Chapter 12
"Mahalaga 'to sa kin. Kaya wag kanang ano diyan. Kasalanan mo 'to. Kung hindi mo ako dinala dito. Eh di sana, hindi mangyayari ang mga bagay na ito!"
"Kung hindi kita dinala rito. Edi sana, yung sinasabi mong first time sa beach hindi yun matutupad." Defense niya sa paninisi ng kaniyang bagong girlfriend.
"Shut up!”
"Hanapan nalang kita ng magandang trabaho. Thrice ka lang papasok sa isang linggo pero malaki ang sahod para naman hindi ka magpakapagod diyan sa trabaho mong maliit ang sahod.”
"I told you naman diba, sa mga ganitong stuff, don't you ever pakialam with me. I don't need your help.”
"Gusto ko lang naman tulungan kita. Ayaw kong nakikitang nahihirapan ka dahil ako ay nahihirapan din. Let me help you, hanggang sa makakaya ko!”
"Diyan lang ako manghihingi ng tulong sayo if kailangan na kailangan ko ang tulong mo. Naintindihan mo ba?" Hindi sumagot si Axelle.
May lumapit sa kanilang staff ng hotel. May binigay siya kay Mylene.
"Sa akin po ito?!" tanong niya sa lalake.
"Opo, ma'am!"
"Saan naman galing, po?"
"Sa akin," sabat ni Axelle. Umalis na yung staff.
"Ano naman 'to?"
"Buksan mo para malaman kung ano ang laman niyan."
Agad niyang binuksan. "Phone? Pero may phone akom" tingin niya kay Axelle.
"Oo, pero sira na yun. Tama ako diba?”
Napakamura lang ang phone na binili ni Mylene. Dagdag pa, matagal na rin ito kaya medyo sira na, nagloloko na at nagla-log na madalas lalo na kapag binuksan ang data.
"Gift ko yan sayo as your sweet new boyfriend. Tanggapin mo yan dahil laking tulong yan sa iyo sa pag-aaral, sa lahat, Rather."
"Gusto kong halikan ka ulit sa pisngi bilang pasasalamat pero wag nalang baka.. Alam mo na.." Ngumiti/siya sa sinabi ni Mylene.
"Pero thanks pa rin! Tama ka, laking tulong to sa akin. Ngayong lang ako nagkaroon ng mahal at magandang phone, kaya maraming salamat!"
"Basta ikaw. Makikita kitang masaya ako'y masaya na rin. You are my happiness!”
"Korne mo."
"Magkano naman 'tong phone na'to?" Tanong niya dahil gusto nya malaman kung kaya ba siyang bilhan ng mahal n bagay (phone ang tinutukoy niya) ni Axlle.
"Twenty five thousands," napa-ubo siya ng maraming ang sagot ng binata.
At nabulunan siya sa pagkain. "Seryoso? Binilhan mo ako ng ganitong kamahal na phone? Sayang lang pera mo!”
"Hindi yan masasayang dahil para yan sayo. Hindi yan masasayang dahil magagamit mo yan sa pag-aaral kaya wag ka ng magdrama diyan.
Mamaya. Sa messenger ipapasa ko sayo yung mga picture mo at ating dalawa sa beach na ito.”
"Wait lang. Kumuha ba tayo ng picture? Diba hindi?"
"I hired a photographer. Hindi mo siya napansin dahil he wear a normal shirt lang.”
"Yaman naman ng boyfriend ko. Tama talaga na sinagot kita," pagbibiro niya.
"Totoo ba yung narinig ko, ha? Sinagot mo lang ako dahil sa pera ko? Sumagot ka!" Sinabayan niya ang biro ni Mylene.
"Oo. hahaha. Gusto kong tumawa ng malakas dahil binibiro lang kita. Pero sa nakikita ko sayo bakit parang hindi ka apektado?"
