Chapter 10
“I can now keep you close to me.” Mahinang salita ng binata. Alam nyang hindi narinig iyon ni Phoebe dahil nanatiling naroon sa mga daliri nya ang kanyang mga tingin.
Such a baby.
Nang marating ang parking lot ng tinitirahang condo ay mabilis na kumilos si Phoebe para sana lumabas ng sasakyan pero dahil hindi pamilyar sa kotse ay halos mangiyak sya kung paano tatanggalin ang seatbelt na kanyang suot. Nang isipin nyang papasok na si Evan sa building nang lumabas ito ay nagkamali sya dahil iiling-iling itong lumapit sa gawi nya. Mabilis nyang iniiwas ang kanyang mukha nang yumuko ang binata para tanggalin ang seatbelt nya. Grabe ang bango! Aniya sa isip. Sa lapit nilang dalawa ay amoy na amoy nya ang mamahaling pabango ng binata.
“Out.” Utos ng binata na mabilis nya namang sinunod.
Si Evan ang nagdala ng gamit ni Phoebe. Ilang ulit nya itong kinuha sa binata pero paulit-ulit lang nitong inaagaw iyon.
‘Gentleman,’ aniya sa isip nang maski ang pagbubukas ng pintuan para sa kanya ay ginawa ni Evan.
“Ikaw lang ho ang mag-isang nakatira dito, Sir?” Tanong nya. Sa laki ng unit na ito, paniguradong maski limang pamilya ay kakasya rito.
Kumuha si Evan ng malinis na tsinelas saka iyon ibinigay kay Phoebe bago sila pumasok sa loob.
“And you, that makes us two.”
“Ang ganda.” Salita ng dalaga. Napaka-elegante ng ayos ng condo na iyon. Ang kulay ng pader ay pinaghalong off-white at brown. May malaking TV sa gitna na akala mo nasa sinehan ka, sa tapat nito ay ang isang malaking sofa na kulay brown. May swing chair sa gilid kung nasaan ang bintana. May malaking litrato ni Evan doon sa kaliwang banda. “Pasensya na ho kayo, Sir. Ngayon pa lang kasi ako nakapasok sa ganitong bahay.” Napapahiyang saad ng dalaga nang mapansin ang mga tingin ng amo sa kanya.
Nakangiting tumango naman si Evan. “You can look around, I’ll just change,” saad nya. Malaki ang ngiting tumango si Phoebe.
Nang umalis ang amo ay isa-isa nyang hinaplos ang mga gamit na naroon, mula sa sofa hanggang sa mga maliliit na disenyong nakalagay sa mga kabinet. Sinadya nyang huling puntahan ang swing chair.
Mas lalong lumaki ang pagkakangiti nya nang makita ang mga kotse sa labas na tila ba nga laruan dahil sa liit ng mga ito sa paningin mula sa kinatatayuan nya.
“Ang ganda.” Ayon nanaman ang parehong pagsasatinig nya ng paghanga. Inilabas nya ang mumurahing telepono saka kumuha ng ilang litrato para ipakita kay Anne kapag nakauwi na sya.
“Are you a virgin?”
Gulat na tumayo si Phoebe saka lumingon sa gawing likod. Literal na napanganga sya nang makita si Evan sa dulo ng hagdan. Nakapasok ang parehong kamay nya sa dalawang bulsa, ang maluwang nitong damit ay nakadaragdag sa kagwapuhan nya and for some reason, she suddenly felt a lump on her throat dahilan para hindi nya magawang magsalita.
“Are you a virgin?” Pag-uulit nya saka dahan-dahang naglakad palapit sa dalaga.
“P-po? O-opo.” Nagtataka man ay sumagot sya.
“You sound nervous. Are you nervous?” Evan smirked. Agad na napaiwas ng tingin si Phoebe nang masalubong ang kakaibang paraan nito ng pagtingin sa kanya.
“S-saan ko ho ilalagay ang mga gamit ko?” Tanong nya. Nang ituro ni Evan ang magiging kwarto nya ay agad syang kumilos.
“Hep. Sinong nagsabi na pwede ka nang umalis?” Iniharang ni Evan ang isang kamay sa dalaga.
Nagtatakang nag-angat ng tingin sa kanya si Phoebe. Ang kaninang nangungusap na mga mata ni Evan ay nagsimulang lumamlam. Isa. Dalawa. Dahan-dahan syang umatras nang magsimulang humakbang ang binata palapit sa kanya. Ang sumisigaw na kagwapuhan nito ay ang dahilan para hindi nya maialis ang paningin sa lalaking nasa kanyang harapan.
“Your scent even turns me on, baby,” ani Evan sa nakakaakit na paraan. Mahigpit na napahawak si Phoebe sa handle ng maleta nang pumantay si Evan sa kanya.
“M-mr. J-johnson.” Pagtawag nya. Pilit nyang sinasalubong ang paningin ng amo at nang unti-unti nitong ilapit ang kanyang mukha ay madiin syang napapikit.
“Sir!” Buong lakas nyang itinulak si Evan palayo nang maramdaman nya ang hininga ng binata sa kanyang leeg. Hindi nya malaman kung saan titingin. Ang kakaibang pakiramdam na hindi nya maipaliwanag ay nagsimulang umusbong sa kanya, para syang kinikiliti roon at hindi nya nagugustuhan ang pakiramdam non. “K-kailangan ko pong ayusin ang gamit ko.” Pagdadahilan nya.
“Cute. Go. Tatawagin kita kapag nandito na ang pagkain.”
Mabilis nyang tinungo ang silid. Isinandal nya ang sarili sa pinto saka hinawakan ang kanyang dibdib, “sinaktan nya ang ate mo.” Paulit-ulit nyang pagpapaalala sa sarili.
Nang tuluyang kumalma ang puso nya ay agad syang naglakad papasok.
“Wow. Kasing laki yata ng bahay namin ‘tong kwarto,” saad nya habang isa-isang dinadapuan ng tingin ang bawat sulok ng silid. Pabagsak nyang inihiga ang kanyang katawan sa kama.
Nag-uumapaw na saya ang nararamdama nya dahil ito lang yata ang unang beses ba makahihiga sya sa ganoon kalambot na kama. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang mga salitang sinabi ng nakatatandang kapatid. Taliwas kasi sa ikinuwento ng ate nya si Evan. Sabi nito, may ugali daw talaga pero ang ikinikilos naman nito sa kanya ay kabaliktaran.
“Phoebe, nandito tayo para iganti si Ate Peyton!” Pagpapagalit nya sa sarili. Nagbuga sya ng malalim na hininga saka nakangiting umayos ng tayo.
Hindi pa man nya nasisimulan ang pag-aayos ng gamit ay agad nya nang narinig ang tatlong katok mula sa pinto.
“The food is ready.” Rinig nyang salita ni Evan.
“Okay po!” Patakbo syang nagtungo sa pinto at laking gulat nya nang pagbukas nya ay agad na sumalubong ang matipunong dibdib ng binata. Nakalagay ang parehong kamay nito sa hamba ng pinto.
“S-sir.” Bahagya nakabuka ang bibig ni Phoebe, “M-may kailangan pa po ba kayo?” Naroon nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso nya nang masalubong ang mukha ng binata. Kailangan nya na sigurong magpacheck-up.
“Can I kiss you?”