Chapter 13
"Traydor ka!! Wag mo akong iwan dito. Bukas, wag kang magpapakita sa akin dahil lagot ka talaga sa akin!!" galit na sigaw niya.
"Kawawa ka naman. Wala ka ng kaibigan na tutulong sayo!" malakas na tawa ni Mylene.
"Bitawan mo ako!!" sigaw ni Ella
"Kung gusto mong pakawalan kita. Sabihin mo ang mga sasabihin ko. Kapag hindi ka sumunod, kukunin ko ang phone ko sa bulsa at kukunan kita ng litrato diyan, isesend ko sa mga kaibigan mo or i-post ko nalang sa facebook para makita ng lahat ang mukha mo ngayon. Hahaha.." napatawa ulit siya ng malakas.
" Bruha ka talagang babae ka! Nakakainis ka! Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin!!”
"Sasabihin ko na. Ito na. Please Mylene. Please po. Pakawalan mo na ko po. Mylene, please po! pakawalan mo na ako. Please po! Ganun. Ikaw nga."
"Nakakainis ka talaga. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Pagbabayaran mo ito!"
"Bago yan, sabihin mo ang mga pinasasabi ko sayo. Kung ayaw mong kunan kita ng picture or video diyan. Bilis na! Nangangalay na ang kamay ko dito. Bilis!"
Wala na siyang naisip na paraan para makawala. Baka rin totohanin ni Mylene ang pagkuha ng picture.
"Oo ito na. Sasabihin ko na!” She try to say those words.
"Bilisan mo na nga diyan. Ganun ba kahirap bigkasin ang mga pinapabigkas ko sayo? Bilis na nga!"
"Please Mylene. Please po! Pakawalan mo na ako po. Mylene po. Please po! Bruha ka tapos na! Alisin mo na ang kamay mo!” tumayo si Mylene.
Naglakad siya para dumestansya kay Ella. Sinundan pala siya ni Ella. Hinila ang buhok niya.
"Ikaw naman ang magmamakaawa sa akin ngayon!" Tumawa si Ella hang hinila niya si Mylene.
"Sa panaginip lang yan mangyayari. Or kahit sa panaginip hindi yan mangyayari dahil hinding hindi talaga yan mangyayari!
"Nagmamatigas ka pa?"
Nakita ni Mylene, nakita sila ng isang tagawalis sa sa park na yun. Nakita rin na makalat ang paligid.
Sumigaw si Mylene at nagdrama. "Ate. Tulungan niya po ako? Binubully niya po ako! Kanina pa po, kaya kanina pa masakit ang katawan ko! Hulog kayo ng langit. Maraming salamat na dumating kayo!
Maraming salamat po na dunating po kayo! Kanina pa po ako binubully dito!" may paiyak-iyak pa siya. Galingng drama niya.
Tumingin si Ella sa taong kinakausap ni Mylene. Narinig niya rin ang pagdadrama ni Mylene.
Sinabihan siya ng tagawalis na bitawan niya si Mylene.
"Ang bata-bata mo pa. Problema ka na sa lipunan. Hindi ka na naawa sa kanya?!" tumingin sila kay Mylene. At itong si Mylene naman ginalingan ang pagmamakaawa.
"Hoy Ale, wag ka nga mangialam dito!" Sigaw ni Ella.
"Bastos talaga 'tong batang to!"
"Oo ate, ganyan talaga yan ka-bastos, kaya lagi akong nasasaktan niya, eh! Lamog na lamog na ang katawan ko sa pananakit niya!" Sinubukan niya rin tumayo at pinakita na nahihirapan siya.
"Alam mo bang pwede kitang isumbong sa mga police. Ako ang witness dito," panakot ng Ale kay Ella.
Dinagdagan ni Mylene ang pananakot kay Ella. "Paano na yan, malalaman ng mundo ang crime mo. Malalaman ng parents mo, tapos mabasa or malalaman ito ng mga katrabaho nila mapapahiya sila tapos baka higit pa sa grounded ang mangyayari sayo. Lagot ka! Tingnan mo ang mukha ni ate ay hindi siya nagbibiro."
Binitawan niya si Mylene, nasindak siya sa sinabi ng babae.
"Bruha ka talagang babae ka! May-araw ka rin sa kin!"
"Imposible!”
Mabilis niyang nilapitan ang Ale. Ipinakita niyang nahihirapan siya.
"Kawawa ka naman!" Inalalayan niya si Mylene.
Nakita ng ale na paalis si Ella kaya tinawag niya. "Saan ka pupunta?" Tumingin sa kanya si Ella.
"Sasama ka ba? Siyempre uuwi na ako!"
Pinuupo niya muna si Mylene.
"Diyan ka lang muna kakausapin ko lang 'tong masamang babaeng 'to."
“Opo."
Tumingin ang Ale kay Ella.
"Ano ba? Pati ba naman ang pag-alis ko, pipigilan mo? Nakakairita 'tong araw na'to!!" sabi niya sa ale.
"Ikaw ang nakakairita dahil sa ugali mo. Hindi ka pwede umalis dahil sa mga kalat na yan.” tinuro niya sa ang mga basura.
