Chapter 10 Acquaintance Date
“I-accept mo na kasi, para hindi ka naman kawawa bukas.” kanina pa ako pinipilit na I-accept yung follow request ni Callum sa akin.
Pero kanina pa rin akong walang imik at hindi siya pinapansin habang nakatingin pa rin sa phone ko.
“Hindi ko na naman kailangan ng partner bukas” wala ganang sabi ko sa kaniya.
“Kahit na, alam ko namang independent woman ka pero kahit once lang diba. Kailan ba yung huling may partner ka sa mga ganitong events sa school?” tanong niya sa akin. Kaya napa-isip ako kung kailan pa nga ba.
“Nung grade 10 tayo, tapos bakla pa yung partner mo” sabi ni Amara nang makita akong nag iisip.
Ah tama, nung mas makembot pa yung partner ko kesa sa akin. Required din naman kasi noon kaya napilitan din ako.
Hinablot sa akin ni Amara ang aking phone at nakita kong may pinindot siya roon.
“Ano ba, Amara!” sabi ko at kinuha ang aking phone sa kaniya. Tiningnan ko iyo at nakita kong na-accept na yung request.
Tiningnan ko ng masama si Amara kaya napatakbo siya palabas ng kwarto ko at agad naman akong sumunod sa kaniya para masabunutan siya.
“Ang tagal mo kasing I-accept eh, kaya ako na gumawa para sayo” sigaw niya habang tumatakbo pababa ng hagdan para hindi ko siya ma abutan.
“Ay jusmiyo kayong dalawa, wag kayong tumakbo pababa ng hagdan at baka mahulog kayo!” sabi sa amin ni nanay kaya napatigil ako sa habol kay Amara na nasa baba na ng hagdan.
“Halina kayo at kakain na” sabi ni nanay at naglakad papasok ng kusina. Agad namang sumunod si Amara at bumelat pa
Hingal na bumaba ako ng hagdan at pumasok sa kusina.
“Ano ba yung pinagkakaguluhan ninyo at kailangan pang tumakbo sa hagdan ha?” tanong ni nanay.
Umupo ako sa upuan ko na katabi lang ng kay Amara.
“Eh kasi nay, si Chin ayaw ng may ka-partner bukas” sumbong ni Amara kay nanay.
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin nagpatigil kaya hinayaan ko na lang siya.
“May nag-yaya naman sa kaniya kanina, kaya ako na yung nag-accept para hindi siya mukhang kawawa bukas, diba nay?” pag kumbinsi pa niya kay nanay
“Aba’y hindi naman tamang walang partner ang magandang anak ko” pag gatong ni tatay sa sinabi ni Amara, napiling na lang ako dahil alam kong ganun din ang gagawin ni nanay
“Aba’y bakit ka nga ba mag-isa lamang eh pwede namang may partner pala eh.” sabi ni nanay kaya napa-irap ako at hindi sila pinansin.
Patuloy pa rin silang nag-tatalo tungkol sa partner ko. Wala naman akong magagawa na dahil na-accept na ni Amara yung follow request.
“Hindi ko talaga inakala na aayain ako ni Kyle” kinilig na sabi ni Amara habang nag-skincare kaming dalawa.
Sus hindi daw inakala, eh halata naman na gusto niya yung tao kaya um-oo agad siya. Napairap nalang ako sa kaharutan niya.
“Pero mabalik tayo dun sa yakult boy mo” sabi niya at binigyan niya ako ng mapang-asa na tingin.
Umiling na lang ako sa kaniya at tumayo ar kumuha ng libro para magbasa. Agad naman siyang sumunod sa akin para asarin na naman ako tungkol dun sa nangyari kanina.
“Grabe! Hindi ko talaga napansin na binigyan ka niya ng yakult kung hindi mo pa nilabas kanina sa bag mo at hindi ko pa nakita yung note na nakadikit doon” umaktong nagtatampo pa siya.
Sige lang mag-tampo ka dyan hindi naman ako marunong manuyo eh.
“Wag kang maigany nagbabasa ako” pag-ignora ko sa kaniya.
“May tanong ako” sabi niya at lumapit pa sa akin at inagaw ang librong binabasa ko. Napa buga na lang ako ng hangin dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko nagsasagot ang tanong niya
So annoying!
Tiningnan ko siya at naghintay ng kaniyang tanong.
“Hindi ka na gwagwapuhan kay Callum?” Napairap na lang ako kahit hindi pa niya natatapos yung tanong niya.
“Kahit konti lang” pinakita pa niya yung daliri na may gap na konti at tumaas yung dalawang kilay niya ng dalawang beses.
To be honest oo, pero hindi ko iyon sasabihin sa kaniya dahil alam kong asarin na naman niya ako at baka hindi kami makatulog para bukas.