"Ang mahalaga sa akin, girlfriend na kita. Wala akong pakialam, you will use me on something dahil ganyan kita kamahal. Gusto kong alagaan ka.
Alam mo bang binago mo ang takbo ng buhay ko. Kontento na ako kasama ang dalawa kong kaibigan. Kontento na ako sa pagbabasa at pagtravel with my friends ko pero nang dumating ka, you changed it.
You changed me, you changed everything. I love every part na binago mo" ngumiti siya kay Mylene. Natuwan naman ang babae sa sinabi ng kaniyang boyfriend.
"Ako rin Axelle, masaya rin ako,” bulong ni Mylene.
"Dalian mo na diyan kumain dahil may pupuntahan pa tayo!”
"Baliw ka ba. May pasok tayo ngayong araw. Tsaka, imbes na sasama ako sa yo para gagala ay puntahan ko na lang yung dalawang pinagtatrabahuan ko para humingi ng pasensya sa hindi ko pagpasok ko kagabi.”
"Huwag mo ng alalahanin yun. Okay na!"
"Binayaran mo?"
"Hindi noh. Bakit ko naman gagawin yun, edi magagalit ka sa akin or worst pa matanggal ka."
"Ano nga ginawa mo? Sabihin muna sa kin para may alam ako," pinilit niya ang kaniyang boyfriend na sabihin sa kaniya ang ginawa niya.
"Ako ang pumalit sayo kagabi" ngiti niyanh sagot ng binata. Habang speechless ang kaniyang girlfriend nang marinig ang sagot ng kaniyang boyfriend.
"Ibig mong sabihin bumyahe ka pa ng gabi para lang palitan ako?"
"Oo.'
"Baliw ka talaga! Bakit mo yan ginawa yan, ha? Diba sinabi ko sayo pagdating sa ganyan huwag kang mangialam!”
"Imbes na bungangaan mo ako diyan. Magpasalamat ka nalang. Kita mo, concern talaga ako sayo. Mahal talaga kita. I will do everything para hindi ka mahirapan ng husto!”
"Ang dami mong drama diyan." Bumalik siya sa pagkain.
"Kaya makakapagtrabaho ka mamaya ng hindi pinapagalitan. Tsaka bakit hindi ko pa naririnig ang pagpapasalamat mula sayo?"
Nagdadramahan sila. "Ito nga masakit ang likod ko. Puyat pa ako tapos binububungaan mo pa ako diyan!"
"Oh, ito na. Magpapasalamat na ako sayo. Thank you, ha!"
"Wala bang halik diyan?!"
"Batok, gusto mo?"
"Akala mo siguro sa labi? Pinagpapantasyahan mo labi ko? Sabagay ang gaya kong pogi, sino ba namang babaeng hindi mahuhulog. Ayos lang naman pagnasaan mo ako. Ayos lang yun sa akin. Girlfriend naman kita kaya walang masama roon. In fact, masaya pa nga ako, eh" ngiti niyang pakita sa kaniyang girlfriend.
"Dahil siguro sa puyat yan kaya kung ano-ano ang pinagsasabi mo diyaan. Matulog ka muna. Naintindihan mo ba?"
"Nais ko lang naman sabihin. Halikan mo ako hindi sa lips, sa pisngi lang. Sige na!". pumunta sa kanyang upuan si Mylene.
"Ang kulit mo talaga kahit kelan!"
"Sige na nga. Kung ayaw mo, ako nalang ang hahalik sayo. Pero sa lips kita hahalikan kaya halikan mo na ako sa pisngi bago kita maunahan diyan.”
"Ay, ang kulit talaga!” humarap siya kay Axelle. Hinalikan niya sa pisngi. Binatukan niya dahil nag-aakma na itong halikan sa lips.
"Umalis ka na. Bumalik ka na sa upuan." nagulat siya dahil bigla-bigla siyang niyakap ni Axelle.
