Chapter 19

"Let's break-up! Nang marinig niya ang sinabi ni Mylene. Nawala yung sigla at liwanag sa mukha niya. Napalitan ng seryosong reaksiyon.

Tumigil siya sa kakaindak sa tuwa. Tumigil sa pagtawa. "Anong sinabi mo mahal ko?!"

"Let's break up!" Nakayukong sambit ulit ni Mylene.

Natigilan si Axelle nang narinig niyang sinabi ni Mylene.

"Ano ka ba! Sa maraming puwede mong i-joke. Bakit yan pa? Palitan mo nga dahil hindi nakakatawa!" nakita niya ang seryosong reaksiyon sa mukha ni Mylene kaya lumapit siya. Mahigpit niyang niyakap.

"Hindi magandang biro ang mga sinabi mo, ha!"

Kumuwala si Mylene sa pagkakayakap ni Axelle. Tinutulak niya dahil lumalapit para yakapin siya.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!"

"Ayoko. Kapag binitawan kita, hindi ka na babalik pa. Mylene. Ano ba. Tama na sa pagbibiro! Suko na ako. Suko na ako. Please! Stop lying to me, stop teasing to me!" Naiiyak na si Axelle. Hindi niya mapigilan ang paglabas ng mga luha niya sa mata.

"Sige panalo ka na. Ikaw na ang panalo kaya tama na sa pagbibiro mo. Tama na. Tama na, please!" tinulak niya palayo si Axelle.

Magkaharap silang nag-usap. "Ano ba? Masaya naman tayo nung mga nakaraan. Wala naman tayong problema, diba? Nalilito ako. Hindi ko maintindihan sa mga kinikilos mo ngayon." Naiiyak siya at tumutulo ang mga luha niya.

Pinilit ni Mylene maging matapang, magkaroon ng lakas ng loob at matatag. Naaawa siya kay Axelle dahil umiiyak na ito. She forced herself not to cry.

"Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya, Mylene!" Humagolgol na siya sa pag-iyak dahil hindi niya in-expect na hihiwalayan siya bigla ng babaeng pinakamamahal niya at ngayon pa sa third monthsary nikang dalawa

"Ano bang problema? Bakit ka ba ganyan? Wala akong maisip na dahilan para gawin mo 'to sa akin. Mylene. Please stop this!

"Niloko lang kita, narinig mo niloko lang kita at hindi kita mahal! Kaya bitawan mo ako!" Paiyak na siya.

"Kabisado na kita kaya hindi mo ako maloloko!"

"Akala mo hindi ko alam ang pinag-isapan ninyo ng mg kaibigan mo about sa pagpapa-inlove sa akin.

Nang marinig ko ang usapan ng dalawa mong kaibigan about sa pagpapa-inlove sa akin, lalo akong nainis sayo kaya nga hindi kita pinansin at kinakausap dahil alam ko na ang mga plano ninyo!" Sinapawan ni Axelle ang kaniyang pagsasalita.

"Oo aaminin ko na totoo yun pero tinigil ko yun dahil nahuhulog na ang loob ko sayo. Kahit tanungin mo pa sina Kenneth at Markus.

Mahal kita! Totoong mahal kita kaya pinili kita kesa sa pamilya ko kesa sa buhay ko. Mahal na mahal kita! Mahal kita. Maniwala ka sa akin, Mylene" umiiyak siyang niyayakap ang girlfriend.

"I don't believe you anymore, dahil sa ginawa mong unang panloloko. Sinabi ko sa sarili ko, hindi ako ang masasaktan kundi ikaw.

One night naisip ko, baliktarin ko kaya ang sitwasyon. Ikaw ang paiibigin ko. Ikaw ang sasaktan ko.

At kita mo naman nagtagumpay akong paibigin ka. Nagtagumpay akong saktan ka.

