Chapter 21
Ayaw ko man sumuko sa ating relationship pero kailangan ko rin maging selfish. Hindi masama ang maging masaya but sometimes kasi isipin din natin yung paligid natin na wala tayong nasasaktan. Isipin natin yung bagay bagay na makakabuti para sa isa'-isa.
Our relationship to each other for now is lightly complicated. Ayaw ko ipagpilitan ngayon Axelle ang mga bagay na hindi muna pwede dahil baka lalo lang maging kompllikado, hintayin ko ang tamang panahon para sa ating dalawa.
Naniniwala ako sa kapangyarihan ng tadhana. Kung tayo talaga sa isa't-isa ay gagawa ang tadhana para magsama ulit tayo. Gagawa ang tadhana ng paraan para sa ating dalawa. Yan ang pag-asang pinaghahawakan ko ngayon Axelle dahil ayokong mawalan ng pag-asa sa ating dalawa." Tumabi siya sa pagtulog sa boyfriend at niyakap ng mahigpit.
KASALUKUYAN
Dinala ni Axelle si Mylene sa isang magandang lugar.
Gaya ng ginawa niya noon, nilagyan niya si Mylene ng panyo sa mata to surprise her.
Nag-effort pa siyang pagandahin ang paligid.
Dinala ulit niya si Mylene sa isang beach. Hindi yung dating pinuntahan nila. Bago ito.
Nirentahan ni Axelle ang maliit na area ng beach para walang iistorbo sa kanila.
Maganda ang decoration. Sa harap ng lamesa nila ay may nakalagay, happy third monthsary. Lalong gaganda ito mamayang dilim sa mga iba't ibang kulay ng ilaw.
“Dito ka na umupo babe. Wait lang, tatangalin ko na ang panyo mo."
Pumunta na sa harap si Axelle. Tinanggal niya na ang panyo.
“Taran... Surprise!!! Happy third monthsary mahal ko. Alam mo mamaya lalo 'tong gaganda dahil sa iba't-ibang kulay ng mga ilaw. Anong masasabi mo? Ayusin mo sasabihin mo, ha? Wag mong haluan ng mga kalokohan. Sige na. Ano na ang masasabi mo?!" Excited siyang marinig ang sagot ng girlfriend. Ttuwang tuwa si Axelle sa pagsurprise sa girlfriend niya.
“Let's break-up", Nang marinig niya ang sinabi ni Mylene. Nawala yung sigla at liwanag sa mukha niya. Napalitan ng seryosong reaksiyon.
Tumigil siya sa kakaindak sa tuwa. Tumigil sa pagtawa. “Anong sinabi mo mahal ko?”
“Let's break up!”
Natigilan si Axelle na narinig niyang sinabi ni Mylene.
“Ano ka ba! Sa maraming puwede mong i-joke. Bakit yan pa? Palitan mo nga dahil hindi nakakatawa.”
Nakita niya ang seryosong expression sa mukha ni Mylene kaya lumapit siya. Mahigpit niyang niyakap. “Hindi magandang biro ang mga sinabi mo.”
Kumuwala si Mylene sa pagkakayakap ni Axelle. Tinutulak niya si Axelle dahil lumalapit para yakapin siya.
“Bitawan mo ako. Bitawan mo ako!"
“Ayoko. Kapag binitawan kita, hindi ka na babalik pa. Mylene, Ano ba! Tama na sa pagbibiro! Suko na ako. Suko na ako. Please!" Naiiyak na si Axelle. Hindi niya mapigilan ang paglabas ng mga luha niya sa mata.
“Sige panalo ka na. Ikaw na ang panalo kaya tama na sa pagbibiro mo. Tama na. Tama na, please!” tinulak niya palayo si Axelle.
Magkaharap silang nag-usap. “Ano ba? Masaya naman tayo nong mga nakaraan araw. Wala naman tayong problema, diba? Nalilito ako. Hindi ko maintindihan ang mga kinikilos mo?" naiiyak siya at tumutulo ang kaniyang luha.
