Chapter 11
Kung nag-aalinlangan ka pa sa sincerity niya, hayaan mo siyang ligawan ka niya para doon mo
makita yung effort niya, yung loyalty niya, at ang pagmamahal na totoo at
puro."
Ngumiti si Mylene kay Rena. Nagpasalamat siya dahil sa payong binigay nito, nabigyang linaw ang pananaw niya sa love, lalo na sa nararamdaman para kay Axelle.
Ilang araw na ang lumipas ngunit naguguluhan pa rin si Mylene. Napansin din ito ng mga kasamahan niya sa trabaho, lalo na ng beshy na si Moira.
"Besh, ayos ka lang, Besh?" tanong sa kanya ni Moira.
"Oo nga. Kanina ka pa balisa r'yan, eh. May nangyari ba sa bahay ninyo?" tanong ng nanay ni Moira.
"Oo nga, Besh."
"Wala po. Huwag niyo pansinin ang ganito kong kadramahan," sagot ni
Mylene.
Nagsalita ang isa sa tagaluto nila. "Alam ko na kung ano 'yan, Ma'am.
Tungkol yan sa pag-ibig."
Tumingin sa kanya si Mylene. "Pag-ibig agad? 'Di ba pwedeng malungkot lang talaga ako?"
"Kita niyo po, defensive," wika ni Joseph, tagaluto sa karenderya.
"I see." Duda ang Beshy niya dahil sa pag-ibig kaya malungkot siya.
"'Wag niyo nga akong pinagtutulungan." Tumawa sila sa sinabi ni Mylene.
"Oh, ano ngayon kung pag-ibig ang dahilan kaya malungkot ako? Ito kasing walang kwentang lalaki na ito, pa-fall. Nakakinis siya. Kung mahal talaga ako, maging seryoso siya. Kausapin niya ako nang maayos.
Dinadaan niya lagi sa biro. Kaya nga noong nangyari sa coffee shop hindi ako naniniwala sa kanya.
Nakaka-highblood. Taas naman ng confidence niya para paglaruan niya ang nararamdaman ko. Porket pogi siya, wala na siyang prenong huminto sa pagpapa-fall sa akin. Oo, in love na ako sa kanya. Oo, mahal ko na siya. Ano ngayon? Hindi niya naman alam." Sinabi niya ang mga gusto niyang sabihin sa lalaking iyon.
Nagsalita si Moira. "Siya ba yung lalaking nasa likod mo?"
"Anong lalaki?" Nang tignan niya ang nasa likod niya ay laking gulat niya sa nakita. Kanina pa nasa likuran si Axelle at narinig niya lahat ng pinagsasabi ni Mylene.
"Ngayon alam ko na, na may gusto ka rin sa akin."
"Kanina ka pa r'yan?" nag-aalala niyang tanong.
"Yup, at narinig ko lahat."
"Talaga?"
"Gulat?"
"Yung mga narinig mo, hindi yun totoo. Kinuwento ko lang sa kanila ang sitwasyon ng kaibigan ko sa love. Hindi ikaw yun," pagsisinungaling niya.
"Sige, diyan ka muna dahil magwawalis muna ako."
Nang palakad na siya paalis, hinawakan niya ang kamay ni Mylene.
Magkatapat ang mga mukha nila.
"Magsisinungaling ka pa, eh. Itong gagawin ko, patunay na seryoso ako
sayo." Napalaki ang mga mata ni Mylene nang halikan siya ni Axelle.
Nagtilian naman ang mga kasama niya sa loob, kahit yung iilang customer.
"Sana all!"
"Nakakakilig kayo!"
"'Wag mo na siyang pakawalan, Mylene."
Hindi makapaniwala si Mylene. "Totoo ba ito? Hinalikan niya ako ulit. Does it mean, sa sinabi niya, magiging in relationship na kami? Oh my God."
Bumilis ang tibok ng puso niya at parang pinagpapawisan siya.
Naaamoy niya ang mabangong pabango ni Axelle at naramdaman ang lambot ng labi nito na
nakababaliw at nakahuhumaling.
Humiwalay na ang mga labi nila pero parang hindi pa rin maka-move on si
Mylene. Ayaw niyang umalis sa moment na magkalapat ang labi nilang dalawa.
