Chapter 9
"Anong late? Hindi pa. Kumain ka muna bago ka mag-umpisa sa trabaho mo. Baka mamaya ay gutumin ka."
"'Wag na lang po talaga. Busog pa ako. Maraming salamat po."
Sa totoo lang, dito naramdaman ni Mylene ang isang pamilya. Mabait sa
kaniya ang mag-ina. Malayong kamag-anak niya ang mga ito sa side ng papa niya.
"Oh, sige. Pero kapag nagugutom ka r'yan, pumunta ka na lang sa reef at
kumain ka. Doon ka kumuha sa ref para social." Nakangiti siya kay Mylene.
Nagpaalam na siya dahil pati siya may pupuntahin din.
May mga kasama naman siya sa loob. Dalawa silang taga-serve at may dalawang tagaluto, isang babae at isang lalaki.
Nagpalit na siya ng damit. Kinuha niya yung mga pinagkainan. Nilinis at
pinunasan niya ang lamesa. Kinuha niya ang ilang basurang nakakalat sa
paligid. Tinipon niya ang basura at tinapon.
"Welcome po, Sir, Ma'am. Masasarap po pagkain dito," bati niya sa mga dumating na customer.
"Sige nga, pa-order kami."
Binigay niya ang menu. "Lahat po 'yan, masasarap, Sir. Lutong may
pagmamahal po kaya mabubusog po kayo at hahanap-hanapin pa po ninyo ang lasa niya."
"Kaso ay kontrolado ang kain ko. Naka-diet ako, baka lalo akong tumaba."
"Sir, 'pag pumunta po kayo rito, 'wag kayong mag-diet. Enjoy the foods po!
Doon na po kayo mag-diet sa bahay ninyo, except po rito. Dahil dito niyo lang matitikman ang ganitong uri ng lasa ng pagkain. Saka alam niyo po ba?
Nakakawala ng stress kapag nag-enjoy ka sa pagkain. Kaya kumain po kayo nang marami at mag-enjoy. Tikman niyo po lahat ng putahe namin dito. Hindi po mabubutas ang bulsa niyo dahil mura lang ang binebenta namin dito pero masasarap."
Simula grade five ay nahasa na ang galing ni Mylene sa sales talk. Noong
nag-umpisa siya sa pagtatrabaho, she encountered different people with different attitude and personality.
She found a way how to convince the costumers to buy, to be part, or to join.
Nung grade five siya, maraming natutuwa sa kanya dahil madaldal siyang bata. Lalo na noong grade six siya ay lalong kumapal ang mukha niya.
"Sige na nga. Natutuwa ako sayo. Para kang yung anak ko, sobrang daldal din."
"Salamat. Lahat po ba, sir?"
"Oo. Siguradong masaya ang mga magulang mo sayo dahil may anak silang bibo."
Naisip ni Mylene, kapag malungkot siya na hindi totoo ang sinasabi ng
customer or kung sasabihin niya man ang totoo, magiging awkward lang at
baka magbago pa ang mood ng mga customer nila. Kaya naman ang ginawa niya ay nagsinungaling. "Opo. Masayang masaya po sila."
"Oh, sige, Sir. Maghintay na lang po kayo nang ilang segundo lang. Para hindi po kayo mainip, may mga magazine po kami r'yan," aniya saka tinuro ang lugar kung nasaan ang mga magazine. "Latest magazine po 'yan para maging updated po kayo sa mga latest na mga nangyayari sa ating mundong minsan, masaya, at minsan ay malungkot."
"Ay, natutuwa talaga ako sayo."
Binigay na yung order nila. "Enjoy your meal!"
Pumunta na sa loob si Mylene para manghugas ng mga plato.
"Mylene, ang galing mo kanina," papuri sa kanya ng tagaluto nilang babae.
"Oo nga."
"Magaling talaga 'yan. 'Di ba, kwento niya? Grade 6 palang, nag-sa-sideline na siya."
