Chapter 10
Naaawa sa kanya si Miko kaya lagi niyang sinasabi kay Mylene na siya na lang ang gagawa ng assignment niya. Ayaw naman pumayag ni Mylene dahil kung magkakagano'n, wala siyang matututunan at mababalewala ang mga efforts niya, ang puyat niya sa pagtatrabaho.
Pinapaaral niya ang sarili niya kaya ayaw niyang maging useless ang lahat. Kahit pagod at puyat, siya ang gumagawa ng assignment at project niya.
Pagiging responsable at disiplinadong tao ang itinuturo niya sa sarili niya.
"Ito naman kasi, isang subject teacher namin, kung magbigay ng assignment, parang walang bukas.
Tapos during class niya, hindi siya masyadong magtuturo. Mga assignment na binibigay niya ay wala sa topic, kami yung pinapahirapan niya, eh. Hindi talaga pare-pareho ang way ng pagtuturo ng teacher sa kanilang mga estudyante. 'Yan napapansin ko since elementary."
Tinabi niya ang inorder na pagkain. Konti lang kinain niya. Inayos niya ang pwesto ng sarili para matulog.
Hinahayaan na lang siya ng mga staff sa loob ng coffee shop.
Hindi umabot ng isang minuto ay nakatulog na siya. Antok na antok na kasi ang mga mata niya. Pagod na pagod ang katawan niya.
Sa araw-araw na ganitong pagtulog ay nasanay na ang katawan niya sa
ganito.
Umulan ulit sa gabing iyon at ang tulog niya ay mahimbing at komportable kahit walang maayos na tulugan.
Tumunog na ang kaniyang alarm clock kaya naman siya'y napagising.
"Hayy, buhay... Maaga na pala. Ambilis. Inaantok pa ako!"
May dala siyang toothbrush. Kinuha niya sa bag.
Pumanta siya sa CR para magtootbrush dahil ayaw niyang maamoy nila ang mabaho niyang hininga.
Ilang sandali lang ay tapos na siya at mabango na rin ang hininga niya.
Matapos no'n ay lumabas na siya agad ng banyo.
Inayos niya na mga gamit niya. Nagpasalamat din siya sa mga staff dahil hinayaan nila siyang matulog sa loob.
May nakaharang na lalaki sa pinto. Nakatalikod siya. "Excuse me po. Padaan po." Nang makita niya kung sino ito ay hindi niya napigilan ang mainis.
Ang lalaking iyon pala ay si Axelle lang naman.
Sinungitan niya ito. "Anong ginagawa mo rito? Agang-agang papa-highblood-in mo ako!"
Ngunit laking gulat na lamang ng dalaga nang bigla siyang yakapin nito.
Anong kalokohan ito?
Narinig niya ang mga sinabi ng binata. "Hayaan mong ligawan kita, hayaan mong alagaan kita para hindi ka na mapagod, para hindi ka na mahirapan, para hindi ka na mapuyat. Natunaw ang puso ko habang nakikita kitang
nahihirapan. Please! Sagutin mo na ako! Be my girlfriend. I will do everything that I can just to make you happy and be more happier by my side."
Hindi nakapagsalita si Mylene dahil sa mga sinahi nito sa kaniya.
Maniniwala at magtitiwala ba siya sa mga salita nito or hindi na lamang iyon papansinin dahil baka pinag-ti-trip-an lamang siya ng binata.
Confirmed na may gusto na ako sa kanya. It's like a magic na lumitaw nalang basta-basta.
Ngunit natatakot siyang magmahal. Hindi dahil natatakot siyang masaktan,
kun'di natatakot siya na mawalan ng minamahal. Natatakot siyang ibigay ang kaniyang buong papagmamahal, dahil baka sa dulo ay mawawala lang siya.
Natatakot siyang maranasang maiwan. Natatakot siyang mawalan ng minamahal. Kaya hindi niya alam kung ano ang dapat na isasagot.
Ayaw kong magsisi sa dulo.
Lumapit si Ella kina Markus at Kenneth.
"Hoy, kayong dalawa, sabihin niyo
nga sa akin ang totoo. Subukan niyo lang magsinungaling, malilintikan kayo sa akin. Totoo ba ang naririnig ko? May nililigawang babae ang aking Axelle?
Magsalita kayo." Matapos niyang marinig ang balitang iyon ay hindi siya mapakali.
Ilang buwan niyang kumbaga nililigawan si Axelle. Maraming effort ang ginawa niya, pati pride niya ay isinantabi niya.
