Chapter 18

"Alam mo Axelle, pinagdadasal ko na sana pabalikin ka na ng parents mo sa bahay ninyo para hindi ka na magwork pa. Ako ang nahihirapan habang pinapanood kita sa malayo.”

"Sa katunayan, lagi nila akong tinitext na umuwi na", humarap sa kanya si Mylene.

"Talaga? Bakit hindi ka pa umuwi sa inyo.” Nakita niyang nakayuko si Axelle.

"Pero may kondisyon sila. Alam mo na yun kung ano yun.”

Lumapit pa siya kay Axelle. "Kahit hanggang ngayon sinasabi ko sayo, pwede ka pang umatras.”

"Narinig mo ba sinabi ng adviser natin?"

"Ano ba sinabi niya?"

"Ikaw ka talaga, eh noh. Naisingit mo pa talaga yang pagiging pilosopo mo." Ngumiti sa kanya si Mylene.

"Kapag iniwan kita at sumuko tayo, magiging worthless ang mga nangyari sa relationship natin. Tsaka, ayaw ko ng marinig yan sayo dahil kahit ilang beses mo yan sabihin, ilang beses mo rin maririnig ang sagot ko, mahal na mahal kita. Hindi kita iiwan. Sobrang mahal kita kaya wag ka ng ano diyan. Makinig na nga lang tayo sa kanta ni Miko na yan."

"Sabi mo, ayaw mong pakinggan ang kanta niya?" Pagbibiro ni Mylene.

"Inaasar mo talaga ako, ha?", kiniliti niya si Mylene kaya napatayo siya. "Wag ka ngang maligalig diyan!" ayaw pa rin tumigil ni Axelle kaya ang ginawa niya ay tumakbo nalang.

"Gusto ma talagang magpahabol!", nakangiti niya sabi kay Mylene habang hinahabol niya ito. "Tumigil ka na nga. Loko ka talaga!" sigaw niya sa boyfriend.

Galing sinundo ni Mylene ang boyfriend sa training nito sa ina-aplayang callcenter.

"Masaya ako sayo dahil natanggap ka sa trabaho at ngayon naka-on training ka at may bayad pa!"

"Oo, mas lalong masaya ako dahil pwede na kitang buhayin." magkahawak ang kamay nila habang naglalakad.

Natawa siya sa sinabi ni Axelle. "Wag kang magpatawa diyan.”

“Totoo ang sinabi ko!”

"Kaya mo ba talagang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral mo? Lamog na lamog yang katawan mo. Mag-aaral ka sa umaga, magtatrabaho ka sa gabi. Kaya mo ba talaga?"

"Yan ka na naman. Basta kahit anong sabihin mo. Hindi mo mababago ang pasya ko. Tsaka, I want also to prove to my parents na kaya kong suportahan ang sarili ko, kaya kong mabuhay without them.”

"Tandaan mo, kahit gaano kasama ang tao. Tao pa rin. Kaya ikaw kahit baliktarin mo man ang mundo, parents mo pa rin sila, kahit sa tingin mo they are not good to you as parents."

"Wag na nga natin pag-usapan ang mga bagay nayan." may nakitang silang nagtitinda ng ice cream si Axelle.

"Bili nalang tayo ng ice cream as treat ko sayo dahil sa new job ko."

"Ice cream lang?"

"Kahit gusto mong kainin. Bibilhin ko para sayo, ayaw kong magutom ang baby natin!" pagbibiro ni Axelle.

"Sapakin kita diyan eh! Tara na, bili na tayo ng ice cream gusto ko ng kumain ng ice cream eh!"

"Kuya, itong kulay nato." Turo niya sa kulay na ice cream na kaniyang bibilhin.

"Ako rin po. Tsaka ito po."

Nakaupo sila ngayon habang kinakain ang bili nilang ice cream. "Ang ganda ng buwan, oh" sabi ni Axelle habang dinilaan ang kaniyang ice cream.

"Oo nga. Walang kupas ang kagandahan niya kahit lumipas ang maraming taon. Bumagyo man o bumaha. Nanatili ang kagandahan niya."

