Chapter 9
“Tandaan mo Phoebe, hindi ka pwedeng mainlove kay Evan. Ang pakay mo lang ay ang ipaghiganti ako okay?” Muling salita ni Peyton. Halos marindi na si Phoebe sa paulit-ulit na linyahan ng nakatatandang kapatid mula pa kahapon.
Ngayon ang araw na magsisimula na sya sa trabaho. Kagabi pa nakaayos ang mga gamit nya pero hindi nya pa rin mahanap sa sarili ang pagiging handa.
“Alam ko ate. Paulit-ulit ka naman eh.” Iritableng tugon nya. Sino ba namang hindi maiirita na iyon at iyon lang ang sinasabi ng nakatatanda nyang kapatid. Ni hindi man lang sya nito habilinan na alagaan ang kanyang sarili.
“Aalis na ako, ate. Nandyan na ang sundo ko,” aniya nang marinig paulit-ulit na pagbusina ng sasakyan sa labas. Isang beses nya pang nilingon si Peyton, umaasa na maghahabilin ito ng bagay na ikatutuwa nya pero tanging ang pagtaboy lamang ng kamay ng nakatatandang kapatid ang tanging nakuha nya.
Laylay ang balikat na naglakad sya palabas. Kahit ingat man lang ay wala syang narinig mula sa ate. Malungkot na yumuko sya. Bitbit ang maleta na hiniram nya pa sa nakatatandang kapatid ay naglakad sya patungo sa itim na kotseng nakaparada sa kabilang banda ng daan.
“Let me help you with that.”
“E-evan?” Gulat na tinitigan ni Phoebe ang taong nasa harapan. Bagaman nakasuot ito ng sombrero ay kilang-kilala nya ang mukha ng binata.
“Yes, of course. Who else you think would pick you up?” Tanong nito saka iniayos ang mga gamit ng dalaga. “Get in.” Utos nya at binuksan ang pinto ng kotseng nasa kanilang harapan.
“Wow. Kotse mo ‘to?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Phoebe. Nanlalaki ang mga mata nyang nagpapalit-palit kay Evan at sa kotse Nakasakay na siguro ditto si Ate.
Nasabi nya na yata ang lahat ng salitang nagpapakita kung gaano sya kamangha sa disenyo ng sasakyan na ito. Bukod kasi sa pangdalawahan lang ang upuan noon ay hindi rin ordinaryo ang ayos ng pinto, naka-angat kasi ito hindi tulad ng sa ibang sasakyan na madalas nyang makita.
“Got a problem with that?”
“Ang yaman mo.” Papuri nya. Saka hindi makapaniwalang naupo sa passenger seat.
Naging matipid sya sa bawat paggalaw, natatakot na baka sa isang maling kilos ay masira nya ang kung ano mang naroon sa loob ng kotseng kinauupuan. Hindi pa man nakababawi sa pagkamangha ay ganoon na lang ang gulat nya nang sumilip yumuko ang binata para silipin sya.
“I am Evan Johnson,” aniya, nagmamalaki. Nakapataong pa ang isang kamay nya sa bubong ng sasakyan ang isa naman ay nasa pinto.
Hindi malaman ni Phoebe kung paanong nagawa ng lalaking ito na pabilisin ang pagtibok ng kanyang puso sa simpleng pagpapakilala nya. Iniwas nya ang kanyang paningin, “Okay.” Pinagdikit nya ang kanyang mga labi saka inilibot ang paningin nang hindi ikinikilos ang kanyang ulo saka lamang sya nakahinga ng maluwag nang isara ni Evan ang pinto saka patakbong sumakay ng sasakyan.
“This is a Pagani Huayra.” Pagbabasag ni Evan sa katahimikan. Nakangiting inilibot nya ang paningin sa loob ng sasakyan. Mamahalin siguro tala ito para tignan nya ng ganoon kaganda.
“Pagani Hu – ano?”
“Huayra. Nevermind. You wouldn’t even know kahit ilang ulit ko pang sabihin sa’yo.”
