Chapter 4 Goodluck!
“Grabe ka na talaga, vebs pinagtitinginan na tayo oh” sabi ni Amara na nasa tabi ko lamang
Paanong hindi kami pagtinginan ay agaw pansin yung kotse ko, pati na rin yung nangyari kanina sa parking
“Nay yung duffel bag ko po?” sigaw kong tanong mula sa labas ng bahay, hindi na ako pumasok dahil male-late na ako.
Na-una na si Amara sa University dahil ayaw ko namang madam ay pa siya kapag na-late nga ako.
“Ayy ito na, ikaw naman kasing bata ka, sabi ko naman sayo na ihahatid at ihahabilin na lamang ni Nestor sa guard ng school mo – Saan yan galing?” tanong niya ng makalabas siya ng gate namin at makita ang bago kong sasakyan.
“Tita mama bought it for me, I just found out this morning too” Sabi ko habang nakayuko at nilapag ang bag sa passenger seat Para tingnan kung kompleto ba, nang makitang wala namang kulang ay tumayo ako at sinarado ang pinto at hinarap si Nanay.
“I have to go” sabi ko at humalik sa pisngi niya “Male-late na po ako, ingat po kayo dito, don’t tire your selves. Bye” Sabi ko at pina-and ar na ang aking sasakyan.
Dahil ayaw ko namang tuluyang ma-late ay binili san ko ang aking pagmamaneho, given the fact na mabilis na yung kotse.
When I arrived at the parking lot I checked my wrist watch and saw that I have 10 minutes to walk to my department. I didn’t noticed that the six men I talked to yesterday was there at the entrance of the university and they were looking at my car with an awe written on their faces
I noticed students whose fangirling the six men looking at my way, probably because of my car. Tss
I really hate luxury things
I got out of my car, and I heard gasp from the people whose been looking at my way. I didn’t mind them at all and open the passenger seat door and get my duffel bag out.
I locked my car ang started to walk towards the university. They still have this amazed looked in their faces until I reached the six men.
“Wow!” Arvin, Nash, Isaac, Kyle and Callum said when I was right in front of them, tanging si Vin lang ang hindi nagsalita sa kanila, but he has this smirk on his lips.
“Wow! May car ka pala bakit nagtanong ka pa sakin kahapon kung dala ko ang car ko?” tanong ni Callum na hindi pa rin makapaniwala.
“Hindi para sayo yung tanong ko kahapon mister and I just got it this morning.” Sabi o a tumingin sa relo
“If you excuse me, I’m late for my class” bahagya akong tumango at ganun din sila sa akin. Nag lakad na ako papasok at papunta sa locker room para ilagay ang aking duffel bag, pagkatapos ay pumunta na sa aking klase
“Hindi ko talaga minsan mabasa yang si tita mama eh, bigla nalang may pa kotse, ano yun parang Kuya Wil lang ah, Bigyan ng kotse yan” sabi niya habang ginagaya si Kuya Wil
Bahagya akong natawa sa kanyang itsura at napa-iling sa kaniyang ginagawa. Nandito na kami papasok sa cafeteria nang tumigil siya at kumaway.
Sinundan ko nang tingin ang kanyang kina kawayan at nakita kong kumakaway sa kaniya si Kyle kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kanila at bahagyang tumungo para hindi ila makita ang pagbabago ng emosyon ko.
“Tara dun tayo” sabi ni Amara
“Teka – “ hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ako pamunta doon sa mga lalaki. Nang makarating sa harap nila ay agad naman silang umayos ng upo, at kanya-kanyang ngiti
“Hi, Pwedeng dito kami?” tanong ni Amara
“Sure, Upo kayo” sabi naman ni Arvin at tumango naman yung iba. Tututol sana ako nang makita kong umupo na ang aking kaibigan at bahagya akong hinila para mapa-upo.
Sa kaliwa ko ay si Callum sa kanan ko naman ay ang magaling kong kaibigan katabi si Kyle at sa harap namin ay yung apat na sina, Arvin, Nash, Isaac, at Vin.
SI Kyle at kaming dalawa ng kaibigan ko ang walang pagkain, tatayo na sana ako at magpa-alam na bibili ng pagkain nang tumayo si Kyle at Amara ng sabay.
“Ako na bibili ng pagkain mo” sabi ni Amara sa akin at naglakad na sila para bumili
Naiwan ako kasama yung limang lalaki. Nakita kong nakatingin sila sa akin maliban kay Vin na nakaharap sa phone niya. I gave them a questioning look.
