Chapter 17

Wag niyong balewalain ang mga nangyari ngayon. Dahil kapag nagkaganun, sa susunod na pagsubok na kayo ay sumuko mababalewala ang sakripisyong ginawa ninyo.

Isipan niyo lang guys! Hindi permanente ang mga mangyayari sa tao kaya yung nga pinagdadaanan niyong difficulty matatapos din yan. Do not give up! Keep going! At higit sa lahat, humingi kayo ng tulong sa ating panginoon para kayanin at malagpasan natin ang anumang hamon ng mundong ito."

"Idol. Galing mo po!", puri sa kanya ng mga istudyante.

"Tahimik na. Balik na tayo sa topic natin. Ikaw na sunod Melgrace. Ang lakas ng boses mo, eh no! dapat ganun din kapag nandito ka nagsasalita sa harap, malakas din!"

"Si sir naman!”

"Si sir naman? Pumunta ka na rito sa harap!"

Pagkatapos ng klase nila. Pinuntahan ni Miko si Axelle para kausapin about kay Mylene, sa relationship nilang dalawa.

Nakatingin lang sa malayo si Mylene sa kanila. "Ano kaya pinag-uusapan ng dalawang 'to?"

"Oh ano bang gusto mong sabihin?!” supladong tanong niya kay Miko.

"Alam kong hindi ka tanga para hindi mo mapansin ang feelings ko kay Mylene," direktang sagot ni Miko.

"Oo naman. Halatang halata kaya! So, anong connect doon?"

"Nakita ko naman gaano mo kamahal si Mylene. Kanina, na-realiza ko. It's time na siguro para magmove-on ako sa kaniya. Alam kong safe siya at liligaya dahil napunta siya sa lalakeng mahal siya ng totoo. Ipinapaubaya ko na siya sayo. Alagaan mo siya, dapat nasa tabi ka niya lagi dahil gaya ng sinabi mo kanina, tawa-tawa lang yan pero malaki ng problema niya. Mahalin mo siya na higit pa sa pagmamahal niya sayo. Kailangan niya ng taong mapagkukunan ng lakas ng loob, tapang at katatagan. Huwag mo siya iiwan dahil kapag ginawa mo yun, huwag kang magpakita sa akin dahil susuntukin talaga kita!" ngumiti siya sa sinabi ni Miko.

"Loko ka. Hindi ko siya iiwanan!" Pagkatapos nilang mag-usap ay naglakad na paalis si Miko.

Dinaanan niya si Mylene at ngumiti, "Bakit ngumiti siya? May maganda bang nangyari?"pagtatakang tanong niya sa kanaiyang sarili.

"Halika na, bili na tayo ng kakinin natin!" Tawag sa kaniya ni Axelle.

"Tumawag na rin sa kin yung mag-iinterview. Mamayang 1 pm ako pupunta sa office nila." Ito ay tungkol sa pag-a-apply niya sa call center.

"Masaya ako. Sigurado akong papasa ka niyan!"

"Oo naman dahil ikaw ang inspirasyon ko!”

Pumunta sa harap si Rena, siya ang campus president.

Narinig nila ang pagsasalita ni Rena,

"Hi everyone! nagtataka ba kayo kung bakit kayo nandito sa plaza.? Ako rin. Nagtataka rin ako. Joke!” Tumawa ang mga istudyanye sa kaniyang pagbibiro.

“Hindi ko papahabaan at papatagalin pa ang speech na ito, alam niyo naman monthly test natin sa bukas kaya na-stress kayo dahil unlike sa ibang school na normal ang monthly test. Dito ay hindi. Every section na may tatlong nakakuha ng highest score ay bibigyan ng papel na medal at alam kong alam niyo na saan yun gagamitin. Yung first placer, isang buwan libre siya ng snack. Yung second and third ay isang linggo, kaya guys galingan ninyo. Mag-aral kayo ng mabuti! Isantabi niyo muna ang ibang pinagkakaabalahan ninyo! Sayang din ang prizes na makukuha ninyo sa simpleng monthly test.

May traditional din ginagaw ang school na ito before the exam. One day before the exams, nagpeperform ang mga member ng music club.

Ngayon ipapasa ko na sa head couch/mentor ang microphone na ito para sa short speech niya. Thank you!" Pinapalakpakan nila ang mailling pagsasalita ng campus president.

Naroon sa gilid, nakikinig si Mylene habang hawak ang iniinom na juice.

"Thank you Ms. next campus president. Short trivia lang guys, alam niyo ba si Ms. Villaflor ang unag babaeng campus president dito sa school natin?. Oo, wala pang nanalo noon na babeng tumakbo as campus president at siya rin ang unang freshman nanalo as campus president. She was amazing woman! Baka may lahi siyang politika. Baka someday manalo rin to kapag tumakbo as president ng bansa kaya mamaya magpapa-picture ako sa kanya with autograph. Alam niyo na. In case na maging totoo yung hula ko," tumawa ang mga istudyante sa kaniyang pagbibiro.

“Wag kayong tumawa diyan. Seryoso to mga sinasabi ko!" lumakas pa ang tawanan nila.

