Chapter 3 Blue Car
“Ikaw talagang babae ka, napaka suplada mo!” sabi ni tita mama sa akin habang nasa hapag kami. Bakit? Sinabi lang naman ng magaling kong kaibigan ang nangyari kanina bago kami pumunta dito.
“Callum Grey, Morales Adalia” pagbanggit niya sa pangalan niya at naglahad ng kamay. Tiningnan ko lamang yun ng walang emosyon sa mukha.
“Nice to meet you Callum, Amara hehe” pagpapakilala ni Amara at s'ya na ang nakipag—kamay nang makita niyang wala akong balak na tanggapin yun.
“Nice to meet you all” Sabi ko sa kanila at bahagyang tumango
“We have to go, tita mama’s waiting” bulong ko sa aking kaibigan na nasa tabi ko. Pagkasabi ko non ay biglang parang naalala niya na may pupuntahan kami.
Tsk, itong babaeng ito kahit kailan may makita lang na pogi paraang nagkaka amnesia na.
Bahagya akong napa-iling sa kaniyang reaksyon
“Since nakapag pagkilala na naman kayo at kaming dalawa. We have to go may pupuntahan nga pala kami” sabi ng kaibigan ko habang nakatingin sa mga lalaking nasa harap namin.
Biglang nag vibrate ang aking phone kaya kinuha ko ito sa aking bag ng makitang si tita mama ang tumatawag ay tumingin ako sa kaila at nagpaalam
“We have to go, nice to meet you all” Sabi at tumalikod sa kanila at naglakad papauntang parking, habang naglalakad ay sinagot ko ang tawag ni tita mama
“Hello, Yes we’re on our way, tita mama. See you” Sabi ko habang naglalakad
“Bye guys, see you all around!” rinig kong sabi ng aking kaibigan sa tabi ko.
Nagpatuloy lang kami a paglalakad hanggang sa makarating kami sa kotse nya at pumunta sa bahay ni tita mama.
Buong byahe ay wala siyang bukam-bibig kundi kung gaano siya ka-disappointed sa asal ko kanina. Tss
“Diba! Ang pogi pa naman nung mga boylet kanina” sabi pa ng aking kaibigan.
“Kaya walang lumalapit na lalaki sa’yo kasi ang suplada ng mukha mo” sabi naman ni tita mama. “Paano ka nyan magkaka-boyfriend aber?” dagdag pa niya
“True!” pagsang-ayon naman ng magaling kong kaibigan
Mali atang sinama ko pa ang aking kaibigan, tuwing pupunta yan dito kasama ko lagi nila akong pinag-kakaisahan. Minsan nga nagplano pa sila kung paano ako magkaka boyfriend, kahit kaharap lang nila ako at hindi nila ako mapipilitan
Matapos namin kumain ay pumunta kami sa veranda ng bahay ni tita mama at doon nagpatunaw ng kinain.
“Nga pala, Chin” sabi ni tita mama habang naka-tanaw sa malayo
“Hmm?” Sabi ko habang nakatingala sa langit, maraming bituin kaya na pangit ako ng kaunti.
“Aalis ako” panimula niya kaya napatingin kaming dalawa ng kaibigan ko sa kaniya. “Aalis ako para sa kompanya” sabi nya at bahagyang natawa ng makitang halos sabay kaming nagpaka-wala ng hininga, a sign of relief.
“Saan ang punta tita?” tanong ni Amara sa kaniya
“Tawirin talaga? Parang nasa kabilang kalsada lang ang Korea ah” komento ko naman. Napatawa naman si tita mama sa aking sinabi at yumakap sa akin.
“Pwede bang isang buwan ako doon?” napaka lambing na tanong sa akin ni tita “Wala namang kailangan ang kompanya sa ngayon kaya pwedeng wala muna ako, tsaka nandyan ka naman para pirmahan yung mga papeles na iaaprove ko” dagdag nya pa
“Hindi mo naman po kailangan ng approval ko para magbakasyon, diba sabi ko naman po mag-bakasyon ka po muna kahit ilang buwan lang” sabi ko habang ka-yakap ko pa rin siya.
“Talaga?” tanong nya pa na parang bata
“Oo naman po” sabi at bahagyang natawa nang pugpugin niya ako ng halik sa mukha
“Ikaw talaga fave kong pamangkin!” sabi niya habang pinanggigigilan pa rin ako ng halik.