“Ang ganda ng tsikot mo!” sabi ni Arvin at tumango naman yung tatlo.
“Ah, Uhm Thank you?” sabi ko dahil hindi ko alam kung dapat ba talaga akong mgpasalamat
“Saan mo nabili?” tanong ni Isaac
“Magkano mo nabili?” tanong namn ni Nash
“May iba ka pa bang tsikot?” si Arvin naman ngayon, tumingin ako kay Vin, baka kasi may itatanong din siya pero umiling lang siya kaya nilingon ko naman ang aking katabi.
“Go on, I don’t have anything to ask” Sabi ni Callum na naka pahalumbaba pa sa mesa at bahagyang nakaharap sa akin ang kaniyang katawan.
“Uhm…Hindi ako ang bumili nung car yung Tita ko, probably she bought it from the other country ‘cause she always bought her cars abroad, about the price I have no idea how much it is uhm… I have 4 four other cars, two different 2021 models of Lamborgini and two different models of Ferrari.” sagot ko sa kanila at umaqwang naman ang bibig nila nang mapakinggan yung huli kong sinabi.
Dumating na yug dalawa kaya hindi na nakapg-tanong pa yung tatlo.
“Vebs, naubos na daw yung yakult kaya hindi ako nakabili, tubig ka nalang today ah” mahinang sabi sa akin ni Amara, tumango nalang ako at nagsimulang kumain.
Wala naman akong magagawa kung wala ng yakult kaya hindi na ako nagreklamo pa.
Binili niya ako ng carbonara pasta at tubig lang, hindi naman ako umiinom ng ibang juice kundi buko juice at yakult lang.
Kumakain lang ako at nakikinig sa kanila , kapag may tinatanong naman sila sa akin ay sinasagot ko naman.
Nakatingin lang ako sa aking plato dahil patapos na akong kumain nang mapansin kong tinulak ng kamay ni Callum yung isang pack ng yakult papunta sa akin.
Tiningnan ko sya ng nagtataka
“Ahh… ayaw ko na eh iyo na lang” mahinang sabi nya pero sapat na marinig ko at bahagyang namula pa ang mukha at tainga, umiwas siya ng tingin sa akin at nagpatuloy sa pagkain.
Nakatingin pa rin ako sa kaniya at lumipat ang tingin ko sa yakult na katabi lang ng kamay ko. Iniisip ko kung tatanggapin ko ba o hindi?
Umiwas ako ng tingin at inubos ang aking pagkain.
“Ayaw mo ba?” mahinang sabi niya pa, tumingin ako sa kaniya at bahagya naman siyang umiwas ng tingin.
Kinuha ko ang yakult at binuksan yung plastic na naka-balot at kumuha ng dalawang bote roon. Habang ginagawa ko iyon ay nakatingin lang siya sa ginagawa ko.
“Thanks” sabi ko at inabot sa kaniya ang natitirang yakult sa plastic, kinuha naman niya ito at tinitigan na parag hindi makapaniwala.
Tinignan ko ang oras sa aking relo at lumingon sa aking kaibigan nang makitang malapit ng magsimula ang klase namin.
Nagpa-alam nakami sa kanila at naglakad palabas ng cafeteria.
“Oh, may yakult ka pala” sabi ni Amara habng palabas kami ng cafeteria nang makita nya akong binubuksan ang isang bote ng yakult na binigay sa akin.
Hindi ko siya sinagot at uminom na lang sa yakult na hawak ko.
The afternoon class started, I just listen to my profs and jot down some notes about the discussion, we also have a surprise quiz in our last subject. Dahil nga unexpected ang quiz ay maraming nanlumo sa kanilang naging score kasama na rin ang aking kaibigan.
“Grabe naman yung quiz sa second day, badtrip si sir” reklamo ni Amara habang naglalad kami papuntang locker room dahil kukunin ko ang ang aking duffel bag at magpapalit ng damit para sa try out.
Kaya rin kami maagang nawalan ng klase ay dahil nga sa try out.
“Sabi ko naman kasi sayo mag-basa ka kahit konti sa gabi” sabi ko habang abala sa pagkuha ng gagamitin ko, naglakad na kami papunta sa CR para makapag-palit ako ng damit nang makuh ko ang aking bag.
“Hindi ko yun gawain, ikaw kasi hindi ka tumitingin sa gawi ko yan tuloy hindi ako nakagaya” reklamo naman niya sa akin. Tianwanan ko na lamang siya at inilangan
“Oh! Wag mo akong tinatawanan lang, kinaibigan kita ara may magayahan ako tuwing quiz” sabi niya habang naksunod sa akin papasok sa CR pero bgo pa siya makapsok sa cubicle ay isnarado ko na iyon kaya sa labas ng cubicle siya nagpatuloy sa pagra-rant niya.
