Chapter 16
Nagtext si Mylene sa kaniyang mga magulang na hindi siya makakauwi dahil sa trabaho niya.
Sabay silang pumasok sa eskwelahan.
Nagkasabay sa pagpasok ang dalawa kina Markus at Kenneth.
Tiningnan ni Markus ang dalawa para lapitan ngunit they ignored Axelle at nagpatuloy sa lakad papasok sa loob ng school. Hindi na tumuloy si Axelle.
Nakita niya talagang, ayaw makipag-usap o lumapit man lang ang dalawa niyang kaibigan.
Nang pumasok sa gate, bumulaga sa dalawa ang mga fans ni Axelle. "Ito na naman tayo!” bulong ni Axelle.
"Mahirap ang maging sikat diba?" bulong niya kay Mylene.
"Axelle, totoo bang nakalap naming balita, hindi ka na nakatira sa inyo? sa bahay ninyo?"
"Oo." mabilis na sinagot ni Axelle.
"Dahil ba ito sa pagpili mo sa girlfriend mo?"
Dumating si Ella at sumabat. "Oo dahil yun sa babaeng yan. Kita niyo guys! . I told you before. Ang babaeng yan ay hindi nababagay kay Axelle. Look what happened to Axelle right now! Daig niya pa ang dagang walang matulugan at makainan. Naaawa ako sa kanya guys!” may padrama si Ella.
"Siguradong nahihirapan ang Axelle natin ngayon sa pag-a-adjust sa bagong buhay niya. Huhuhu.”
"Itong babae talaga 'to. Epal talaga kahit kelan!" bulong ni Mylene sa sarili.
Humarap si Ella sa mga istudyanteng naroon. "Kaya magbotohan tayo. Sino ang gusto na ipagpatuloy pa ang relationship nilang dalawa?" nakita niya, twenty eight ang nag-hands-up kaya ngumiti siya dahil konti lang
"Sino naman ang tutol sa relationship nila.” lalo siyang natuwa dahil 38 ang nag-hands-up.
Humarap siya kina Axelle at Mylene. "Ngayon. Ipagpapatuloy niyo pa ba ang relationship ninyo?" Confident siya ngayong araw na ito.
Ngumiti sa kanya si Axelle. Inunahan niya sa pagsasalita si Mylene. "Ella. Let me tell you this. Wag mong paglaruan ang love dahil ito ay sagradong special na bagay para sa mga taong nagmamahalan ng totoo.
Totoong mahal ko si Mylene. I chose her kesa sa magandang buhay ko. Hindi mo ba nakikita? Pinili ko siya dahil mahal ko siya. Pinili ko siya dahil mahal na mahal ko siya. At pipiliin ko siya dahil gusto kong siya lang ang mamahalin ko at makasama habambuhay. Our love for each other based no our heart not based on your vote.” bigla ulit napalitan ng insulto ang mukha ni Ella.
May biglang sumigaw. "Sino rito ang gustong ipagpatuloy ng dalawa ang kanilang relationship?” Hindi natuwa si Ella sa nakita dahil lahat sila itinaas nila ang kanilang mga kamay.
Sa hindi nakayanan ni Ella ay nagwalk-out ang bruha.
Lumapit ang leader ng fans club ng school kay Mylene. Yung babaeng nakaaway ni Mylene. "Hindi man maganda ang first meet natin each other but right now I'm happy becasuse we saw our Axelle was happy to you.” ngumiti sila sa isa't-isa.
MYLENE GOMEZ POV
Masaya sila habang naglalakad papunta sa room nila. "Pano ba yan, wala na talagang hahadlang pa sa atin. Pati mga fans ko, sa hirap at ginahawa susuportahan tayo!"
"Masaya ko dahil sa mga magagandang nangyayari ngayon.”
"Ako rin. Kahit ayaw ko man sabihin ang mga words na ito dahil life is not perfect. Life is always panira ng moment. But I trust our love for each other. Sana tuloy tuloy na ito.”
Pumasok na sila sa loob. Nakita ni Mylene nagdalawang isip ang boyfriend niyang tumabi sa mga kaibigan nito. "Tara tabi nalang tayo doon, may dalawa pang bakanteng upuan doon, eh. Tara na!"hila niya sa kamay ng boyfriend.
Nakaupo na rin si Miko. Bale ang ayos ng upuan nila, nasa gitna si Mylene. Tahimik kaya nagsalita si Mylene.
"May assignment tayo. Tapos na ba kayo sa assignment ninyo?" sabay sumagot ang dalawang lalake.
"Oo!”
"Ako, hindi pa. Sasagutan ko lang muna 'to.”
"Ako nalang magsasagot" magkasaby na naman sila. Masamang nagtinginan ang dalawa sa isa't-isa.
"Bumalik ka nga roon sa upuan mo,” wika niya kay Axelle.
"Ayoko nga. Bakit may nakalagay ba dito na bawal umupo?"
"Wala naman pero sa magbesfriend lang itong sa arae na ito.”