Hindi totoo ang nararamdamn ko sayo pati ang mga sinabi ko sayo. Hindi totoo ang mga yun dahil ang totoo wala akong nararamdaman sayo kahit katiting

Mission completed. Umibig ka. Nasaktan ka!" Tinulak niya si Axelle. Tumalikod si Mylene at naglakad paalis. Hinabol naman siya ni Axelle habang umiiyak. Niyakap siya ng mahigpit.

Tumutulo sa buhangin ang sunod sunod na luhang nanggagaling sa kaniyang mga mata.

"Mahal kita! Mahal na mahal. Huwag mo akong iwan. Huwag mo akong iwan please! Please! Nagmamakaawa ako sayo! Hindi ko kayang mawala ka. Mylene, Maawa ka sa akin!" homagolgol siya sa pag-iyak. Sobra siyang nasaktan. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

"Hindi kita mahal. Tumigil ka na!" Tinulak niya si Axelle.

Hinabol at hinawakan niya ang kamay ng dalaga.

"Bitawan mo ako!"

Natumba si Axelle. Hindi niya na hinabol si Mylene. Homagolgol siya sa pag-iyak. Umiyak siya ng umiyak.

"Huhuhu. Mylene! Mylene! Huhuhu..

Wag mo akong iwan, Mylene! Huhuhu..”

Nagulat siya sa mg pangyayari ngayong hapon na ito.

Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Umupo siya sa buhanginan. Gilid ng upuan nila.

Tulala niyang tiningnan ang nakasulat na, "Happy Monthsary, Mahal Ko!" Hindi niya mapigilan ang paglabas ng mga luha sa kaniyang mga mata habang tinitigan ang, happy third monthsary, mahal ko. Lalo na may mga picture ito sa gilid.

Patuloy ang paglalabasan ng mga luha niya. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak at pagtulo ng mga luha dahil sa sobrang sakit na ginawa ni Mylene sa kaniya.

Hindi niya matanggap na wala na sila. Ayaw niyang tanggapin ang break up nila, ngayong araw na ito.

Homagolgol siya sa pag-iyak habang nakaupo sa buhanginan.

BEFORE THE MONTHSARY

Nakangiting naglalakad si Mylene papasok ng bahay nila.

Binuksan niya ang pinto, nagulat siya sa bisita nila, “Ano pong ginagawa niyo rito?" Pagtatakang tanong niya sa kaniyang bisita. Ang bisita nila ay ang mga magulang ni Axelle.

Tumayo ang mama ni Mylene at lumapit sa kaniya. “Anak. Halika dito. Tumabi ka sa amin umupo, may pag-uusapan daw kayo ni Mr and Mrs Maldrid.” hinawakan niya ang balikat ng anak at sinamahan papunta sa upuan.

May inabot na checkie ang mommy ni Axelle kay Mylene. “Anak, kunin mo. Ano ka ba wag mong pinaghihintay si Mrs Maldrid. Nangangalay na ang kamay niyan," singit ng mama ni Mylene.

Ayaw kunin ni Mylene ang checkie kaya ang kaniyang mama ang kumuha ng checkie.

Kinuha niya ang kamay ng anak at binigay sa anak ang checkie.

“Ang lakai niyan anak. Five million pesos! Makakabili na tayo ng magandang bahay!” tuwang tuwa ang mama niya ng makita ang laman ng checkie.

“Oo nga. May nakita ako sa online na legit na nagbebenta ng bahay. 1. 5 million yung price ng bahay. Ang laki at ang ganda pa. Sobra sobra na yan. Marami tayong mabibili para sa sarili natin!" Dagdag ng kaniyang papa. Feeling ng papa ni Mylene tumama sila ng lotto. Ang swerte naman daw nila ngayong araw na ito.

Seryosong tinanong ni Mylene bakit sila nandito? At para saan naman ang checkie na ito?.

