Chapter 20

“Kahit naman sabihin ko na wag kayong papasok, papasok pa rin kayo," mahinang boses niya. Nakahiga siya ng patagilid.

“Nakakapanibago the way you threat me before at ngayon. Ewan ko kung matutuwa ako or I will ignored nalang dahil alam ko ang reason ng care ninyo sa akin,”bulong ni Mylene sa sarili.

“Marunog ka na palang magbiro ngayon anak." Hinawakan niya sa buhok ang anak niya.

“Alam kong alam mo na kung bakit kami nandito ng papa mo.”

“Anak. Isipin mo. Kapag nasa kamay na natin ang million na pera. Makakabili na tayo ng magandang bahay, lahat ng pangangailangan ninyong magkakapatid ay hindi na kami mamomoblema ng nanay mo kung saan kami kukuha kapag mahina ang benta sa palengke.

Tapos, tungkol naman sa tuition ng mga kapatid mo ay hindi na rin kami mamomoblema lalo ka na hindi ka na magtatrabaho pa. Alam namin, napapagod ka na sa pagtatrabaho tapos mag-aaral ka pa sa gabi. Hindi ka na nakakapahinga ng maayos!" Kunyaring concern sila sa kanilang anak.

“Nakakatuwa naman marinig ang mga concern ninyo, sana dati niyo payan pinaramdam sa akin," bulong ulit ni Mylene.

“Oo anak. Tsaka sinabi kanina ni Mrs Maldrid kapag ngayong linggo ka kikilos, makikipaghiwalay kay Axelle ba yun? gagawin niyang ten million ang perang ibibigay sa atin. Anak, wag mong palagpasin ang ganitong sobrang bihirang pagkakataon. Isipin mo kami anak, ang pamilya mo, ang mga kapatid mo. Naghahangad kami ng magandang buhay anak kaya sana huwag mo 'tong balewalaen.

Hindi lang naman si Axelle ang lalake sa mundong ito anak," dagdag ng kaniyang mama.

“Tama ang mama mo anak. Totoo ang sabi nina mr and mrs Maldrid. Napaka-imposible ang relationship ninyo, parang langit at lupa ang layo.

Tsaka, hindi mo rin ba naisip yung sinabi ng mag-asawa tungkol sa anak nila. Sobrang yaman nila kaya buhay prinsipe ang anak nila. Simula baby haggang sa magbinata, buhay prinsipe ang batang iyon kaya alam kong malaki ang pag-a-adjust niya sa lahat ng bagay, lahat anak.

Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Kung mahal mo talaga siya anak gawin mo ang nararapat para hindi siya mahirapan". Pagpapakunsensiya niya sa kanilang anak. Sa mga sinabi ng mga magulang niya parang nahihikayat siya dahil totoong nakikita niyang nahihirapan si Axelle. Nakikita at nararamdaman iyon.

“Anak, marami pa diyang lalake. Alam kong may nababagay sa iyong iba na pareho kayong katayuan sa buhay. Hindi naman masama maghangad ng sobrang laki or mangarap ng marami pero isipin mo rin yung paligid mo kung may natatapakan o nasasaktan ka na. Huwag puro lagi damdamin anak.

Kung kayo talaga ang itinadhana ni Axelle gagawa ang kapalaran para pagsamahin kayo kahit ano pang mga mabibigat na hahadlang sa inyo," iyon ang huling sinabi nila sa kanilang anak.

Nagpaalam na ang dalawa. Tiningnan nila si Mylene bago lumabas ng kwarto.

“Sana pag-isipin mo ang mga sinabi namin," sinabi ng kaniyang papa.

“Tsaka anak. Huwag ka ng pumasok ngayon o bukas para naman pagdating mo galing school makapagpahinga ka ng mahaba," isa yun sa ginawa nila para lalong makumbinsi ang anak nila.

“Oo anak. Tsaka, kapag nagugutom ka. Buksan mo lang yung reef, maraming makakain doon."

“Sige, anak alis na kami," paalam ng dalawa.

Narinig niya ang pagserado ng pinto kaya bumangon na siya.

“Sana dati pa pinaramdam niyo sa akin ang concern ninyo. Sana dati pa. Gusto ko maniwala sa inyo pero alam ko na hindi totoo ang mga bagay na ito, ang mga pinapakita ninyo."

Tumunog ang alarm clock ni Mylene kaya bumangon na siya dahil may pasok pa siya ngayon.

Tinawagan niya muna ang boyfriend niya. “Kumain ka na ba? Huwag kang magpagutom, ah!”

“Oo tapos na. Pasensiya na hindi kita maihahatid dahil may pasok ako ngayon. Pasensya na talaga! Babawi ako sayo next time.”

“Ayos lang. Wag mo na kasi akong ihatid. Pagod ka na sa trabaho, eh tapos ihahatid mo pa ako!"

“That is my duty as your boyfriend."

“Yan ka na naman. Oh sige na. Baba ko na ! to."

“I love you!”

“Okay”

“Okay lang? Mag I love you ka rin. Sige na. Bilis na! Pampagana ko yan, eh! Sige na!” pangungulit niya kay Mylene.

“Oo na. Ito na. Ang kulit mo. I love you!”

“Yan." binaba na ni Mylene ang phone.

Lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita niyang naroon ang mga magulang niya at nagluluto.

“Anak, gising ka na pala!”

“Opo. Papasok po ako.”

Lumapit sa kanya ang papa niya.

“Diba sabi namin huwag ka ng papasok. Ipaubaya mo na sa amin ang pagtataguyod sa inyo. Magulang kami kaya responsabilid ka namin.”

“Oo anak. Umupo ka na lang diyan. Wait lang, may ipapatikim ako sayo, ang niluto kong sobrang sarap!”

“Naalala ko, elementary ka pa nang huling natikman mo 'to luto ko. Matagal na pala. Sobrang busy kasi kami dahil sa palengke.”

“Ihahanda ko lang po ang mga gamit ko dahil papasok po ako.” hindi siya nagpapigil, kahit anong kumbinsi ng mga magulang niya na huwag ng pumasok.

Narinig nila ang boses ng isa nilang kapatid sa kwarto kaya mabilis silang pumunta.

“Ano nangyari sa kanya?" tanong ni Mylene.

“Hindi po namin alam, eh! Bigla nalang siyang ganyan" sagot ng lalake niyang kapatid.

“Umatake na naman ang sakit ng kapatid ninyo" wika ng kanilang mama. Kinuha ng papa nila ang gamot na iniinom ng kapatid ni Mylene.

“Kung may pera lang tayong malaki. Doon ko to ipapagamot sa ospital na kaya siyang pagalingin", parinig ng mama ni Mylene.

Lumabas si Mylene sa kwarto “Papasok na po ako.”

Kahit anong tawag nila kay Mylene hindi ito lumingon kaya pinabayaan nalang nila.

May ilang minuto pa naman si Mylene kaya napagpasyahan niyang puntahan sa trabaho ang boyfriend.

Glass wall ang harap kaya kitang kita ang loob. Nakita niyang pinagalitan si Axelle. Nakayuko ang kaniyang boyfriend habang pinapagalitan at bumalik sa upuan niya.

Sa katunayan, madalas niyang pinupuntahan sa trabaho si Axelle at madalas din ganito ang bumubulaga sa kaniya.

“Ito ba, ang gusto mo, mundo ka? Ang ipamukha sa akin na maling pinili niya ako, na maling maging kami. I mean, hindi kami nararapat sa isa't-isa. Yan ba? Kaya sunod sunod ang trials na ito.

He texted her boyfriend. Kinamusta niya.”

Nagreply naman, “Ayos lang ako dito. Masayang masaya ako dito. Very nice ang mga tao rito.” He lied to her girlfriend dahil ayaw niyang mag-aalala ito.

Well. mabait na naman talaga mga kasama niya, strkto nga lang ang team leader nila lalo na baguhan siya.

Hindi nalang niya itinuloy ang pagpapakita. Dumeretso siya sa trabaho niya sa karenderya.

Sinalubong siya ng kaniyang best friend niya si Moira.

Nakita niyang malungkot ang mukha nito. “Ayos ka lang ba beshy? Hindi kasi maipinta ang mukha mo. May nangyari ba? Nag-away ba kayo ulit ng iying boyfriend?”

“Hindi kami nag-away," sagit niya na malungkot ang mukha.

“O, bakit parang na-ano yang mukha mo. Kuwento muna sa akin!" pangingulit ng kaniyang kaibigan.

“Diba, I told you before about his parents ?”

“Oo, yung mga matapobre mong byenan!”

“Kaninang tanghali kasi ay pumunta sila sa bahay. Nakiusap na hiwalayan ko si Axelle.”

“Oh ano? Anong sinabi mo? Anong respond mo sa kanila?”

“Hindi ako pumayag. Sinabi ko rin na mahal na mahal namin ang isa't-isa kahit ayaw nilang maniwala. They think pera lang ang habol ko kay Axelle," kuwento kp sa kaniya.

“Beshy, masanay ka na sa ganyang paniniwala nila. Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo sa kapapaliwanag. Ang mahalaga, nagmamahalan kayo ni Axelle. Yun yung mahalaga beshy!”

“Pero alam mo beshhy, my point din sila in other side. Simula baby hanggang sa pagbinata ni Axelle buhay prinsipe siya. Lahat ng mga gawain ay mga katulong niya gumagawa para sa kanya, kaya alam ko, deep inside ay malaking effort ang binuhos niya para matutunan lahat at makayanan lahat. Alam kong lubos siyang nahihirapan.

Nung simula nga kahit panghuhugas ng pinggan ay hindi siya marunong kahit ang pagwawalis. Hindi niya sigurado kung paano itapon ang mga dumi o yung mga gawaing bahay. Tsaka, madali siyang mapagod.”

“Pero, habang tumatagal nag-improve naman siya?”