Parang naka-frozen siya. Ayaw gumalaw ng mga parts niya sa katawan. Ayaw gumalaw ng katawan niya.
Hinawakan ng dalawang kamay ni Axelle ang pisngi niya.
"Sana payagan mo na akong pumasok sa puso mo. Will you be my girlfriend?"
"Mylene! Sagutin mo na siya," sigaw ng beshy niya.
"Oo nga, Mylene. Bagay na bagay kayong dalawa," dagdag ng nanay ni
Moira.
"Kung ayaw mo sa kanya at ayaw mo siyang sagutin, akin na lang siya," sabat ng kasamahan niyang babae sa trabaho.
"Tumahimik nga kayo. Hindi ko siya ibibigay sa inyo. Hindi ko na siya
pakakawalan." Ngumiti si Axelle sa sinabi ni Mylene.
"Sasagutin mo na ba ako?" mahinahong tanong niya kay Mylene.
"May mga rules ako bago kita sagutin."
"Rules na naman. Hindi ka pa ba nagsasawa niyan?"
"Ah, nagrereklamo ka na. Umaayaw ka na?"
"'Yan ka na naman. Oo na. Ano ba yung mga rules mo?"
"Una, ako lang mamahalin mo. Pangalawa, sa akin ka lang titingin at ma-i-inlove pa nang husto. Pangatlo, kapag nakita kita na may kausap na babaeng ka-edad natin or nakita kitang nagpapalandi, break na tayo."
"Grabe naman 'yan."
"Bakit, hindi mo kaya?"
"Basta ikaw, kakayanin ko. Ano pang mga rules? Ano ba 'yan, bakit ko pa
tinanong! Siguradong dadagdagan niya pa ng marami."
"Pang-apat, sikapin mong nasa tabi kita lagi, huwag kang lalayo sa akin.
Panglima, madalas, dapat may surprise ka sa akin. Yung magugustuhan at mapapakilig ako.
Pang-anim, araw-araw dapat or madalas i-date mo ako.
Pangpito, ipagtanggol mo ako sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng oras.
Pangwalo, maging gentleman ka. Kunin mo at bitbitin mo ang mga dinadala ko kahit bag pa 'yan na magaan lang.
Pangsiyam, sa akin ka lang ma-i-inlove. Araw-araw ka dapat mahuhumaling sa akin."
Lalo siyang napangiti nang marinig ang pang siyam na rules ni Mylene.
Pangsampu, idoble at itriple mo
ang pagmamahal mo sa 'kin. Dagdag pa, huwag na huwag mo akong
sasaktan. Huwag na huwag mo kong iiwan. Ngayon, are you in? Kaya mo ba ang mga rules ko?"
Ngumiti sa kanya si Axelle saka sinabing, "Yes."
"Tanungin mo ako ulit ng tanong mo kanina."
"Ms. Mylene Gomez, can you be my girlfriend in sickness and in health?" Lalo silang napangiti sa dinagdag ni Axelle, in sickness and in health.
"Yes, Mr. Axelle Maldrid, tinatanggap ko ang maging girlfriend mo."
Hahalikan sana siya sa labi ni Axelle ngunit hinarang niya ang kanyang daliri.
"Namimihasa ka na, ha. Wala kang permission mula sa akin." Ngumiti sila.
"Sorry na po." Ang daliri na lang ni Mylene ang hinalikan niya.
Lumapit sa kanila ang mag-ina. "Naku. Masaya ako sa inyong dalawa, lalo na kay Mylene," wika ng mommy ni Moira.
"Oo nga. Kinikilig ako sa inyo." Tumingin siya kay Axelle.
"Ikaw, lalaki ka, kahit pogi ka, bubugbugin pa rin kita kapag pinaiyak mo ang best friend ko. Naintindihan mo ba?!" birong pananakot ni Moira.
"Pangako. Nangangako ako sa inyong harapan, pati sa inyong mga kumakain diyan. Pangakong hindi ko paiiyakin si Mylene. Mamahalin ko siya, hindi lang sa abot ng aking makakaya, kun'di lagpas sa aking makakaya.
I will put the brightest light on her life. I will do everything to make her happy every moment of her life." Niyakap niya nang mahigpit na mahigpit si Mylene.
"Ano ka ba? Hindi ako makahinga nito." Kumawala siya sa pagkakayakap mula kay Axelle.
