Chapter 37

Tiningnan ko yung paligid, napabuntong hininga ako.

Ito na yun, ito na yung pagkakataon, to prove to my parents kaya kong buhayin ang sarili ko, kaya kong pag-aralin ang sarili ko, kaya kong maging successful kahit wala sila. Kaya kong maging isang successful na tao without their help, any of their help.

May malaki pa akong ipon galing sa pagtatrabaho kaya nakabayad ako ng renta.

Hindi naman ako maluho kaya matitipid ko yung pera ko. Babalik ako sa pagtatrabaho. Tsaka, babalik ako sa dati kong school. I can't afford sa school ko ngayon.

Sinimulan ko na ang paglilinis. Inuna ko yung sala. Kaunti lang ang dumi at mga kalat kaya hindi ako natagalan sa pagtatrabaho.

Ako ay umupo, nanonood ako ng tv habang kumakain . “Sa simula lang 'to mahirap pero ilang araw maibabalik din yung dati.”

Habang naglalakad ako sa gate ng school namin, binulaga ako ng dalawa kong kaibigan.

“Freny. Malungkot ka ata." Pansin pala ni Iza ang lungkot ng mukha ko. Maliwanag naman ng mukha ko, ah. Ang galing nito mambasa ng mood.

“Oo nga freny. Ano nangyari? May ginawa na naman bang katarantaduhan si Kan? Yung grupo ni Kan?” sabat na tanong ni Mikaela.

I invite them na umupo muna kami.

“ Wala.”

“So ano ngang nangyari? Sabihin mo sa amin. Magkaibigan tayo diba? Maybe, we can help you.”

“I'm transferring to other school,” lungkot na sabi ko sa kanila.

“Huh?!” parehong nagulat sila sa news ko.

“Bakit?”

“Family problem lang.” Niyakap nila akong dalawa.

“Malungkot kaming aalis ka. Ano bang nangyari sa bahay ninyo. You can tell us!” ramdam ko ang concern nilang dalawa.

“My life story is like in the drama we usually, always watch. It's a long story, I just summarize nalang, I forget everything in the past but sa nangyari yesterday, parang bumalik ang lahat, may isang bagay na nalaman ko, they lied to me. I'm really, really, angry to them. I sacrificed everything. Tiniis ko lahat. Pati ang lalakeng pinakamamahal ko nasaktan dahil sa kasinungalingan na yan.”

“Mylene!” lungkot na sabi nila.

“Kaya ko 'to. Umalis ako sa amin. Yung ipon ko sa pagtatrabaho rati, yun yung ginamit ko para magrenta ng apartment tsaka pansuporta ko pan-araw araw. Kaya lilipat ako dahil hindi ko afford ng budget ko ang school na ito. Babalik ako sa dati kong trabaho.”

“You can stay with my house. Sobrang bait ng mommy ko, promise.” alok ni Mikaela sa akin .

“Or to our house, and don't worry also to my parents dahil mas mabait pa sila sa akin.” inalok din ni Iza si Mylene na mag stay nalang sa kanila.

Inakbayan ko sila. “Marami salamat sa alok ninyo. Sobra kong na-appreciate ang concern ninyong dalawa. But, I want to become an independent person. Dati ko na itong plano, bago nangyari ang mga bagay na yun. Ngayon ko narealize, may tamang panahon talaga ang lahat. Alam kong kaya ko ito."

“Okay. Kung iyan ang gusto mo. Pero wag ka nalang lumipat nalang ng school. If you worry about the tuition, we can help or kung ayaw mo, tutulungan ka naming isali sa scholarship ng school na ito. Matalino ka naman kaya siguradong matatanggap ka,” wika ni Iza.

“Oo nga Mylene, wag ka ng lumipat ng school. Dito ka nalang. Sobrang malulungkot kami kapag aalis ka. Tutulungan ka namin ni Iza about sa tuition and sa scholar mo. Please, wag ka lang umalis!”

Naaawa ako sa pagmamakaawa dalawang ito. “Okay. Susubukan kong mag-apply sa scholar ng school. Pero kung hindi ako matanggap, please! Wag niyo na akong pahirapan makita kayong ganyan. Nahihirapan din akong umalis dito kapag ganyan kayo. Kayo ang best friends ko dito.” Pareho kaming naiyak tatlo.

“Ano ba yan, ang drama niyo talaga. Tumigil na kayong manood ng drama!" mangingiyak na sabi ni Mikaela.

“Eh, ikaw nga yung addict sa kdrama, eh!” sagot ni Iza. Ewan ko kung iiyak ako or matatawa sa palitan ng dalawa.

“Tama na nga 'tong drama natin, pumasok na tayo. Baka, tayo ay ma-late pa.”

Pumunta kami ng banyo para ayusin ang sarili para ayaw naming mahalata nila na umiyak kami.

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Axelle. I mean, pumapasok naman siya ngunit, parang hindi na siya gaya ng dati.

Hindi niya na ako, nilalapitan para makipag-usap at asarin. Parang namiss ko siya.