Pagkatapos ngayon, sa huli ay mababalitaan niya na ibang babae raw ang nagugustuhan si Axelle? Aagawin pa ng babaeng yun si Axelle sa kanya.
"Hoy? May pangalan kami. Bahala ka, hindi namin sasagutin ang tanong mo kung hindi mo kami tatawagin sa mga pangalan namin," wika ni Kenneth.
"Oo. Tama si Kenneth. Madalas mo na kaming tinatawag na 'hoy.' Gusto mo bang tawagin ka rin namin ng gano'n?"
"Ang aarte nito. Fine. Markus, Kenneth. Oh happy?"
"Bakit nauna si Markus, eh, ako ang kausap mo?"
Umalis ang dalawa sa kinatatayuan dahil babatukan sila ni Ella.
"Pinag-ti-trip-an niyo ba ako, ha? Sabihin niyo na sa akin ang totoo," sigaw niya.
"Sinisigawan mo ba kami, ha? Bahala ka maghanap ng sagot," pagpapabebe ni Kenneth.
"Oo nga. Masakit sa amin na sinisigawan mo kami. Ikaw nga, kinakausap ka namin nang maayos, tapos kami, ganyan ang pakikitungo mo sa amin," dagdag pa ni Markus.
Nainis na si Ella kaya kumuha siya ng basurang basang papel at binato iyon sa dalawa. "Wala ako sa magandang mood para pag-trip-an ninyo." Buti na lamang at mabilis silang nakailag.
"Tama na nga. Ang dumi niyan. Ang isip bata mo, ah," sigaw ni Markus.
"Hindi ka ba nadudumihan? 'Di ba maarte ka?" Lalong nainis si Ella sa sinabi ni Kenneth.
"Mga bwisit kayo. Sabihin niyo na sakin ang totoo. Bahong baho na ako sa basurang ito."
"Kasalanan mo 'yan."
"Tama."
"Tama?" Kinuha niya ang lagayan ng basura at binato sa dalawa.
"Hoy. Grabe ka." Hinila ni Markus si Kenneth dahil matatamaan na ito.
"Sabihin niyo na sa akin ang totoo. Totoo bang may nililigawang iba si
Axelle?"
Nakita ni Markus papasok ng gate si Axelle kaya sinabi niya na, "Siya na lang ang tanungin mo." Sabay turo kay Axelle.
Biglang nag-transform from evil to good si Ella. Ngumiti siya at sinalubong si Axelle. Tinanong niya ito nang makalapit siya rito. "Axelle? Totoo bang may
babaeng umaaligid sayo?" Pero dinaanan lang siya nito. Napansin din nilang parang bad mood ito.
"Bakit gano'n mukha niya? Sa kay tagal-tagal, ngayon ko lang ulit nakita ang ganyang mukha niya," pagtatakang tanong ni Ella.
"Baka na-badtrip sayo. Tingnan mo nga itsura mo, para kang taong grasa," pagbibiro ni Markus.
"Ang baho mo." Lumayo sila kay Ella.
"Ayaw niyo talaga akong tigilan sa trip niyo?" Kinuha niya ang basang basura at hinabol ang dalawa.
"Hindi namin alam, gusto mo rin palang paglaruan ang basura," sigaw ni Markus.
"Oo nga. Ang baho mo, Ella. Nakaka-turn off. Maligo ka na," dagdag na pang- aasar ni Kenneth.
"Mga bwisit kayong dalawa. Lagi niyong sinisira ang araw ko."
"May araw ba ngayon? Cloudy po," patuloy nila sa pang-aasar kay Ella.
Pinuntahan nina Markus at Kenneth si Axelle para kausapin ito.
Tinabihan si Axelle ng kaibigan sa upuan.
"Ano bang nangyari? Bakit parang hindi maganda ang mood mo ngayon?" seryosong tanong ni Markus.
"Hindi ko alam, bro. Parang nasasaktan na ako. Dati-rati naman, hindi ganito. Lalo na yung ganitong pakiramdam."
"Saan ka nasaktan at bakit?" pangalawang tanong ni Kenneth.
"Kay Mylene. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Dahil
pinag-aaral niya ang sarili niya kaya kailangan niyang magtrabaho, araw araw.
Naaawa ako sa kanya dahil ramdam ko ang pagod at puyat niya. After ng last subject sa hapon diretso na siya sa work niya na hanggang 12 am."
Sinundan kasi niya kahapon si Mylene, hindi siya umuwi.
