Chapter 8
Ngumiti si Miko. Mas malakas ang tili at palakpak ni Mylene kumpara sa ibang kasamang pumalakpak din.
"Kaibigan ko 'yan," sigaw pa niya.
"Nakakabingi naman 'tong babaeng 'to. Ang sakit sa tenga," bulong ni Axelle.
Tinitigan ni Miko si Mylene. Natuwa siya dahil masaya ito at proud sa kanya.
"Ang unang araw ng pasukan. Naalala ko pa. Natuwa ako sayo habang tinitingnan kita gaya ngayon. Hindi maipaliwanag pero iba yung tama mo sa puso ko. Nagdadalawang isip pa ako sa nararamdaman ko sayo pero ngayon, I'm really sure na gusto kita. Mahal kita! Mahal kita dahil sa inosente mong mga ngiti at tawa.
Hindi na siguro ako makakahanap pa ng babaeng tulad mo kaya sisikapin kong magustuhan mo rin ako. Mahalin mo rin ako."
Lumapit si Mylene kay Miko at niyakap. "Maganda pala ang boses mo, ha?
Siguradong sisikat ka rin gaya ng mga singer diyan. Kaya ikaw, alagaan mo
boses mo."
"Opo."
Binigyan siya ni Mylene ng maiinom.
"Nakakatuwa naman dahil alagang-alaga mo ako."
"Siyempre. Ikaw ang unang naging kaibigan ko."
Ngayon napagtanto na ni Axelle na may gusto si Miko kay Mylene.
"Kaya pala ayaw niyang lubayan si Mylene. Kaya pala dikit siya nang dikit kay Mylene.
Ang totoo pala, may gusto siya rito. Napansin kaya ito ni Mylene? Alam niya kayang may gusto sa kanya si Miko sa kaniya? Sa tingin ko, sa nakikita ko ay hindi.
Nakikita kong wala siyang kaalam-alam. Manhid talaga 'tong babaeng 'to.
Kaya dapat, maging alisto ako at maglabas pa ng maraming effort. Ayokong masira ng lalaking ito ang mga plano ko. Malapit ko nang mapa-ibig sa akin si Mylene.
Nararamdam kong malapit na. Kaunti na lang at matatapos na 'tong
kagaguhang ginagawa ko. At ikaw, babae ka, dobleng sakit ang ibabalik ko sayo. Kasama na ro'n ang pride ko at image na dinudumihan mo."
Tinawag ni Mylene si Axelle.
"Bakit na naman?"
"Kunin mo nga kami ng litrato."
"Kayo lang?"
"Oo. 'Maya ka na. Huwag ka na ngang umepal diyan."
"Oo. Ito na. Ito na." Kumuha rin silang tatlo ng litrato.
Hinila ni Axelle si Mylene papunta sa kaniya at inakbyan. "Huwag ka ngang gumalaw. Baka pumangit 'tong picture na 'to. Dapat may picture rin tayong dalawa." Hinigpitan niya ang paghawak kay Mylene kaya parang naiilang ang dalaga.
Pagkatapos kumuha ng picture, itinulak niya si Axelle. "Ito talaga, ang sama sa akin."
"Ikaw kasi, bigla-bigla ka na lang nanghihila."
Lumapit si Miko sa dalawa. "Mylene, pwede ka na umalis para hindi ka ma-late sa raket mo para makauwi ka rin nang maaga at makagawa ng mga projects mo." Ngumiti sa kanya si Mylene. Niyakap din siya.
"Sana makita mo 'ko. Hindi bilang kaibigan, kun'di bilang taong pwede kang mahalin. Taong sasamahan ka sa lahat at bawat pangyayari sa buhay mo."
Nais ni Miko maging girlfriend si Mylene. May plano siyang ipagtapat kay Mylene ang nararamdaman niya.
Lumabas na sina Mylene at Axelle sa music room. "Saan ba natin gagawin ang homework natin?" tanong niya kay Axelle.
"Mamaya na lang, 8pm sa 7 eleven."