Naisip ko tuloy, dahil ba ito sa nangyari sa yate. Tapos, nakita ko pang siyang nakaupong malungkot.

Bakit ba ako apektado? Mabuti na ganitong hindi na kami nag-uusap. Para sa ikabubuti naming dalawa.

Pumasok kami sa loob ng court kasama ang mga kaibigan ko, may huling re-match sina Zan.

Gusto ko rin manood, hindi ako nakapanood dati.

Wala pa yung mga players. Tiningnan ko yung paligid, tanging mga supporters lang ang nandito, nag-aabang sa idolo nila.

Napalingon ako sa harap ng pinto dahil binato sa akin ni Kan ang hawak niyang baton, buti nalang sa likod ko lang tumama.

“Akala ko pader!” lumapit ang grupo nila sa amin.

Sinalubong ko naman siya ng pangaral. “Ang sama talaga ng ugali mo, eh no! Wala ka bang magulang. I mean, hindi ka ba nila tinuruan ng magandang asal. Tsaka, parang useless lang lang ang pag-aaral mo dahil wala ka namang natutunan lalo na yung GMRC, good manners and right conduct. Or your just treating this school na parang kalye lang, walang good manners!”

“Hula ko, may balak ka maging teacher. Ang hilig mong mangaral!” sagot naman sa kanya ni Kan.

“Maganda? I don't think so. Pero sure ako na lalong gaganda iyon kapag in-apply mo sa sarili mo para gumanda naman niyang ugali mo. Kasi, sa edad mo na yan, nagpapakita ng hindi mabuting ugali, nakakahiya!”

Sa narinig niyang sagot at tono ng babae ay nainis siya. “Ikaw talagang babae ka. You always insulting me, how dare you!” nakikita ni Mylene napipikon siya.

“Pikon!”

“Oo.” Inunahan niya si Kan sa pagsampal sa kanya.

Sinampal niya ang babaeng iyong ng malutong na sampal para magtanda. “Masakit? Nakakaramdam ka pala ng sakit?!”

Pinigilan sila ng coach sa pag-aaway kaya hindi nakaganti si Kan kay Mylene.

Pero, equal lang naman sila dahil binato rin naman niya si Mylene ng baton.

“Sa labas palang, naririnig ko na ang bangayan ninyo. Ano ba!! mga matanda na kayo, ah! lalo na kayong dalawa!” Tumingin ang coach nila kina Mylene at Kan. “ Act like a mature person. Hindi yung para kayong bata diyaan. Tsaka, guguluhin niyo pa ang rematch na magaganap ngayon?!” sigaw ng coach. Hindi sila nagpakita ng kung ano-anong kabalbalan dahil alam nila kung gaano ka-strikto ang coach na ito. Tsaka, subject teacher din nila ang coach.

“ Patawad po!” napayuko kong sabi.

As expected ayaw din magpahuli si Kan sa paghingi ng tawad. Hindi ko na siya pinatulan. Bahala siya, pagod ang isip ko sa ibang bagay kaya hindi ako interesado sa pakikipagpatentero sa kanya.

“Okay. Pumunta na kayo sa upuan ninyo!" Galit na sigaw ng kanilang subject teacher.

“Opo,” sagot naming lahat kay coach.

“Freny, kinabahan ako roon. Akala ko may ibibigay sa atin na punishment si coach. Ano kaya mangyayari kapag nagturo siya? Siguro roon niya ibubuhos yung galit niya dahil sa panggugulo sa kaniyang mahalagang araw na ito. Ang ibig kong sabihin, baka nagpipigil lang siya dahil importanteng araw ito sa kanya,” pag-aalalang wika ni Iza.

“May point ka roon Iza,” sang-ayon ni Mikaela.

“Wag muna natin isipin ang mga bagay na yan. Ituon muna natin ang isip natin sa rematch ngayon,” sabi ko sa kanila.

“Tama ka. Tara, doon tayo pumwesto para kitang kita ang pag cheer up natin kay Zan,” aniya Mikaela.

Pati rin si Iza, naki-join na rin sa amin, to cheer up her first crush and first love, si Jim.

Pinilit pa nga namin siya dahil medyo nahihiya. Buti nalang talaga, pumayag siya sa huli.

Nakinig kami sa pagsasalita ni coach, “Okay. Napakahalaga ang rematch, dahil dito ako pipili to compete to the other school kaya kayo wag niyong guluhin ang araw na ito, gaya ng muntik na panggugulo kanina,” nahiya tuloy sa ako sinabi ni coach.

Pumasok na sa loob ang ka-team ni Zan kaya as usual, ang mga tao sa loob ay sinalubong sila ng malakas na tilian.

Oo, pati rin ako, sumigaw ng malakas to cheer up their team. Hindi ko inaasahan ang ganitong tili ni Iza.

Ayaw magpaawat! Grabe! Ang lakas ng tili niya, sabay sigaw.