"Okay guys. Ang daldal ko diba? Siguradong ang iba gusto na akong batuhin dahil ang tagal kong ipakilala ang mga poging member ng music club. Diba girls?!" sumagot sila ng, “oo."

"Kita niyo na!" Tawa sila ulit.

“By the way. Hindi ko na papatagalin pa. Proud akong ipakilala sa inyo ang unang kakanta para pa-ibigin toyong lahat. Ang bago naming member at couch ng music club, Jam!!!", tumili ng malakas ang mga babae.

" Kinakabahan tuloy ako sa girlfriend ko dahil sa sobrang lakas ng tili ng mga babae," tumawa sila sa pagbibiro ni Jam.

"Joke lang! Napakabait ng girlfriend ko kaya mahal na mahal ko yun, eh!” kumaway siya sa girlfriend niya. Nahiya tuloy siya.

"Another original na kanta ang mapapakinggan ninyo. Ito'y tungkol naman sa pagkakaibigan. Sana'y magustuhan ninyo".

Nagkasalubong si Ella at Mylene. "Tingin tingin mo diyan!" taray na sabi sa kanya ni Ella.

She ignored Ella and continue to walk.

Tumalikod siya at tinawag si Ella. Hindi siya pinakinggan kaya siya na ang lumapit.

"Tinatawag kita!" Hawak niya sa damit ng dalaga.

"Wala ako sa mood. Umalis ka nga! Naiinis ako sayo!" Bulyaw niya sa dalaga.

"May itatanong lang ako.”

"Hindi mo narinig ang sinabi ko. Wala ako sa mood para makipag-usap sayo. Okay?!”

Napahinto siya sa tanong ni Mylene. "Nalaman ko. Ikaw pala ang dahilan kung bakit mura ang nirentahan ni Axelle na apartment niya,” humarap siya kay Mylene dahil sa sinabi ng babae.

"Sino naman nagsabi sayo niyan?" Nakasimangot niyang tanong.

"Hindi mahalaga yun. Sagutin mo ang tanong ko.”

"Diba in love ka, dapat alam mo yun.”

"Oo inlove ako, pero hindi tayo pareho ng nararamdaman. Sabihin mo na kasi."

"Kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para hindi siya mahirapan." tumalikod si Ella. "Sana wag mo "tong sabihin sa kaniya. Tsaka wag kang mag-alala, hindi ko na kayo guguluhin pa, nakita ko naman gaano ka kamahal ni Axelle." naglakad na siya paalis.

"Si Ella ba talaga yung kausap ko?”

"Oo siya yun", napatingin siya kay Miko. "Maraming nagbago sa love. Tsaka gaya ng sinabi niya. Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para hindi siya mahirapan. Totoo naman ang sinabi niya.”

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Iimbitahin lang sana kita. Ako na ang susunod na kakanta sa entablado. Sana pakinggan mo habang ako ay kakanta. Para sa iyo ang kanta na iyon!”

"Oo naman. Alam mo naman na ako ang numero unong supporter mo!”

Dumating si Axelle. Nagkunwaring may ubo siya para maparinig sa dalawa na nandiyan siya kanilang tabi.

"Mahal ko. Bakit hindi mo sinasabi sa kin na may ubo ka pala?" Naniwala talaga siya na may ubo ang binata.

"Wala 'to" nagpaalam na sa kanila si Miko.

"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Curious ang kaniyang boyfriend.

"Inimbitahan niya lang akong pakinggan yung performance nila. Sila kasi ang susunod na magpeperform sa entablado," pagpapaliwanag ng kaniyang girlfriend.

"Ito talagang mokong na 'to. Kasasabi lang na pinapaubaya niya na sakin si Mylene. Tapos ito. Gumagawa na naman siya ng move!" Inis niyang bulong sa kaniyang sarili.

"Tara, humanap na tayo ng magandang upuan. Pakinggan at panuurin natin yung performance ni Miko!" Hinawakan ni Mylene at hinila ang kaniyang boyfriend..

Tiningnan ni Axelle si Mylene at nakitang tuwang tuwa ang reaksiyon ng tawagin at umakyat sa entablado si Miko.

Tinapik niya."Anong reaksiyon yan, ha?!" selos niya nang makitang kinikilig ang kaniyang girlfriend habang pinapakinggan ang kanta ni Miko.

"Ano ba! Wag ka nga makulit diyan. Hindi ako makapag-concentrate!”

"Wow. Seryoso! Tuwang tuwa ka pa talaga! Tsaka, ano bang maganda diyan sa kanianta niya? Ang badoy kaya! Bakait ganyan yung reaksiyon mo?"

"Diba in love ka, kaya alam mo yung sagot," sa narinig niyang sagot lalo siyang nagselos. Tinapik niya ng malakas si Mylene kaya nawala ito sa seryosong panonood kay Miko.

"Ano ba!?" bulyaw niya ng babae sa lalake.