Gwapo naman talaga si Callum, matangos na ilong, brown na mata, matangkad, hindi kaputian pero hindi rin naman kaitiman tapos basketball player pa.
Baka ibash pa ako ng mga supporters niya kapa sinabi kong hindi siya gwapo, lalo na yung bumangga sa akin nung nag try out ako.
Napailing na lNg ako sa nasa isip ko.
“Hindi gwapo si Callum?” tanong ni Amara sa tabi ko kaya nagtataka ko siyang tingnan. “Eh kasi umiling ka”
“Wala akong sinabi” at kinuha ko sa kaniya ang libro ko para maka pag-basa ulit.
“So ibig sabihin gwapo siya?” pangungulit pa niya
“Wala rin akong sinabi” habang nakatutok sa libro ang mata
“Ah basta, nagwagwapuhan ka sa kaniya” desisyong sabi niya. Hindi ko na siya pinansin kaya naglakad na siya papuntang kama ko at nahiga.
Nakita ko siyang may ka-text at ngumingiti pa.
Tss, delikado ka na.
After 30 minutes of reading I’m finally satisfied on what I red. My phone light up, Kaya tingnan ko iyon. It’s a notification from IG.
@calthedove: Thank u :>
@calthedove: Should I fetch you tomorrow?
@calthedove: Uh, heard that Kyle’s going to fetch Amara tomorrow at your house. So maybe I should go fetch you too?
@calthedove: If it’s ok with u?
Sunod-sunod niyang message sa akin. Mag-ta type na sana ako ng reply nang mag message ulit siya sa akin
@calthedove: But, it’s ok if you don’t want too, I wont force you.:>
You can fetch me tomorrow : @saychin
Reply ko sa kaniya. Halos dalawang segundo palang yung reply ko sa kaniya ng mag-message ulit siya.
@calthedove: ok then, I’ll fetch you
@calthedove: Goodnight :>
I doubled tap his message and walk towards my bed to sleep. Just when I’m about to sleep another notification pop up on my phone.
Unknown:
Sleep tight, miss ma’am :>
Napangiti ako ng konti at natulog na.
Naalimpungatn ako nang maramdaman kong may taong pa uli-uli sa loob ng kwarto ko. Nakita ko Amara na parang hindi mapakali.
“What is it? Ang aga aga” namamaos kong sabi sa kaniya at naupo sa kama ko.
“Oh sorry, excited lang ako hehe” sabi niya at peace siya.
Umirap ako at pumasok sa loob ng cr para maligo.
“Sa baba na ako ah” sabi niya at narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko. Sinimulan ko ng maligo dahil may pasok kami ng umaga. Half day lang ngayon dahil sa event namin mamaya.
Wala pa akong uniform dahil nahuli ako ng pagpapatahi.
Dahil walang uniform tuwing Friday ay nakasuot lang ako ng fitted crop top na puti at beige na trouser pants, nagsuot lang ako high cut converse shoes na white na my complement ng brown. I also put my favorite necklace and watch from my parents.
Matapos ay bumaba na ako at kumain kaming dalawa ni Amara ng almusal. Sumabay din sya sa akin papasok, wala naman siyang dalang car niya dahil sa bahay siya natulog, at agpapasundo naman siya mamaya.
Pagdaing namin sa Campus ay marami kaming nakikita na nag-aaya para sa event mamaya.
“Late na sila mag-aya, pano kung may partner na pala yung aayan niya edi wala na siyang maaayang iba?” kumento ni Amara sa nadaanan namin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng building namin nang may humarang sa aming daqlwang lalaki.
“Hi” masiglang bati nung nasa gitna. He looks familiar tho.
“Yung sumigaw na lalaki nung try out” bulong sa kain ni Amara ng makita akong nag-iisip”
Ah.. kaya pala familiar
“Uhm.. P-pwede bang ikaw d-date ko mamaya?” nahihhiyang tanong niya sa akin.
Napa-awang ang aking bibig sa sinabi niya at napatingin kay Amara na nasa tabi ko lang. Bahagya siyang umiling sa akin dahil may date na nga naman ako.
Binasa ko ang aking ibabang labi at tumingin sa lalaki sa harap ko.
“Ah…. I already… have a…. date” mabagal na Sabi ko sa kaniya. Unti unti namang nawala ang kanina niyang malawak na ngiti.
“Ah… haha” pekeng tawa niya. “I guess I'm late” sabi niya at mahinang tumawa at napayuko.
Hindi ako umimik at hinintay ko kung may sasabihin pa siya.
“Ah.. Sige I’ll see when I see you later” sabi niya at tumabi sa dadaanan namin. Bahagya naman akong tumango bilang p respeto.
“Buti nalang naunang mag-paalam si Callum sa mga yun, kung hindi – sabagay hindi ka naman papayag” sabi niya at natawa kaya siniko ko siya para sawayin siya.