"Lagi mong tandaan. I'm your boyfriend na kaya nandito lang ako para pagsabihan mo ng mga problema mo.
Huwag mong sarilinin yan. Sabi nila, nakakasama yan sa puso yung hindi mo ma-express ang ganyang hinanakit . Seryoso ako sayo! Mahal na mahal kita! Not just I'm your boyfriend but I'm also your friend and family kaya hindi ka na mag-iisa. Sasamahan kita sa pakikipagsapalaran mo," concern niyang pagsasalita.
Natuwa si Mylene sa mga sinabi ni Axelle. Natuwa siya dahil, sa wakas, may masasandalan na siya. Sawakas, may masasabihan na siya ng mga hinaing at personal na mga problema na hindi niya masabi sa pamilya niya.
Sa wakas, may isang taong totoong magmamahal na sa kanya.
Hindi pumayag si Mylene sa alok mg boyfriend na gagala sila. Hindi siya pumayag dahil may pasok pa sila.
Nahihiya siyang bumaba sa sasakyan ni Mylene. Hindi siya sanay lalo na school kaya nag-una siyang naglakad.
"Hoy, Hintayin mo nga ako!” tinawag niya si Mylene habang binuksan ang pinto para lumabas ng sasakyan.
"Ito talagang babaeng ! to. Parang ano 'to! Wag mong iwan dito!"
Tumakbo siya at hinawakan niya ang kamay ni Mylene.
"Dahil boyfriend mo na ako ngayon kaya nararapat lang na magkasama tayong pumasok at magkahawak ang mga kamay natin!”
Nagpupumilit si Mylene alisin ang pagkakahawak ng kamay ni Axelle sa kamay niya.
"Ano ka ba? Malapit na tayo sa gate. Baka may makakita sa atin. Baka masira pa ang image mo!" Alalang sabi niya sa boyfriend.
"Hindi importante sa akin ang image ko. Hindi importante sila sa akin dahil ikaw ang mahalaga sa akin.
Kaya wag ka na mag-inarte diyan. Magpasalamat ka pa dahil boyfriend mo ang leader ng K-Brothers, isang sikat na grupo sa school!"
"Wow, ha! Ano ba yan pang-iinsulto mo na parang pinapalabas mo na luging lugi ka sa akin?!"
"Hindi naman sa ganun. Yan ka na naman. Lagi ikaw nag-uumpisa ng away. Ewan ko ba, bakit sa isang sigang gaya mo ako na-inlove. Siguro ginayuma mo ako, noh?"
"Kapal mo!" Sagot niyang kaniyang girlfriend.
Pumasok na sila ng gate. Nakita ng mga istudyante lalo na ng mga babae na magkahawak ang kamay nila.
Lumapit ang mga tagahanga niya, karamihan ay mga babae. Kinakabahan tuloy si Mylene.
"Axelle, girlfriend mo ba siya?"
"Oo nga, Axelle!”
"Nakapagtataka lang dahil magkahawak ang mga kamay ninyo?"
"Kayo na ba?"
"Siya ba yung nababalitaan dito sa school na dini-date mo raw?"
"Oo nga Axelle!”
"Hinay hinay lang po sa mga tanong ninyo. Okay pipili ako ng unang magtatanong. Ikaw naka pink na bag.”
"Axelle, thank you dahil pinili mo ako to ask you a question. Fan na fan mo po ako."
Inayos niya ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang tanong.
“Ito na ang tanong ko. Magkawak ang kamay ninyo. Kayo na ba?"
Tumingin siya kay Mylene. "
Oo. Kami na. She is my girlfriend." Nanatiling tahimik lang si Mylene sa sagot ng kaniyang boyfriend.
"Kelan pa?"
"Noong kahapon lang. Pinuntahan ko siya. Nilakasan ko ang loob ko. Tinanong ko sa kanya, will you be my girlfriend?" Tumingin ulit siya kay Mylene. "Masaya ako sa sagot niya dahil she said to me, yes. I'm really right now dahil sa wakas ay akin na siya.
