CHAPTER 18
“So, you remember me now?”
Gulat na umikot si Phoebe paharap kay Evan. Kitang-kita ang hiya sa kanya habang pinagtutuunan ng pansin ang hindi nya maipaliwanag na lungkot sa mga mata ng binata.
“Did you regret it?” Malungkot na talagang tanong nya. Ngayon ay parang nagsisisi si Evan na ginusto nya pang maibalik ang ala-ala ng dalaga. “You keep saying stupid sa sarili mo, are you regretting it now?” Muling tanong nya nang manatiling tahimik si Phoebe.
Hindi nya malaman kung paanong sasagutin si Evan. Hindi sya nagsisisi sa mga mga halik na pinagsaluhan nila ng mga nagdaang araw pero ramdam nya ang hiya sa hindi malamang dahilan.
“I—“
“It’s fine. It’s my fault. I shouldn’t have lied to you.” Nakayukong salita ni Evan. “I’m sorry.” Nang mag-angat sya ng tingin ay pilit syang ngumiti.
Hindi maiwasan ni Evan na masaktan nang marinig nya ang unti-unting paghakbang ni Phoebe papalayo hanggang sa tuluyang maglaho ang mga yabag sa kanyang pandinig. Paniguradong umalis ang dalaga dahil sa nagawa nya. Agad syang lumabas ng kusina. Dama nya ang lungkot at pagkukulang nang maabutang tahimik ang buong bahay.
Hindi nya alam na magiging ganito sya kalungkot sa pag-iisa ngayon. Noon naman kasi ay sanay sya, ipinagpapasalamat nya pa nga na may sarili syang condo at hindi nya na kailangang pang umuwi sa bahay nila na sobrang ingay.
“I’m all alone…. Again.” Wala na yatang mas lulungkot pa sa tono ng kanyang pananalita. Akala nya mas magiging masaya sya kapag nakaalala na si Phoebe pero siguro nga tama ang mga katagang maraming namamatay sa maling akala dahil ngayong nakalaya na si Phoebe sa pagkakakulong ng mga ala-ala nya at iniwan sya ay unti-unting nadudurog ang puso nya.
Inilabas nya ang lahat ng alak na mayroon sya saka umiiyak na inubos ang lahat ng iyon.
NANLALAKI ang mga matang naglakad si Phoebe papasok ng bahay. Nakatakip ang dalawang daliri nito sa kanyang ilong dahil sa umaalingasaw na amoy ng alak. Mabilis syang naglakad papasok para lamang makita si Evan na nakahilata sa sahig habang pinalilibutan ng bote at lata ng beer.
Ano bang pumasok sa isip nito’t naglasing? Iiling-iling na inilagay nya muna ang mga pinamili sa kusina. Plano nya sanang magluto ng dinner pero mukhang hindi nya magagawa pa iyon dahil lasing naman ang ipagluluto nya.
Isa-isa nyang dinampot ang mga kalat saka pinunasan ang mga natapon na alak sa sahig. Nang marealize na malaking sagabal sa ginagawa nya ang binata ay hirap na hirap nya itong itinayo.
“Whoo!” Bulalas nya saka nag-stretching nang maihiga si Evan sa sofa. Muli syang bumalik sa paglilinis. Pagod na pagod na umakyat sya pagkatapos maglinis upang kumuha ng kumot para sa kanyang amo.
Nang makapasok sa silid na dating tinutulugan ay hindi nya maiwasang hindi mapangiti. Sa loob ng halos na isang buwan, inalagaan sya ni Evan. Walang reklamo. Pakiramdam nya tuloy ay sya na nag pinakamaswerteng babae sa buong mundo para paglaanan ng oras ng isang Evan Johnson, ang sikat na artista at pangarap ng lahat.
Nang makababa sya ay agad nyang iniayos ang kumot sa binata. Naupo sya sa harap nito saka pinunasan ang luha sa pisngi ng binata, “bakit ka ba umiiyak?” nakangiting tanong nya. “Wala ka namang ibang ginawa kundi alagaan ako. Hindi ako nagagalit sa’yo dahil sa kasinungalingang sinabi mo dahil sa loob ng mga panahon na iyon, kinatuwa ko kung paano mo akong itrato.” Emosyonal na saad ni Phoebe.