"Kahapon sinundan ko siya. Pinapanood ko siya mula sa malayo. Gusto niya nang matulog ngunit pinipigilan niya dahil may trabaho pa siyang tatapusin. Kaya nga nakokonsensiya ako sa pinaggagawa kong panloloko sa kanya.
Bigla akong nakaramdam ng something sa kanya. Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin to cheer her up. Iparamdam sa kanya na nandito lang ako.
Ewan ko. Hindi malinaw sa akin kung naaawa lang ba ako or nagugustuhan ko na siya."
"Awa lang 'yan, bro. Awa lang 'yan. Huwag kang magpadala sa nararamdaman na 'yan."
"Oo nga, bro."
"Bro, para hindi na 'yan lalalim pa, huminto ka na sa pagpapa-ibig sa kanya.
'Di ba, sabi mo, nakokonsensya ka na sa panloloko dahil naaawa ko sa
sitwasyon niya? Kaya payo namin sayo, huminto ka na at baka sa dulo, ikaw pa yung masaktan or pareho kayong masaktan."
"Tama si Kenneth, bro. Saka naaapakan na yung pride mo, lalo na as the K-Brothers' leader. Nasisira na ang reputasyon mo dahil sa kanya kaya itigil mo na 'yan, bro. Let's go back to our normal lives."
"Kalimutan mo na lang yung mga nangyari. Balik ka na sa dati. Para na rin makapag-roadtrip na tayo," wika ni Markus.
"Oo nga. Na-mi-miss ko na ring pumunta sa iba't ibang lugar ulit," sang-ayon na sabi ni Kenneth.
Tumingin sa bintana si Axelle at pinag-iisipan ang mga advice ng dalawang kaibigan.
Sa katunayan, nalilito pa rin siya sa feelings niya kay Mylene. Mahal ba niya ang babaeng 'yon o naaawa lang siya sa kalagayan ni Mylene?
Naka-upo ngayon sa gilid ng malaking puno sa loob ng school si Mylene.
Iniisip niya ang nangyari sa coffee shop. "Ito talagang lalaking ito, ayaw akong tantanan sa mga pa-surprise niya. Nag-effort pa talaga siyang mag-search ng mga tula para gamitin sa akin kahapon. Nanliligaw ba talaga siya? Ay naku, isip, tumigil ka na sa kakaisip sa mga bagay na 'yan
Ginugulo mo lang ang isip mo, saka sasakit lang ang ulo mo kapag hindi ka pa tumigil diyan sa kakaisip sa kanya. Pero 'pag seryoso talaga siya, sasagutin ko ba?
Oo, gusto ko na siya, but I'm scared. I'm a busy person. Pagod ako sa trabaho kaya kapag sinaktan niya ako, baka hindi ko kakayanin. Pagod na ang katawan ko.
Magulo pa ang utak ko. At kapag nasaktan ang puso ko, ewan ko na lang sa mangyayari. Ay naku. Tumigil ka nang isip ka."
Hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Miko kaya nagulat siya.
"Nandiyan ka pala."
"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Ano ba yun?" tanong sa kanya ni Miko.
"Sa isang bagay lang."
"Sabihin mo na kasi para matulungan kita."
"Ikaw ba, Miko. Na-inlove ka na?"
Hindi niya inaasahan ang tanong ni Mylene. "Anong klaseng tanong ba 'yan?"
"Related 'yan sa iniisip ko. Kaya sagutin mo na ang tanong ko."
Ilang segundo bago bumuka ang bibig niya. "Ah... Wala akong girlfriend. Hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend pero may isang tao akong nagugustuhan ko ngayon. She inspired me alot."
"Wow! Sino naman ang maswerteng babaeng 'yan!" nakangiting tanong ni
Mylene.
"Ikaw yun. Nakatutuwa namang marinig ang sinabi niyang maswerteng babae. Kung may lakas ng loob ang ako. Kanina ko pa sinabi sayo," sabi niya sa kaniyang isip.
Lumapit pa si Mylene kay Miko at kinulit kulit para sabihin ang babaeng nagugustuhan niya.
"Huwag ka nang KJ r'yan. Sabihin mo na, atin-atin lang naman, eh. Hindi ko ipagkakalat. Kaibigan mo ako, 'di ba? Kaya sabihin mo na sa 'kin, Miko."
"Oh, sige. Sa Sabado, sasabihin ko."
"Bakit sa Sabado pa? Ang layo pa. Bakit hindi na lang ngayon mo sabihin?"