"Magbestfriend? Expired na yun. Ang bago ngayon. Sa magkarelasyon na kaya tabi tabi ang walang karelasyon diyan baka langgamin ka rin sa ka-sweetan namin.” sabi niya kay Miko, pang-iinis niya.
"Tama na nga yan guys. Para kayong mga bata. Tumahimik nga kayo, ang iingay ninyo!"
Pumasok na ang isa nilang subject teacher.
"i-ready na ninyo kabisaduhin ang assignment ninyo." Ang assignment nila ngayon ay tungkol sa love.
Pupunta sila sa harap para bigyang ng definition ang love o ano ang love para sa kanila?
In love kasi tong subject teacher nila kaya ano-ano nalang pinapagawa about sa love. "Guys! Wala akong assignment. Hindi ako nakagawa ng assignment. Kayo ba meron?" wala ring assignment ang dalawa.
Narinig ng subject teacher ang pagkukwento ng tatlo. "Mylene. My favorite student! Ang daldal mo talaga. Nakita mo naman nandito ako diba?!" Ngumiti sa kanya si Mylene. Pakitang humihingi ng sorry.
"Tinatanong ko lang naman sila kung may assignment sila,” paliwanag ni Mylene sa guro.
"May assignment ba sila?" hindi nakapagsalita si Mylene. Dahil sa kadaldalan niya nalaman tuloy ng subject teacher pati ang dalawa na walang assignment
"Sorry guys!"
"Ikaw kasi ang daldal mo!"
"Dahil wala kayong assignment na tatlo. Lumabas kayo at mag-squat!"
Nagsalita si Miko. "May assignment po kami sir. Ang ibig sabihin ni Mylene, sa ibang subject hindi kami nakagawa ng assignment pero yung sayo meron po. Bakit naman namin makakalimutan na hindi gumawa ng assignment sa subject niyo sir. Eh, ang dali-dali lang ng assignment ninyo.”
"Talaga? Kung ganun. Kayong tatlo ang unag magsasalita dito sa harap. Mauna ka Miko.”
"Anong pinagsasabi mo diyan na may assignment tayo? Wala tayong assignment noh!" bulong ni Mylene.
"Gawa gawa nalang kayo. Buti nga, hindi dadalhin ang papel kaya guys, kaya niyo yan lalo na pareho kayong inlove kaya napaka-sisiw lang yan sa inyo." sagot na bulong niya sa dalawa.
"Pumunta ka na rito sa harap Miko. Ang dadaldal niyo talaga, ha! Bilis!"
"Opo. Papunta na po!"
Dahil in love rin si Miko kahit sabihin natin hindi siya mahal ng minamahal niya, hindi siya nahirapan gumawa ng definition niya about sa love.
"Ang love para sa akin. Isang special na bagay na napahalagang ingatan. Napakahalagang special na bagay na dapat pagyamanin. Totoong hindi lahat ng mga nagmamahal ay nasuswertehang mahal din ng mga minamahal nila but they are hoping na balang araw, makakatagpo rin ang mga taong yun ng magmamahal sa kanila." tumingin si Miko kay Mylene. Nakita at napansin naman siya ni Axelle. "Ito talagang lalakeng 'to, ayaw talagang tantanan ang mahal ko!" Inis na bulong ni Axelle. Alam niyang may gusto pa si Miko kay Mylene.
"Oh, thank you, Miko!" sunod niyang tinawag si Mylene.
Kinakabahan si Mylene. "Kaya ko to! Si Miko nga, kinaya niya. Ako pa kaya, na may karelasyon ako. Sasabihin ko lang yung nararamdaman ko para sa minamahal ko."
"Alam ko, kaya mo yan Myline. Diba in love ka? May jowa ka diba?" pagbibiro ng subject teach nila.
"Alam mo sir kinakabahan ako ngayon.”
Tumingin siya kay Axelle. "Hindi ko na hahabain pa ang speech ko about sa love. Para sa akin. Ang love.." tumingin pa rin siya kay Axelle. Nakangiti naman si Axelle sa kanya.
" nagbibigay sa atin ng sigla araw-araw dahil sa taong yun. Kahit lagi kayong nag-aasaran, masaya ka parin at gusto mo lagi kayong nag-aasaran kahit minsan nagkakapikunan na. Weird diba?. Masaya ako sa taong 'to. Gusto ko, lagi siya sa tabi ko. Masaya ako dahil tinutulungan niya ako sa lahat, pinaramdamn niya sa akin, hindi ako nag-iisa. Pinaramdam niya sa akin, kung gaano kasaya ang mundo. Huwag lang problema ang pagtuunan mo. May mga bagay din na magbibigay sayo ng saya." tiningnan ni Miko ang dalawa habang nagngingitian.
"Masaya ako sa araw-araw na kasama siya. Masaya ako dahil sa pagmamahal niya na puro at totoo. Masaya ako dahil pinapalakas niya ang loob ko. Higit sa lahat, masaya ako dahil masaya kaming dalawa sa isa't-isa..... Yun lang po!”