"Ngayon, galit ka dahil nadisturbo kita sa panonood mo kay Miko. Sabihin mo nga sa kin. Ako ba talaga ang mahal mo?" Pagseselos niyang sabi kay Mylene.

"Bahala ka!" Nakita niya na ayaw niyang paawat sa panonood kay Miko.

Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ni Mylene at ginugulo siya. "Bakit ba ayaw mo ako pansinin?! Halata naman nagpapapansin ako sayo para pansinin mo ako! Ako lang pansinin mo!" Pa-baby niyang mukha.

"Wag ka nga magulo diyan. Ayan na magsasalita na si Miko. Wag kang magulo sabi!" Naitulak niyang hindi sinasadiya ang akniyang boyfriend. Hindi niya rin alam na dulo na pala ang upuan kaya nahulog si Axelle.

Nakita niyang napahiga ito sa higaan. "Mahal ko sorry" bilis niyang pinuntahan. Nang itinayo niya na, hinawakan ni Axelle ang kamay niya at hinila papunta sa kaniya.

Sobrang lapit na ng mukha nila. "Sinadya mo talaga eh noh! para sa ganitong posisyon natin." nakangiti siya habang tinitigan ang girlfriend. "Baliw. Tumayo na nga tayo!"

"Ayoko. Parang ayaw ko pa. Hayaan muna ganito tayo. Hindi naman nakatingin yung mga istudyante dahil busy sila sa panonood kay Miko.”

"Oo nga pala. Buti pina-alala mo." Pinilit niyang makatayo. Kahit anong tawag sa kanya ni Axelle ay hindi niya pinakinggan. "Mahal ko!! Tulungan mo ako dito sa pagtayo!! Mahal!!"

Tumayo siya mag-isa. "Ikaw kasi Axelle. Bakit mo kasi sinambit ang pangalan ni Miko. Nakakainis kang utak ka. Ang ganda ng moment namin, eh noh!" Lumapit siya kay Mylene at tinabihan sa pag-upo. Patuloy pa rin siya sa panggugulo sa girlfriend.

PUMALAKPAK SI MYLENE NG MARINIG NA TINAWAG ANG GRUPO NILA MIKO.

Pumunta sa harap ng entablado si Miko. "Hi guys. Ako po si Miko. Ang grupo namin ang magbibigay inspirasyon sa inyo about sa love. Sana'y magustuhan ninyo ang hinanda naming awit.

Awit sa pag-ibig ang tema ng kanta namin. Halata naman sa sinabi ko na tungkol ito sa love. Hindi ito orihinal na isinulat namin at baguhan rin kami sa music club kaya wag kayo mag-expect na pang-international ang performance namin gaya ng performance ng couch namin na si Jam.

Pero sinisigurado ko sa inyo sasabay kayong mahuhulog sa pag-ibig habang kumakanta kami.

Very inspirado ako kumanta dahil sa isang tao. Kahit hindi kami itinadhana, I'm very happy pa rin kasi nakikita ko siyang masaya kaya masaya na rin ako. Yun ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na pahahabain pa ang pagsasalita ko. Sana po magustuhan ninyo ang kanta namin. Para sa inyo 'to lalo na sa mga taong inlove diyan." Pumunta na sa pwesto si Miko. Inayos ang gitara niya at nagsimula ng umawit.

Nakangiting nakikinig sa kanya si Mylene habang ginuhulo siya ng boyfriend niya.

Napansin ni Mylene ang emosyon ni Miko habang kumakanta. "Sana mahanap mo talaga ang taong magmamahal sayo ng totoo. Nararapat lang na mahalin ka din ng totoo. Nararapat lang na magkaroon ng ka ng karelasyon na mas mahal ka, para maging masaya ka.

Alam ko Miko. Pansin ko at nahalata ko Miko, na may gusto ka sa akin. Hindi ko lang sinasabi sayo dahil ayaw kong magkailangan tayo. Ayaw kong mawala ang friendship natin dahil isa ka sa taong mahalaga sa akin, kaya ayaw ko na ako mismo ang magiging dahilan ng paghihirap mo . Ayaw ko, the one who hurt you dahil baka hindi ko rin makayanin na makita kang masaktan. Mahal na mahal kita as friend.

Unang kaibigan kita. Unang taong lumapit sa akin para i-comfort, bigyan ng lakas ng loob at unang tumulong kaya ayaw na yaw ko na masaktan ka.

Masaya ako na dumating ka at naging magkaibigan tayo. Dinadasal ko na mabilis kang maka-move on sa akin. Higit sa lahat, dinadasala kong matagpuan mo rightnow, ang babaeng mahal na mahal ka. Mahal na mahal niyo ang isa't-isa." Sinira ni Axelle ang moment niya kaya nakatikim ito sng batok. "Kahit kelan panira ka talaga, eh noh!"

"Ano ba iniiisip mo, bakit parang emotional ang mukha mo?"

"Wala kang paki! Wag ka ngang magulo. Wag mo akong guluhin. Manood nalang tayo sa performance ni Miko. Tumayo ka na diyan. Bilis!"

"Oo na. Ito na!" Sumandal sa kanya si Mylene sa balikat niya.