"Maikukumpara mo sa buhay ng tao. Marami mang pagsubok ang dumating. Nananatiling matatag. Hindi nagpapatinag."

"Ikaw mahal ko. Kapag nakapagtapos ka ng high school, anong mga sunod mong plano?" tanong ni Mylene sa boyfriend.

"Syempre, sabay tayong papasok sa college. Same school and same section pa rin. Magkasama tayong papasok, magkasama tayong uuwi, magkasama tayong kakain, magkasama tayong maglalakad.

Kapag nakapagtapos tayo ng pag-aaral sa college, magkasama rin tayong maghanap ng trabaho. Magkasama tayong magtatatrabaho sa isang magandang company.

Kapag may magandang trabaho tayo. Mag-iipon tayo ng pera para bibili tayo ng bahay nating malaki at maganda para hindi masikip kapag nagkaroon tayo ng maraming anak!"

"Ilan ba yang maraming anak na yan baka mapatay ako niyan sa kaka-anak," nakangiting pagbibiro ni Mylene.

"Lima lang. Ayoko naman mahihirapan ang misis ko.”

"Misis ka diyan. Ang layo ng narating ng pangarap mo, ha?"

"Oo naman. Naka-plano na lahat. I planned it already na!”

"Okay. Hindi ko sisirain ang mga pangarap mo." Niyakap niya ng mahigpit si Axelle.

"Ano ba yan!"

"Hayaan mo na ako. Pampagana lang to at energy.”

"Baliw! "

"Oo. Baliw na baliw talaga ako sayo. Ewan ko, anong pinakain mo sa akin kung bakit ganito ang pagkabaliw ko sayo!" Natawa nalang si Mylene sa mga pinagsasabi niya.

"Tara uwi na tayo. Matulog muna ako bago ako papasok mamaya sa trabaho.”

"Sinabihan na kita. Tumigil ka na sa pagtatrabaho. Ako na ang gagastos sa lahat ng pangangailangan mo kahit sa luho mo. Ayokong nakikita kang napapagod. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para baguhin yung pasya mo," malungkot na boses ni Axelle.

"Pareho lang tayo matigas ang ulo kaya wag mo ng pakialaman ang pagtatrabaho ko. Wag na nga natin pag-usapan ang ganitong bagay. Magtulungan nalang tayo! Pwede?"

"Kahit sabihin ko man hindi ako papayag. Wala rin naman akong magagawa eh!”

"Tama. Tara, uwi na tayo? Tara na!"

Nakaabang si Miko sa pintuan ng apartment ni Axelle. Kumaway siya sa dalawa. "Miko. ano bang ginagawa mo rito?”

"Oo nga!" sungit na pag-sang-ayon ni Axelle.

"Pasok muna tayo sa loob ang lamig dito sa labas, eh!" Demand niya.

May dala rin siyang lalagyan. Ang laman nito ay fried chicken. May dala rin siyang pizza at soft drink.

"Hindi. Sagutin mo muna ang tanong namin tsaka paano mo nalaman ang apartment ko? At ano yang mga dala mo? Dito ka ba kakain? Seryoso?!” sungit na mga tanong ni Axelle.

"Oo, sige na nga. Sasagutin ko na mga katanungan ninyo para matapos na cto. Una. Bakit ko nalaman ang apartment mo?" si Mylene na ang sumagot. Kaya alam ni Miko ang location ng apartment niya dahil sinabi ni Mylene. Ngumiti si Mylene kay Axelle. "Ano naman problema don? Hindi ka naman celebrity tsaka matalik na kaibigan ko si Miko kaya sinabi ko sa kaniya ang address ng apartment mo," ngiti niyang sabi kay Axelle. Niyakap niya rin ang kaniyang boyfriend.

"Sana all, matalik na kaibigan!" sungit niyang sinabi.