“Eh ako tita?” sabi naman ni Amara at yumakap kay tita
“Syempre ikaw ang fave kong best friend ng pamangkin ko’ sabi naman ni tita na nagpatawa sa akin.
“Eh syempre ako lang naman best friend nyang maldita nyong pamangkin” sabi niya na agad ko namang na hampas ang kaniyang braso.
Matapos namin ng mag-usap ay napag-pasyahn namin na doon na muna matulog at gumising na lamang maaga para pumasok kinabukasan.
May sarili akong kwarto dito kasi minsan gusto ni tita na nandito ako kaya pina-ayos niya ang isang kwarto para sa akin.
Naka-upo ako sa study table ko dito sa kwarto habang nag-aadvance reading para bukas ng lumabas mula sa aking banyo si Amara ng naka night dress at bagong ligo.
Dito raw siya matutulog katabi ako, kahit na marami namang bakanteng kwarto dito sa bahay.
“Alam mo, hindi ko alam kung paano ka magkakaroon ng boyfriend sa ginagawa mong yan eh” sabi niya habang naglalagay ng lotion sa binti.
Tiningnan ko lamang siya na parang nagtatanong, kaya nagsalita ulit siya
“Eh kasi naman kung hindi ka nagsusuplda sa mga lalaking nakikipag-kilala sayo, ayan hawak mo lagi libro” sabi niya habang nag-i skin care
“Masama na ba ngayon na pag-aaral ang atupagin kesa ang ibang bagay?” tanong ko sa kaniya habang pinipilit na bumalik sa pagbabasa.
“Hindi naman, ang kaso lang sa tingin ko sayo parang wala ka talagang balak na mag jowa eh”
“So what?” tanong ko while I was focus on reading.
“Anong ‘so what’?” sabi niya at pumunta sa’king tabi habang naka harang ang kamay sa librong binabasa ko.
“Ibig sabihin hindi ka magbo-boyfriend? Sayang ang lahi natin girl” dagdag nya pa
“Edi mag do-donate ako ng egg cells ko sa mga nangangailangan kung yung lahi ko lang naman pala ang inaalala mo” sabi ko habang inaalis ang kanyang kamay sa libro na binabasa ko.
Humagalpak naman siya ng tawa nang mapakinggan ang aking sinabi. Maya-maya pa ay tumigil ito at humarap sa akin ng seryoso ang mukha.
Tang*nang mood swings yan daig pa may sapak sa utak eh
“Inaalala ko kung, pano kung magka boyfriend ako, paano ka na? Sino na sasama sayo pag may kailangan ka? O sino nandyan kapag kailangan mo ng maiiyakan?” seryosong sabi niya.
Tumigin ako sa kanya, ngunit agad ding umiwas ng tingin
“Okey naman akong mag-isa lang ah, kaya ko naman” sabi ko habang inaayos ang libro ko sa bag dahil alam kong hindi na ako makakapag-basa.
Tamayo ako at humiga sa kama, sumunod naman siya sa akin dahil tapos na siyang mag pa tuyo ng buhok niya
“Yun na nga eh, kaya mong mag-isa ka lang kaya nag-aalala ako, kami ni tita mo” sabi niya habang may konting lungkot sa boses niya
“Natatakot kaming hindi ka na lumapit sa amin kapag may pinagkaka-abalahan na kaming dalawa, kasi alam namin ni tita mo na gagawin mo yun. Kahit na nasasaktan ka na hindi mo sasabihin sa amin, kasi ayaw mong maging sagabal sa relasyon namin sa iba. “ mahabang paliwanag niya
Hindi ko magawang mag-salita dahil alam ko sa sarili kong gagawin ko nga ang mga sinabi niya. Magagawa kong lumayo sa isang taong nakasama ko ng mahabang panahon kapag nakikita kong masaya sila sa iba. I don’t want to do that but it became my defense mechanism when I am about to lost someone vulnerable for me, and I know that those vulnerable persons for me would cause me damage, just like how a hazard effect the vulnerable ones in a community.
“Wag mo sanang isara ito” sabi niya habang naka turo sa may parteng puso ko “Sa mga taong handang magmahal sayo” sabi niya pa habang may sinserong ngiti sa labi.
Niyakap niya ako at natulog na. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa sinabi niya. Ayaw ko man ay anong magagawa ko?