“Alam mo, mahal na mahal namin ang anak namin and we will do everything para maganda ang kinabukasan niya. Sobrang sama ng loob namin dahil pinili ka niya kesa sa mga magulang niya na binigay ang lahat ng pangangailangan niya

Lahat ng luho niya. Lahat lahat. We worked very hard para sa kanya. Kaya as I said sumama ang loob namin," wika ni Mrs Maldrid.

“ Higit sa lahat nasasaktan din kami dahil in just a minute nawala ang unico hijo namin na inalagaan namin ng maraming taon. Iniiwas namin siya sa mga bagay na magpapahirap sa kanya. Nakakatawa lang dahil nangyari yung ayaw namin mangyari.

Kahit hindi namin siya nakikita sa mga paghihirap niya ngayon pero nasasaktan kami as parents niya, sana naman maging fair ka naman, Mylene. Bilang magulang, sana maintindihan mo kung bakit namin ginagawa ang bagay na ito.” paliwang sa kanya ng daddy ni Axelle.

“Ayaw namin siya maghirap Mylene. Pinapakita niya sayo na kaya niya but deep inside I know nahihirapan siya dahil hindi yan ang buhay na pinangrap namin para sa kanya

Nasasaktan kami Mylene. Nasasaktan kami." feel ni Mylene ang emosyon nila.

“Totoo, natamaan kami sa mga sinabi mo sa amin. Kaya andito kaimi para kausapin ka at makiusap sayo. i-give up mo ang pagmamahal mo kay Axelle.

Hindi naman ayaw namin sayo but hindi ikaw ang karapat dapat para sa anak namin. I don't want to say this words pero kailangan, hindi kayo bagay sa isa't-isa. Malayo ang distansiy ninyo na parang langit at lupa."

“Sa love ay hindi maging karapat dapat para mahalin. Enough na, mahal niyo ang isa't-isa. I love your son not his money nor your money,” wika niya sa dalawa.

“Siguro sabihin natin, mahal mo ng totoo ang anak namin but still we disagree to your relationship," sagot ng daddy ni Axelle.

“Dahil ba sa katayuan ko? Nagsisikap naman po ako mag-aral para makapag tapos at para someday makahanap mg magandang trabaho para maging pantay ang status namin sa buhay ni Axelle at para matanggap niyo ako.”

“Wag kang ma-offend sa sasabihin namin. Kahit magkaroon ka ng magandang trabaho hindi parin magiging pantay ang pagiging class namin sayo," sabi sa kanya ng mommy ni Axelle. Medyo nasakran siya sa sinabi ni mrs. Maldrid.

“The truth is, ang anak namin ay nakatali na ang future niya sa isang babaeng anak ng ka-business partner namin. Alam ko, alam mo naman ang tinatawag na fixed marriage. Mga business person kami kaya ang gusto namin ang anak namin ang magmamana ng negosyo namin at palawakain pa ito.

Nagkasundo kami ng isang successful na famous an business person na ipagkasundo ang aming mga anak na magpakasal after the graduation in college for the business. Bago ka dumating sa buhay niya ay pumayag si Axelle.

Dati, napaka-simple at masunurin niya sa amin pero nung nakilala ka niya, he changed. Sinabi niya rin, hindi niya na itutuloy pa ang pagpapakasal sa babaeng ipinagkasundo sa kanya. We talked him, many times and he refused many times dahil ayaw niya magpakasal sa taong hindi niya mahal dahil hindi daw siya liligaya.

See, nagbago talaga siya ng makilala ka. Hindi niya sasabihin ang mga bagay na yan sa amin. Sumusunod siya pero ngayon hindi na!" wika ng daddy ni Axelle.

“Sa mga sinabi namin Mylene. Makikita lang, we love very much our son. Ang kasunduan sa pagpapakasal niya ay para din naman yan sa future niya, para sa mga magiging anak niya at apo niya. Yan lamang gusto namin bilang mga magulang niya. Please consider our grievances!"