"Mamaya pa pala tapos ang lakas mong makasumbat kanina. Ang lakas talaga ng trip mo, e, 'no?"
"Nag-text sa akin mga kaibigan ko. May mahalaga kaming pupuntahan."
"So, uunahin mo pa 'yan kaysa sa homework natin? Hindi rin ako pwede mamayang 8 at 9 to 12 am dahil may trabaho ako."
"Seryos? Hanggang 12 am ang trabaho mo? Makakauwi ka pa kaya sa inyo?"
"Oo. Mga 5, 6 or 7 am. Maaga kapag hindi traffic."
"Paano ka matutulog? Sa pag-uwi mo sa bahay mo, buti at nakakapasok ka pa sa school."
"Uuwi ako ng bahay para mag-ayos ng gamit at maligo. Pagkatapos kumain, pupunta na ako sa school. Gano'n kasimple."
"Hirap ng sitwasyon mo, ah?"
Ngumiti na lang si Mylene. "Kaya ikaw, pahalagahan mo ang masarap na buhay na meron ka. Tara na. Ngayon na natin gawin ang homework natin."
"Kaya pala kapag walang teacher, laging tulog 'to," bulong ni Axelle sa sarili.
Pumasok na sila sa 7 eleven. Binati sila ng isa sa mga staff. "Good afternoon, Sir. Good afternoon, Ma'am. You look great po as a couple."
Nagsalita si Mylene at sinabi niya sa babaeng staff ay hindi niya kasintahana si Axelle.
Biglang napangiti si Axelle. "Ay sorry po! Akala ko po ay kayo. Bagay po kasi kayo, eh. Pero nililigawan ka po ni Sir?"
"Hindi. Magkaibigan lang kami."
"Hindi? Bakit, gusto mo bang ligawan kita?" sabat ni Axelle.
"Nakakakilig naman po kayo. Lakas po ng chemistrty ninyo. Sana,
magkatuluyan po kayo. Bagay na bagay po talaga kayo."
"Ay naku, Miss. Ayoko sa lalaking 'yan, kaya hindi 'yan mangyayari," sagot niya habang nakatingin kay Axelle.
"Wow! Nahihiya naman ako sa sinabi mo. Gusto ma bang sabihin ko yung
mga pangyayari na masaya ka?"
"Nag-uumpisa ka na naman, ha?" Lalong natuwa sa kanila ang staff.
"Umupo na po kayo, Ma'am, Sir. 'Wag na po kayong magbangayan, baka mapagkamalan pa kayong mag-jowa," biro ng staff.
Bumili na sila ng o-order-in nila. Binigay sa kanila ang Menu.
"Ito po piliin niyo, Sir. Couple drinks at couple foods. Kahit hindi kayo, alam kong magiging kayo rin po."
"Sige, Miss. 'Yang couple drinks and couple foods. Saka ito rin po."
Binigay ni Mylene ang sasagutan nilang dalawa. "Para hindi unfair, pareho tayong magsasagot."
Tiningnan naman 'yon ni Axelle. "Madali lang pala 'to."
"Yabang mo! Madali lang dahil nandiyan si Google."
Habang nagsasagot si Mylene, napatingin siya dahil sa tanong Axelle.
"Ulitin mo nga!"
"Sabi ko, pwede ba kitang ligawan?"
"Ano na namang trip 'yan, ha?"
"Sabi kasi ng staff kanina, bagay tayo, eh."
"Kaya yun yung reason kaya sinabi mo 'yan. Loko-loko ka talaga. Iba na lang pagtripan mo."
"Hindi. Hindi rin kita pinag-ti-trip-an. Seryoso ako sa sinabi ko."
"Bahala ka r'yan. Sagutan mo na lang homework mo." Bigla siyang nailang kaya tinakip niya yung notebook sa mukha niya. Kunwari ay nagbabasa siya.
"Nahihiya ka ba?"
"Mukha mo."
Dumating na ang order nila. "Ate, I took your advice po kaya nililigawan ko siya ngayon." Binaba ni Mylene ang notebook at tumingin kay Axelle.