"Na-miss lang kita. Masaya lang ako nang sobra dahil girlfriend na kita.
Wala nang bawian, ha?!"
"Baka ako dapat magsasabi niya. Hindi ka na pwedeng umatras, pati sa mga rules. Hindi si Beshy ang magbubugbog sayo, kun'di ako. Kaya 'wag na 'wag mo talaga akong gagaguhin."
"Hindi mangyayari yun, mahal ko. Mahal ko ang magiging tawagan natin."
"Baduy naman."
"Ano ba gusto mo? Babe? Love? Honey? Karelasyon ko? Mas gusto ko ang mahal ko kaya 'wag ka nang KJ r'yan."
"Oo nga, Besh. Ibig sabihin no'n, sa kanya ka lang talaga."
"Okay, mahal ko." Tumingin siya kay Axelle. Ngumiti ito sa kanya.
"Tapos ka na ba sa pagpapakilig? Kung gano'n, magtatrabaho muna ako."
"Ano ba 'yan! Bitin naman," parang batang pagrereklamo niya.
"Mylene, sumama ka na sa kanya. Mamasyal kayo," sabat ng may-ari ng karenderya.
"Oo nga. Naghanda ako ng surprise sayo. Sumama ka na!" pamimilit niya kay Mylene.
"May duty nga ako. Nakakahiya naman sa amo ko, 'no. Tumigil ka nga, para kang bata r'yan."
"Mylene, sumama ka na. Huwag kang mag-aalala, sasahuran kita at hindi ko ibabawas sa ibang sahod mo. Consider mo na lang ito na regalo ko para sa inyong dalawa," wika ng mama ni Moira.
"Oo nga, Besh. Sayang naman yung surprise niya sayo. Kwentuhan tayo
bukas, ha? Sa mga mangyayari mamaya."
Natawa si Mylene sa sinabi ng Beshy niya. "Ano naman mangyayari
mamaya? 'Yang surprise niya, pare-pareho lang 'yan sa mga sinu-surprise ng mga magkarelasyon diyan."
"Ibahin mo sa akin. Iba 'to. Special pa kaya paniguradong babawiin mo 'yang sinabi mo ngayon. Panigurado ayaw mo nang umalis sa pupuntahan natin. Kaya halika na, para hindi na tayo ma-late pa."
"Asuss."
"Sige na, Besh. 'Wag ka nang madaldal diyan. Magbihis ka na para makaalis na kayo. Go na! Ako ang na-e-excite sa inyo. Go!" Mas energetic pa siya kaysa sa niligawan.
Pati mga customer nila, sumigaw ng "Enjoy!"
"Oh, tingnan mo na. Pati mga customer, natutuwa sa atin dahil bagay tayo.
Tayo ang perfect match sa isa't-isa."
"Tama na nga 'yang kadaldalan mo. Pumasok na tayo sa kotse mo dahil ako'y excited na. Excited na akong dumihan itong kotse mo." Binuksan niya ang pinto para kay Mylene.
"Bago tayo bumyahe, isuot mo muna 'tong panyo," wika ni Axelle habang
hawak ang panyo.
"Anong kalokohan 'to?" Hindi niya alam anong trip na naman ng lalaking ito.
"Seryoso ako. Para ka-excite-excite din. Sige na. 'Wag nang KJ, suutin mo na. Gusto ko rin makita ang reaksiyon mo kapag nakita mo yung surprise ko sayo kaya isuot mo na ito."
Pumayag siya sa trip ng boyfriend niya. "Ikaw, kapag gumawa ka na naman ng kalokohan, lagot ka talaga sa akin."
"Hindi ito kalokohan. Magandang regalo ko 'to sayo bilang bagong unang boyfriend mo. Nakita kitang ngumiti. Ngumiti ka ba dahil sa sinabi kong first girlfriend kita?"
"Natawa ako dahil hindi makapaniwala na ang isang gaya mo, wala pang girlfriend. Ngayon lang nagkaroon ng girlfriend. Bakit? Yung mga umaaligid sayo dati o yung mga babaeng umaaligid sayo lately, hindi mo ba sila siniseryoso?"
"Ayaw mo talagang maniwala. Wala nga akong girlfriend na iba. First time
kitang girlfriend ko. Ikaw lang kasi nagpatibok sa puso ko ng ganito.
