Chapter 8: #Chapter 8
“Nice booty.” Bulong ng binata. Saka lamang sya natauhan nang maramdaman ang pagpisil nito sa kanyang pwetan. Gusto nya sanang magprotesta sa ginawa ni Evan pero hindi ito nakagalaw nang muli syang bulungan, “I wanna fvck you hard. Real hard.”
Naiwang tulala si Phoebe dahil sa sinabing iyon ni Evan. Hindi nya alam kung imahinasyon nya nga lang ba iyon o kung talagang iyon ang sinabi ng binata.
“Ms. Molina?”
“P-po?”
“Tara sa office ko.” Utos ng lalaki sa kanya. Sa palagay nya ay mukhang matanda lamang ito ng ilang taon sa kanya. Thirty years old? Wala sa wisyo syang sumunod papunta sa opisina. Hanggang sa makaupo sya ay nanatiling nasa kawalan ang isipan nya.
“I am Louie Nemesis. The CEO of this company.” Pagpapakilala ng lalaki. Nakangiti nyang inabot ang kamay nito. Siguro’y guni-guni nya lang iyon. Mukha naman syang disenteng tao.
“Here are the things you need to learn about Evan. Kalakip nyan ay ang rules para sa mga personal assistant nya.” Dagdag ni Louie saka iniabot sa kanya ang isang folder. Tatango-tango nyang inilipat ang bawat pahina ng file na iyon. Hindi yata bababa sa sampong pages ang laman non. Sabagay. Marami siguro talagang kailangan alamin sa lalaking iyon lalo na’t isa syang sikat na personalidad.
“Sa susunod na linggo pa magsisimula ang trabaho mo dahil may inaasikaso si Evan sa ibang bansa pero kapag nakabalik na sya ay kinakailangan mong tumira sa condo nya.”
“Ho?!” Gulat na bulalas nya.
“May problema ba?”
“B-bakit ho kailangan kong tumira sa condo nya?” Alanganing tanong ni Phoebe.
“Nasa ad yon ah? Hindi mo ba nabasa?”
“H-hindi h-ho. Nang makita ko ho kasi na maganda ang offer ninyo sa trabaho’y hindi na ako nagdalawang isip na mag-apply.” Pagsisinungaling nya. Gustong pagalitan ni Phoebe ang sarili dahil hindi man lang binasa ang laman ng ad pero ano pa ang magagawa nya ngayon? Tinanggap na sya.
“Hm. So ayon, kailangan mong tumira sa condo nya dahil kakailanganin ka nya ng buong araw. Kadalasan kasi’y may mga biglaan syang shoot.”
“O-okay h-ho.” Walang nang atrasan ito! “Ano ho ito?” tanong nya nang maglapag si Louie ng isang sobre sa kanyang harapan. Isinenyas nito na kunin nya iyon at hindi nya lubos maisip kung gaano kagalante ang kompanya na ito dahil nang buksan nya iyon ay hindi lang yata sampong libo ang laman non – cash!
“Advance payment. Bukod pa iyan sa matatanggap mo sa unang buwan na trabaho. Pwede na natin siguro sabihing bonus mo iyan.” Nakangiting saad ni Louie.
“P-pero h-hindi pa naman po disyembre.”
“Ayaw mo ba?” Tanong nya. Hindi nya maintindihan ang dalagang kausap. Kung ibang tao iyon ay agad na tatanggapin ang pera na iniaabot nya pero ang babaeng ‘to? Kakaiba. “Akin na.” Iniabot ni Phoebe ang sobre dahilan para matawa si Louie sa inaasal nya. Kakaiba talaga.
“Binibiro lang kita.” Tumatawang salita nito. Muli syang naglabas ng isa pang sobre na mas lalong nakapagpagulo sa isip ni Phoebe dahil nang buksan nya iyon ay pera nanaman ang laman. Nagtatanong ang mga mata nya nang mag-angat ng tingin sa taong kausap, “Pinabibigay iyan ni Evan. Bumili ka raw ng mga disenteng damit.”
