Chapter 43

Marami na akong pinagdaanang hirap kaya hindi na tatalab sa akin ang mga masasakit na mga salita kahit mula pa sa kanya.

“ Ayos lang tita, kausapin niya si Mylene.” dahil sa pagtataka ng mommy ni Axelle kung bakit ako kilala ni Allyson kaya tinanong niya si Allyson paano komi nagkakilala.

Lumapit si mrs Maldrid sa akin, “Pareho pala kayo ng school na pinapasukan. Nakatulong talaga ng malaki ang perang binigay ko sa inyo, dahil nakapag-aral ka pa sa mamahaling school kaya magpasalamat ka sa akin, ng dahil sa pera ko, nakapasok ka sa school ng pangmayaman. Tsaka, pareho rin pala kayo ng section ng anak ko. Minamalaa nga naman talaga!

Buti nga sa business ko, lagi akong swerte kaya bago pa madikitan ng kamalasan na dala mo ang aking negosyon, masaya akong lilipat na sa abroad ang aking Axelle. Doon na siya mag-aaral kasama ang future wife niya. ” nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at may sinabi siya.

“Get lost! Just disappeared. You are nothing and worthless, human being! Tumingin ka sa paligid mo para ma-realize mo, hindi ka nababagay sa mundo namin. Just wake up! Pinanganak kang mahirap, mamamatay kang mahirap! A simple difficult life for you!"

Hindi ko na inantay si Axelle. Nagwalk out ako. I cried, hindi sa mga sinabi niya kundi sa hiya ko sarili ko, sa pagiging desperada ko.

“Mom. Kausapin ko lang muna siya.” tumingin si mrs Maldrid kay Allyson. “ Ayos lang po sa akin tita, kailangan din nila ng closure. May sasabihin din ako sa inyo po.” Sinabi ni Allyson kay mrs. Maldrid ang planong ginawa nila kay Mylene.

Sinundan ni Axelle si Mylene. Tumingin siya ng tinawag ang pangalan niya ni Axelle.

Nakita ni Axelle, pinunasan ni Mylene ang ilang patak ng luha niya.

Tumagilid si Axelle at nagbuntong hininga. “Okay. May sasabihin ako.”

“Ano yun?" punas ng luha ko nang tinanong ko siya.

“Break na tayo!” nakayukong banggit niya sa mga salitang iyon.

“Huh? Ano?” lumapit ako kay Axelle.

“Para hindi na humaba ang usapin natin. Sasabihin ko ang totoo. Yung mga pinakita ko sayo, hindi yun totoo. Pagpapanggap ko lamang iyon. It's a part of our plan.”

“Our? Ibig sabihin, may kakuntiyaba ka?”

“Yes, si Allyson. Pinakiusapan ko siyang tulungan ako sa paghihiganti sayo.”

“Paghihiganti? Dahil ba 'to sa ginawa ko sayo, Axelle? Kaya gumanti ka?” mahinahon kong boses.

“ Oo. Sobrang sakit ng ginawa mo sa akin, Mylene. Lalo na, tumanggap ka ng pera.” ang perang tinutukoy ni Axelle, yung sinabi sa kanya ng mommy niya, binigyan ng milyon si Mylene para makapaghiwalay. Ang pagkakaalam naman ni Mylene. Ang tinutukoy lang ni Axelle, yung perang tinanggap ng mga magulang niya.

“Kaya nga, it was a mistake. Parents ko ang nagdecide at tumanggap ng pera.”

“Hindi yun mistake, dahil hindi ka lasing ng pinili mo ang pera kesa sa akin. Hindi mo naisip Mylene, pinili kita kesa sa pamilya ko. Pinili kita kesa sa nakasanayang kong magandang buhay. Tiniis ko ang pag-aadjust ko, ang paghihirap ko. Nagtiis ako dahil mahal kita. Tapos, pagdating sayo, hindi mo ako pinili. Unfair diba. Mas nasaktan ako dahil pinili mo ang pera kesa sa akin.”

“ Pinagsisisihan ko iyon, Axelle. Kaya nga humingi ako ng tawad sayo diba?! Paulit ulit akong humingi sayo ng tawad. Kasinungalingan din ba ang sinabi mong pinapatawad mo ako?”

“Totoo yun. Ang ibig sabihin lang iyon, pinapatawad na kita dahil gusto ko ng makalimutan ang ugnayan nating dalawa. Tapos na ang paghihiganti. Equal na tayo, kaya kalimutan nalang natin, ang mga nangyari. Dalawang araw nalang, pupunta na ako ng abroad. Kakalimutan ko ang mga nangyari rito, kasamang pagkalimot sayo.”

Kinalma ko ang aking sarili. “ congrats! tagumpay ka, dahil naramdaman ko ngayon, ang sakit na naramdaman mo nang ginawa ko rin ang pang-iiwan sayo. Karma ko siguro 'to sa ginawa ko sayo."

Gustong gusto ng lumabas ang mga luha ko. Gustong gusto ko ng umiyak. I force myself not to cry. Not to cry in front of him.