"Basta sa Sabado na para special. May ipaparinig din akong kanta sayo. Sarili kong gawa. I told you, 'di ba, kanina na inspired ako? Kaya naman mabilis ko siyang natapos."
"Ang galing naman! Maswerte talaga ang babaeng yun, Miko, dahil
magkakaroon siya ng boyfriend na sobrang bait at sobrang sweet."
"Sana nga sa Sabado, sagutin mo ako." Sa Sabado na ipagtatapat ni Miko kay Mylene ang nararamdaman niya.
Nakalimutan tuloy ni Mylene ang mga iniisip niya kanina.
"Tapos mo na ba sagutan ang mga assignment mo?"
"Oo, tapos na?"
"Sinabi ko naman sayo, 'di ba? Ako na lang magsasagot."
"'Yan ang 'wag na 'wag mong gawin. I have already explained that to you."
"Kaya nga bilib na bilib ako sayo, e."
"Naman. Hayy, antok na antok na talaga ako."
"Halata naman, eh. Kaya nga malalaki ang mga eyebags mo, eh."
"Wala akong pakialam sa eyebags na ito. Magpakasaya sila sa mga mata ko. Dahil kapag nakapagtapos na ako ng kolehiyo, good bye na sila!"
Humiga na siya. Ang ulo niya ay nasa tuhod ni Miko. "'Wag kang malikot, ha? Baka magising ang prinsesa."
Ngumiti siya kay Mylene. "Sige, matulog ka lang aking prinsesa. Dahil babantayan ka ng prisipe mo."
Ngumiti si Mylene sa sinabi niya.
"Sana ay piliin mo ako, Mylene. Sisiguraduhin ko na bawat araw ay magiging makulay ito. Bubunutin ko ang tinik na nasa katawan mo para maibsan ang sakit na nararamdam mo. Tutulungan kitang buhatin ang mabigat na dinadala mo upang ang pagod ay iyong makayanan."
Hinawakan niya ang buhok ni
Mylene. "Sana maging mahimbing ang maikling pagtulog mo, aking prinsesa.
Kumakain ngayon sa paboritong tambayan si Mylene kasama si Miko.
"Ikaw ba ang tinutukoy nilang nililigawan ng future boyfriend ko?" Humarap ang dalawa sa nagsasalita.
"Sino ka naman? Anong sinasabi mong nililigawan ng future boyfriend mo?
Sino ba yun?"
"Maangmaangan ka pa, e, 'no? Hindi mo ako kilala? Really?"
"Sino ka ba? Wala kang title sa campus na ito kaya hindi kita kilala."
"Suplada kang babae ka, ah."
"Suplada ka rin."
"Okay. Magpapakilala ako. Ako si Elizabeth, anak ng isang sikat na business person. Ikaw, kaninong anak ka?"
"Bakit kailangan mong malaman kung sino ako? Samantalang ikaw yung sumugod rito."
"Whatever. Balik na tayo sa topic natin kanina. Ikaw ba ang nililigawan ng future boyfriend ko na si Axelle?"
"Ha? Future boyfriend? Ah siya pala yung nililigawan mo?"
"Anong nililigawan? Siya ang nanliligaw sa akin."
"Pero yun yung naririnig kong balita, eh, na ang isang gaya mo mismo ang nanliligaw sa lalaki. Magkaroon ka naman ng kaunting pride sa sarili mo sa ganyang pinaggagawa mo."
"'Wag mong iniiba ang usapan. Sagutin mo ang tanong ko!”
"Isaksak mo sa baga mo ang lalaking yun. Wala kong pakialam do'n."
Sinabihan ni Miko si Mylene na umalis na sila at 'wag na lamang pansinin ang pinagsasabi ng babae.
Pero ayaw magpaawat ni Mylene.
"Hoy, galangin mo yung mga taong mataas sayo. 'Wag mong tinatawag na ganyan ang future boyfriend ko."
"Kanina mo pa sinasabi 'yang future boyfriend. Kung siya ang nanliligaw, bakit hindi mo direktang sabihin ang salitang boyfriend ko siya, not future
boyfriend? Kasi nga totoo na ikaw ang nanliligaw. Am I right?"
"Naiinis na ako sayo, ha. Gusto mo talaga ng gulo."
Nang palapit na siya kay Mylene ay may sumigaw na nakapagpatigil sa
kaniya.
"Tama na 'yan!" Napatingin silang tatlo sa sigaw ni Axelle.
"My future boyfriend, nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito?" Lumapit sa kanya si Ella na animoy anghel ang muka. Ang bilis magtransform.