Pinilit ni Mylene maging matapang, magkaroon ng lakas ng loob at matatag. Naaawa siya kay Axelle dahil umiiyak na ito. She forced herself not to cry.
“Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kaya! Hindi ko kaya.. Mylene!" Humagolgol na siya sa pag-iyak dahil hindi niya in-expect na hihiwalayan siya bigla ng babaeng pinakamamahal niya at ngayon pa, sa third monthsary nilang dalawa .
“Ano bang problema? Bakit ka ba ganyan? Wala akong maisip na dahilan para gawin mo 'to sa akin. Mylene. Please, stop doing like this!”
“Niloko lang kita," natigilan si Axelle nang marinig ang sinabi ni Mylene.
"Narinig mo, niloko lang kita at hindi kita mahal!”
“Kabisado na kita kaya hindi mo ako maloloko, Mylene."
“Akala mo hindi ko alam ang pinag-isapan ninyo ng mga kaibigan mo about sa pagpapa-inlove sa akin.
Nung marinig ko ang usapan ng dalawa mong kaibigan about sa pagpapa-inlove sa akin, lalo akong nainis sayo kaya nga hindi kita pinansin at kinakausap dahil alam ko na ang mga plano ninyo.”
“Oo aaminin ko, totoo yun pero tinigil ko yun dahil nahuhulog na ang loob ko sayo. Kahit tanungin mo pa sina Kenneth at Markus.
Mahal kita. Totoong mahal kita kaya pinili kita kesa sa pamilya ko kesa sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Mahal kita! Maniwala ka Mylene!" Hagolgol niyang pag-iyak.
“I don't believe you anymore, dahil sa ginawa mong unang panlokoko sa akin. Sinabi ko sa sarili ko, hindi ako ang masasaktan kundi ikaw.
One night naisip ko, baliktarin ko kaya ang sitwasyon. Ikaw ang paiibigin ko. Ikaw ang sasaktan ko.
At kita mo naman ngayon, nagtagumpay akong paibigin ka. Nagtagumpay akong saktan ka.
Hindi totoo ang nararamdamn ko sayo pati ang mga sinabi ko sayo. Hindi totoo ang mga yun dahil ang totoo wala akong nararamdaman sayo kahit katiting
Mission completed. Umibig ka. Nasaktan ka!" Tmalikod si Mylene at naglakad paalis. Hinabol naman siya ni Axelle habang umiiyak. Niyakap siya.
“Mahal kita. Mahal na mahal. Huwag mo akong iwan. Huwag mo akong iwan please! Please! Nagmamakaawa ako sayo! Hindi ko kayang mawala ka! Mylene! Maawa ka sa akin!" Homagolgol siya sa pag-iyak. Sobra siyang nasaktan sa ginawa ni Mylene. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang mga bagay na ito. Sobrang sakit ang nararamdaan niya ngayon.
“Hindi kita mahal! Tumigil ka na!" Tinulak niya si Axelle para makaalis na siya. Hinabol niya ang kaniyang girlfriend at hinawakan ang kaniyang kamay.
“Bitawan mo ako!" sigaw niya kay Axlle.
Natumba si Axelle. Hindi niya na hinabol si Mylene. Homagolgol siya sa pag-iyak. Umiyak siya ng umiyak.
“Huhuhu. Mylene.. Mylene.. Huhuhuhh…. Wag mo akong iwan.. Mylene.. Huhuhu..” Humagolgol pa siya ng humagolgol sa pag-iyak.
Sobra siyang nagulat sa mga pangyayari ngayong hapon na ito.
Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Umupo siya sa buhanginan. Gilid ng upuan nila.
Tulala niyang tiningnan ang nakasulat na, “Happy Monthsary Mahal Ko”
Hindi niya mapigilan ang paglabas ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata lalo nang makita ang ginawa niyang pag-aayos para sa mahalagang araw na ito sa kanilang dalawa.
