Chapter 7
“May lakad ka?” Gulat na sinalubong ni Phoebe ang tingin ng kapapasok lang na si Peyton. Sa hitsura pa lang nito ay halata na ang pagod kaya naman mas lalo nyang naramdaman ang awa para rito. Alam nyang isa sa pinaghihirapan nito ay ang bahay na ipinangako nya sa kanya.
“Ayos ka lang ba?” Tanong nya saka inalalayan ang ate na maupo sa silyang naroon. Mabilis syang nagtungo sa kusina saka kumuha ng tubig na inumin.
Puno ng pag-aalala ang mga mata nya habang nakatitig sa nakatatandang kapatid.
“Ayos lang ako, Phoebe. Masyado lang akong napagod sa trabaho.” Pilit ang ngiting tugon ni Peyton. Inihilig nya ang kanyang ulo sa matigas na sandalan ng silya saka pumikit.
“Bakit hindi ka muna kasi magpahinga?”
“Kailangan kong abalahin ang sarili ko para makalimutan ang ginawa sa akin ni Evan.” Ramdam na ramdam ang sakit sa tono ng pananalita ni Peyton. Hindi man gusto ni Phoebe na ipakita ang awa para sa nakatatandang kapatid ay hindi na nito napigilan ang sarili nang makita ang isa-isang pagpatak ng luha ni Peyton.
“Ate.” Pagtawag nya saka mahigpit na niyakap ito.
“Ayos lang ako,” tugon ng kanyang ate saka mahinang tinapik ang kanyang balikat. “Saan ka pupunta?” Tanong nito nang mapansin na nakabihis ang nakababatang kapatid.
“Ah. Mag-aapply ako ng trabaho.”
“Hindi ba’t may trabaho ka? Bakit kailangan mo pang lumipat ng ibang trabaho?” Umayos ng upo si Peyton saka nagtatakang pinag-aralan ng mukha ng kapatid.
“Mas maisasagawa ko kasi ang paghihiganti kapag mas napalapit ako kay Evan, ate.”
“So?”
“Mag-aapply ako bilang personal assistant nya.”
“Bakit?!” Pasigaw na tanong ni Peyton. Tumikhim sya saka nag-iwas ng tingin nang makita ang gulat na mukha ng kanyang kapatid. “I mean, baka pahirapan ka nya.”
“Nangako ako sa’yo, ate. Hinding-hindi kita bibiguin.”
“Pero—“
“Mauuna na ako. Baka marami na ang nakapili doon.”
“Phoebe—“ isang magandang ngiti lang ang ibinigay nya kay Peyton bago tuluyang isinara ang pinto.
Naglakad sya patungo sa sakayan ng jeep na puno ng kaba dahil kahit anong pagsisinungaling nya ay alam nya sa sariling mahihirapan syang gawin ang gusto ng ate nya. Wala syang ideya sa pakikipagrelasyon, paano pa kaya ang pang-aakit sa isang lalaking hindi nito kapantay sa buhay? Siguro nga ay tama si Anne nang sabihin nitong tanga sya sa pagpayag.
Literal na napanganga sya nang marating ang building ng kompanya na naghahandle kay Evan Johnson. S&Y Entertainment. Iyon ang mga letrang nakaukit sa pinakataas ng gusali na kanyang nasa harapan. Ilang minuto pa syang nanatiling nakatingala roon, binubusog ang kanyang mga mata sa tanawin bago tuluyang napagdesisyunan na pumasok sa loob.
“Look at her! Duh? Sa tingin nya ba matatanggap sya dito? Mukha syang squatter!”
“I agree. Hindi sya nababagay na mag-apply dito.”
Rinig nyang bulungan nang marating ang floor kung saan isinasagawa ang interview. Ang mga mapanghusgang tingin sa kanya ay tila ba unti-unting lumalamon sa lakas ng loob na mayroon sya kanina. Ano nga ba namang panama sya sa mga naroon? Isang maluwag na tshirt at lumang pantalon lang ang suot nya, halatang mumurahin ang sapatos nyang suot samantalang ang ibang aplikante ay sumisigaw ang kayamanan sa ganda ng pananamit. Bukod pa roo’y kupas na ang bag na dala nya. Hindi tulad nya ay nakaayos rin ang mga babaeng iyon at mukhang kalalabas lang ng salon samantalang sya ay nakapusod lang ang buhok. Sinadya nyang ipusod ang iyon nang sa gayon ay hindi iyong maging abala sa interview na gagawin.
Pakiramdam nya ang nangliliit sya sa mga tingin ng tao sa kanya!
“Ms. Phoebe Molina?”
“Ako po!” Excited na saad ni Phoebe. Nakataas pa ang isang kamay nya na akala mo’y nasa paaralan at handing sumagot ng tanong mula sa guro.
“You may come in,” anang babae sa kanya. Iginaya sya nito sa opisina. Bago pa man sya pumasok ay madiin nyang ipinikit ang kanyang mga mata saka nagdasal.
“Good morning po.” Nakangiting bati nya nang tuluyang pumasok.
Palihim na napangiti ang binatang nasa harapan habang pinanunuod ang dalaga na batiin isa-isa ang mga taong naroon. Abala sya sa telepono nya kanina pero ibinaba nya iyon nang pumasok pa lang ang dalaga. The hell! Anong pakialam nya sa kausap nya!
“Ako po si Phoebe Molina, 23 years old—“
“You’re hired,” saad ng binata. Hindi na nito pinatapos pa ang sasabihin ni Phoebe dahil tila ba perpekto na ito sa kanyang mga mata.
Naguguluhang tinignan sya ng dalaga. Ang namimilog nitong mga mata ay nagdadala ng kung anong pakiramdam sa binata. Hindi nya matukoy kung tama nga ba ang nararamdaman sa una pa lang nilang pagkikita.
Yon na yon? Tanong ni Phoebe sa kanyang isip. Ni wala pa nga yatang tanungan na nagaganap pero tanggap na sya.
“Evan.” Rinig nyang pagtawag ng isang lalaki sa binatang nakatunganga sa kanya. Hindi nya gustong paniwalaan ang nakikita. Ang magulo nitong buhok na kulay tsokolateng may bahid na blonde, ang perpektong kurba ng labi nyang mapupula na tila ba ginawa para halikan, ang matangos na ilong at ang nakakaakit na mata ng binatang nasa harapan nya ay hindi nya lubos maisip na si Evan Johnson pala.
Mas gwapo sya sa personal! At napa-kahipokrita nya kung sasabihin na hindi sya napanganga habang pinanunuod itong ngumiti sa mga naroon. Totoo ba talaga ang taong ito?
“I need to go. I have a flight to catch.” Paalam nya saka walang sabing tumayo. Sa muling paghakbang ng aktor ay mabilis na tumayo si Phoebe, tulala at tila ba hindi pa rin maproseso ang itsura ng lalaking pinaplano nyang paghigantihan.
Ramdam nya ang pagtigil ng hininga nya nang yumuko ito. Ngayon ay amoy na amoy nya na ang pabango ng binata. Ramdam nya ang hininga nito sa kanyang tainga na nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa kanya.