Chapter 9 Note

Days were great, all I do is to study and go home but the thing here is that, there is someone whose been texting me ever since he or she started texting me.

I mean it’s weird for me because that person is so persistent, I don’t even reply a single to his or her texts.

And what’s weirder is that this person has been updating me about is life, katulad na lang ngayon.

Unknown:

‘Napaka gandang umaga para sa napaka gandang babaeng nnasilayan ko >3’

‘Kumakain na ako ng breakfast ko sana ikaw rin, stay healthy kasi ayaw ko ng sakiting nanay’

Napatigil ako sa paglalakad papasok ng school habang hindi makapaniwala sa nabasa ko. Inulit kong basahin iyon baka kasi mali lang ang pagkakabasa ko pero hindi yun nagbago.

“Did this person just insult me? Do I look like I’m a mother already? Hindi makapaniwalang belong ko sa sarili ko.

Just when I’m about to walk again I got a text message from this unknown person.

Unknown:

‘Don’t get me wrong, but you look like a mother’

‘mother of my future children’

Tiningnan ko lang iyon at umirap bago binulsa ang phone.

“Tsss, I already felt insulted by your first message” bulong ko bago lumiko papunta sa department ko.

May mga estudyante na nakakasabay akong nag-uusap tungkol sa evennt bukas.

“Balita ko wala pa raw partner si Cal, Eh diba crush mo yun ikaw na gumawa ng move” sabi nung babaeng nasa unahan ko sa kasama niya

“Eh nakakahiya naman, paano kapag meron na pala hindi niya lang pinapa-alam?”sagot naman nung kasama niya.

“Baka nga, Feel ko bet nya yung isang volleyball player na natanggap last try out eh si Za –“

Naputol ang kaniyang sasabihin at napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila ng bahagya at sinagot ang tawag ni Amara habang nilalampasan yung dalawang nagchichismisan sa unahan ko kanina.

“Grabe ang ganda niya talaga, hindi na ako magtatakda kapag maraming nag-aya sa kaniya para sa event bukas.” rinig kong sabi nung isa nang bahagyang maka lampas ako sa kanila.

“Girl, dito ka na dumaretso sa cafeteria” sabi ni Amara sa kabilang linya at binaba ang tawag.

Bastos paano kung ayaw ko? Napiling na lang ako at naglakad papunta sa cafeteria.

Nakasabay ko pa papasok ng cafeteria si Callum, hinanap ko si Amara at nakita ko siyang naka-upo sa isang table kasama ung apat, wala si Isaac.

Umupo ako sa tabi ni Amara.

“Oh bakit ka nakasimangot? Agang aga” bungad nga sa akin ng nakaupo ako sa tabi niya.

“Nothing, someone is just irritating” sagot ko sa kaniya at tumingin sa harap namin.

Nakupo sa tapat ko si Arvin na nakikinig sa amin. Ngumiti siya sa akin nang makita akong nakatingin sa kaniya.

“Morning, walang good sa morning mo kaya morning lang” sabi niya at ngumiti sa akin.

Ngumiti rin si Nash, Kyle, at Callum sa akin habang hindi naman ako pinansin ni Vin.

“Someone? So you didn’t know this person” tanong sa akin ni Amara, kaya tumango ako sa kaniya habang nakatingin sa malayo.

“Nakasalubong mo?” tanong niya pa at umiling naman ako

“Eh ano?” tumingin ako kay Amara.

“Text” simpleng sagot ko sa kaniya.

“Oh… Anong sabi?” tanong niya pa habang bahagyang nakaharap sa akin.

“That person just said that I look like a mother” irritadong sagot ko sa kaniya at umirap sa hangin.

“WHAT!” OMG THE AUDACITY!” malakas na sabi niya kaya Napatingin sa amin ang mga nasa kalapit na table.

Napa-ubo naman si Callum kaya napatingin kami sa kaniya, tinapik ni Vin ang likod nya habang nakatingin sa libro niya.

“Uy…. Okey ka lang?” tanong ni Kyle sa kaniya. Tumango naman siya at tumingin na ulit sa amin ni Amara yung apat.