Naglalakad na kami papuntang gym para sa try out ko, pwedeng manuod ng try out kaya hindi na ako magtataka na baka may ibang tao sa gym bukod sa mga magta-try out.
Pero hindi ko inaasahan na ganito karami ang mga manunuod
“Parang may laban sa ibang school ah, ang daming manunuod” sabi ni Amara habang nakatingin sa mga taong papasok ng gym. May nakikita pa akong may hawak ng banners na may mga mukha ng basketball varsity players ng university.
Hindi ko na sila pinanasin at nag streching nalang para hindi masyadong mabigla ang aking katawan para sa try out maya-maya.
I’m wearing my old jersey, suot ko yung long sleeves jersey na madalas kong suotin muna kapag hindi pa nagsisimula yung laro may apelido at number jersey number din yun, underneath of it is the fitted shirt type jersey na parehas ng print design nung long sleeves, and the partnered short of it.
Maya-maya lang ay natilian ang mga babae, kaya alam kong nandyan na ang mga basketball players, at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko silang papasok sa gym na yung iba ay kumakaway pa na parang artista. Tss
Umupo ako katabi ng kaibigan ko at kinuha sa bag ko yung isang bote ng yakult na hindi ko nainom kanina at ininom ang kalahati. Kumaway ang kaibigan ko sa kabilang bleachers kaya napatingin ako roon habang umiinom ng yakult.
Nakita kong kumakaway rin si Kyle kay Amara, sa tabi nito ay si Callum na nakatingin na sa akin, bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay at kumaway ng konti.
Nasamid ako sa nakita ko kaya napatingin sa amin si Amara
“Hoy! Girl ayos ka lang?” tanong niya sa akin habang hinihims ang aking likod. Tumango lang ako at inubos ang yakult matapos mahimasmasan.
Dumating na yung coach ng basketball at volleyball kasama yung mga volleyball players, inayos ko muna ang sintas ng sapatos ko bago tumayo.
“Goodluck vebs, kayang-kaya mo yan ikaw pa!” sabi ni Amara habang naka thumbs-up ang dalawang kamay. Numiti lang ako ng konti sa kaniya at naglakad papunta sa harap nang tawagin ang aking pangalan.
Dahi anim lang ang nagpalista parehas sa volleyball at basketball ay hahatiin kaming nagpalista sa dalawa at dadagdagan ng mga varsity players para equal pa rin ang laban.
Pinatakbo muna kami ng dalawang beses bago mag-simula, kaming mga volleyball ay sa unahang bahagi ng gym nagsimulang tumakbo ang ang mga basketball ay sa kabilang dulo – sa may entrance – nagsimulang tumabo, pero magkakasalubong kaming lahat.
Habang tumatakbo kami ay may mga nagtitilian na babae sa mga nadadaanan ng mga basketball players na kumikindat pa kaya lalong ngwawala ang mga babae.
Ganun din naman sa gawi namin, karamihan ay mga lalaki pero may ilan-ilan na babaeng napapakinggan ko na nag sasabi ng ‘goodluck’
May mga tumatawag sa pangalan ko at sinasabing goodluck kaya nililingon ko lang sila at tumatango, pero sa kalagitnaan ng aming pagtakbo ay may isang lalaking sumigaw habang nakatayo sa may taas na bahagi ng bleachers
“Goodluck, Sachin Zamora!!!!” sigaw niya, halos mapa tigil ako sa pagtakbo, at ang iba naman ay natahimik sa pagsigaw nila. Halos mag echo ang kaniyang boses sa buong Gym.
Tiningnan ko siya at bahagyang tumango habang tumatakbo pa rin, matapos kong gawin yun ay umupo na siya at nagsimula na ulit mag-ingay ang lahat.
Dahil nahuhuli ako sa pila ay medyo nahiya ako pagkalagpas sa lalaking sumigaw.
Nakasalubong namin ang mga basketball players, yung ibang varsity players ay nag apir pa sa isa’t isa. May mga nagsabi rin sa aming mag ta-ry out ng goodluck, at tinanguan ko lang silang lahat.
Nakayuko ako habang tumatakbo at paglampas na sana ako sa kanilang lahat nang bahagyang nag lean-in sa akin si Callum, ikinulbit niya ang kaniyang hinliliit sa aking braso at bumulong sa king may tainga
“Goodluck, Miss Zamora”