"Seryoso? Diba tagawalis ka rito, bakit hindi ikaw ang magwalis diyan. Bukod sa trabaho mo yan, sinasahuran ka rin. Or gusto mo pa sigurong bigyan kita ng pera?" Nilabas ni Ella ang wallet niya.
"Bastos talaga ang batang ito. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal or baka natural mo na talaga yan na ugali? Tama ba ako?"
"Hoy pagod ako. Kaya wala akong panahon para makipagtalo sayo. Kunin mo 'tong pera. Dinagdagan ko pa yan para manahimik ka na diyan dahil ang ingay mo!" binato sa kanya ng ale ang dala niyang walis.
"Nakita mo ba ang puno na yan. May nakalagay, bawal magkalat dito. Dahil nagkalat ka kaya walisan moang mga kinalat mo. Naintindihan mo ba?"
Nakita ni Ella. Pinagtatawanan siya ni Mylene.
"Hindi lang ako nagkalat niyan pati yung babaeng iyon na magaling umarte!" sabay turo kay Mylene. Nang nakita ni Mylene lumingon ang Ale. Bumalik siya sa pagdadrama niya.
"Nakita mong masakit ang katawan niya dahil sa pinaggagawa mo."
"Gosh. Nandito na naman tayo!" Ako ay pagod na pagod na!"
"Magwawalis ka ba or tatawagan ko ang mga magulang mo?"
Biglang napatingin si Ella sa sinabi ng Ale. "Ito na. Ito na, ako ay magwawalis na! Kairita naman! May-araw ka talaga sakin babae ka!”
Pinapanood lang niya si Ella habang nagwawalis at pinapagalitan dahil hindi marunong magwalis kaya umabot siya lagpas kalahati sa paglilinis.
"Oh, tapos na. Pwede na ba akong umalis?"
Nang makita ni Mylene wala na ang bruha. Tumayo siya. Sinabi niya ang totoo sa ale.
Naintindihan naman siya ng Ale at sinabing "Mabuti lang yun sa kanya. Masama ugali ng babae na iyon."
To show gratitude, tinulungan niya ang matanda buhatin ang mga dala nito and they both thank each other.
Dumeretso na si Mylene, pumasok sa trabaho niya sa karenderya. Naiinis siya dahil hindi pumunta sa park si Axelle.
Napansin naman siya ng mga kasamahan niya.
"Ay naku, kaya ayaw ko diyan sa relationship dahil pagulo lang ng buhay ko iyan," wika ng kasama niya. Parinig niya kay Mylene.
"Tama ka diyan momshie. Ang love hindi yan para sa lahat. Pili or iilan lang ang nagkakaroon ng happy ending. Mga lalaki ay mga paasa . Diba Mylene?" wika ng isa nilang kasamahan.
Tumingin lang si Mylene at bumalik ulit sa kanyang ginagawa.
"Hoy hindi naman lahat. Meron din naman lalake na totoong sincere gaya ko. Five years na kami ng jowa ko. Nakita niyo naman na tapat ako sa kanya. Wala akong nilalanding babae" defense ng kasama nilang tagalutong lalake.
"Tama rin naman siya. Hindi lahat ng lalake mga manloloko. Tingnan niyo nalang mga papa ninyo as example. Ito rin, hindi rin lahat ng babae ay sincere. Diba? Tsaka, kaya nasasanay na nasasabi ng mga manloloko ang mga lalake dahil sila yung majority kesa sa mga babae na gumagawa ng kalokohan para magbreak sila ng minamahal nila. Yun iyon."
"Kampihan? Kampihan ng dalawang tagaluto?"
"Edi kayo na may magandang love life."
"Talaga. Tsaka wag niyo na nga ng pinaparinggan si Mylene about sa love. Ask her directly about what happen."
Umalis ang mag-ina ng karenderya. May pinuntahan lang about sa business kaya hindi masyado maingay dahil wala ang matalik na babaeng kaibigan ni Mylene.
"Bakit naman narinig kong binanggit ninyo ang pangalan ko? Anong ganap?" Tanong niya habang nilalagay ang mga plato sa lalagyan nito.
"Bakit daw parang hindi maganda ang mood mo? May nangayari ba sa inyo ng iyong boyfriend?"
"Oo nga,:Mylene!"
"Pagod lang ako," palusot niya.
"Sus, wag kami. Akala mo makakapagsinugaling ka sa amin. Ilang buwan ka namin kasama dito. Alam namin ang mood at hitsura mo kapag pagod ka pero ngayon it's different. Alam mo ba yun, ha?
Sabihin mo na kasi sa amin ang totoo. We are your friends here," pangungulit ng isa niyang kasamahan sa trabaho.
"Tama siya Mylene. Kung may problema ka man, tell us. Handa kami makinig sa iyo."
Humarap sa kanila si Mylene.
"Yan na, sasabihin niya na," prediction ng isa niyang kasamahan.
“Maramin tayong customer kaya bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo. Maya na ang tyismisan na yan. Naintindihan?" sabi niya sa mga kasama.