"'Wag kang maiinis, Mylene, ha? Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi 'to sabihin. Yung mga magulang mo, mga walang puso. Hindi ba nila nakikita na anak ka rin nila? Hindi ba nila nakikita na pagod ka na.
Kasi kahit sa bahay, ikaw pa rin ang nagtatrabaho. Lagi ka ngang puyat, ikaw pa yung inaasahang maglinis at kung ano-ano pa. Nandiyan naman ang mga kapatid mo. Ano bang ginagawa nila? Nagpapalaki lang ata sila ng—"
Sinabihan naman siya ng isang kasamahan niya mg, "Wag mo nang ituloy."
"Hindi naman bastos ang sasabihin ko. Ang sasabihin ko lang, nagpapalaki lang sila ng tiyan. Mylene, 'wag kang mainis sa akin, ha? Sinabi ko lang ang totoo."
Pati sila, mahal ma mahal si Mylene. Naaawa sila sa dalaga kaya nga no'ng nagsinungaling siya sa customer nila ay hinayaan na lang nila ito.
May sariling rason siya kung bakit niya yun ginawa. Saka gusto nga nilang ampunin na lang si Mylene, lalo na yung Auntie niya na sobrang mahal siya.
"Hindi naman ako magagalit. Pero kahit totoo ang mga sinabi niyo, pamilya ko pa rin sila. Saka naniniwala ako na balang araw, magbabago rin sila. I mean, mapapansin din nila ako."
Lumapit sila kay Mylene at niyakap ito. "Kami, mahal na mahal ka namin."
Pagkatapos ng trabaho sa karenderya, nagpaalam na siya sa mga kasamahan niya. Hindi siya nakapagpaalam sa mag-ina dahil wala pa ang mga ito. Hindi pa nakauwi.
Kinuha niya ang phone sa bag dahil may tumawag. "Anak! Mamaya pala pag-uwi mo, bili ka na lang ng ulam. Yung masarap, ha? Saka bayaran mo na lang si Aling Mindang. 160 lang naman yun. Marami ka naman trabaho kaya marami kang pera. Yun lang."
"Oh, sige po."
Huminga nang malalim si Mylene. Bago pumunta sa next na raket ay dumaan muna siya sa simbahan.
Sa likod siya umupo. "Panginoon, alam Niyo na po ang dahilan kung bakit araw-araw akong lumalapit sa Inyo dahil araw-araw, nawawalan na po ako ng pag-asa. Dahil araw-araw, nawawalan ako ng lakas ng loob.
Dahil araw-araw, umaatake ang takot ko at kaba ko.
Sa araw-araw na mga negative na lagi kong hinaharap, kaya araw-araw pagod ako. Napapagod na ako. Pagod na pagod ako. Malayo pa ba ang finish line sa mga pagsubok ko? Wala bang break sa mga pagsubok sa buhay ko? Sana man lang, kahit isang araw, maramdaman ko yung freedom from this negativity.
Hindi ko naman po hinahangad yung mabilis na kasaganahan. Ang akin lang po, sana mawala 'tong ganitong pakiramdam ko. Pakiramdam na hopeless araw-araw. Pagod araw-araw. Bata pa po ako pero pasan ko na po ang daigdig. Ang problema ng mundong ito.
Sana, Panginoon ko, buhusan Niyo ako ng matatag na paniniwala sa Inyo para hindi ako mawalan ng pag-asa. Sana po, bigyan Niyo po ako ng katatagan, lakas ng loob, tiwala sa sarili, determinasyon, perseverance, pagiging matiyaga at masipag, patience, at mga kabutihang tutulong sa akin upang malabanan ko ang doubtful, pagod, at katamaran araw-araw
Huwag Niyo akong pabayaan. Samahan Niyo po ako araw-araw sa
pakikipagsapalaran, Panginoon. Tulungan Niyo ako!