Sayo lang ako nahuhumaling, nababaliw ng ganito. Ngumiti ka ba dahil natuwa ka? Kaya
dapat ikaw, yung mga rules mo, i-apply mo rin yun sa sarili mo. Ako lang dapat ang ibigin mo. Sa akin lang dapat ang attention mo. Huwag mo akong sasaktan. Huwag mo akong iiwanan.
Araw-araw mo akong mamahalin. Araw-araw mo akong paliligayahin. Sa akin ka lang. Ako lang ang mahalin mo. Huwag ka ring makipagharutan sa ibang lalaki.
Kaya yung si Miko, kausapin
mo siya. Sabihin mo sa kanya, tayo na para lubayan ka niya. Para hindi na siya umasa."
Napatawa si Mylene nang banggitin niya si Miko. "Seryoso? Si Miko,
nagseselos ka sa tuwing kasama ko siya? Pinagseselosan mo siya? He is just my best friend. Nothing more."
"Ano ngayon kung nagseselos ako? Syempre boyfriend mo na ako. Eh, dapat ako lang ang lalaki sa buhay mo."
"Hoy, ikaw, tumigil ka nga. Magkaibigan lang kami."
"Oo ikaw. Pero siya, tingin niya sayo, hindi kaibigan."
"Ano bang pinagsasabi mo r'yan? Tumigil ka na nga."
"Manhid ka talaga kahit kailan."
"Alam mo? Kahit may nakatakip sa mata ko, kaya kitang batukan. Manhid mo mukha mo."
"Hindi mo talaga napapansin o nararamdaman na may gusto yun sayo.
Halatang halata kaya. Sabi nila, kapag ang babae at lalaki, laging
nagsasama, dalawa lang 'yan. Either mag-jowa sila or mag-beshy dahil
bading yung lalaki. Gets mo ba?"
"Hoy, hindi bading si Miko, 'no."
"Nakita mo na. Kaya yung sagot yung isa. May gusto siya sayo. Lagi ko yun napapansin. Manhid mo talaga!"
"Tumahimik ka na nga. Huwag na natin pag-usapan ang mga bagay na 'yan.
Saka unang date natin 'to tapos isisingit mo mga bagay na walang
kabuluhan."
"Oo na. Hindi na natin siya pag-uusapan."
"Malayo pa ba? Hindi ko ma-i-enjoy ang ride na ito dahil sa panyong
nakaharang sa mga mata ko. Ano bang naisip mo? Bakit sa lahat, ito pang panyo ang inano mo tapos pinatakip mo pa sa mga mata ko. Galing ng trip mo, ah." Ang dalawang 'to talaga, kahit in relationship na ay hindi pa rin magkasundo.
"Wag ka ngang panira. Mamaya talaga magugulat ka sa surprise."
"Puno ang schedule ko. Busy akong tao kaya 'wag natin tagalan ang date
natin. Huwag tayong magtatagal kung saan man lupalop tayo mag-de-date."
"Workholic ka talaga, e, 'no? Pwede bang ngayong gabi, for once, mag-enjoy naman tayo? Lalo na ikaw. Pwede?"
Napatingin si Axelle kay Mylene dahil naging malungkot ang boses nito
"Ayoko. Hindi pwede. Hindi pareho ang buhay natin. Kung sayo hayahay, sa akin naman ay hindi. I need to work hard just to support my schooling."
Nawala panandalian kanina ang reality sa buhay ni Mylene. At ngayon ay bumalik.
Hindi niya kayang ipagsabay ang ganitong pag-e-enjoy sa buhay niya, sa mga ginagawa niya.
Ayaw niyang mawala sa kanyang patutunguhan, sa kanyang goal, ang reason kung bakit nagtatrabaho nang mabuti or nagpapapagod sa trabaho. Ayaw niya maging worthless lahat yun.
Her boyfriend comforted her. "I'm your boyfriend now kaya huwag mo nang isipin ang mga pinoproblema mo. Alam kong nagtatrabaho ka at laging pagod at puyat. Dagdag pa, ang mga assignment at projects mo. Wala ka nang time para magpahinga nang matagal. Kaya nga kahit anong lamon mo ng marami, hindi tumataba dahil sa mga ginagawa mo. Bilang boyfriend mo, I want to help
you. Quit to your job. Ako ang susuporta sa pag-aaral mo."