Patuloy ang paglalabasan ng mga luha niya. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak at pagtulo ng mga luha dahil sobra siyang nasaktan.
Hindi niya matanggal at ayaw niyang tanggapin ang paghihiwalay nilang dalawa. Mahal na mahal niya si Mylene kaya sobrang sakit para sa kaniya ang nangyari.
Nakita ng mag-asawa ang pagpasok sa pinto ng kanilang anak na malungkot ang mukha.
“ Anak, nandiyan ka na pala. Halika, kain ka rito!" anyaya ng mama niya.
“Oo anak. Baka gutom ka na. Umupo ka na dito. halika na!” dagdag ng kaniyang papa.
Tumingin ang papa niya sa kaniyang mga kapatid. “Kayo. Paupuin ninyo ang ate ninyo. Ikaw doon ka na umupo dahil diyan uupo ang ate mo."
“Opo pa," sagot ng isang anak niya.
“Halika na anak!" Lmapit ang papa niya sa kanya para ihatid sa kaniyang upuan.
Malungkot ang mukha ni Mylene. Siya ay nasasaktan sa ginawa niya kay Axelle.
“Alam mo anak, niluto ko yung tatlong paborito mong ulam. Ito oh, sa tingin pa lang ay masarap na diba?" Nakangiting wika ng nanay niya dahil nakuha niya ang bayad na million sa pagkumbinsi sa anak na hiwalayan si Axelle.
Sa awa niya kay Axelle kaya napilitan siyang sumuko sa relationship nila, sinunod niya ang sinabi ng mommy ni Axelle na hiwalayan ang boyfriend pero hindi niya tinanggap ang pera.
Palihim na binigay at kinuha ang mama at papa niya ang two million sa mag-asawang Maldrid. Tsaka, dahil sa tuwa ng mag-asawang Maldrid sa effort ng dalawa kaya ang two million ay ginawa nilang five million.
“Baka sa makalawa anak, lilipat na tayo ng bahay. Titira tayo sa malaki at magandang bahay!" pagsasalita ng kaniyang papa.
“Talaga po pa?" sabat ng dalawa niyang bunsong kapatid.
“Oo, dahil nanalo kami sa luto ng mama niyo ng five million pero wag niyong ipagkakalat baka ma-holdap tayo dito,” agbibiro ng papa nila.
Sumabat sa usapan si Mylene. “Alam kong nagsisinungaling kayo. Alam ko ang pera na yan ay hindi sa napanalunan niyo sa lotto kundi galing yan sa mga magulang ni Axelle!” tumayo siya at tiningnan ang mga magulang. “Sinabi ko naman sa inyo na huwag niyong tanggapin ang pera galing sa kanila!"
“Anak, sayang naman. Magagamit din natin 'to sa pagpapagamot ng kapatid,” ginamit niya pang dahilan ang tungkol sa anak niyang may sakit para mapapayag niya si Mylene.
“Ako ang magpapagamot sa kanya, kahit ibigay ko sa inyo ang sahod ko! Kahit maubos pa ang sahod ko sa pagpapagamot basta huwag niyong gamitin ang pera nila! Ayaw kong maisip ni Axelle na kaya hiniwalayan ko siya dahil sa pera, kaya ibalik ninyo ang pera sa kanila. Ibalik ninyo!" Umalis siya sa upuan at naglakad papunta sa kwarto niya.
“Ang drama niya naman. Nabaliw na talaga siya sa lalake na yun. Nakalimutan siguro niya ay marami pang lalake sa mundong ito kahit tatlo pang jowain niya," daldal ng mama nila.
“Wala kasi kayong alam sa totoong pag-ibig kaya nasabi niyo yan," sabat ng kakampi na kapatid ni Mylene.
“Batukan ka diyan eh. Eh, bakit ikaw may alam ka ba? Ang bata bata pa nito ang daming alam! Batukan kita diyan, eh!" Bulyaw sa kanya ng mama niya.