Sa maraming pagsubok, Panginoon ko, sana'y may isang swerteng dumating upang maibsan ang dinadala kong bigat." Yumuko siya at pinikit ang mga mata niya.
Bigla-biglang may dumaan sa harap niya at umupo sa gilid niya. Tumabi sa kanya.
Napadilat siya at tumingin sa nagsalita. "Ako na yun." Nakita niyang si Axell pala ito. Nakatitig siya sa binata. Lalo siyang na-carried away dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana.
Ngumiti sa kanya si Axelle kaya lalo siyang na-attract. Nakalimutan niya ang mga pinoproblema niya ngayon.
Saya ang nangigibabaw sa puso niya
ngayon. Ilang minuto siyang gano'n hanggang sa nagsalita si Axelle.
"Ayos ka lang?"
Bumalik siya sa sarili niya dahil tinapik siya ni Axelle.
"Ang sakit, ha."
"Parang hindi mo kasi ako naririnig. Kung makatitig ka sa akin, para kang
in love na in love. Umamin ka nga,
Mylene, in love ka ba sa akin?" Tinapik siyang muli ni Axelle.
"Ikaw ang gumising. Nananaginip ka 'ata, e." Sabay tayo at lakad palabas ng simbahan.
"Taguan ng feelings? Mahirap 'yan. Mahirap pigilan 'yan," sigaw niya.
"Baliw! Saka bakit nandito ka?"
"Para magsimba?"
"Huwag mo nga akong pinagloloko. Buti nga, hindi ka nasunog."
"Oo, dahil mala-anghel ako."
"Lumalabas na naman yang kayabangan mo. Huwag mo nga akong sundan."
"Saan ka ba pupunta?"
"Wala kang pakialam."
"Sumabay ka na lang sa akin. Ihahatid kita."
"Baka madumihan pa 'yang kotse mo. No thanks na lang."
"'Di ba, slave mo ako and you are my master? Kaya ayos lang. Kahit sadyaing dumihan mo pa 'yan, eh."
Hinarangan ni Axelle si Mylene ng kotse niya.
"Pinapainggit mo ba ako sa kotse mo? Pwes, hindi ako naiinggit. Umalis ka nga. Subukan mo pa akong harangan. Hihingi na ako ng tulong sa mga police
or worst, sisigaw ako at sasabihin ko, you are rapist."
Tumawa si Axelle sa sinabi niya about sa rapist. "Seryoso? Itong mukhang ito? Rapist? Baka ikaw pang mapagkamalang stalker ko."
"Bahala ka r'yan. Pasalamat ka, wala ako sa mood makipag-asaran sayo.
Nagmamadali ako sa trabago ko." Lumakad na siya paalis.
Hindi na siya hinarangan ni Axelle. Nakita niya ring hindi na siya sinusundan nito.
"Mabuti naman. Nakakainis talaga ang lalaking yun!"
"Bakit ba siya pumunta rito? Sino naman kaya ang pinuntahan niya? Saka parang hindi 'ata siya nagpupunta sa mga ganitong lugar. I mean, dumadaan kasi malamang, highway 'to. Pero yung gagala? Imposible. Ang layo sa
standard niya.
Sumusunod ba siya sa akin. Wait! Sinusundan niya ako? Kaya siguro pumasok 'yon ng simbahan.
May gusto ba talaga yung lokong yun sa akin? Talaga ba na may gusto siya sa akin? Mahirap paniwalaan, Tsaka, Lagi niyang inaamin na may gusto siya sa akin. Baliw talaga yun.
Lakas ng tama niya. Bakit ko ba siya iniisip ngayon? Hoy, mind! Huwag mo akong traydurin. 'Wag mo na nga siyang isipin. May trabaho ka pa. Yun ang isipin mo.
Parang baliw na ako rito, ah. Nakikipagdebate ako sa sarili kong isip. Stop. Stop."
