusto mo ang lugar na ito ah,” sambit ni Carmie na nasa tabi na pala niya nang sandaling iyon.
“Bakit hindi ko naman magugustuhan? Tahimik dito, payapa,” sagot naman ni Michael. “Halatang hindi pa yata masyadong dinadayo ang bayang ito.”
“Actually, marami-rami na rin naman ang nagpupunta rito, mga taga-Bulacan din, kadalasan, mga estudyante ng ibang bayan,” sagot naman ni Carmie. “Medyo malayo nga lang talaga kaya madalas ay hindi ito napapasyalan ng mga turista.”
Napatango na lamang si Michael nang sandaling iyon. Kahit na trip pa niyang ienjoy ang katahimikan ng kapaligiran niya ay tinatamaan na siya ng antok nang oras na iyon. Sa tingin pa nga niya ay tutumba na siya anomang oras.
“Tara na sa loob,” sambit ni Carmie sa binata. “Inaantok ka na talaga.”
“Kahit naman sino ay aantukin dahil biglaan naman ang naging lakad mo,” sagot naman ni Michael. “Buti na lang at may natuluyan pa tayo rito.”
“Actually, bahay ko ito rito sa DRT, minsan ko nga lang puntahan kapag sobrang stressed na ako sa mga isinusulat ko,” sagot naman ni Carmie.
“So, ang ibig mo bang sabihin ay tayong dalawa lang ang nandito ngayon?” tanong agad ni Michael na biglang nawala ang antok nang sandaling iyon. “Ang akala ko ba ay pinasasama ako ng mga kaibigan mo? Bakit wala pa sila rito?”
“Nasa bahay sila ng mag-asawa ngayon, nauna lang tayo rito,” sagot naman ni Carmie. “Huwag kang mag-alala, safe ang virginity mo sa akin.”
Napairap na lamang si Michael nang sandaling iyon, “Safe ba talaga? Kung ano-ano na kayang kahalayan ang ginagawa mo sa akin.”
“Ako pa talaga ang tinanong mo,” napapailing na sagot ni Carmie. “Hello, ako dapat ang magtanong sa iyo dahil ako naman talaga ang mawawalan once na pinatulan mo ako.”
Napalabi na lamang si Michael nang sandaling iyon. Seriously, mababaliw na siya sa kaweirduhan ni Carmie. Hindi naman niya magawang kagalitan ang dalaga dahil alam niyang siya rin naman ang magiging talo sa huli. Laging may bala ang dalaga laban sa mga sasabihin niya.
“Tara na sa loob at nang maihatid na kita sa magiging kwarto mo,” sambit ni Carmie. “Hindi kita gagapangin kahit na magkatabi pa ang mga kwarto natin.”
Wala nang nagawa si Michael nang sandaling iyon kundi ang sumunod na lamang sa dalaga. He is too tired para lang makipagtalo pa sa dalaga. Pwede naman niyang awayin si Carmie sa umaga kung sakali mang hindi ito susunod sa sinabi nitong hindi siya nito gagapangin kapag natulog na sila. Problemado nga lang siya dahil sa biglaan nga ang naging lakad ay hindi na niya nagawa pang makapagdala ng kahit na anong damit niya.
“May damit na sa loob ng cabinet mo, hindi ko lang sigurado kung kasya sa iyo,” sambit ni Carmie na para bang nababasa na ang nasa isipan nang oras na iyon.
“Damit ba iyon ng mga kaibigan mo?” tanong agad ni Michael.
“Nope, damit mo iyon, namimili ako lagi kapag umuuwi ako rito,” sagot naman ni Carmie. “Alam mo na, mas mabuti na ring handa ako palagi kaysa naman sa awayin mo ako kapag isinama na kita rito nang walang pasabi.”
MABILIS na lumipas ang isang buong magdamag at masasabi naman ni Michael na behaved ang dalaga kahit na literal na magkatabi ang mga kwarto nila. It seems like marunong namang rumespeto ng salitang privacy si Carmie kahit na sabihin pang pwede na siya nitong gahasain nang nakaraang gabi. Maaga nga lang silang nagising dahil ang sabi ng dalaga ay may pupuntahan sila na isang ilog na malapit lang sa rest house mismo ng dalaga. Malapit lang namana ng pupuntahan nila kung sakali, iyon nga lang, dahil swimming ang usapan ay kailangan din naman nilang maghanda ng lunch lalo na at sila naman ang malapit sa pupuntahan nila. Nagtataka pa nga siya kung bakit sila sa ilog pupunta nang sandaling iyon gayong pwede naman na nilang puntahan ang isang kilalang resort sa nasabing bayan.
“Alam mo, kung gusto mo talagang maranasan ang katahimikan, mas gugustuhin mo pang sa ilog na lang magswimming,” sambit ni Carmie sa binata. “Mas masarap maligo sa ilog kasi mas malamig ang tubig doon.”