“ Ang sakit pala, noh?! Ang sakit maloko. Ang sakit! Kaya, I'm very sorry, I'm sorry, I'm sorry dahil sinaktan kita, sorry! Sige maiwan na kita.” paunti akong naglakad ng paatras. Natapilok pa nga ako, eh.

“Sige, mauna na ako. Ingat ka, ingat kayong dalawa sa biyahe niyo. Mag- enjoy kayo. Salamat, dahil sa maikling panahon, nagkaroon tayo ng magandang alaala. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Alis na ako." Kaway ko sa kanya.

Mabagal hanggang sa binilisan ko ang aking paglalakad. Wala akong pakialam sa ulan na yan, basta, makaalis ako sa lugar na ito.

Ngayon na gusto kong umiyak. Gusto ko ng ilabas ang luha ko, ni-isang patak ay walang lumalabas. Bagkus, napatawa pa ako. Natawa ako, ewan ko. Sinigaw ko ang tawa ko.

Matamlay na nakayuko akong naglakad papunta sa apartment ko.

Ano bang buhay ito? bakit ngayon pa dumating ang karma na ito. Ang ibig kong sabihin, bakit ganitong uri pa ng karma ang dinanas. Kahit kelan talaga, ayaw talaga akong lubayan ng kamalasan na ito. I really hate you, life!

“Mylene?" Napataas ang aking noo ng marinig ko ang pagtawag ng aking pangalan.

“Oy, Miko! Anong ginagawa mo rito?”

“Nabalitaan ko kasi ang nangyari, between sayo ng pamilya mo. Nakaraan pa sana ako pupunta rito kaso may inasikaso ako.”

“Wala yun.”

“Teka lang, saan ka ba pumunta? Bakit basa ang buong katawan mo? Halika nga, magbihis ka muna baka magkasakit ka niyan, eh!”

“Gusto ko nga, magkasakit ako. Sana, yun nalang ang karmang dumapo sa akin ngayon.”

Pinagbihis muna ni Miko si Mylene.

Nahihintay siya sa sofa. Gusto niya marinig sa kaibigan kung ano ang nangyari. Nakita niya sa mukha ni Mylene kung gaano ito kalungkot.

Nakita niyang lumbas na ito sa kwarto. Tinabihan siya sa pag-upo.

“Tell me, anong nangyari?" Maya maya, napatingin siya kay Mylene dahil bigla itong umiyak.

“Bakit? Sabihin mo kasi sa akin ang nangyari, please!”

“Wala na kami ni Axelle. Tapos na kami!”

“Huh? Bakit? Anong dahilan ng paghihiwalay ninyo?”

“Gumanti siya sa ginawa ko sa kanyang paghiwalay.”

“Loko talagang lalakeng iyon.” galit niyang sabi. Nakita niyang lalo pang umiyak si Mylene.

“Hindi mo siya masisisi. Ngayon, naramdaman ko, ang naramdam niya nang iwan ko siya kaya kahit sobrang sakit hindi ko siya masisisi.

Sobrang sakit Miko, sobrang sakit!" naawa si Miko sa kaibigan. Humagolgol si Mylene sa pag-iyak.

“Seeing my first love crying, naiiyak din ang puso ko. Nasasaktan din ako. Kung pwede lang kunin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya ngayon, kinuha ko na. Ayaw ko siyang masaktan, ayaw ko siyang makitang malungkot. Gusto ko, masaya siya lagi.”

“Miko! Miko! Hindi ko alam paano ko aayusin ang sariki ko. Malaking pinsala ang naidulot niya sa akin. Ngayon, parang laruan ako na may sirang baterya, walang magawa. Isang magandang picture frame na may basag. Miko! Ano nang gagawin ko! Anong gagawin ko ngayon?” hinimas ni Miko ang likuran ng kaibigan para pakalmahin.

“Lilipas din yan. Ang gawin mo, pakatatag ka lang. Huwag mong isipin na mag-isa ka, kahit wala ang pamilya mo, kahit wala si Axelle. Nandito naman ako, hindi kita iiwan, narito lagi ako sa tabi mo, whenever and wherever you needed me, handa ako, pupunta ako. Mahalaga ka sa akin kaya pahahalagahan kita!” niyakap ng mahigpit ni Mylene si Miko.

“Thank you! Thank you!”

Isang araw hindi pumasok si Mylene. Gusto niyang mapag-isa, except sa matalik niyang kaibigan na si Miko. Si Miko, na lagi siyang iniintindi. Si Miko, na laging nasa tabi niya. Hindi siya iniwan, laging nandiyan.

Sinabi niya sa kaniyang sarili, sana si Miko nalang ang minahal niya. Sana si Miko nalang ang itinadhana sa kaniya.

Nakaupo ako ngayon sa higaan ko. Tiningnan ko ang hawak kong papel na naglalaman ng tula ni Axelle.

“ I give it to you, pero bakit, binigay mo ulit ito sa akin? Gago ka talagng lalake ka, gago ka!” tinapon ko sa basurahan ang papel.