Nakangiti lang ito.
"Loko ka talagang lalaki ka," bulong niya.
"Natutuwa naman ako," sagot ng babaeng staff sa kaniya.
"Kaso lang, nahihirapan po ako. Kita niyo naman po higit siya pa ang lalake kung kumilos." Tumingin siya kay Mylene.
"Kung malapit lang ako, binatukan na kita."
"Oh, tingnan niyo na po."
Ngumiti sa kanila ang staff. "Ang advice ko, huwag kang sumuko. Laban lang!"
"Opo. Hindi po ako susuko hanggang sa marinig ko ang matamis niyang oo."
"Korni mo, ha?"
"Good luck! Wish you more luck!" Bumalik na ang staff sa trabaho nito.
"Axelle, pinapayagan kitang asarin at pag-trip-an ako sa ibang bagay. Pero
yung tungkol sa ganyang bagay, huwag mo nang subukan." Pinakita niya ang muscle niya. "Alam mo bang marami na akong nasuntok na mga lalaki? Kung ayaw mong mapabilang sa kanila, umayos ka. Naintindihan mo ba?"
"Bakit? Sa tingin mo ba, nagbibiro lang ako rito? Seryoso nga ako."
"Gusto mong marinig ang sagot ko? Kahit seryoso ka pa, hindi kita gusto.
Hindi kita sasagutin. Ngayon pa lang, busted ka na. Give up dahil hindi kita
magugustuhan, man!"
"Grabe ka talaga magsalita. Prangka. I like it. Bahala ka, basta liligawan kita. Alam kong gusto mo rin ako. I feel it."
"Feel it mo mukha mo. Magsagot ka na nga r'yan at may pupuntahan pa ako."
Inumpisahan nang sagutan ni Axelle ang papel niya. Ginamit niya si Google para masagutan ang mga tanong na mahihirap.
Habang nagsasagot, palihim siyang tinitingnan ni Mylene. "Loko talaga 'tong lalaking 'to. Ligawan daw? 'Wag nga ako. Hindi niya ako maloloko." Napangiti siya habang naglabasan ang mga katanungan sa isip niya.
"I like him kapag tahimik lang siya at hindi gumagawa ng kalokohan. In love na talaga ako sa kanya. Ano ba 'yan? Paano nagsimula 'to? Bakit sa kanya pa? Kapag nalaman niya, lalo akong aasarin niyan. Kaya, Mylene, ayusin mo ang sarili mo. Magpanggap kang wala kang gusto sa kanya. Sikapin mo na mawala ang gusto mo para sa kanya. Kaya mo 'yan."
Hindi niya napansing sumilip si Axelle. "Sumisilip ka pa r'yan. Pwede namang titigan mo ako. Nandito lang ako sa harap mo, oh," ngiting sabi niya kay Mylene.
"In your dreams. May dumaan na kakilala ko. Tiningnan ko siya kung wala na ba kaya sumilip ako rito. Naisip mo bang tinitignan kita dahil sa sinabi mo kanina? Huwag kang feelingero dahil marami ang namamatay sa pagiging ganyan."
"Asuss. Magsisinungaling ka pa. Aminin mo kasi na mahal mo rin ako.
Tinatago mo pa 'yang nararamdaman mo sa akin, e."
"Tanong ko lang. Mabibilang mo ba ang mga star sa langit?"
"Pa'no ko mabibilang yun, madami. Maliliit pa."
"Tama. Madami kaya gano'n din kadami ang confidence mo, nag-uumapaw.
Uminom ka nga ng kape para magising ka sa katotohanan na kahit kailan ay hindi mo maloloko ang gaya ko. Alam mo ba 'yon?"
"May pupuntahan ka ba sa Sabado? Free ka ba sa araw na 'yan?"
"Huwag mo mo nga ibahin ang topic."
“Sagutin mo nalang ang mga tanong ko.”
“Bakit?" mataray na tanong niya.
"Isasama sana kita sa beach."
"Wow! My beach beach ka pa r'yan, ha."