“Sigurado ka?” tanong agad ni Michael sa dalaga. “Baka naman -”
”Maganda rin naman sa mga resort, pero kung gusto mo talagang maranasan kung paano ang makapagswimming sa probinsya, hindi mo na dapat palagpasin ang pagkakataong ito,” sambit ni Carmie sa binata. “May restrictions din namang inilagay ang mga locals para walang mapahamak. Kapabayaan mo na iyon kung hindi ka susunod sa rules nila.”
Napatango na lamang si Michael nang sandaling iyon. Sa tingin niya ay sanay na sanay si Carmie na maligo sa ilog. Iyon nga lang, hindi kaya naiilang ang locals sa dalaga kapag lumalangoy na ito sa ilog?
“Mababait ang mga locals dito, hindi na sila naiilang sa akin,” sabi agad ni Carmie na para bang nabasa na naman niya ang nasa isipan ni Michael. “Of course, conservative pa rin naman ang karamihan dito kaya hindi wild ang mga suot ko kapag nagbabalak akong magswimming dito. Wala naman kasi tayo sa Boracay para magsuot ako ng bikini, although alam kong nanghihinayang ka.”
“Excuse me? Ano ang sinasabi mong nanghihinayang ako?” tanong agad ni Michael sa dalaga. “Mas gugustuhin ko pang makita kang balot na balot kaysa naman sa manyakin ka ng ibang mga lalaking hindi mo naman kilala.”
Natawa na lamang si Carmie nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang concerned pa rin pala si Michael sa kanya kahit na madalas nitong sabihing weird siya.
NAKARAMDAM kaagad ng pagseselos si Michael nang nakita niyang magkasama at nag-uusap sina Carmie at Rafael. Hindi niya alam kung bakit pinagseselosan pa niya ang nasabing lalaki gayong alam naman niyang kasama rin nila ang asawa nito. Kahit naman kasi sabihing wala naman siyang dapat ipagselos dahil nagpapanggap lang naman silang dalawa ay hindi pa rin niya iyon maiwasan. Masyadong close ang dalawa na para bang sila lang ang ang may sariling mundo nang sandaling iyon.
“Nagseselos ka sa kanila?” nakangiting tanong ni Sofia sa binata nang nilapitan niya ito. “Huwag kang mag-alala, ganyan din ang naramdaman ko noon.”
“Huh?!”
“I had been there, naramdaman ko na iyan,” sambit agad ni Sofia habang nakatingin sa dalawa. “Sa isang tingin ay mapagkakamalan mo talagang silang dalawa ang nababagay sa isa’t isa. Ipinagtulakan ko na nga si Rafael sa kanya noon eh, kaso makulit sila sa pagsasabing hindi sila talo.”
“Paanong hindi sila talo?” tanong naman ni Michael sa babae.
“Masyado raw lalaki si Rafael sa paningin ni Carmie,” natatawang sabi ni Sofia sa binata. “May pagkakataon pa ngang ginawa niya akong lalaki dahil gusto niyang makita kung bagay ba kaming dalawa kahit na parehas kaming lalaki.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Michael nang sandaling iyon. Hindi niya talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Carmie nang ginawa niya ang bagay na iyon. Ang sigurado lang siya ay ramdam niyang nasasaktan noon si Carmie dahil ipinagtutulakan nito ang lalaking lihim na pala nitong nagustuhan noon. Hindi na siya magtataka pa kung bakit naging weird ang dalaga.
“Hindi ka na ba nagseselos sa kanila?” tanong ni Michael kay Sofia.
“Hindi na, napatunayan ko namang hanggang friends lang talaga ang turingan nila sa isa’t isa eh,” sagot naman ni Sofia. “Kahit na sabihin pang weird ang kaibigan kong si Carmie ay may tiwala ako sa kanya. Hindi naman niya kasi itatapon ang pagkakaibigan namin kung pinagnanasaan na niya ang asawa ko.”
Napatango na lamang si Michael nang sandaling iyon. Kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag dahil sa sinabi ni Sofia. For sure, hindi alam ni Rafael ang mga kababalaghang ginagawa ni Carmie sa kanya.
“Hindi ko alam kung saan noon kumukha ng inspirasyon si Carmie para maisulat ang mga libro niya,” sambit ni Sofia sa binata. “Pero sa nakikita ko ay alam ko na kung sino ang inspirasyon niya palagi kapag maiinit na ang mga eksenang ginagawa niya.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong agad ni Michael.
“Hindi mo pa yata nababasa ang mga libro niya,” nakangiting sambit ni Sofia. “Sa isang tingin pa lang ay alam ko na ikaw ang inspirasyon niya, after all, ikaw naman ang boyfriend niya.”
Isang awkward laugh na lamang ang pinakawalan niya nang sandaling iyon. Nahalata niyang inosente rin ang asawa ni Rafael sa mga pinapanood ni Carmie. Hindi nga lang niya magawang aminin sa kausap ang tungkol sa nalalaman niya dahil kailangan din naman niyang pangalagaan ang reputasyon ng writer niya.
“Salamat, salamat dahil dumating ka sa buhay niya,” sambit ni Sofia sa binata. “Kung wala ka ay siguradong mananatili pa rin siyang single hanggang ngayon. Ingatan mo siya dahil bihira ang isang tulad niya.”
“Bihira nga siya, napakabihira.”