"Para sabihin ko sayo, tigilan mo ang panggugulo mo sa nililigawan kong
babae." Tumingin sa kanya si Mylene. Nalungkot naman si Miko sa narinig niya, dahil totoong may nangyayaring ligawan.
"Ano? Hindi 'yan totoo. Hindi." Ayaw tanggapin ni Ella. Lahat ng effort niya ay mababalewala lang sa isang iglap.
Lumapit siya kay Mylene. "Walang'ya kang babae ka, inagaw mo ang future boyfriend ko." Humarang sa kanya si Miko.
Hinawakan ni Axelle ang kamay ni Ella. "Mag-usap tayo."
Haba ng buhok ni Mylene. Dalawang lalaki ang nahuhumaling sa kanya.
Tinitingnan ni Mylene ang dalawa. "Nililigawan niya ako pero nanliligaw rin siya sa iba. Sabi kasi nung bruha na yun, nililigawan niya. I don't believe, sabi naman nila. Ang babaeng yun ang ali-aligid lay Axelle."
Humarap sa kanya si Miko. "Totoo bang nanliligaw sayo ang lalaking yun? May relasyon na ba kayo sa isa't-isa?"
"Isa-isang tanong lang."
"Sige na. Sagutin mo na mga tanong ko."
"Oo, nililigawan ako ng lalaking yun, pero hindi ko sinagot. Wala kaming
relasyon."
"Pero gusto mo siya?" seryosong tanong ni Miko.
"Grabe, Miko, diretsahang tanong. Prangka lang? Kaibigan naman kita kaya sasabihin ko ang totoo."
Napatigil saglit si Mylene. Naging seryoso ang mukha niya. "Ewan ko ba, Miko, sa nararamdaman ko. Oo, aaminin ko. Gusto ko na siya. Mahal ko na siya. Bigla-bigla ko na lang siyang nagustuhan kahit naiinis ako sa lalaking yun at kahit hindi kami magkasundo. Hinahanap-hanap siya ng pusong ito at na-mi-miss."
Nalungkot si Miko sa pag-amin ni Mylene sa totoong nararamdaman niya kay Axelle.
"Sinabi mo na ba sa kanya ang feelings mo sa kanya?"
"Hindi pa. Nagdadalawang isip ako, e."
"Bakit naman? Bakit mo naman nasabing nagdadalawang isip ka?"
"Siguro dahil nanatakot ako na masaktan. I mean, pagod na ang buong katawan ko pati ang utak ko ayaw kong dumating yung time na pati ang puso ko ay masaktan. Kita mo naman, hindi kami bagay. Langit at lupa ang pagitan
namin. Isa rin yun sa iniisip ko kaya parang nagdadalawang isip akong
sagutin siya."
"Nakikita mo bang sincere siya sayo?"
"Oo, nakita ko. Ilang beses niyang inamin ang mahal niya ako, na gusto niya ako maging girlfriend.
Nakalimutan ko palang ikwento sayo. Kahapon kasi, sinalubong niya ako sa coffee shop. He admitted na gusto niya akong maging girlfriend at sana raw at sagutin ko na siya."
"Ano naman reaction mo?"
"I rejected him. I mean, I ignored his feelings. Sinabi ko, kung kami talaga sabisa't-isa, no matter what happen, saan man kami mapunta, gagawa si
kapalaran ng way para magkita kami ulit nang paulit-ulit.
Ayaw kong magmadali kahit nakikita kong sincere 'yong nararamdaman niya. Yun ang sinabi ko sa kanya."
"Itong huling tanong ko, Mylene. My chance ba siyang sasagutin mo?"
Tumingin si Mylene sa pag-uusap nina Axelle at Ella. "Meron." Napayuko si Miko sa narinig na sagot mula kay Mylene.
"Hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon para sagutin siya. Mahal ko na siya, Miko. Kahit nagbabangayan kami sa tuwing magkasama, kahit gano'n ay masaya ako. Masaya ako, tuwing kasama siya. Na-mi-miss ko siya kapag hindi niya ako ginugulo at inaasar. Lintik na pag-ibig. Bakit ba pinapahirapan ako nito?"
"Masaya ako dahil nahanap mo na ang taong gusto mong magmamahal sayo.
Ang taong mamahalin mo. Kung masaya ka, masaya rin ako." Tumingin siya kay Miko nang nakangiti.
"Ikaw rin, kaya sabihin mo na sa babaeng yun ang tunay mong nararamdaman."
"Oo kaya pumunta ka sa Sabado."