"Sumama ka na. Malapit lang naman, eh. Sige na. Lahat ng gastos, sa akin.
Lahat ng gusto mong pagkain, ibibigay ko o kahit anong hilingin mong bagay, ipagkakaloob ko sayo."
"'Wag mo nga akong suhulan."
"What's suhulan?"
"Hindi ako nasisilaw sa pera mo, sa yaman mo."
"Tatanggihan mo pa talaga, e, ang very short lang ng bakasyon na 'to. Kung nag-wo-worry ka sa layo, 'wag kang mag-alala, diyan lang tayo sa malapit para hindi tayo mapagod sa byahe at makauwi tayo ng umaga."
"Hindi nga ako pwede. Busy ako sa raket ko. Maghapon ako magtatrabaho."
Napansin ni Axelle na humina ang boses ni Mylene habang sinasabi ang huling linyang maghapon siyang magtatrabaho. "Kaya huwag mo nang ipagpilitan ang beach na 'yan."
Nakayuko ang dalaga, nagkukunwaring nagsasagot siya sa notebook.
Tumahimik si Axelle. Hindi niya mapaliwanag kung bakit bigla siyang
natahimik. Kung bakit ayaw magsalita ng bibig niya. Kung bakit ayaw nitong bumuka. Parang kakaiba ang nararamdaman niya habang tinititigan si Mylene.
"Naaawa ba ako sa kanya, or may nararamdaman akong something
sa kanya?"
"Sige. Next time na lang kapag free ka this month."
"Araw-araw akong busy." Tumunog na ang alarm ni Mylene. "Buti na lang at tapos na ako." Tumingin siya kay Axelle. "Ikaw, tapos ka na ba?"
Niligpit niya ang mga gamit niya habang tinatanong ang mga binata
"Saan ka pupunta?"
"Tapos na ako. Ikaw, tapusin mo na lang 'yan mag-isa." Bumalik siya sa table at kinuha ang burger at drinks. "Salamat dito, ha? Sige, alis na ako."
Tumayo si Axelle at tiningnan niya si Mylene na paalis na tumatakbo.
"Anong nangyari sa babaeng yun? Iniwan talaga ako rito. Unbelievable!"
Bumalik na siya sa pagsasagot.
Mabuti na lang ay natapos ko na ang assignment ko. Pero may dalawa pa
akong tatapusin. Mamaya na lang siguro before ako pumunta sa restaurant or siguro tatapusin ko na lang 'yon yun after ng trabaho ko ng 12. Or bukas na lang kaya? Or sa school na lang kaya? Bahala na. Trabaho muna ang iisipin ko ngayon.
Bukod sa trabaho ng 8 pm to 12 am, may trabaho rin siya ng 5:30 pm to 7:30 pm.
Kaibigan niya ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niya, kaya naman sa tuwing hindi siya pwedeng pumasok ay pinapayagan siya. Gaya na lamang nung first day of school.
Hindi talaga siya pumasok para makakuha siya ng papel na
medal para ilang linggo siyang libre sa snack.
Nag-se-serve siya sa isang medyo malaking karenderia at minsan ay
nagluluto siya kapag maraming tao.
Araw-araw siyang sinasahuran dito.
Kapag serve at hugas lang ng pinggan, 100 ang binibigay sa kanya. Pero kapag kasama ang pagluluto ay 150.
Late man siya o hindi, saktong pera ang binibigay sa kanya. "Beshy, nandiyan ka na pala?"
"Sorry, ha? Late ako."
"Ano ka ba? Ilang minuto lang naman." Parehong mabait ang mag-inang amo ni Mylene.
"Bait mo talaga, Beshy. Sige, pasok na ako."
"Oh, sige, at ako naman ay may pupuntahan pa."
"Ang ganda natin, Beshy, ah?" komento niya sa beshy niya.
"As always. May date ako," narinig niyang tugon sa kanya ng kaniyang
kaibigan.
"Oh, nandiyan ka na pala Mylene," wika ng mama ng kaibigan niya.
"Opo, Auntie. Sorry po, late na po ako."