“Alam niyo ba, kung anong natutunan ko sa inyo? Misebrale pala ang buhay ng mga businessman at ang mga anak nila dahil sa ganyang sistema ninyo.

Huling gusto kong paulit-ulit na sasabihin ko sa inyo, mahal ko ang anak ninyo. Tsaka, kung gusto niyong bumalik siya sa inyo. Siya mismo ang kausapin ninyo, hindi ako," pagkatapos niyang magsalita ay binalik niya sa mag-asawa ang checkie.

“Pwede na kayong umalis dahil marami pa akong gagawin."

Sumabat ang mga magulang ni Mylene. Nanghihinayang sila sa malaking pera.

“Ano ka ba anak! Wag ka ngang maging bastos sa kanila. Waag ka ngang maarte diyan. Marami pang lalake sa mundo. Kapag may pera ka na, kahit bilhin mo pa sila!" bulyaw sa kanya ng mama niya.

Tumayo si Mylene at tahimik naglakad sa kwarto niya.

“Magpapahinga muna po ako. May pasok pa ako mamaya.”

“Tingna mo 'to. Bastos talaga. Kitang nandito pa yung kausap niya," wika ng mama niya habang tinitingnan ang anak niya.

Lumapit sa mag-asawa ang papa ni Mylene. “Kami na po ang humihingi ng pasensya sa kilos ng anak namin."

“Opo, baka pagod lang yun kaya siguro naging ganun," dagdag ng mama niya.

“Kapag nakumbinsi ninyong iwanan ni Mylene ang anak namin parehong kayong dalawa makakatanggap ng one million," wika ni Mrs Maldrid sa kanila kaya natuwa ang dalawa.

“Bale, dalawa kami. Two million po lahat?!" tuwang tuwa ang mama ni Mylene.

“Oo. Two million, sana sa lalong madaling panahon ay makumbinsi ninyo ang anak ninyo na hiwalayan ang anak namin dahil parating na ang engagement ni Axelle, pinaaga namin para wala ng babaeng didisturbo kay Axelle kaya sana i-consider ninyo ang favor na 'to.”

“Wag kayong mag-aalala, mr and mrs Maldrid. Hindi aabot ng isang linggo makukumbinsi namin si Mylene," lakas ng loob sinabi ng papa ni Mylene sa mag-asawa.

“Opo! Gagawin namin ang lahat," dagdag ng mama ni Mylene.

“Ngayon pa lamang nagpapasalamat na kami sa inyo."

“No problem po."

“Sige, Kam ayi aalis na."

“Sige po. Maraming salamat din.”

Inihatid nila palabas ng bahay sina mr. and mrs. Maldrid.

Tiningnan ng dalawa ang magandang kotse ng mag-asawa.

“Tingnan mo ang kotse nila pa, ang ganda!"

“Oo nga ma! Kapag nakuha natin yung two million natin ay makakabili rin tayo ng magandang kotse. Tsaka, yung negosyo natin sa palengke, ay papal weak n pa natin. Lalo pa gaganda ang ating buhay!”

“Ngayon pa lang pa, na-i-imagine ko na yung mga gagawin ko kapag hawak na natin yung million. Bibili ako ng magagandang damit, mga sapatos, mga gamit sa sarili, mga gamit ng nga anak natin at mga gamit sa bahay."

“Oo ma. Araw-araw makakain tayo ng masasarap na pagkain. Madalas tayong manonood ng movie at makakain sa mga mamahaling restaurant .”

“Kaya ikaw diyan tulungan mo akong kumbinsihin ang anak natin na hiwalayin yung boyfriend niya ngayon, para yung pinapangarap natin ay magiging totoo!”

“Kaya halika na!” kumatok sila sa pinto ng kwarto ni Mylene.

“Anak, pwede ba kami pumasok?" tanong ng mama niya. Umiba ang tono ng boses nila ngayon kumpara nong nakaraang mga araw.