“Hindi ho ba disente ang suot ko?”
“Disente naman kaso….. masyado nang makaluma ang porma mo, hija.” Nag-aalangang tugon ng lalaki. Tinignan nya pa si Phoebe mula ulo hanggang paa, hindi nya tuloy maiwasan ang hindi mahiya. “Kapag kasama mo si Evan ay kailangan nakaayos ka rin.”
“O-okay ho.”
“Pirmahan mo ang kontrata na ito tapos pwede ka nang umalis. Magkita na lang tayo ulit sa susunod na linggo.” Salita ni Louie saka inilapag ang papel sa kanyang harapan. Bukal sa loob na pinirmahan nya ito.
“Salamat ho,” saad nya saka yumuko.
Hindi makapaniwala si Phoebe sa nangyari. Ang inaasahan nya kasi talaga ay mahihirapan sya sa pag-aapply lalo na’t hindi sya nakatungtong sa kolehiyo. Hindi naman nya akalain na ganoon lang pala talaga kadali ang mag-apply sa lalaking iyon.
Tulad ng sinabi ni Louie ay dumaan sya ng mall nang matapos syang kausapin nito. Bagaman hindi sya makapaniwala sa laki ng halagang ibinigay sa kanya ay ipinamili nya iyon ng mga damit. Hindi nya maitago ang saya dahil ito lang yata ang unang beses na makakapamili sya ng pangsarili. Hindi lang isa kundi kahit ilang pares pa.
“Ate magkano ho ito?” Tanong nya sa tindera nang makakita ng isang dress na kulay peach sa isang boutique.
“Two thousand five hundred po, ma’am.” Nakangiting tugon ng babae. Iginaya sya nito papasok sa shop na iyon para mas lalo nyang makita ang detalye ng dress.
Ang mahal. Saad nya sa kanyang isip. Pero magugustuhan ito ni ate panigurado. Muling dagdag nya. Matapos ang ilang ulit na pagtatalo ay napagdesisyunan nya na wag munang bumili ng bagong telepono para mabili ang dress na iyon para kay Peyton.
Malaki ang ngiting sinisipat nya ang paper bag na hawak habang naglalakad palabas ng mall. Siguradong matutuwa yon. Hanggang sa pagsakay at pababa ng jeep ay hindi nawala ang ngiti nya.
“Hoy! Mapera ka yata?” Salubong ni Anne sa kanya nang makita ito sa kalsada.
Hindi sumagot si Phoebe bagkos ay ipinakita nya ang paper bag na naglalaman ng dress, “Binili ko para kay ate.” Pagmamalaki nya. “Binigyan ako ng advance payment nung kompanya ni Evan Johnson.”
“Ibig sabihin ay natanggap ka?!” Excited na tanong ni Anne. Hindi nito naitago ang ngiti nang tumango ang kaibigan.
“Oh eh ano nanaman ang binili mo sa bruha?” Dagdag na tanong nya saka binuklat ang paper bag. “Sa ate mo nanaman. Hindi ka ba bumili ng para sa’yo?”
“Bumili. Ito oh,” tugon nya saka iniangat ang kaliwang kamay nya. Sa itsura non ay mukhang sa tyanggian nya lang binili ang mga damit na laman non.
“Wag mo sabihing itong kay Peyton ay mamahalin nanaman at iyang sa’yo ay tig-singkwenta lang?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Anne.
Hindi talaga nya gusto ang ugali ni Phoebe na ganito. Si Peyton ay panay branded ang mga damit habang sya ay iyong mumurahin lang. Pera naman nya ang ginagamit nyang pambili pero wala syang magandang dress o branded na damit maksi isa man lang.
“Ano ka ba?! Tig-isang daan ang iba dyan. Saka di ko naman kailangan ng magagarbong damit ‘no.” Nakangiting saad nya. Hindi naman talaga importante sa kanya ang material na bagay. Ang mahalaga lang sa kanya ay iyong mapasaya ang nakatatanda nyang kapatid kahit hindi sila madalas magkasundo.