"Tumahimik ka nga."
"Seryoso ako. Ayaw kong nahihirapan ang girlfriend ko dahil pati ako ay nahihirapan din."
Ramdam ni Mylene ang concern ni Axelle.
For the first time in her life, may ibang taong gaya ni Axelle na sobrang concern sa kanya.
"I really appreciate your concern to me pero pagdating sa bagay na 'yan, ayaw kong pinapakialaman ako." Gusto kasing patunayan ni Mylene sa mga magulang niya na kahit wala ang tulong nila, kaya niyang makapagtapos sa pag-aaral gamit ang sariling pagtitiyaga at pagsisikap.
"Mylene, wag nang matigas ang ulo."
"Ikaw rin, huwag mang matigas ang ulo."
"Wait lang. Buhay pa ba ang mga magulang mo?" Tumango siya.
"Eh, bakit nagpapakapagod ka sa pagtatrabaho, eh nandiyan naman pala sila? Alam ba nila ang pagtatrabaho mo?"
"Oo. Alam nila." He saw how hard it was for Mylene to talk about her parents.
"Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya ang kamay ni Mylene. "I'm your boyfriend now. Kasangga mo na ako sa lahat ng mga problema mo at magiging problema mo. You can tell me everything. I'm happy to listen to your story."
Gustong gusto ni Mylene umiyak pero pinipigilan niyang huwag. She
promised to herself na hindi siya magpapakita ng anumang kahinaan sa harap ng tao o kahit pati sa family niya.
"Tama na ngang kadramahang ito. Ayos lang ako. Ano ka ba? Parang hindi mo kilala ang kaharap mo ngayon."
"Oo. Ikaw si Mylene Gomez. Babaeng matapang at matatag pero alam kong napapagod ka rin. Sa kabila ng katatagan mo, nawawalan ka rin ng pag-asa.
Sa kabila ng pinapakita mong ngiti sa maraming tao, nalulungkot ka rin.
Malungkot at nakakaawa ang buhay mo. Iyan ang totoong ikaw," bulong ni
Axelle.
"Oh, sige na nga. 'Wag na natin pag-usapan pa ang mga bagay na yan.
Masisira lang 'tong date natin. Unang date pa naman ito kaya ngumiti ka na r'yan. Asarin mo na ako." Binatukan niya si Mylene.
"Aray, ha. Ikaw talagang lalaki ka. 'Wag mo ngang ginugulo ang buhok ko," bulyaw niya.
"Anong sinasabi mong ginugulo? Magulo pa kanina ang buhok mo. Alam mo ba yun, ha?" Lakas ng asar niya para mainis nang husto si Mylene.
Inaabot niya ang buhok ni Axelle pero hindi niya maabot-abot. "Guguluhin mo pa buhok ko. Abutin mo. Hahaha. Matulog ka kasi nang maaga para tumangkad ka."
"Bwesit ka talagang lalaki ka."
"Naniniwala ako na balang araw, magiging masaya ka rin nang totoo. Lahat ng mabigat na dinadala mo ngayon, mawawala rin 'yan. Sana ganyan ka dapat in and outside. Walang pinoproblema. Masaya lang lagi.
Huwag kang mag-alala dahil nandito na ako. Hindi kita pababayaan. Sasamahan kita sa hirap at ginhawa." Natutuwa siyang asarin ang kanyang girlfriend.
Ilang oras pa bago sila nakarating sa lugar kung sa'n siya dinala ng kaniyang
boyfriend. "Ano bang lugar ito? Pwede ko na bang tanggalin ang panayo na ito?" Gustong gusto niya na talagang tanggalin ang panyong nakatakip sa mukha niya.
"Teka lang. Malapit na. Ilang hakbang na lang."
"Saka gutom na rin ako. May pagkain ka bang hinanda r'yan?"
"Oo naman. Kumpleto 'to. Umupo ka muna." Inalalayan niyang umupo si
Mylene. "Oh, dahan-dahan, ha?"
"Tama ka. Naaamoy ko ang bango ng mga pagkain. Tanggalin mo na kasi ang panyo."
"Oo na. Ito na. Excited?"