"Bakit mo ba siya nagustuhan hindi naman kayo magka-level? She is just a trash!" sigaw na tanong ni Ella.
Naglalakad siya papunta sa dalawa.
Tumingin sa kaniya ang mga istudyante pati ang dalawa.
"Gumising ka nga Mylene. Langit at lupa ang pagitan ninyo. You are nothing!”
"Kung manggugulo ka lang Ella ay huwag mo ng ituloy," sabi sa kaniya ni Axelle.
"Sino bang may sabing manggugulo ako?" Tumingin siya sa ibang istudyante.
"Ikaw ba nagsabi?"
Humarap ulit siya sa dalawa at tumingin siya kay Mylene. "Just answer my question. Bakit mo nagustuhan ang gaya niyang loser, gaya niyang hindi kayo magka-level. Imposibleng maabot niya ang mundo mo!"
"Diyan ka nagkakamali. Naabot niya na ang mundo ko, kaya nga, oh!" pinakita niya na magkahawak sila ng kamay ni Mylene. Natameme siya sa mga sinabi ni Axelle.
"Kaya nga kami na. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko! Kaya ikaw, tumigil ka na sa mga ganyang attitude mo para naman may lalakeng magugustuhan ka!"
May sumigaw, "Oo nga Ella, kaya nga sa mahabang panahong panliligaw mo kay Axelle ay hindi ka niya sinagot dahil sa hindi magandang ugali mo!” tumawa sila at pinagtitinginan nila si Ella kaya nagwalk-out amg bruha.
"Support kami sa inyo, Axelle," sabi ng isang fans nila.
"Oo nga," sang-ayon ng marami.
"Pinatunayan ninyo, wala sa katayuan sa buhay, pagdating kay love kaya maaasahan mo kami sa solid na support namin sa relationship ninyo!"
"Oo. Nadito kami para pareho kayong protektahan at ipagtanggol!"
"Mabuhay ang love team nila!”
"Mabuhay!"
"MyAx,” sigaw ng mga tagahanga nila.
"Mabuhay ang loveteam na MyAx!”
May sariling page at group ang K-Brothers kaya pinost doon ang picture ng dalawa sabay hashtag, MyAxFOREVER.
Gumawa rin sila ng sariling page at group ng loveteam na MyAx. Mabilis ang pagdami ng followers sa facebook page at ang member sa grupo.
Puro papuri ang nakapost sa social media about sa tambalan nila na MyAx.
Pinuri ni rin ni Miko si Mylene.
"Masaya ako dahil nakita mo na ang taong gusto mong makasama!"
"Thank you! Bakit yung sayo? Hindi natuloy, yung pagsabi mo sa akin about sa babaeng nagustuhan mo. Ano ba nangyari?"
"Kasi, huli na ng nagkaroon ako ng lakas ng loob. May boyfriend na pala siya. Nakikita ko na masaya siya kaya pinabayaan ko nalang. Ayaw kong siraan ang araw niya," palusot ni Miko.
"Well. Kung mabait ang boyfriend niya, wala akong sasabihing hindi maganda sa kanya pero kapag nalaman kong hindi mabuti ang boyfriend niya, sasabihin ko talaga, tanga siya! Tanga siya dahil hindi niya nakita na may nagmamahal sa kanya ng isang lalakeng tapat na magmamahal."
Ngumiti nalang si Miko. "Ang hiling ko sa inyong dalawa sana bawat araw na magkasama kayo ay magiging masaya kayo." Niyakap niya si Miko.
"Alam kong matatagpuan mo rin ang para sayo. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Alam ko, darating ang araw na yun.
"Kung darating man yun, siguradong matagal pa yun" bulong niya.
Nakita silang nagyayakapan ni Miko kaya tinawag niya ang girlfriend niya.