Isa-isa nyang inalala ang lahat ng ginawa para sa kanya ng binata at hindi sapat ang pagsisinungaling na ginawa nya para lang kagalitan nya ito.
“Ngayong maayos at bumalik na ang mga ala-ala ko, mananatili ka pa rin kayang ganoon? Nasanay na akong nasa tabi mo, hindi ko alam kung paano akong mag-aadjust sa lahat ng pagbabago ngayon.” Agad na pinunasan ni Phoebe ang luhang pumatak. Ang ideyang muli syang pababalik sa pagiging alalay ni Evan ay tila ba hindi nya matanggap ngayon gayong iyon naman talaga ang ipinasok nya dito.
“Naiinis ako sa sarili ko dahil nangako ako na hinding-hindi ako mahuhulog sa’yo pero heto ngayo’t iniiyakan ko ang ideyang awa lang ang dahilan kaya trinato mo ako ng maayos.” Natatawang saad nya. Gamit ang kaliwang kamay, pinunasan nya ang kanyang mukha. Nanatili syang tahimik matapos. Hindi nya alam kung may sapat pa nga bang salita para ipaliwanag sa sarili ang pagiging tanga nya.
“Hindi ka nya sasaluhin kahit mahulog ka pa, Phoebe.” Mapait na saad nya sa sarili saka tumayo pero ganoon na lang ang gulat nya nang maramdaman ang kamay na pumipigil sa kanya.
Nang lingunin nya ito ay mas lalong nanlaki ang mga mata nya nang makitang nakaupo na si Evan at nakatingala sa kanya. Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Gusto nya sanang tanungin ang binata kung may narinig ito pero hindi nya nagawa pa dahil –
“I’m here to catch you,” ani Evan, “I am willing to catch you if you fall, Phoebe.” Dagdag nya saka tumayo.
Hindi na nagawa pang magsalita ng dalaga nang hawakan ni Evan ang magkabilang pisngi nya saka ipilig ang kanyang ulo. Madiin syang napapikit nang maramdaman ang pagsakop ng binata sa pang-ibabang labi nya. Naikuyom nya ang mga palad – hindi dahil sa ayaw nya ang nangyayari kundi sa sobrang hiyang nararamdaman.
May narinig ba talaga sya? Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa kanya ang katanungan na iyon.
Nang lumayo bumitaw si Evan at putulin ang kanilang ginagawa ay naghabol pa sya dahilan para makita nya ang pagngisi ng binata. Ngunit imbis na asaran ay inabot ni Evan ang mga kamay ni Phoebe saka iyon ipinulupot sa kanya.
Hindi na muli pang nagawa ng dalaga na magsalita nang hagkan sya ng binata. Ramdam nya ang pag-angat nya sa ere kaya mas lalo nyang iniyakap ang mga braso kay Evan. Maingat, hindi pinuputol ni Evan ang paghahalikan na naglakad sya patungo sa kanyang silid.
Kakatwang hindi man lang sya nabibigatan kay Phoebe. Nang makapasok sa loob ng silid ay maingat nyang inihiga ang dalaga sa kama. Ang kaninang mababaw na halik ay unti-unting lumalim. Pero ngayon, hindi nya na kailangan pang pilitin na ipasok ang dila sa bibig ni Phoebe dahil nang maramdaman nya ang gusto ng binata ay kusa nitong inginanga ang kanyang bibig.
Panay ang mahihinang pagdaing nya nang maramdaman ang paglalakbay ng kamay ni Evan. Alam nya ang maaring kahinatnan ng ginagawa nila ngayong dalawa pero sadyang lango na sya sa kakaibang sensasyon na dinadala ng kamay ni Evan sa buong katawan nya para isipin pa ang bagay na iyon.
“You like me too, right?” humihingal na tanong ni Evan. Namumungay ang mga matang tumango si Phoebe pero hindi naging sapat iyon para sa binata, “Say it.”
“I like you, Evan Johnson,” aniya saka muling nagpatangay sa kakaibang pakiramdam nang muling angkinin ni Evan ang kanyang labi.