"At ngayon ko napatunayan ang sinasabing, Expect the unexpected!" Napatawa sila sa sinabi ng kanilang kasamahan.
"Let's go, guys! balik na tayo sa trabaho, ayaw naman ikwento niya sa atin ang nangyari, eh!"
"KJ niya!"
Tumingin siya sa mga kasama at nguniti. "Mga tsismosa kayo. Oh ito na, ikukuwento ko na sa inyo!" Bulyaw niya sa mga kasamahan.
Masaya silang lumapit kay Mylene.
"Ano na? What happened?"
Magsasalita na sana si Mylene ng tawagin siya ng isang kasamang naka-assign ngayon sa pag-se-serve sa mga cuostomer.
"Kitams.. Ayaw talaga ng tadhana ikwento ko sa inyo. Sige alis na ako," wika ni Mylene.
“Ano ba yan!"
“Nakakinis nama!"
Pumunta siya sa harap. "May naghahanap sayo. Yung boyfriend mo yun."
Lumabas siya at nakita niya si Axellle nasa gilid ng kotse niya.
"Ngayon na wala tayong lakad ay pumunta ka rito!" Nang marinig niya ang boses ng girlfriend, mabilis siyang lumapit.
"Kaya nga lagpas na sa one hundred yung text at tawag ko sayo na humihingi ako ng tawad."
Bumalik siya sa kotse at kinuha ang mapula-pulang maraming bulaklak pati isang box ng chocolate. Binigay niya kay Mylene.
“Patawad na. Please!"
"Akala mo maadaan mo ako diyan sa chocolate mo na iyan!"
Narinig niya ang mga kasama na may sinasabi.
"Besh, patawarin mo na siya!"
"Oo nga nakakaawa naman. Hindi ka ba naaawa sa kanya?”
"Tanggapin mo yung chocolate. Hihingi kami sayo." Binatukan nila ang kasamahan nila sa birong sinabi.
"Oo kainin natin mamaya."
"Tumahimik nga kayo diyan! Ang Inga-ingay niyo!” sigaw sa kanila ni Mylene.
"Mahal ko. Patawarin mo na ako, please!"
"Sabihin mo kasi sa akin ang totoong nangyayari para pag-isipan ko kung papatawarin kita o hindi."
Nakita niya nagdadalawang isip ito. "Dahil ba 'to sa parents mo? Wag ka ng magsinungaling diyan, sinabina sa akin ng mga kaibigan mo."
"Ito talagang dalawang 'to. Sinabi ko na wag sabihin sayo."
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa akin tungkol sa mga magulang mo. Yung pinag-usapan ninyo, ano ba yun?"
"Wala yun?"
"Tungkol ba yun sa ating dalawa? Sa relationship natin?"
Nakita niyang hindi makasagot si Axelle.
"Sa nakikita ko. Totoo diba? Ayaw ba nila sa akin?" Tatapusin na ba natin 'tong relationship natin?"
Nalungkot nakikinig ang mga kasama ni Mylene sa trabaho.
"Hindi. Wag mo nga yang sabihin yan. This is just a trial to our relationship. Please, don't give up! Because if you give up. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kaya na mawala ka. Please, don't give up Mylene!" Niyakap niya si Mylene.
"Ayaw ko rin naman pero it's your parents. Ayaw kong itakwil ka nila or may gawin silang hindi maganda both of us. Totoo naman sinabi ni Ella. Langit at lupa ang pagitan natin kaya hindi tayo bagay. Taas naman ng pangarap ko para pangarapin na isang gaya mo ay magiging karelasyon ko. Ayaw ko lang na gugulo pa ito.”
"Yan ka na namin eh. Mahal mo ba talaga ako? Nararamdaman ko ako lang may pakialam sa relationship na ito.”
"Hindi namam sa ganun. Magulang mo na yan.”
"Kung diyan pa lang masisira na ang relationship natin. What if pa yung susunod na mga trials to test our relationship kaya pleass don't give up. Diba, I promise to you, sa hirap at sa ginhawa hindi natin iiwan ang isa't-isa. Magkasama natin haharapin ang mga pagsubok. Please don't give u!” Nakita niya ng paiyak na si Axelle.
"Mahal rin naman kita. Sobrang mahal kita. Mahal na mahal kita pero ayokong piliin mo ako over your magandang buhay. Sinabi rin sa akin ng dalawa, sabi ng mommy mo kapag hindi mo ako hiniwalayan. Itatakwil ka nila as their son.”
"Wala akong pakialam kung itatakwil nila ako. Ang mahalaga sa akin magkasama tayo.”
"Axelle. Mga bata pa tayo akala kasi natin yung mga bagay na pinagpipilit natin ay always nakakabuti. Yun yung naiisip natin but we are wrong. Alam ng mga magulang mo ang nakakabuti sayo. Maganda ang buhay mo. Nakakain ka ng mga masasarap na pagkain, nabibili mo ang mga gusto mong bagay gaya ng relo na yan, mga mamahaling pantalon at damit lalo na yung kotse mo. See! your life na yan, yan yung hinahangad namin.”