Nakarating na kai sa aming room at maya maya lamang ay nagsimula na ang klase. Natapos ang unang subject namin at iniintay na namin ang susunod na prof nang may lumapit sa upuan ko.
Napatunghay ako mula sa pagbabasa dahil sa nasa harap ko. Nagtataka kong tiningnan yung lalaking nasa harap ko.
“Ah… Uhmm…. C-can you b-be my date f-for later’s e-event? Nauutal at hindi mapakaling tanong niya sa akin.
Napakamot ako sa aking kilay sa narinig.
“I.. already have” sabi ko sa kaniya at Napatingin sa kaibigan ko na nasa tabi ko lang.
“Oh.. ok” sabi niya at tumango bago dali daling umalis sa harap ko. Natapos na ang klase kaya naglalakad na kami ni Amara papuntta sa parking lot.
Balak namin na sa labas nalang kami kakain dahil mag papa-manicure a pedicure pa si Amara. Malapit na kami sa parking lot nang may lumapit na namn sa akin na lalaki pero bago pa siya makapag salita ay agad naman sumbat si Amara.
“Kung magtatanong ka to her Date, meron na siyang ka-date so excuse us” sabi ni Amara at agad akong hinila pa-alis doon.
Nilingon ko yung lalaki at nakita kong napayuko siya sa mga estudyante na kasalubng niya na nakarinig ng sinabi ni Amara.
“You’re harsh” Sabi ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng kotse ko.
“Eh, kasi ang bagal mo sumagot tuwing may magtatanong sayo, baka matagalan pa tayo eh may ag-aayos pa tayo para mamaya.”
Kuamain muna kami baga mag pa salon si Amara, pati ako nadamay sa salon niya kaya naman kulot na yung buhok ko pagkarating namin sa bahay.
I did my make up and Amara did hers, we were almost ready when Nanay knock on the door. Sinilip niya kami at ngumiti nang makita kaming naka-ayos na.
“Nandyan na yung mga sundo nino naghihintay na sa baba, ayaw pa ngang pumasok at dun na lamang daw mmagiintay sa labas” sabi ni nanay habang inaayos ang aming damit at buhok.
“Syempre hindi naman ako papayag na mag-inay yung mga gwapo ng yun sa labas, ang gaganda talaga ng mga anak kong ito” sabi ni nanay at pinagmasdan kami
Ngumiti ako sa sinabi niya at ganun din si Amara.
“Syempre naman nay, saan pa kami magmamana eh anak nyo kami” sabi ni Amara at tinaas pa ang kilay ng dalawang beses.
“Ay naku… Sya maiwan ko na kayo at bababa na muna ako para kwentuhin yung dalawa sa baba. Bilisan nyo na riyan ng makababa na rin kayo” sabi niya at binukasan ang pinto.
“Ay nay sbay na tayo, tapos na rin naman ako” sabi ni Amara at agad naglakad papunta sa pinto. Tumango naman ako sa kanila at nag-ayos na ulit ng sarili.
I just put my necklace and check my bag if may naiwan ba akong gamit. Pagkatapos ay agad naman akong lumabas ng kwarto para bumaba.
Agad ko silang nakita sa baba at nang mapansin nila ako ay tumingin sila sa akin. Nang makarating ako sa baba ay agad kong napansin si Callum na nakatayo malapit kay nanay at tatay.
Hindi ko alam kung bakit parang ang gwapo niya ngayon. O dahil naka-suit siya ngayon?
“Oh.. ang ganda naman ng anak ko, parang model oh” sabi ni tatay na nag pabalik sa akin sa relayidad, nagiwasako ng tingin kay Callum.
Napatingin ako kay Kyle at tumango sa kaniya.
“Siya sige na at baka malate pa kayo” sabi ni nanay. Hinati nila kami sa may pintuan.
“Inagt kayo at enjoy” sabi ni tatay at yumakap sa akin.
Humalik naman ako sa kanilang pisngi. “Mag pahinga po kayo ng maaga” sabi ko sa kanila at lumabas na ng gate.
Nakatayo na si Callum sa tabi ng kaniyang kotse, naglakad ako papalapit sa kaniya para makapasok sa kotse niya.
Pinagbukasn niya ako ng pinto, pumasok naman ako sa loob.
Napasinghap ako nang lumapit ang kanyang mukha sa akin, halos isang dangkal na lamang ang agwat ng mukha namin. Hindi ko magawang itulak siya dahil sa napaka gandang mga mata niya.
Napatitg ako roon at parang hinihigop niya ang lakas ko sa pamamagitan ng pagtitiis niya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin na parang pinag-aaralan ang mukha ko. Unti unti siyang napangiti.
Naramdaman ko nalang ang seat belt sa aking katawan at bumulong sa akin.
“Damn, ang ganda mo palagi”