Hindi ko na malayang nakatulog na pala ako habang nag-iisip. Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nasa side table ko, inabot ko ito at pinatay.
Tingnan ko ang aking katabi at bahagyang tinlak tulak
“Uyy, Maleleate tayo, bumangon ka na riyan” sabi ko habang inuuga siya, alam kong gising na siya pero uaos lamang siya ng pagkaka hga at natulog ulit.
“Isa” pagbibilang ko
“Dalawa” pagpapatuloy ko “Wag mo akong paabutin ng tatlo Amara” banta ko na siyang nag pabalik was sa kanya
“Ang aga pa chin” ungot niya nang makita ang oras
Alam niyang bubuhusan ko sa siya ng tubig kapag hindi pa siya bumangon kya ngayon ay busangot ang mukhang pumunta sa may closet at kumuha ng kaniyang under garments at uniform, matapos ay pumasok siya sa loob ng banyo para maligo.
Ako naman ay inayos ang higaan at naghanap ng mga damit na kailangan ko mamaya para sa try out n volleyball
“Hindi ko ata nadala dito yung jersey ko” sabi ko sa sarili ko. Lumang jersey ko yun noong high school, kasya pa naman yun sa akin kasi malaki sa akin yun noon.
Naligo na rin ako matapos ni Amara sa banyo at bumaba na para kumain
Nadatnan ko si tita at Amara na nagtatawanan doon sa lamesa, umupo ako at nagsimulang kumuha ng sinangag, itlog at hotdog.
“Good morning tita” pag bati ko kasi hindi ata nila ako nakikita ngayon
“Oh naka baba ka na pala, Good morning din” malaking ngiting bati niya rin
“Nandito po yung kotse ko diba?” tanong ko kay tita bago sumubo
“Ah, ibenenta ko na isang linggo na ang nakakalipas” sabi niya habang naka-ngiti ng pilit
Napa-ubo ako sa narinig at hindi magkaintindihan yung dalawa sa kanilang gagawin. Inabot ko ang aking tubig at uminom doon. Nang maayos na ang pag-hinga ay tiningnan ko si tita ng seryoso
“Eh kasi diba ang tagal na din naman nung kotse mong yun, kaya binenta ko na at yung pinag bentahan ay pinang dagdag ko sa pambayad nung bagong kotse mo” paliwanag niya sa akin habang hindi makatingin sa aking mata
Totoo namn kasing luma na ito kasi sa Daddy pa yun, hindi ko naman magamit yun noon kasi minor pa lang ako at walang lisensya. Turning 19 palang ako this year kaya naman isang taon ko pa lang iyon nagagamit pero ang dami na rin kasing dapat ipagawa dahil sa tagal na hindi ginagamit.
“Pwede ko bang magamit ngayon yung bagong car?” tanong ko kay tita, napangiti naman siya sa sinabi ko
“Oo naman, ibibigay ko sana sayo yun sa birthday mo eh kaya lang nalaman mo na agad ngayon” sabi niya habang konting kumakamot sa batok
Nagpatuloy na ako sa pag kain para hindi kami ma-late ng kaibigan ko. Matapos naming kumain ay dinala kami ni tita sa garage ng bahay niya at pinakita sa amin ang bagong kotse ko raw.
“Tang*na” sabi ni Amara at na takpan ang bibig habang nakatingin sa AKING bagong kotse. Kahit ako ay hindi nagawang makapag-salita noong nakita ang kotse
In front of is a 2022 Porsche 911 GT3 in the color royal blue.
Ang lapad ng ngiti ng aking tita habang nakatingin sa aming dalawa na hindi makapaniwala
“One of the latest model of Porsche” sambit ni Amara na parang hindi ko alam.
“I know” sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kotse
“Maganda yung kulay diba?” tanong sa amin ni tita, sabay naman kaming tumango ni Amara na parang wala sa sarili.
Matapos namin matulala ay umalis na kaming dalawa dahil baka ma-late na talaga kami. Magkahiwalay kami dalawa ng sinasakyan dahil dadaan muna ako sa bahay para kuhanin yung mga kailangan o paa sa try out.
Na-una ako sa kaniya kaya nasa likod ng kotse ko ay ang kotse nya. May nakikita akong napapa-lingon na mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada na nadaraanan ko.
Ugh! I hate this attention!