“Okay.” Hindi nya malaman kung iniinsulto nga ba sya ng binata dahil sa paraan ng pananalita nitong puno ng pagkasarkastiko. Pero totoo naman na hindi nya alam kahit ilang ulit pa nitong sabihin ang pangalan ng sasakyan.
“You have my schedule, right?”
“Opo. Uhm, sandali.” Saad ng dalaga saka kinalkal ang bag na nasa kandungan nya. “Ito!” Excited na bulalas nya. Hindi maiwasan ni Evan na mangiti habang pinanunuod itong matuwa nang buksan nya ang notebook. Cute.” M-may meeting ka sa director ng – “
Agad syang nag-iwas ng tingin, “Cancel that.”
“Ha?”
“Cancel it. Bingi ka ba?”
“S-sorry.” Napapahiyang saad ng dalaga. “Mamayang alas-dies ay kailangan mong – “
“Cancel that. You know what? Cancel everything.”
“Ha?”
“Ha?” He mimicked her. “I said cancel everything.”
“P-pero – “
“Are you really deaf?”
“H-hindi.”
“Good. Now cancel everything.”
Gulat na nilingon ni Phoebe ang binata. Nang makita ang pagiging desidido nito sa kanyang mukha ay nagsimula syang magtipa ng numero sa kanyang telepono ngunit agad din syang napahinto, “A-anong s-sabihin ko?”
“Just tell them I have important things to do.”
“A-ano y-yon?”
“Anong ano yon?”
“Yung importante mong gagawin?”
“Are you my wife?! Damn it!”
“S-sorry.” Nakangusong tugon ni Phoebe. Unang araw ko pa lang matatanggal na ako. Sayang yung sahod saka kailangan ko pang gawin ang gusto ni ate.
“Yes. Cancel everything on my sched for now. Just tell them I’m sick.” Salita ni Evan sa telepono.
Nang matapos ito ay agad na inabot ni Phoebe ang cellphone.
“Where were we?”
“Ah n-nasa a-no na tayo, wait.” Aligagang tugon ng dalaga. Inilibot nito ang kanyang paningin. “Mall uhm.” Pilit na kinilala nya ang istrakturang nakita. “East – “
“Ang sabi ko nasaan na tayo sa pinag-uusapan? Ang ganda mo pero napakatanga mo.”
“Ano?” Tanong ni Phoebe. Madiin syang napapikit dahil sa narinig. Sinabihan ba akong tanga? Pero ang inis na nararamdaman nya ay naging panandalian lang dahil unti-unti nitong hindi na nakikilala ang daang tinatahak. “S-saan ta-tayo pupunta?”
“Condo.”
“A-anong g-gagawin natin sa condo?” Nagsimula syang kabahan.
“What do you think?” Nang-aasar na tanong ni Evan. Mas lalong tumindi ang pagkakangisi nya nang makita ang nanlalaking mga mata ng dalaga. “Don’t tell me you’re thinking we’re gonna play jack en poy?”
“A-ano?”
“Grow up, Phoebe.”
“A-alam mo ang pangalan ko?”
“Of course baby. You turn me on like crazy. Paano kong hindi maaalala ang pangalan mo?”
“A-ano, unang araw ko ngayon sa trabaho. K-kailangan kong pumunta sa kompanya nyo.”
“You work for me, bakit kailangan mo pang pumunta doon? Don’t tell me you like someone na nagtatrabaho don?” Dire-diretsong salita ni Evan. Nagtatakang tinignan sya ni Phoebe pero agad ding nag-iwas ng tingin nang balingan sya ng binata.
“Wala akong gusto doon pero ang sabi ni Mr. Lance ay magkita kami ngayon.”
“And why is that?”
“Ha?” Bakit ba tanong sya ng tanong?
“Bakit kayo magkikita? Did he asked you out?”
“Dahil sa kanya ako nagtatrabaho?”
“I told you, you work for me.”
“Okay.” Tugon ni Phoebe saka ipinalubo ang kanyang mga pisngi. Hindi nya na gusto pang magsalita.