Tumingin ako sa malaking salamin. Nakita ko ang napakalungkot kong mukha.

Tumingin ako sa bintana. “Bukas na pala ang alis niya.” Lalo pa ako naging malungkot nang maisip iyon.

Tumalikod ako ng makita kong may tao sa likod ko. That person, suddenly hit me something heavy that causes my unconsciousness.

Ng magkamalay ako, naramdaman ko ang sakit ng likod ng aking ulo.

Hindi ko maitaas ang aking kamay at maigalaw ang aking paa.

Kinabahan ako. Ano bang nangyari? Hindi ko makita ang aking paligid, may takip ang aking mga mata, isang panyo.

“Hello!” sigaw ko.

“O, gising ka na pala," may narinig akong isang boses lalake.

“Sino ka? Pwede mo bang tanggalin ang panyong nakalagay sa mata ko?”

“Okay.” lumapit siya kay Mylene para tanggalin ang panyo.

“Tsaka, kalagan mo rin ako?" Lumakad ito papalayo kay Mylene.

“No.”

“Bakit?“

“Okay. Ayaw ko ng magpalegoylegoy pa. Pagbabayaran mo ang ginawa mong pananakit sa akin at sa minamahal ko. Oo, sa minamahal ko. Hindi kita matatawad na you hurt him.”

“Mister.”

“Babae ako. Boses lang itong naririnig mo. I used this para hindi mo ako makilala pero babae ako.”

“Okay. Ano bang pinagsasabing mong sinaktan? Baka, nagkamali ka lang ng taong inaakusahan?”

“No. Naaalala mo ba yung, muntik ka ng mahulugan ng vase mula sa itaas? Naalala mo ba yung muntik ka ng masagasaan? Naaalala mo ba yung muntik ka ng malunod? Naaalala mo ba yung birthday celebration ni Zan? Ako ang naglock ng pinto sa banyo. Ako yung nagtapos ng gas sa loob ng banyo? I want you to exterminate, I want you to punish by hurting my love ones.”

“Teka lang, Miss? Sino ba yang love ones na yan? Kilala ba kita, ha? Baka nagkamali ka lang. Pakawalan mo na ako rito."

“ You have no idea talaga, kaya nga, it was easy for me to set my plan, including this. This is your last day, last night. Do you have last speech?”

“Are you crazy! Can you tell me your name, show your face rather. Tell me also the guy, na sinasabi mong sinaktan ko.”

“Mamamatay ka rin naman ngayong gabi, okay, fine, I will remove my mask tsaka yung fake voice na ginagamit ko. Ready ka na bang malaman kung sino ako? Definitely, magugulat ka.” nakangiti ang babaeng ito ng tinanggal ang soot na maska.

“Mikaela!" She was really shocked, knowing, si Mikaela ang nasa likod ng kaganapan na ito.

“I didn't expect, behind this, ikaw pala. You are my friend, my best friend? I know the reason pero bakit? Ganun ba kabigat yung kasalanan ko sayo? Para patayin mo ako?”

“Oo. Lahat ng pinakita ko sayong kabutihan, including yung pagkakaibigan natin, it just a fake. I'm just pretending para malaman ko ang galaw mo, para mabantayan kita. And nagsucceed naman ako. I personally congratulate myself. I'm happy right now, sumang ayon sa akin ang kapalaran!”

Hindi matanggap ni Mylene na ang kaibigang tinuring na parang kapatid ay palihim pala siyang saksakin.

Si Mikaela ay may pinagdadaanang uri ng sakit sa utak. Related sa pagiging baliw at pagiging psycho.

“Alam mo bang malungkot akong malaman, that my one of my best friend is a traitor. ”

“Problema mo yan, madali ka kasing magtiwala. Hindi mo alam, niloloko ka lang. Kailanman man, hindi kita tinuring na kaibigan, I'm just pretending to be your friend. And you know, I'm happy right now, dahil ngayon at bukas hindi ko na kailangan pang magpanggap to be your friend.”

“Can you tell me? Who is that guy na sinasabi mong sinaktan ko.”

“Si Miko.”

“Si Miko, magkakilala kayo?”

“Yes, kababata ko siya. Gusto ko siya. Mahal ko siya. I told her about my feelings for him pero sinabi niyang hindi niya ako mahal dahil may mahal siyang iba, ikaw yun. At sinabi niya rin, palipasin niya muna raw ang ilang years bilang single bago siya manligaw at magkagusto sa ibang babae. Dahil yun sa iyo!!.

Pinabayaan ko siya. Tinanggap ko yun dahil gusto kong maging masaya siya. But you hurt him. Nang huli kong bisita sa bahay nila, nakita kong napalungkot niya. I ask him, what happen. He told me, yung taong mahal niya may mahal ng iba. Ayaw niyang sirain yung happiness mo. That time, I was really, really angry to you. Kung malapit lang ako. Sinaksak na kita, para maramdaman mo rin yung sakit na nararamdamn ni Miko.”