"Oo naman."
Ilang segundo niyang pinikitpikit ang mga mata niya. "Ano ba 'yan, naninibago ako, ha?"
Nang tiningnan niya ang paligid, hindi niya mapigilang mamangha.
Tumayo siya saka niya inamoy ang sariwang hangin. Ngumiti siya habang tiningnan ang paligid.
Humarap siya kay Axelle. Niyakap niya ito. "Maraming salamat. Salamat dahil dinala mo ako sa lugar na ito. Isa ito sa mga pinapangarap kong puntahan. Maraming salamat."
First time makapunta ni Mylene sa beach. Sa mga magazine, libro, tv ng kapitbahay, phone ng ibang tao niya lang ito nakikita kaya napakahalaga at tinutiring niya ang araw na ito na first best memory.
"Umiiyak ka na ba?"
"Loko. 'Wag mo nga sinisira ang moment ko."
"Okay. Beach lang 'to, bakit parang emotional ka sa pasasalamat kahit hindi ka naman umiiyak?"
"Nawala tuloy gutom ko. Tara, maglakadlakd muna tayo. Doon ko sayo ikuwento." Hinubad niya ang kaniyang sapatos. Natutuwa siyang tapakan ang mga buhangin.
Dumampot pa siya at kiniskis pa sa pisngi. Natawa na lang sa kanya si Axelle.
Dinala ni Mylene ang isang bote ng wine. Sinimulan niya na itong inumin.
Ayaw niyang bigyan si Axelle hanggang sa maubos na ito.
"Parang gusto ko pang uminom. Ang sarap ng wine. Masaya ako dahil may boyfriend akong mayaman."
"Lasing ka na talaga." Ngumiti na lang siya sa pinagsasabi ng girlfriend niya.
Hindi niya pinigilan si Mylene sa pag-ubos sa wine dahil gusto niyang
mailabas ng girlfriend niya ang bigat na dinadala nito.
Naniniwala siya, si alak lang ang makatutulong para maging honest si Mylene sa emosyon niya.
"Sige na. Magkwento ka na."
"Okay. Ito na. Yung nga, sobrang saya ko dahil first time in my life na
makapunta ako sa beach. Oo, 'wag ka nang magtanong diyan.
First time ko makapunta sa beach. My life is not what you think. Porket nakikita niyong tumatawa ang isang tao, akala natin ay wala silang problema. Akala natin, wala silang pinoproblema. Ganun din ang kuwento ko.
You asked me about
what is my story? Here's my story.
Ako ang nakatatanda sa maraming
magkakapatid. Dahil I'm am the older, dapat maging independent at
responsable ako.
Simula grade five ako na ang nagpapaaral sa sarili ko. Ako na ang nagbibigay baon sa sarili ko. Madalas, ako pa ang nagtatrabaho para makabili ng bigas until now. Lalo na ngayon, marami akong responsibilidad.
You asked me also, nasaan ang nga parents ko. Bakit nila hinayaan ang magtrabaho ako? Wala silang pakialam sa akin. Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng pinaka-older
sa'ming magkakapatid, ang ate ko.
Araw-araw nilang pinaparamdam sa akin ang paninising iyon. Araw-araw nila akong kinokonsensya. Kaya araw-araw din akong nasasaktan. Araw-araw akong nahihirapan. Hindi mo akong makikitang umiyak sa labas, pero sa loob ng bahay, sa sulok ng kwarto ko. Saksi sa paghagulgol ko sa pag-iyak."
Hinawakan ni Axelle ang kamay niya. "Sa araw-araw na pagpaparamdam nila sa akin na kasalanan ko ang lahat, sa araw-araw na yun, unti-unting nararamdaman ko na parang hindi ko sila pamilya, parang ibang tao sila.
Hindi ko maramdaman na may inay at itay ako dahil parang kinamumuhian nila ako. Tinatanong ko ang sarili ko araw-araw, hindi ba nila ako mahal?
Ampon ba ako? Bakit sila ganun? Anak din naman nila ako, ah. Napaka-unfair naman."
Hindi na nakayanan ni Mylene na kontrolin ang emosyon niya kaya bigla- biglang tumulo nang mabilis ang mga luha niya kaya niyakap siya ni Axelle. Naaawa siya sa girlfriend niya.