"Oo naman, para makilala ko rin ang babaeng yun."
Sinabi iyon ni Miko para hindi naman siya magmukhang kawawa. Totoong
masaya siya kay Mylene na nahanap niya na ang taong minamahal niya.
"Ano bang pag-uusapan? Sa kay tagal-tagal, ngayon mo lang ako kinausap.
Ngayon ka lang nagsalita. Kung hindi ko pa inaway ang babaeng yun, hindi
mo pa ako kausapin. Gano'n ba siya kahalaga sayo?"
"Oo, kaya ikaw, lubuyan mo siya. 'Wag mo siyang guluhin."
"Axelle! Mahal kita! Ako ang nauna sayo."
"Hindi kita mahal, Ella. Gumising ka. Saka huwag mong sabihin na ikaw ang nauna dahil hindi ko sinabi at hindi kita pinilit na ligawan mo ako at ubusin mo ang oras sa panliligaw sa akin.
Ngayon pa lang, inuulit ko na sayo, tumigil ka na. Ayaw na kitang makitang magpapapansin sa akin.
Huwag mo na akong regaluhan ng kung ano-ano. Naiintindihan mo ba?"
"Axelle, hindi mo ba talaga ako pwedeng mahalin? Mahal kita nang
sobra. Ginawa ko ang lahat para mapansin mo at para mahalin mo kahit sinasabi nila na para akong tanga. Kahit sinasabi nila na sa dulo, ako lang masasaktan gaya ng nangyayari ngayon.
Higit sa lahat, kahit nakakababa ng
pride, hindi ko inisip lahat iyon dahil mahal kita, yun ang iniisip ko. Give me a chance to prove you that we can be a nice couple like anyone there. Magiging mabuti akong girlfriend. Hindi kita paghihigpitan. Bigyan mo lang ako ng chance, Axelle."
"Tumigil ka na nga, Ella. Sinabi ko na sayo, hindi kita mahal."
"Ayos lang yun. Hindi ko iniisip kung mahal mo ba ako o hindi. Ang iniisip ko lang ay ang maging tayo. Yun lang, kaya sige na. Pumayag ka na sa hiling ko.
Magiging mabait ako araw-araw. Hindi kita pahihirapan. Please, choose me," pagmamakaawa ni Ella.
"Ang tigas din ng ulo mo. Hindi ka rin nakakaintindi. Sige, gusto mo ng
maaanghang na salita para matauhan ka? Bukod sa hindi kita mahal, ayaw ko
sayo, ayokong maging girlfriend ka. Gusto mo bang ulitin ko pa? Hindi kita type, ayaw kong maging girlfriend ka, ayaw ko sayo. Si Mylene ang mahal ko. Siya ang gusto kong maging girlfriend. Siya ang gusto kong makasama habambuhay, hindi ikaw."
Paiyak na si Ella but Axelle continued on what he wants to say towards Ella.
"Gusto mo bang ulitin ko para marinig mo nang maayos? Si Mylene ang mahal ko, siya lang ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda, hindi ikaw. That's why, give up and forget me. Huwag mo kaming guluhin." Sabay lakad paalis si Axelle.
Pati rin si Ella ay tumakbo paalis habang umiiyak.
Sa daming iniisip ni Mylene kaya hindi niya napansin na may taong
naglalakad sa kinaroroonan niya kaya nagkabangga sila.
"Pasensya na po."
Ngumiti siya dahil ang nakabangga niya ay ang campus president.
"Marami ka sigurong iniisip kaya hindi mo ako nakita."
"Tama po kayo, Ms. President."
"Ano ba 'yang mga iniisip mo? Baka may maitutulong ako." Walang matalik na kaibigang babae sa school si Mylene kaya wala siyang makakausap 'pag tungkol na ito sa girl's stuff.
Nakita niya naman kung gaano kagiliw si Rena kaya humingi siya ng advice.
Umupo sila sa baluster at nag-usap. "So in love ka pala ngayon. Well, ang
natutunan ko sa kaibigan kong positive always ang tingin sa love, don't give up and be honest. 'Yan ang mapapayo ko sayo base sa mga kinuwento mo sa akin.
Sa love, kailangan nating maging totoo para totoo rin ang magiging
resulta nito. If you love someone, tell him para malaman niya. Huwag kang
matakot sa resulta. Doon ka matakot kapag hindi mo sinabi. Dahil kapag
dumating ang araw na handa ka nang aminin ang nararamdaman mo, baka huli na ang lahat. Huli na ang lahat sa inyong dalawa.