“Tama na yan! Kumain nalang tayo. Hayaan nalang mo na natin si Mylene. Mawawala rin yang pagluluksa niya.”
“Tay? Totoo ba yung sinabi niyo kanina makakabili na tayo ng malaki at magandang bahay?”
“Oo anak. Pati ang mga luho ninyo ay masusuportahan na namin," sagot ng papa nila.
“Yeheyy!!" tuwang tuwa nilang sigaw.
“Mayaman daw! Aanhin natin ang perang yan kung may nasasaktan sa atin ng lubos!” tumingin ang mga magulang niya sa kaniya.
“Hindi ka ba titigil diyan. Ang bata mo pa pero kung magsalita ka ay parang kang matanda,” wika ng mommy niya.
Naririnig ni Mylene tunog ang tunog ng phone niya. Si Axelle ang tumatawag. Mayroon na itong 78 missed calls at maraming text na magkita sila at pag-usapan ang mga sinabi ni Mylene baka nabigla lang daw siya.
Napasilip siya sa bintana dahil narinig niya, sinisigaw ni Axelle ang pangalan niya. Umuulan pa naman.
“Mylene, Lumabas ka diyan mag-usap!! Mag-usap tayong dalawa. Alam kong nabigla ka lang kanina. Hindi mo alam mga sinasabi mo.
Kaya mo ba ginawa yun dahil naaawa ka sa akin? Yun ba yung dahilan mo? Diba sabi ko naman sayo, ayos lang ako. Diba sabi ko naman sayo, kaya ko! Kaya ko dahil mahal kita! Mahal kita, kaya kaya ko lahat ng mga paghihirap! Kahit ano pa yan. Kaya ko!" Umiiyak niyang sigaw.
Nasa gilid ng bintana si Mylene. Sumilip siya at nakitang basang basa na si Axelle. “Kita mong basang basa ka na, kaya tama na, please! Tama na! Axelle umuwi ka na! Umalis ka na!" Mahinang boses niya. Naaawa siya sa kalagayan ng ex boyfriend pero kailangan niyang maging matatag.
Tumalikod si Mylene at unti unting bumaba para umupo. Nilagay niya ang dalawang kamay sa mukha.
“Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon natin, hindi kita susukaan. I mean, hindi naman ako sumusuko. Komplikado lang ang sitwasyon natin ngayon. Ayaw kong lalo kang mahihirapan. Sana maintindihan mo ako.
Kaya umalis ka na. Bumalik ka na sa dati mong buhay. Kalimutan mo na ako. Axelle, mahirap din sa akin ang mga bagay na ito. Nahihirapan din ako. Nahihirapan din ako Axelle kaya please tama na. Wag na natin pahirapan lalo ang mga sarili natin!" napaiyak na rin si Mylene.
Lumapit ang mga magulang niya para buksan ang pinto ngunit hindi nila itinuloy dahil naririnig nilang umiiyak ang kanilang anak.
“Pa. Wag nalang natin siya kausapin. Hayaan nalang natin siya," sabi ng may pag-aalala ng kaniyang asawa.
“Oo nga ma, tama ka.”
“At dahil sa ginawa ninyo, tuloy umiiyak si ate,” naglakad paalis ang kakamping kapatid ni Mylene.
“Itong batang 'to naha-high blood na ako sa kanya. Nakakainis na siya, namumuro na siya! Sinisira niya ang araw ko!”
“Hayaan mo na. Bata lang yan kaya wag mo ng patulan," awat ng kaniyang asawa sa kaniya.
“Pa. Ano bang gagawin natin sa lalake sa labas? Ayaw niyang tumigil tsaka basang basa na rin siya ng ulan baka magkasakit ang lalake na yun.”
“Tawagin nalang natin ang mga magulang niya," suggestion ng kaniyang asawa.
“Mabuti pa nga.”
Ayaw pa rin paawat si Axelle. Kahit basang basa na ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagsigaw.