Chapter 22
Nagbabakasakaleng lumabas si Mylene at kausapin siya. “Alam kong naririnig mo ako. Mylene! Alam kong naririnig mo ako! Please! Please, Mylene! Mag-usap tayong dalawa. Monthsary natin ngayon. Wag mo 'tong gawin sa akin. Mylene! Please mag-usap tayo! Please, mag-usap tayo!” pareho na silang humagolgol sa pag-iyak.
Hindi na rin mapigilan ni Mylene ilabas ang mabigat na nararamdaman niya kaya she let her tears to show her pain inside.
“Axelle. Sana mapatawad mo ako. I'm really sorry to hurt you. I'm really sorry dahil bumitaw ako. I'm really sorry dahil I broke our promises. I'm really sorry. I'm sorry, Axelle! Huhuhu… huhuhu.. Sorry.. Huhuhu.”
“Mylene. Lumabas ka na diyan. Pag-usapan natin ang tungkol sa ating dalawa. Mag-usapa tayo! Alam mo naman na sobrang mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko alam paano mabubuhay kung wala ka sa tabi ko. Hindi ko kaya. Mylene.. Mylene… Please Mylene, kausapin mo ako! Mylene lumabas ka na diyan at kausapin mo ako!" Yumuko si Axelle at umiyak ng todo.
May humintong kotse sa likod niya. Lumabas ang mommy ni Axelle at tinawag siya.
Pinayungan ng daddy niya ang mommy ni Axelle. Lumapit sila kay Axelle. “Son. Please stop this. Enough! Baka, magkasakit ka pa niyan!” niyakap sila ng anak nila.
“Mom, Dad. Please tell her na lumabas siya. Tell her na kausapin niya ako. Please!! I really love her. I don't want to lose her. Mom, dad. Please!” sinasabi niya ang mga salitang iyon habang humahagolgol sa pag-iyak. Pati rin ang mga magulang niya ay hindi siya mapigilan.
“Anak. Doon na natin ito pag-usapan sa bahay. Umuwi na tayo. Tara na. Basang basa ka na! Halika na. Umuwi na tayo!” Inutusan ng daddy niya ang dalawang bodyguard na ipasok si Axelle sa kotse.
Nagpupumilit itong kumuwala. “Teka lang!! Bitawan niyo ako! Kakausapin ko pa si Mylene. Mag-uusapa pa kami. Mag-uusap pa kaming dalawa! Bitawan niyo ako! Mag-uusap pa kami. Bitawan niyo ako, bitaw!!" nasa loob na siya ng sasakyan. Nagsisigaw pa rin siya.
“Mylene kausapin mo ako.. Mylene!! Mahal na mahal kita! Mahal kita! Kausapin mo ako! huhuhu!” humahagolgol si Mylene habang tinitingnan sa bintana ang boyfriend. I mean ang ex boyfriend niya.
Humagolgol pa siya sa pag-iyak. Naaawa siya sa mukha ni Axelle. Sobrang nasasaktan ang dati niyang boyfriend sa ginawa niyang paghihiwalay at mas lalo siyang nasasaktan dahil siya ang dahilan ng pain na iniindi ng dati niyang boyfriend.
“Patawad, patawad!" Mga sambit ni Mylene.
Nakita niya nakaalis na ang kotse ng pamilya Maldrid.
Pumunta siya sa higaan niya at umiyak ng umiyak.
Pumasok naman sa loob ang kakampi niyang kapatid para damayan siya dahil alam niyang kailangan ng ate niya ng makakaramay.
Niyakap siya agad ng ate niya. “Ang tanga tanga ko dahil pinakawalan ko ang lalakeng nagpasaya sa akin. Ang lalakeng binigyan kulay ang buhay kong naawalan ng pag-asa.
Ang tanga tanga ko dahil pinakawalan ko siya. Ang tanga tanga ko dahil sumuko ako, hindi ko siya pinaglaban. Wala akong kuwentang tao! Wala akong kwentang tao! Wala akong kwentang tao!" Hagolgol na pag-iyak ng kaniyang ate.
“Sige lang ate. Ilabas mo pa ang bigat na nararamdaman mo. Ilabas mo lang yan. Kahit bata pa ako at walang alam masyado sa love na yan pero handa akong makinig. Nandito lang ako lagi.
Tsaka, huwag mong lalong sisihin ang sarili mo. Hindi mo yan kasalanan. Sadyang unfair lang ang mundong ito. Alam kong kakayanin mo yan . Alam kong kaya mo yan. Kaya mo yan, ate. Malakas ka pa sa malakas diyan. Matatag ka pa sa matatag diyan. Kaya mo yan. Nandito lang ako!”
Nasa labas ng pinto ang pamilya niya. Pinapanood ang dalawa nilang anak.
“Mama. Kawawa naman si ate!" wika ng isa niyang anak.
“Oo nga ma, pa."
“Tumahimik nga kayo diyan. Ang iingay ninyo. Hindi sila para sa isa't-isa kaya nangyari iyon!” bulyaw sa kanila ng mama nila.
“Tsaka mga anak. Tingnan niyong modelo ang ate ninyo pagdating sa love na yan. Darating ang panahon na magkakaroon kayo ng mga karelasyon. Pumili kayo ng kapantay ninyo. Huwag kayo maghangad ng mataas dahil baka ganyan din ang kababagsakan ninyo," payo ng papa niya sa kaniyang mga anak.
Tulalang nakaupo sa higaan si Axelle. Pumasok ang parents niya sa kwarto niya.
“Anak. Para hindi ka lalong masaktan. Nilipat ka namin sa ibang school para hindi mo na makita si Mylene. Makakabuti ito sa inyong dalawa." Tinabihan siya ng mommy niya.
“Tama ang ginawa niya anak. Baka, na-realize niya na hindi kayo nararapat na mag-sama. Hindi kayo para sa isa't-isa.”
Tinabihan din siya ng daddy niya. “Ito yung tamang ayos anak. Bumalik ka sa amin at kalimutan mo ang mga nangyaring hindi maganda. Kalimutan mo si Mylene. Pati siya kalimutan mo para hindi ka lalong mahirapan at masaktan."
“Oo anak. Mawawala rin ang kung ano ang nararamdaman mo ngayon sa kaniya lalo na sasamahan ka ng taong magiging future wife mo.
Darating bukas si Allyson. We told her na. Siya muna ang mag-aalaga sayo at magbabantay. Dito muna siya sa bahay titira para may kasama ka rito habang inaayos namin ng dad niya ang magaganap na engagement party ninyong dalawa. Ginawa namin ng dad mo ng maaga para naman wala ng babae ang maglakas ng loob para guluhin ka.
Magkasabay na kayong lumaki. Masayahing babae yun at madaldal kaya hindi ka mababagot sa kanya. Maaaliw ka. Tsaka, mabait ding batang iyon kaya magkakasundo kayong dalawa.
Halos magkasabay na kayong lumaki ni Allyson at alam ko rin na alam mo na hindi siya mahirap pakisamahan. Magiging mabuting kaibigan siya sayo, magiging mabuting girlfriend at magiging mabuting asawa.
Responsableng babae rin siya. Kaya alam namin ng daddy mo magiging masaya ang pamilya ninyo,” niyakap niya ang anak. Giving up does not mean you are a loser. It's moving on and moving forward. Setting free of all bad things happened kaya anak huwag mong parusahan ang sarili mo. Maging masaya ka. Hindi lang si Mylene ang babae sa mundong ito." Hindi pa rin umiimik si Axelle. Tahimik siyang naka-tulala
Remember what he said in the karenderia? Whe he asked about, What if his girlfriend will left him, what will he do?
Tatlong araw na ang dumating ngunit wala pa ring imik si Axelle. Lagi siyang tahimik. Laging nagkukulong sa kwarto.
Tinanong ni mrs Maldrid ang katulong kung kumain at nagbihis na ba si Axelle.
“Ma'am ganun pa rin po siya. Ayaw lumabas ng kwarto niya. Hindi po siya kumakain. Ang ginagawa ko po, hinahatiran ko siya sa kwarto at pinapakian. Sumusunod naman siya pero konti lang kinakain niya gaya po ngayon," pagpapaliwanag ng katulong.
“Sige. Puntahan ko nalang siya sa kwarto niya. Ihanda muna ang mga dadalhin naming gamit.”
Pupunta ang mag-anak sa townhouse ng mga magulang ni Allyson. Naroon na rin si Allyson
Excited na rin siya makita ang kaniyang kababata na si Axelle.
Nang pumasok sa kwarto ay nakita niya ang anak niya. Nakatayo sa bintana. Tulalang nakatingin sa labas.
“Ano ba yan anak. Ilang araw ka ng ganyan. Ano bang nangyayari sayo? Dahil ba sa babaeng yun? Kalimutan mo na siya. Wag mo na siyang isipin. Huwag mong sayang ang oras, ang araw at panahon mo sa kanya. Siya mismo ang nang-iwan sayo. Iniwan ka niya, ibig sabihin non hindi ka niya talaga mahal kaya move-on ka na anak, move-on na please!”
Lumapit siya kay Axelle. Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at pinakita kay Axelle ang isang video. “Ito yung dahilan kaya iniwan ka niya. Sa simula palang ay pera mo lang ang habol niya sayo kay iniwan ka niya. Hindi ka niya mahal anak!”
Ang video na ito ay tungkol sa pag-tanggap ni Mylene ng pera. Yung araw na unang punta ng mag-asawa sa bahay nila ni Mylene. May nakalagay sila sa damit nila na small hidden camera. Tapos nong pumunta sa bahay nila si Mylene para pamayag na hiwalayan si Axelle. Ginawa nilang maganda ang pagka-edit. Sinadiya nila para lalong magkasiraan ang dalawa at hindi na magbalikan.
Sa nakita ni Axelle. Nagsalita siya, “Hindi yan totoo. Hindi ganoong tao si Mylene. Mahal na mahal niya ako. Nakikita at nararamdaman ko yun kaya hindi ako maniniwala diyan. Gawa-gawa niyo lang yan dahil ayaw niyo sa kanya."
“Son. Wake up! Hindi porket iniwan ka ng babaeng yun. Ihihinto muna ng pagtakbo ng mundo mo. Lumabas lang talaga ang totoo niyang kulay. Months pa lang ang pinagsamahan ninyo kaya hindi mo pa kilala ang totoong siya!”
“Hindi ako naniniwala sayo. Hindi porket months pa lang kami hindi pa namin kilala ang isa'-isa. We knew each other na, dahil sa love. I know her story, her sad story kaya wag na wag mo yang masasabi na hindi ko pa siya kilala!”
“Ganun ba talaga ang pagmamahal mo sa kanya. Handa kang magpakatanga. Handa kang mag bulagbulagan?”
May ipinakita ulit na video ang mommy niya sa kanya. Ang pagtanggap mg checkie ng mga magulang ni Mylene
“See! Pare-pareho lang sila. Wala siyang pinagkaiba sa mga magulang niya. I know anak na sobrang mahal mo siya, but wake up! Yan na yung evidence na yung babae na yan, pera lang ang habol sayo. Kelan ka matatauhan? kapag sobrang sakit na nararamdaman mo sa puso mo? Ha?!”
“ Okay. Sabihin natin na totoo 'to. Ano ngayon? Baka, nagawa lang iyon ni Mylene dahil sa isang bagay. Baka may nangyari. Alam ko, anong klaseng mga magulang siya baka sila yung nagtulak kay Mylene na gawin iyon kaya nga kailangan ko makausap si Mylene."
Sinampal siya ng mommy niyadahil parang nawawala na siya sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong gagawin sa anak niya.
“Son, kelan ka ba magiging ganito? Parang wala ka na sa sarili mo. Pinagpalit ka ng babaeng yun sa pera. Yun ba ang pagmamahal? Yun ba ang pipiliin mong makakasama sa pagtanda? Tell me!" Pumukit ang mommy niya para i-relax ang sarili.
Hindi niya alam ano ang gagawin kay Axelle para tumigil na ito sa kakahabol kay Mylene.
“That video is true. Kahit anong sabihin mo. Kahit anong gawin mo. Hindi mo mababago ang katotohanan. Ang babae na iyon ay hindi nababagay sayo!”
Umalis na ang mommy niya. Hindi niya kinuha ang phone para mapanood ulit ng anak niya to realize na hindi siya mahal ni Mylene.
Umupo sa sahig si Axelle. Hindi niya mapigilan ang sarili to release the pain through crying.
Hindi niya maiwasang mapanood ng paulit ulit ang video.
Hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan. Nalilito na siya. Gulong gulo na ang utak niya.
Nagugulahan siya sa mga rason ni Mylene. Sinabi ni Mylene sa beach ang dahilan kung bakit hihiwalayan siya, dahil narinig ni Mylene ang usapan ng dalawa niyang kaibigan tungkol sa gagawing planong pagpapa-inlove tapos ngayon another reason na naman kung bakit hiniwalayan siya ni Mylene.
Kanina niya pa tinatawagan si Mylene ngunit hindi ito sinasagot ng kaniyang ex girlfriend.
“Mylene, please. Gulong gulo na ako. Please! Mag-usap tayo. Gusto ko malinawan sa lahat ng mga ito!”
Maya maya ay may nagtext sa phone niya. Nang makita ang pangalan ay natuwa siya. “Si Mylene. Baka gusto niya makipagkita sa akin."
Nang binasa niya ang text message ay nag-iba ang timpla ng mukha niya.
“Axelle. Ito na yung uling contact natin sa isa't-isa. Ayaw ko ng pahirapan ka. Panalo ako, that's it. The reason kung bakit nagtext ako sayo para sabihin ang katotohanan.
Ayaw ko na 'tong sabihin dahil ayaw ko ng masaktan ka lalo. But I know you need to know this. Oo, kasama ng paghihiganti ko ang pagtanggap ng pera sa pamilya mo.
Hindi lang sa pagpapa-in love sayo
Higit na reason ang makukuha kong million na pera kapag nakipag-usap ako sa parents mo. Makipag deal sa kanila. Kapalit ng paghihiwalay natin, humingi ako ng five million sa kanila.”
Habang binabasa ang mga salitang ayaw niyang paniwalaan. Pakiramdam niya, hindi siya makahinga. Totoo nga sabi nila, masakit ang katotohanan. Tumutulo ang mga luha niya. Nababasa na ang phone niya sa mga patak ng luhang ayaw magpapigil.
“Bakit mo ginagawa sa akin ito, Mylene? Lalong nadudurog ang puso ko sa mga katotohanan na ito. Ayaw kong paniwalaan lahat 'to dahil ganun kita kamahal. Bakit? Bakit nangyari ito sa atin? Mylene!! Mylene!! Bakit? Sobrang nasasaktan ako sa ginawa mo! Bakit? Bakit? Hindi ka pa nakontento sa pagpapa-in love sa akin?
Sana panaginip nalang ito! Sana panaginip nalang ito! Gustong gusto ko ng gumising. Huhuhu.. huhuhu. Ang sakit ng ginawa mo. Ang sakit sakit. Huhuhu.. huhuhu…”
Isang katotohanang mas masakit pa kesa sa kagat ng aso.
Tumayo si Axelle. Umupo siya sa higaan at sumandal sa pader.