"Sige. Maiwan muna kita," paalam niya kay Miko.
"Oo."
Lumapit na siya kay Axelle.
"Nalimutan ata yung rule," parinig niya kay Mylene.
"Anong rule, pinagsasabi mo?"
"Bakit kayo magkayakap ng mokong na iyon?" Naiinis niyang tanong.
"Bago pa naging tayo ay madalas na naming ginagawa yun, as close na magkaibigan.”
"But we were together now kaya wag mo ng gawin yun sa kanya!”
"Nagseselos ka ba?"
"Ano ngayon! Natural lang yun. Siyempre, girlfriend kita! Gusto mo ba gawin ko ang ginagawa kong sinasabi mong closeness? Ha?"
"Ayos lang!" Pakita niya sa biata na hindi siya maaapektuhan.
"Ayos lang? Seryoso? Yan ang isasagot mo sa akin?!”
"Oo. Ano ba dapat?" patay malesia niyang tanong.
"Pinapakita mo talagang hindi mo ako mahal. Kanina sinabi ko sa buong mundo kung gaano kita ka-mahal!”
"Huminto ka na nga diyan sa kadramahan mo!”
"Ikaw talagang babae ka, anong pusong meron ka? Hindi mo iniisip ang nararamdaman ko," pagdadramang mahinang sinabi niya.
" Wag kang bumubulong diyan, naririnig ko pa rin!”
"Ang lakas ng pandinig mo naman. Superhero ka ba!?"
"Diyan ka na nga. Ang dami mong drama. Ako'y matutulog muna saglit." Sumunod siya kay Mylene at inakbayan at hinahalik halikan sa pisngi.
"Ano ba?" "Hayaan mo na ako."
"Miss lang kita."
"Miss ka diyan. Magkahapon pa tayong magkasama."
"Wag ka nga panira!”
Nakita ni Ella ang ka-sweetan nilang dalawa. "Nakakainis ka talagang babae ka! Ninakaw mo ang magiging boyfriend ko. Pagsisisihan mo na binangga mo ang isang Elizabeth. Hindi ko palalampasin 'to!”
Naghintay sa park si Mylene. Magkikita sila ngayon ni Axelle.
"Ang tagal niya naman. Saan na naman yun nagsososoot?!" Inip niyang pagsasalita.
Tumalikod siya dahil binato siya ni Ella ng plastic na puno ng basura.
"Ano bang problema? Bakit binato mo sa akin ang mga basurang iyan?!"
Kasama ni Ella ang isa niyang kaibigan.
"Ay, akala ko. Matutuwa ka na binato ko ang mga kauri mong basura.”
Ayaw magpaapi si Mylene kaya kinuha niya ang binato na mga absura ni Ella at binato rin pabalik kay Ella. l
"Bwesit ka talagang babae ka!!" Galit na sigaw ni Ella.
"Ikaw ang nauna!"
"Oo. Buti tinanggap mo. Ako ang nauna. Ako ang nauna kay Axelle!"
"Yan pala ang dahilan ng kagagahan mo. Girl move on! Nag move na nga yung kapangalan mo sa moviena si Ella, nagmo-move on nga ang taon. Bakit ayaw mong move on? Nagmumukha ka tuloy niyan loser, instead of me." Ngiting pang-aase kay Ella.
"Ang tapang mo ngayon. Ano ba ang pinagmamalaki mo? I mean sino ba ang pinagmamalaki mo? Si Axelle? Wake up, Mylene. Ngayon palang nakikita ko base on your status in life, hindi kayo aabutin ng taon. Siguradong maghihiwalay din kayo!"
"Let me tell you this. Bago ko pa nakilala si Axelle. Ganito na ako. Matapang! Tsaka, ang sinsabi mong hindi kami aabutin ng taon. It just your dream. Magising ka nga baka natutulog ka pa. Ang lapit ng coffee shop, oh. Bumili ka ng kape dahil kailangan mo yan para magising ka." Tinuro niya ang bilihan ng kape.