Mas lalong umingay sa loob ng magsalita si Zan. Nakita ko pang ginamit ng grupo ni Kan ang dala nilang props. Nakalimutan ko ang tawag doon, may naglabasang mga maliliit na bagay.

Tumingin siya sa akin at tinarayan ako. Akala niya siguro maiinggit ako sa props niya. Mukha niya!

Pumunta na sila sa kanilang pwesto. Sunod na tinawag ni coach ang makaka-rematch nila.

Walang masyadong naghiyawan. Mas bet nila ang grupo ni Zan.

I was really shock ng makita sa huli ang isa nilang player. “Si Axelle!" Napabanggit ako sa pangalan niya.

Huminto si Axelle sa gitna. Nilabas niya ang bottle of water. Then, binasa niya ang buhok. Binuhos niya ang laman nito ng tubig sa ulo in slow motion.

He is right, mas sikat pa siya sa mga kagaya niyang mayayaman even sa mga MVP. Malakas na tilian at hiyawan ang kanyang natanggap mula sa mga tao sa loob, lalo na sa mga babae.

Nahigitan niya ang ingay kumpara sa ingay kanina sa grupo ni Zan.

Ewan ko kung titili rin ba ako? Tumingin sa akin ang dalawa kong kaibigan.

“Why?” ako ay nagtataka sa ibang expression ng kanilang mukha.

“Gusto kong tumili but I don't want to be called a traitor. Ayaw kong traydurin si Jim. Kaya, ikaw nalang ang tumili para sa akin. Lakasan mo ha?!” sabi sa kanya ni Iza.

“Me too, freny, ayaw ko ma-dissapoint sa akin si Zan. Ako pa naman ang parang campaign manager niya para ligawan ka.” Isa rin Ito si Mikaela, nakikigaya kay iza.

“Ano ba guys! Bakit niyo ako ginaganito? Ayaw ko rin naman maging bias,” sabi ko sa kanilang dalawa.

“So, solid ka na, sa team Zan. Ayaw muna kay Axelle?” pang-aasar ni Iza.

“Ano ba! Basta ayaw ko!” pakita sa kanilang ang reaksiyon na ayaw ko talaga.

“ Ikaw kasi Mylene, nasa gitna ka, kaya hindi sila magagalit sayo kung saan ka man sumigaw. Paniguradong, exciting ang dalawang ito kung saan ka papanig. Team Axelle or Team Zan!” wika ng may excited si Iza.

“Ayaw ko na. Para hindi na ako pipili pa kung saan ako mag che-cheer up.” Pumunta ako sa upuan namin.

Napangiti ang dalawa kay Mylene. Sila rin, exciting malaman kung saan papanig si Mylene.

“Freny Mikaela, Paniguradong pressured siya ngayon.”

“Tama ka riyan!”

Nakita ni Mylene, nakatingin si Axelle sa kanya. At ngumiti ang binata sa kaniya.

Tumingin siya sa gilid niya, to check, kung siya ba yung nginitian ni Axelle.

“Really?! He smiled at me."

Pinapwesto na ang dalawang grupo dahil magsisimula na ang laro nila.

Oo na-pe-pressured ako kung sino sa kanila ang susuportahan.

Or hindi nalang ako sisigaw or iimik to ber fair.

Unang naka-puntos ang grupo ni Zan. “Ano bang nasa isip ni Axelle, bakit ba siya sumali sa paglalaro ng basketball? Nagyon pa talaga na rematch?! I mean, doon nga sa mall, natalo siya. Ito pa kaya, Zan will do his best, just to win this important game kaya paniguradong hindi sila mananalo. Iyan ang hula ko.”

Mylene prediction was wrong dahil sa pangalawang pagkakataon, nakapuntos ang grupo ni Axelle. And honestly, si Axelle ang nakagawa non.

Sumunod pang pangatlo, pang-apat at panglima hanggang sa mag break sila.

Every nakaka-shoot si Axelle, tumitingin ito sa kanya at ngumingiti.

Hindi niya napansin ang pagtabi sa kanya ni Allyson. “ Ang galing niya, diba?” tumingin ako sa kanya.

“Nandiyan ka pala. Nagtataka ako, Bakit siya gumaling? Nakita mo naman kanina. Sunod sunod yung puntos nila by him.”

“Curious ka?" Tumango ako sa kanya. It means, oo.

“He hired a best, slash expert basketball player just to learn playing a basketball. Sinikap niya talagang matuto at maging magaling sa paglalaro ng basketball. Nakikita kong worth it naman, worth it yung pagpupuyat niya. He told me what happen in the mall, yung natalo siya sa paglalaro ng basketball. Dinamdam niya yun. He don't want that little game will become a hindrance for him. Ganun siya pagdating sa 'yo Mylene." Tumingin si Allyson kay Mylene.

“He loves you very much. Alam kong alam mo yun. Kaya, please, wag mo na siyang pahirapan sa panliligaw sa 'yo. Too much na ang effort niya. Naaawa na ako sa kanya. Mahal ka niya ng sobra, Mylene.”