“Patingin nga nung text” sabi ni Amara at inabot ko naman sa kaniya yung phone ko habang nakapahalumbaba.

“‘Kumakain na ako ng breakfast ko sana ikaw rin, stay healthy kasi ayaw ko ng sakiting nanay’” pagbabasa ni Amara sa text. Napairap naman ako sa narinig.

Lalong kumukulo ang dugo. Tss

“‘Don’t get me wrong, but you look like a mother’

‘mother of my future children’” basa pa ni Amara sa text at agad naman tumili at sinundot sundo ang aking tigiliran.

Tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil naman siya, tiningnan ko rin si Arvin na natawa sa aking harapan kaya napatigil din siya sa pagtawa pero halatang nagpipigil pa rin ito ng tawa.

“Bumanat naman pala, ikaw naman” sabi ni Amara at inabot sa akin ang phone ko.

“Well, too late for his banat” sabi ko. I have this feeling that he’s he kasi kung babae yan hindi naman ganyan ang magiging approach ng texts niya.

“Bakit late?” tanong ni Callum habang medyo inuubo pa.

Tiningnan ko siya.

“Well, I waited for for a minute kasi baka may kasunod pa yung text, but he didn’t text immediately” kibit balikat kong sabi.

“Ikaw talaga, napaka mainipin mo kahit kailan” natatawang sabi sa akin ni Amara.

Hindi ko sila pinansin at nilabas ang aking phone para mag scroll muna sa Instagram ko.

Maya maya lang ay tumayo na kami at naglakad papunta sa building namin.

“Saan kayo? Bakit nasunod kayo sa amin?” tanong ni Amara sa lima.

“I’ll go now” sabi ni Vin at umalis na

“Engineering department kami ni Callum” sagot ni Kyle sa tanong ni Amara. Nasa katabing building lang yung engineering department.

Kaya pala nakasunod pa sa amin.

Tiningnan naman namin si Arvin at Nash.

“Sa business din kami” sabi ni Arvin at tumango si Nash.

“Magkaiba lang pala tayo ng section eh” sabi ni Amara at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nakarating kami sa tapat ng building namin.

“Sabay na tayo lunch, isabay nyo na sila pababa, intayin nalang namin kayo dito sa baba ng building nyo” sabi ni Kyle at tumango lang sila.

Nakarating na kami sa aming room, at katabi lang pala ng sa amin yung kila Arvin.

Naupo na ako para makapag basa pa ako ng tumunog ang phone ko.

Unknown:

‘Ikaw ang pinaka magandang magiging nanay na hindi ko pagsasawaan, kasi ikaw lang naman ang magiging nanay ng magiging anak ko’

Napa-ismid ako sa nabasa ko.

Hindi siya maka get over sa “nanay” pick up lines niya. Umirap lang ako at umayos nang upo para makinig sa prof namin.

“That’s for today, make sure to submit your paper before this day ends. I’ll be waiting for it at my office” Sabi ng prof namin ngayon.

“Class representative, please make sure to give it to me” sabi niya at tumango naman ang aming class representative.

“Class dismissed” sabi niya at lumabas ng room namin. Nagsimula naman akong mag-ayos ng gamit ko at inintay si Amara na matapos ang kaniyang pagpapa-ganda.

“Bilisan mo dyan at pinagkakaguluhan na yung apat sa labas” bored kong sabi sa kaniya habang nakatanaw sa labas kung nasaan yung apat.

“Anong apat eh sila – Fudge” sabi niya at nag madali nang makita yung apat sa labas.

Lumabas na ako at nakita ko yung apat na napapalibutan ng mga babae

“Arvin pwede pa pic?” tanong nung isang babae at agad namang tumango si Arvin. Nagpa-pic din sila kay Nash at Kyle.

“Cal, pwede pa pic din sayo?” tanong nung babae, inipit niya pa ang buhok sa kaniyang tenga. Patagilid ko silang tiningnan.

Nakita kong napasulyap sa gawi ko si Callum bago tumango at agad namang lumapit yung babae.

“I’m hungry” sabi ko kay Amara at agad naglakad paalis.