"Baka ikaw dapat bumili ng kape para magising ka, para mahimasmasan ka, kahit kelan ay hindi magiging kayo ni Axelle!"
“Nakikita ko rin, kahit ikaw pa ang huling babae matira sa mundo. Hindi ka pa rin niya magugustuhan.
Magbibigti nalang siya kesa magkaroon siya ng lahi mo!" mga maaanghang na mga sinabi niya kay Ella.
"Talaga ba?!” Naglakad siya papunta kay Mylene.
"Alam mo bang, ayaw ko sa taong matabil ang bibig. Ayaw ko sa taong mahilig sumingit. Ayaw ko sa taong mang-aagaw. In short, lahat yun na sayo kaya sa madaling salita, ayoko sayo!" hinawakan niya ang buhok ni Mylene. Hindi natuloy ang paghatak niya kay Mylene dahil tinulak siya nito.
Mabilis na kinuha ni Mylene ang mga basurang papel at tinapon sa kanya.
"Congrats! Ikaw na ang bagong reyna ng mga basura. In fairness ha, bagay sayo.
Ayaw mo sa mga basura pero sa mga nakita ko ngayon ay parang nagugustuhan ka na nila!" tinulungan siyang itinayo ng kaibigan niya.
"Ang baho mo, friend!" sabi sa kanya ng kaibigan.
"Shut-up"!" bulyaw niya.
"Totoo naman sinabi niya sayo. Nangangamoy ka na. Abot dito. Alam mo ba yun?" Tawang tawa sa kanya ni Mylene.
Lumapit ulit siya kay Mylene. Kinuha niya ang nakatambak na mga basura at itinapon kay Mylene. Nadaplisan lang si Mylene.
May nakitang basang mga punit na damit si Mylene at ibinato kat Ella.
"O, ano? Kaya mo pa? Ha? Kaya mo pa?"
"Nakakainis ka talaga!! You always ruined mg life!” Sigaw niya kay Mylene habang umiilag sa pambabato nito.
" No my dear, you always the one. Always the one na sumisira sa buhay mo. Ikaw yun. Hindi ako o mga taong nakapalibot sayo dahi sa masama mong ugali!"
"Do you think I will listen to your nonsense words. Loser lang makikinig sayo!"
"Ngayon ko napatunayan na hindi lang loser. But you also. Accept it! You are also part of a loser world dahil hindi napunta sayo ang lalakeng niligawan mo ng maraming buwan. Na-gets mo ba? Desperadang nakakaawa ka!!" lalo siyang naiinis sa mga sinabi ni Mylene.
"Ayaw talaga tumigil ang machine gun mong bibig?!"
Wala ng mga damit na binabato si Mylene kaya tumakbo papunta sa kanya si Ella.
Pinigilan ni Mylene na sabunutan siya ni Ella. Inunahan niya. Dinumihan niya ang buhok at katawan nito.
"Lagi mong sinasabihan ng hindi maganda ang mga gaya ko pero ngayon tingnan mo naman ang hitsura mo. Lamang pa sayo ang daga!
Malas mo lang dahil ako ang naging kalaban mong babae ka. Hustisya ito sa mga inapi mong gaya ko!" ningudngod niya sa mga basura ang mukha ni Ella.
Nakita niya lumapit ang kaibigan niya para tulungan si Ella. "Sige. Subukan mo lang mangialam kung ayaw magaya sa kanya!" umatras siya sa pananakot ni Mylene.
"Duwag ka! Tulungan mo ako dito!" Sigaw niya sa kaniyang kaibigan.
"Baka kasi.." hindi makasagot ng maayos ang kaibigan niya. Sinabihan din ito ni Mylene ma umalis sabay takot kaya nagmamadaling tumakbo paalis sa kinaroroonan nila.