"Pangalawa, bakit ako nandito at ano 'tong mga dala ko?!” pinakita niya mga dala niya. "Birthday ko ngayon. Si Mylene lang naman gusto kong i-treat dito kaso lang ayaw niyong mapaghiwalay sa isa't isa. kaya napagdesisyunan kong pumunta rito." Ngiti niyang paliwanag.

"Galing!” sabat ni Axelle. Makikita sa mukha niyang ayaw niyang nandito si Miko.

"Tara na. Pasok na tayo sa loob para makapagsimula na tayo! Buksan niyo na!"

"Makautos ka parang ikaw ang may-ari ng apartment, ha!" inis na sigaw niya kay Miko.

"Huwag ka ng mag-inarte diyan kaya buksan mo na!" Sumigaw din si Miko.

Nakangiti sa kanilang dalawa si Mylene. Pinapanood niya ang dalawang immature na mga bata.

"Feel at home talaga tong lalake na 'to!" nis niyang sinabi habang ini-enjoy ni Miko ang paggalawgalaw sa sofa. Binuksan din niya ang TV.

"Bakit mo kasi sinabi ang apartment ko sa makong na yan?"

"Wag ka ng maarte diyan. Birthday niya kaya pagbigyan mo na siya. Halika na nga! Dami mo pang sinasabi diyan!"

"Bakit party house ba 'tong apartment ko, Kung sino-sino nakakapasok?"

"Hali na kayong dalawa. Videoke tayo!" Tawag niya sa dalawa.

"Tingnan mo. Nag-aayaya pang magvideoki. Sasakit na naman ang ulo ko nito sa ingay!" nakita ni Axelle nakatawa si Mylene. "Bakit ka tumatawa diyan?"

"Naisip ko lang baka ayaw mo magvideoki dahil magaling na singer ang katapat mo," pagbibiro niya kaya lalo nainis ang kaniyang boyfriend.

"Wag kang magpatawa. Maganda rin boses ko!" Siya na mismong lumapit kay Miko. Inayos niya ang gagamitin sa pagbi-videoki.

Umupo sa isang upuan si Mylene, kaharap sila. Masaya siyang pinapanood ang dalawa habang nagbabangayan.

"Sana, magkasundo na kayo." sa totoo lang, kinausap ni Mylene si Miko na kaibiganin si Axelle.

Oo nasatabi siya lage ni Axelle not just his love but also a friend pero iba pa rin na may kaibigan siyang lalake, yung ka-vibes, yung sila lang as lalake nagka-intindihan.

Iniwan na siya ng dalawa niyang kaibigan kaya alam niyang nalulungkot siya kapag nasa trabaho si Mylene.

Binatukan ni Miko si Axelle. "Ako ang uunang kakanta!” tinulak naman siya ni Axelle kaya nahulog siya sa sahig.

Lumapit siya kay Axelle at ginulo parang batang naglalaro lang. Inagaw niya ang microphone.

"Ako nga ang unang kakanta!" sigaw nila sa isa't-isa.

Tinapik sila pareho ni Mylene. Pinatabi niya ang dalawa dahil uupo siya sa gitna.

"Ako nalang ang unang kakanta. Ang tagal niyo diyan. Subukan niyong kunin sa akin. Sasapakin ko kayo pareho!" tumahimik sila.

"Doon nga kayo umupo sa gilid. Ang sikip sikip dito. Ang uupo lang dito ay ang kakanta. Naintindihan niyo ba?"

Sumang-ayon sila sa sinabi ng kanilang batas.

Magkatabi sila ngayon na umupo. Pinag-uusapan nila si Mylene. "Ikaw ba. May gusto ka pa sa girlfriend ko? Subukan mo lang sumagot ng oo, sasapakin kita!" Seryosong pakikipag-usap niya kay Miko.

"Ano ngayon, kung oo!";sinapak niya rin si Axelle dahil sinapak siya.

"Wag mo nga akong pinagloloko!"

"Si Mylene, siya ang una kong naging kaibigan sa school. Una ko palang kita sa kanya, I feel some kind weird of happiness. I try naman to have a courage on myself but I can't parin. I can't admit to her my feelings because I don't lose our friendship. Masaya siyang kaibigan. Not just a friend she treated to you but also ipaparamdam niya, pamilya kayo.