Agad naman sumunod sa akin si Amara at Kyle at naiwan sila Arvin Nash at Callum dahil sa mga nag papa-picture pa.

Nakarating na kami sa cafeteria at naka habol sa amin yung tatlo, nakita kong nasa table na rin si Vin at Isaac.

Pumila ako para umorder.

I just chose carbonara and egg sandwich for my lunch. Tiningnan ko yung drinks at naghanap ng yakult.

“Ate, may yakult pa po kayo?” tanong ko sa nagtitinda nang hindi ko makita ang yakult.

“Ay wala na eh” sagot niya

“Uh, okey” Sabi ko at binayaran na ang aking order.

Naglakad na ako papunta sa table kung nasaan si Isaac at si Vin.

“Hi Chin!” bati agad sa akin ni Isaac pagkaupo ko. Tumango lang ako at inayos ko ang aking pagkain.

Sumunod na umupo si Amara sa kanan ko katabi si Kyle at umupo din si Callum sa kaliwa ko.

Nagsimula na akong kumain at nagkwetuhan naman yung anim.

Tahimik lang kaming dalawa ni Callum at hindi naman kami pinapansin nung anim.

“May partner na kayo para bukas?” tanong sa amin ni Nash

“Ako meron na” mapalad ang ngiti na sabi ni Isaac sa amin.

“Meron din ako” sabi ni Vin ng hindi kami tinitingnan.

“Syempre meron ako, ako pa ba. Maraming nagyaya sakin eh” mayabang na sabi ni Arvin sa amin.

“Meron din ako, kayo?” Tanong ni Nash sa amin.

“Pwede ba ikaw nalang ang partner ko? Wala pa kasi ako eh” nahihiyang tanong ni Kyle sa katabi niyang si Amara.

“What the fuc – “ agad kong na takpan ang aking bibig para hindi matuloy ang pagmumura ko.

“Bakit?” tanong sa akin ni Arvin na nasa harap ko.

Umiling lang ako at ngumiti ng pilit bago tingnan ng masama ang aking katabi dahil kinurot niya ako sa binti ko.

“Sige, okey lang wala pa rin naman akong ka partner” sagot ni Amara kay Kyle.

Pinigilan ko nalang ang sarili kong umirap dahil sa boses niyang pabebe.

Tss, Hindi naman halata g gusto mo yung tao eh no?

“Ikaw Chin?” baling sa akin ni Isaac kaya napatingin ako sa kanila. Nakatingin silang lahat sa akin at nag-aabang sa sagot.

“Uh, is it required?” tanong ko pabalik

“Hindi naman pero, magmumukha ka kasing kawawa bukas kapag wala kang partner.” sagot ni Arvin kaya na nangunot ang noo ko.

Nagkibit balikat lang ako at pinag-patuloy ang aking pagkain.

“May kilala akong mabait, hindi siya nangangagat promise. Depende pala kung gusto mo magpakagat” sabi ni Arvin kaya napatingin ako sa kaniya.

Anong nakakatawa? Tss

“No thanks, I can handle my self” Sabi ko at tumingin ulit sa plato ko.

“Okey, sabi ko eh, pero baka yayain ka rin nun mamaya” sabi niya na hindi ko na pinansin.

Natapos kaming kumain at naglalakad na kami papunta sa building namin, nauna na si Vin dahil may quiz pa raw siya.

Nasa likod nila ako habang naglalakad ng bigla ko nalang nakatabi ko si Callum. Hindi siya nagsalita kaya hindi din ako nagsalita hanggang sa malapit na kami sa building ng business.

Humarap sa akin si Callum kaya napatingin ako sa kaniya. Napatigil din kaming dalawa sa paglalakad. Hindi siya gumalaw kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

“Uhm….. Sayo nalang” inabot niya ang aking kamay at nilagay doon ang isang pack ng yakult bago tumalikod at naglakad papuntang building nila.

Napatingin naman ako sa yakult na hawak ko at nakitang may sticky note iyon.

‘Can you be my date? Accept my follow request if your answer is yes’

-@calthedove

“Hoy, Tara na malelate tayo niyan” sigaw ni Amara kaya tinago ko sa bag ko ang yakult at naglakad papasok ng building.