"Kung ganito lang din naman gagawin nila sa akin, sana ako na lang ang nawala, sana ako na lang ang namatay. Sana ako na lang."
"Sige ilabas mo lang 'yang bigat na dinadala mo. Maraming taon 'yan
nakatago sa loob mo. It's time for you para ilabas mo 'yan. To heal the deep
pain."
"Sumusuko na ang katawan ko, gulong gulo na ang isip ko. Pero I always say to myself, be strong, be strong. Kayanin mo. Balang araw, makakaalis ka rin sa pain na ito. Balang araw, mawawala rin ang ganitong paghihirap mo.
Balang-araw, magiging masaya ka rin. You live the life you want, not for what others want. Kaya lumaban ka, keep moving, maging matatag ka. Always remember, Si God ang bahala sayo in every difficult situation, in every pain.
Higit sa lahat, hinding hindi ka Niya iiwan. Kaya hanggang ngayon, nagpapakatatag ako. Hindi lang para sa sarili ko, kun'di higit sa kinabukasan ko. Yung mga sinasahod ko sa tatlong trabaho ko. Sini-save ko yun pero minsan nababawasan nang malaki at minsan may pangyayari pang nabuksan
ang alkansya ko dahil may ginawang katarantaduhan ang lalaki kong kapatid na kailangan bayaran yun.
Wala kaming ibang perang mapagkukunan. Alam
din nilang may ipon ako, and even if I tried to refuse, sinumbat nila ang mga ginastos nila sa akin sa pagpapalaki. Kaya nga hindi na ako umasa sa sinasabi ng parents ko na ibabalik nila yung ipon ko. Ayoko na rin magsalita dahil ayoko na ng gulo.
Alam mo bang pagod na pagod na ako? Drained na drained na ang utak ko at gusto ko nang sumuko. Gustong gusto ko nang
sumuko, Axelle. Gustong gusto ko na."
At dahil na rin sa kalasingan, nawalan na siya ng malay.
"You're strong. You're strong. Proud ako sayo. Proud na proud ako sayong katatagan."
Hinatid niya sa kwarto ang lasing na si Mylene. "Sana, makatulog ka nang
mahimbing. Sana, wala ni isang masama ang sisira sa panaginip mo.
Sana, maging mahimbing ang tulog mo. Good night, girlfriend ko. Masaya akong nakilala ka, masaya akong dumating ka sa buhay ko." Pagkatapos ay hinalikan niya sa pisngi ang girlfriend niya.
"Aray ang sakit ng ulo ko." nagatataka siya dahil bakit malambot ang kama.
"Saan ba ako? Oh my God, saan ba ako?"
"Nakaka-amnesia pala yung alak na yun. Nakalimutan mo na agad." Naroon pala sa likod niya si Axelle. Nakaupo.
"Lalake ka?!" Gulat niyang sambit.
"Mahal ko, ang tawagan natin, hindi lalake ka," pagbibiro niya.
"Anong ginagaw ko dito? Anong ginagaw mo dito?"
"Patay malesia? Seryoso? Inubos mo yung isang boteng wine. Matapang naman yun. Kaya ang resulta ito, yan ang nagyari sa iyo. Boom.. Knock down!”
"Tumabi ka ba sa akin sa pagtulog? May ginawa ka ba sa kin na hindi maganda? Sabihin mo ang totoo! Huwag kang magsinungaling!”
"Gusto mo bang sabihin ko ang totoo, yes!”
"Walangya ka!" lumapit siya kay Axelle. Pinagtatapik niya sa katawan.
"Tama na nga. Nagjojoke lang ako. Tama na. Ang sakit, ha!”
"Huwag mo nga akong pinagloloko!”
"Wala nga akong ginawa sayong hindi maganda. Dahil ayaw ko i-break ang rule mo dahil ayokong maghiwalay tayo.” tumigil si Mylene ng marinig ang paliwanag ni Axelle.
Lumapit siya kay Mylene. "Gusto mo bang may gawin ako sayo ngayon?!" pagbibiro niya kay Mylene.
Tinulak niya si Axelle. "May pasok pa tayo ngayon." Pa-ibaya niya ng topic kaya nagmamadali siyang lumabas.