I knew her story in life and I know alam mo rin, kaya ikaw kahit alam kong loko-loko ka pero wag siya. Wag mong lokohin siya baka magsisisi ka at kapag nangyari yun pagkakataon ko na para agawin ko siya sayo!" wika ni Miko.

Binatukan niya si Miko. "You wish! You dream! Dahil hinding hindi mangyayari iyon! Umusog ka nga doon ang sikip sikip na dito!” lalo pa siyang dumikit kay Axelle para lalo maasar.

Tinawag ni Mylene ang susunod. Nag-unahan silang makuha ang microphone. Napatawa na lamang si Mylene dahil pareho silang natumba sa pag-uunahan.

"Ikaw talaga, bakit mo ako tinulak?!".

"Ikaw ang nauna?!" Nag-aaway sila na parang mga bata.

ISANG ORAS LUMIPAS. TUMIGIL NA ANG TATLO SA PAGVI-VIDEOKI DAHIL MAY PASOK PA SI MYLENE.

KAILANGAN NIYA MAGPAHINGA BAGO PUMASOK.

Inihatid nila sa pinto si Miko. "Ang saya pala dito. Next time ulit ha!"

"Oo," sagot ni Mylene.

Sumabat si Axelle. "May plano ka palang bumalik dito? Hindi ka welcome dito, tandaan mo yan!" Bulyaw niya kay Miko.

"Shut up dahil hindi ikaw ang kinakausap ko dito. Si Mylene ang kinakausap ko," nainis si Axelke sa sagot ni Miko.

"Pilosopo ka, ha?!"

"Tama na nga yan. Kanina pa kayo nagbabangayan!" nagpaalam na si Miko.

"Ingat ka!" sigaw sa kanya ni Mylene. kaya parang nagselos si Axelle.

"Wag ka na nga magselos diyan lalo kang pomopogi!"

"Gusto mo rin na para lalo akong popogi?”

"Oo," ngiting sagot sa boyfriend.

"Wag mo nga akong niloloko!" Ang pagmamaktol niya ay parang bata. Hindi siya pinakinggan ng kaniyang girlfriend. Naglakad ang babae papasok sa loob.

"Linisin ko lang 'to tapos magpapahinga na ako.”

Inagaw sa kanya ni Axelle ang pamunas at walis. " Matulog ka na. Ako na bahala dito. Sige na!"

"Sige. Thank you! Hinalikan niya sa labi si Axelle then pumasok na sa kwarto.” masaya naman ang boyfriend niya sa paghalik sa kanya ng girlfriend.

THIRD MONTHSARY

Dinala ni Axelle si Mylene sa isang magandang lugar.

Gaya ng ginawa niya noon, nilagyan niya si Mylene ng panyo sa mata to surprise her.

Nag-effort pa siyang pagandahin ang paligid.

Dinala ulit niya si Mylene sa isang beach. Hindi yung dating pinuntahan nila. Bago ito.

Nirentahan ni Axelle ang maliit na area ng beach para walang iistorbo sa kanilang moment.

Maganda ang decoration.

Sa harap ng lamesa nila ay may nakalagay, happy third monthsary. Lalong gaganda ito mamayang dilim sa mga iba't-ibang kulay ng ilaw.

"Dito ka na umupo, babe. Wait lang ha, tatangalin ko na ang panyo mo."

Pumunta sa harap si Axelle. Tinggal niya na ang panyo. "Taran... Surprise!!! Happy third monthsary mahal ko! Alam mo, mamaya ay lalo 'tong gaganda dahil sa mga iba't-ibang kulay ng mga ilaw. Anong masasabi mo? Ayusin mo sasabihin mo ha? Wag mong haluan ng mga kalokohan. Sige na, ano na ang masasabi mo?!" tuwang tuwa si Axelle sa pagsurprise sa girlfriend niya. Inaabangan niya ang sagot ng girlfriend.