“Oo, yung mga maliliit na bagay at hindi mabibigat, gaya ng sinabi ko, madali siyang mapagod. Kita lang na hindi sanay ang katawan niya pero he pretend na ayos lang siya, hindi siya nahihirapan. I know he always pretend para hindi ako lalo mag-aalala sa kaniya.

Alam mo bang madalas ko siyang binisita sa trabaho niya at madalas ko rin nakikita na pinapagalitan siya ng team leader nila. Ako ay nasasaktan din dahil kailangan niyang pagdaanan 'to.”

“Sa simula lang yan beshy dahil baguhan pa. Sigurado, gagaling din siya habang tumatagal. Beshy tandaan mo, Pinili ka nya dahil sobrang mahal ka niya. Kahit alam niyang ito ang magiging consequences ng pagpili niya sayo.”

“Bashy. Paano kung mali yung pagpili niya sa akin. Alam mo ba, habang tumatagal nawawalan ako ng pag-asa hindi sa pagmamahalan namin kundi yung awa ko sa kanya, yung mga sinasabi nila. Hindi kaya ni Axelle ang ganitong pamumuhay.

Kailangan niya magtrabaho para tustusan ang pag-aaral niya at pang-araw-araw na pangangailangan.

I'm not giving to our relationship dahil mahal ko siya but I'm giving up to the hope na makayanan niya lahat, makayanan namin lahat sa mga ganitong pagsubok na pakiramdam ko ayaw ng mundong ito na magsama kaming dalawa dahil ay araw-araw pinapakonsensya ako.”

“Beshy." pag-aalala niya sa kaibigan.

“Sige. Magtatrabaho muna ako. Maiwan muna kita diyan.”

“Okay.” Pumasok na sa loob si Mylene. Tinitingnan siya ng kaibigan.

“Sana maging matatag ka. Sana maging matatag kayo. Malalagpasan niyo rin ang lahat ng ito. Maniwala lang kayo sa pagmamahalan ninyo dahil yun yung pananggala ninyo sa mga pagsubok na darating sa inyong buhay. Alam ko, kaya mo yan beshy. Malayo na ang inabot ng katatagan mo, kaya ito ay sisiw lang para sa iyo.”

Bago uuwi ng bahay si Mylene naisipang niyang daanan muna ang boyfriend, tsaka, naggrocery din siya.

Sa pinto pa lang naririnig niya ang pag-ubo ng boyfriend kaya lalo siyang nawalan ng pag-asa na tama ang pagpili sa kanya ni Axelle.

“Sinabi ko naman sayo diba. Huwag muna akong sunduin at ihatid pa para makapagpahinga ka ng mahabang oras. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh!” lumapit ang boyfriend niya sa kanya at niyakap siya.

“Na-miss ko na yang mga bulyaw mo. Kapag nasa trabaho ako hindi ako makapag concentrate dahil lumalabas ka sa isipin ko. Nami-miss kita araw araw." Pa-iba niya ng topic para hindi siya sermonan ng girlfriend. Kumalma si Mylene.

“Tara na nga. Kain na tayo para makakain ka na rin. Uminom ka na rin ng gamot!"

“Masusunod, master!" tumawa siya sa sinabing master ng boyfriend.

Matapos kumain ay sinabi niya sa boyfriend na mauna na siyang magpahinga. Siya na ang maglilinis sa kusina, pati ang mga ilang kalat.

Nang matapos niya ng linisin ay lumapit siya kay Axelle. Tinitigan niya habang natutulog. Hinalikan niya sa pisngi.

“Alam mong mahal na mahal kita. Mahal kita Axelle. Unang asaran natin. Naalala mo yun? Yung lumapit ka na akala ko hindi ako yung partner mo tapos doon nagsimula ang asaran at bangayan natin sa isa't isa.

Nainis ako sayo. Nainis tayo sa isa't-isa. Sumunod na raw patuloy yung pang-aasar mo, bangayan mo, tsaka alam ko rin na pinagplanuhan mo akong lokohin sa umpisa.

Papaibigin mo ako at hihiwalayan mo ako. Alam ko yun. Narinig ko ang usapan ng dalawa mong kaibigan but I ignored it and I think that is the only opportunity para maging close tayo kaya I always ignored you sa mga pagpapapansin mo para lalo ka pang mag-effort na pansinin mo ako. Maging close tayo.

Habang tumatagal pahulog ng pahulog ako sayo. Uniti-unti ko nakikita ang beautuful inside of you.

Yung nakikita ng iba, you are very happy man with a happy life because you are a rich kid but they are wrong and I discovered most rich people are lonely inside.

I let you to escort with me dahil gusto ko maging close pa tayo. Gusto ko na mahalin mo rin ako kaya pinapatagal ko yung panliligaw mo dahil gusto kong makita yung sincere mo sa akin.

Every day na kasama kita ay gumagaan ang loob ko, yung saya ko sa sarili ay kakaiba. Alam mo yung pakiramdam, we are happy together because we share each other pain and happiness. Pinupuno natin yung mga bagay na hindi napagdaanan, naibigay at naparamdam sa atin ng ating pamilya kaya nga masaya tayo dahil doon.