Nabulaga siya sa surprise ni Axelle. Lumapit sa kanya ang boyfriend niya. "Ikaw kas, i dahil sa kalasingan mo kaya hindi mo napanood ang sunset kaya ito ang ginawa ko, vinidyohan ko para mapanood mo. Maganda ba?" Ngiti niyang pagtatanong sa kaniyang girlfriend.
"Gusto mo ata maging boyfriend of the year! Thank you!" Nagulat si Axelle sa ginawa ni Mylene. Hinalikan siya sa pisngi ng dalaga bilang pasasalamat sa binata sa effort nito.
Nang naglakad na paalis si Mylene, hinawakan ng boyfriend niya ang kanyang kamay at nang humarap sa kanya ay hinalikan niya ito sa labi.
Tumigil na naman ang mundo ni Mylene. Naririnig niya ang mabilis na pintig ng puso na parang ayaw tumigil.
Pati pawis ayaw din magpaawat.
"Yan ang tamang pasasalamat!” naglakad siya paalis.
"Halika na! Kakain na tayo,” anyaya niya kay Mylene.
"Ano ka bang katawan ka. Nakakahiya ka, talaga! Bakit ba sa tuwing hinahalikan ka niya, pinagpapawisan ka, parang galing frozen lang?! Tapos malakas pa ang pintig mo aking puso. Bakit ba kayo ganyan? Magkaroon naman kayo pride? Kayo talaga!" Pagbibiro niya sa kaniyang sarili.
Hinatid niya si Mylene sa upuan niya. "Diba sabi ko sayo magpaalam ka sa tuwing hahalikan mo ako?" Mahinahong sabi aa kaniyang ng dalaga.
"Bakit ikaw, nagpaalam ka ba nong hinalikan mo ako? Hindi naman diba? Kaya patas lang tayo!" Ngati niyang pamblock mailed sa dalaga.
"Yung sa akin. Sa pisngi lang kita hinalikan. Sa pisngi, Narinig mo, Ha?!”
"Pareho lang yun dahil sa word na halik!" Natutuwa siya na asarin si Mylene.
"Pilosopo mo, mag-aral ka kaya ng pilosopiya. Pasalamat ka ako ay gutom na gutom, kundi kanina pa kita binatukan sa sobra mong maligalig diyan!”
"Kagabi kasi ay hindi ka kumain, eh! Inuna mo kasi ang alak!”
"Speaking of alak. May mga sinabi ba ako sayo? Diba kapag lasing ang isang tao. Nagiging honest sila. Meron ba akong sinabi na medyo madarama?!" Nagwo-worry siya baka meron
"like what?” he acted na parang walang alam.
"Sa tanong mo, parang wala nga talaga. Salamat naman naging quiet 'tong bibig na ito".
Tumingin si Axelle kay Mylene at ngumiti.”
"Ngitingiti ka diyan?!"Wala lang masaya lang ako dahil sayo.”
"Korne mo. Kumain na nga tayo.”
"May naalala pala ako. May ginawa ka sa akin kagabi,” pagbibiro niya kay Mylene.
"Ako ha. Huwag mo akong ginagago. Gutom na gutom ako baka masapak kita diyan?” ngiti niyang pabirong tanong.
"Di mo talaga maalala? Kawawa naman ako. Hindi mo ko mapapanagutan." Patuloy sa pagbibiro siya kay Mylene.
"Talaga? Ano ba ginawa ko? Sa sabihan mo naman!" Pabebe ni Mylene. Sinabayan niya ang trip ni Axelle.
"Pangit mo umarte." halata niyang umaarte lang si Mylene.
"Akala mo ba talaga maloloko mo ang gaya ko. Pwes, nagkakamali ka!"
"Alam ko naman yun. Inaasar lang kita."
" Wait lang. Dahil sa dinala mo ako kahapon dito at nalasing pa ako ? It means hindi ako, nakapasok sa dalawang trabaho ko? Oh my God, pano nayan! Ikaw kasi. Kahit may phone akong dala, hindi ko pa rin kabisado ang number nila kaya hindi ko pa rin sila makakausap para magpaliwanag kung bakit hindi ako nakapasok!" Namomoblema niyang boses. Pinapanood siya ni Axelle. Natataranta siya.
"Kumain ka muna diyan. Huwag mo muna yan problemahin," awat ng binata sa pagpoproblema niya.