Pumasok na sa loob ng restaurant si Mylene. Nagpalit siya ng damit
pantrabaho.
"Mylene, nandiyan ka na pala," wika ng kasamahan niya.
"Oo."
"Madumi ang kusina. Pakilinis, ah?"
"No problem."
"Thanks!"
"Welcome."
Napabuntong-hininga siya. Nakita niyang maraming hugasin at madumi ang kusina.
Pinipigilan niya ang antok niya. Sa araw-araw na ganito ang cycle ng buhay niya na hindi siya nakapagpapahinga nang maayos at laging puyat ay hindi mawala-wala ang sakit sa katawan niya. Kaya nga pag-uwi sa bahay o kahit
labas, nilalagyan niya ng salonpas, to relieve the pain.
Nilinis niya ang kusina. Ilang minuto rin bago ito tuluyan naging malinis saka niya hinugasan ang mga pinggan at iba pang gamit sa kusina.
Lagpas na ng alas nuwebe nang lumabas siya sa restuarant.
"Ang sakit ng likod ko. Grabe! Magpapamasahe ako sa Sabado. Ang sakit talaga ng likod ko!"
Umulan kaya basa ang buong katawan niya nang makarating sa huling raket niya. Giniginaw siya kaya agad siyang nagbihis ng damit.
"Mylene, matagal na rin simula nang nakita kitang pumasok nang maaga rito," sabi ng nakatataas na janitress.
"Ma'am, araw-araw akong pumapasok nang maaga. Hindi niyo lang po ako nakikita pero pumapasok po ako nang maaga."
"I see." Naglakad na paalis ang head nila. Sa totoo lang, alam niya ang totoo na madalas late si Mylene.
Nakalimutan ni Mylene na may bagong cctv silang nakalagay sa gilid but their head ignore her lateness at nilalagay sa report card na maaga siyang nakararating. Alam kasi niya ang kwento ni Mylene. Naaawa siya.
Laking tulong ang trabaho niya as janitress dahil sa malaking sahod. Kaya naman pinapabayaan niya lang si Mylene kahit na alam niyang na-li-late siya, hindi dahil sa paglalakwatsa, kun'di sa ibang raket niya.
Kaya nga pagkatapos ng trabaho ni Mylene, binibigyan niyo ito ng libreng
pagkain.
Para hindi halata na concern siya, sinasabi niyang nagbibigay ng libreng pagkain ang company na ito pero alam ni Mylene na hindi totoo yun.
Parang lasing nang maglakad palabas ng company si Myene dahil sobrang antok niya na. Hindi na kaya ng mata niya.
May malapit na coffee shop. Bukas ito 24/7 at doon ang tambayan niya. Doon siya natutulog.
Para hindi nakakahiya lalo na gabi-gabi siya ro'n, ang ginagawa niya ay nag-o-order siya ng maiinom at makakain.
Umupo na siya. "May dalawang assignment pa pala ako. Doon ko na lang 'to tatapusin sa school. Inaantok na ako, eh " Madalas, dahil sa antok niya ay nakakalimutan niyang kumain. Kaya nga ang payat ng katawan niya, eh. Pero hindi naman sobrang payat. Slight lang.
"Miss, yun pa rin ang o-order-in ko."
"Yes po, Ma'am. Wait lang po."
Tumingin siya sa labas. Bigla siyang inubo. "Katawan ko, huwag kang
magkasakit. Alam mo naman na hindi pwede. Mahaba-haba pa ang journey natin. Kapit lang tayo sa isa't-isa kaya laban ka lang, kaya natin 'to. Ang Panginoon ang bahala sa 'tin."
"Ito na po, Ma'am. Thank you!"
"Thank you rin." Dahil coffee shop ito, kaya may coffee siyang order. Pero hindi niya ito iniinom. Alam niyo na ang sagot. Lalo siyang hindi makakatulog nito.
"Sana naman bukas, walang masyadong assignment para kahit punuin na lang sa activity."