"Ganito talaga kapag in love. Maraming alam. Ramdam mo yung emosyon habang sinasabi ang bawat salita. Sige na, umupo ka na roon!" sabi sa kaniya ng subject teacher niya.
"Siguradong mataas ang points ko niyan!" pagbibiro niya.
"I don't know," sinabayan ng subject teacher ang pagbibiro ng dalaga.
Binati siya ng boyfriend. "Ang galing mo mahal ko."
"Alam ko, matagal na, kaya wag mo nako bulahin diyaan."
“Pakinggan mo ang speech ko", tumayo si Axelle at pumunta sa harap.
"Alam ko ang nangyari sayo Axelle dahil sa love na yan, kaya I expected, maganda yung speech mo." Ngiting lungkot ang nakita niya sa subject teacher niya.
" Hindi ko alam saan magsisimula dahil maraming nangyaring magandang bagay dahil sa love. Before, hindi ganito yung nararamdaman ko. Im just, hang out with my friends.” tumingin siya sa mga kaibigan niya. Iniwas nila ang tingin nila kay Axelle.
Tumingin si Axelle sa girlfriend niya. "Kontento na ako sa buhay ko before I meet her, kung ano ang buhay ko. Asaran na naging magkarelasyon. Yung babaeng yun, binago ang perspective ko sa life. Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal na hindi ko naramdaman before. I'm a lonely person. Laging mag-isa sa bahay dahil wala lagi ang parents ko. Busy sila sa business nila, kahit may mga kaibigan ako, I feel pa rin yung pagiging malungkotin.
Tumawa ako ng malakas dahil sa kanya. She help me to overcome the bad things sa sarili ko. She help me kung paano maging masaya. She inspire me of everything at na-realized ko, kaya ko rin pala.
Minahal ko siya dahil sa maraming reasons. Ang pagiging madaldal niya, madaling mapikon, inaasar ko lagi, boyish, lagi niya akong binabatukan, lagi niya akong sinasapak, masayahin siya, parang lalake kung kumilos at magsalita , energetic, hyper, walang kapaguran, matapang, matatag, malakas ang loob, makapal ang mukha at... at alam kong sa pinapakita niyang katatagan at katapangan. Malungkot din siya, umiiyak din siya, gaya rin ng normal na tao nawawalan ng lakas ng loob, natatakot, kinakabahan kaya doon mas lalo ko siyang nagustuhan.
Dumating sa point na, I need to choose between her and my family, my life. Hindi ako nagdalawang isip na piliin siya. Hindi ako nagdalawang isip dahil, sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Sigurado ako sa sarili kong sasaya ako sa piling niya. Ayaw kong palampasin ang magandang opportunity na ngayon lang dumating sa buhay ko dahil baka kapag pinalampas ko, wala ng dumating na ganitong opportunity to make me feel better.
I really love her, very much. Masaya ako sa araw-araw na kasama siya. Feeling ko, aatake yung heart attack ko dahil sa sobrang saya ko ngayon sa kanya.
Alam ko, ilan sa inyo, hindi niyo maintindihan ang ginawa ko, hindi niyo maintindihan ang lahat ng ito. Try niyo magmahal ng totoo. Try niyong umibig ng totoo para maramdaman niyo ang nararamdaman ko ngayon.
Itong ginawa ko, is not just a game na parang laro-laro lang. Totoo ito, dahil sa love na yan. Ginawa niya akong matured na tao, naging responsable ako. Dahil sa love na yan, kaya ko rin palang tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil sa love na yan, binigyan ako ng lakas ng loob at katatagan.
Naisip ko. Gaya ng sinabi ko kanina. If binalewala ko ang ganitong oportunindad. Hindi mag-e-exist ang mga bagay na paglalarawan ko sa sarili ko. Sa madaling salita, dahil sa love na yan, nag-improve ako. Mentally, emotionally, physically and socially. I love everything changed me right now. Lalo akong masaya sa piling niya.
Kahit kelan hindi ako nagsisisi at magsisisi sa mga ginawa ko. Dahil mahal ko siya mahal na mahal.”
Unang pumalakpak ang teacher niya.
"Bravo! Bravo!", pinalakpakan siya ng mga ka-klase niya ng malakas lalo na si Mylene pati si Miko.
"Hay naku. Nakaka-stress talaga ang love na yan. Gaya ng sinabi ni Miko, hindi lahat nabibiyaan ng magandand pagkakataon na maging masaya ang dalawang taong magmamahalan kaya kayong dalawa.” tumingin siya kay Axelle at Mylene. "Kung alam niyong wala kayong natatapakang ibang tao dahil sa love na yan. Push niyo na yan!” tumawa sila sa sinabi ng subject teacher nila.
"Biro lang. Ang nais ko lang sabihin. Proud ako sa pagmamahalan ninyong dalawa. Hindi kayo sumuko. Gaya ng sinabi ni Axelle. Dumating yung point na kailangan niyang pumili. Between sa love life niya and his family. Kaya ang payo ko. Nalagpasan niyo ang ganyang pagsubok, I expected sigurado sa susunod na mga pagsubok, handa na kayo.