Chapter 14
Si Evan ang nagbukas ng kahon. Hindi makapaniwalang tinignan ni Phoebe ang cellphone na hawak. “It’s the latest iphone. Sinave ko na rin ang number ko dyan.” Salita ni Evan saka inialis ang mga kalat na naroon sa lamesa. “Of course you can’t save other man’s number there. Dapat ako lang. Kailangan ay mukha ko lang din ang laman ng gallery mo.”
Nang magbalik sya ng tingin sa dalaga ay nagulat sya nang makita ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha nito. “Hey, are you okay? Why are you crying?” Nag-aalalang tanong nya. Hinawakan nya ang parehong pisngi ni Phoebe saka iyon iniharap sa kanya.
“Ngayon lang ho ako nagkacellphone ng ganito kaganda. Salamat.”
“Kiss me.”
“Ha?”
“Kiss me.” Pag-uulit nya. Parang tuod na nanatiling nakatitig ang dalaga sa kanya. “Kidding. Finish your food.” Pag-iiba nya ng usapan pero sa totoo lang ay gusto nya talagang gawin ni Phoebe ang mga salitang binatawan nya.
ISANG BUWAN NA nang magsimulang magtrabaho si Phoebe kay Evan at wala syang ibang masabi sa pinasok kundi nakakapagod talaga. May mga oras kasi na halos dalawang oras lang syang nakakahiga sa kama lalo’t hectic ang schedule ng binata – interviews, shoots at guesting. Tumaon din sya sa buwan kung kailan isinasagawa ni Evan ang mga fansigning events nito’t mga charity work kaya naman mas lalong silang nagiging abala.
“Sa wakas.” Anang Phoebe saka naubo sa bakanteng silya na naroon. Kanina pa nangangawit ang mga binti nya kaso wala syang mahanap na bakanteng upuan.
“Mukhang pagod ka na ah?”
Mabilis syang tumayo nang makita ang manager ni Evan sa kanyang harapan. Nakangiti ito at inabutan sya ng inumin. “Okay lang po ako, sir Louie.”
“Sigurado ka ba?” Muling tanong ni Louie. Nakangiting tumango si Phoebe. Hindi nya halos malaman kung paanong pipigilan na mapangiti nang tapikin nito ang kanyang balikat. “Sige. Makakauwi naman kayo ng maaga ngayon at ito na ang huling guesting ni Evan.”
Bukod siguro kay Evan ay isa si Louie sa pinakagwapong nakilala nya. Matangkad rin ito, maayos ang pagkakagupit ng buhok at ang asul nyang mga mata ay nakadaragdag ng kagwapuhan sa kanya. Kasing tangos ng ilong nya ang adam’s apple nya na talagang malakas ang dating kay Phoebe. Pero hindi tulad ni Evan ay mukhang mas matanda ito ng limang taon sa kanila.
“Sige po.”
“Magpahinga ka muna dyan ha.” Salita ni Louie. Nang makasiguradong komportable na ang dalaga sa kanyang pwesto ay iniwan nya na ito’t muling naglakad patungo sa alaga.
Masayang isinandal ni Phoebe ang kanyang katawan pero hindi pa man sya nakakapikit ay muli nya nang narinig ang kanyang pangalan.
“Phoebe, busy ka ba?”
Mabilis syang tumanggo’t nagbigay galang sa taong nasa harapan. “Hindi naman ho.”
“Pwede mo ba kaming bilihan ng kape?” Pakiusap nito. Alanganin pa ang ngiting ibinigay nya sa dalaga. “Wag ka mag-alala, mayroon ka rin.”
“Ah okay lang ho. Ano ho bang bibilhin?”
“Isinulat ko na sa papel lahat ng order nila.” Tugon nito saka iniabot ang kapiraso ng papel sa dalaga. “Mayroon dyang café sa malapit, tawid ka lang.” Nakaturo ito sa kabilang kalsada na animo’y tanaw mula sa kinaroroonan nila ang café na sinasabi nito.
“Sige ho magpapaalam muna ako,” saad nya. Nakangiting yumuko sya muli saka tinalikuran ang taong iyon.
Nagpalinga-linga sya sa paligid. Nang mapansin na abala sila Evan at ang manager nito ay napagdesisyunan nyang pumunta na lang ng walang paalam. Saglit lang naman sya. Siguro ay hindi naman sya hahanapin ng mga ito.
Katatapos lang shoot ni Evan at ang una kaagad nyang hinanap sa manager ay ang babaeng lagi nyang kasama. Alam nyang pagod na ito kaya naman gumawa sya kanina ng paraan para makapagpahinga ito saglit.
“Where is she?” Tanong nya nang wala syang madatnan sa silya.
“Nandoon lang sya sa—nasaan na?” Nagtatakang tanong ni Louie.
Agad na naramdaman ni Evan ang pag-init ng ulo nya sa naging tanong ng manager, “Why are you asking me? Ikaw ang pinapunta ko sa kanya kanina para silipin sya.”
“She was here kanina.” Salita nya. Inilibot nya ang paningin sa paligid pero maski anino ng dalaga ay hindi nya nakita. Agad nyang hinarang ang isang dalagang nagpapacute sa kanyang alaga. “Nakita mo ba si Phoebe?”
“Iyon bang mutchacha—“
Ang kaninang patawa-tawa at tila ba nangmamaliit na tono ng pananalita ng babae ay biglang nawala nang haklitin ni Evan ang braso nya. Ang masasama nitong mga tingin sa kanya ay tila ba tumatagos sa kanya’t unti-unti syang pinapatay.
“Ayusin mo yang tabas ng dila mo kung ayaw mong putulin ko yan ha.”
“S-sorry—“
“Layas!” Malakas na sigaw ni Evan. Inis na naupo ito sa kanyang silya saka binuksan ang bottled water na naroon at nilagok ang laman non. Iiling-iling na pinanuod lang sya ng kanyang manager. Wala itong magawa dahil alam nya kung gaano ito kainis ngayon.
“Mr. Johnson, may problema ho ba?” Tanong ng isang lalaking staff.
“Nakita mo ba si Phoebe? Yung babaeng nakaupo lang dito kanina?” Si Louie ang natanong.
“Ah, oo. Inutusan yata sya ng producer kanina.”
“What?!”
“Pinapunta sya sa café, hindi ko alam kung saang—oh there she is!” Malakas na bulalas ng staff na nasa kanilang harapan. Nakaturo pa ito kay Phoebe na nakatayo sa kabilang banda. Nang umilaw ang pedestrian signal ay agad itong nagtuloy sa paglalakad.
Pinanuod ni Evan na hawiin ng hangin ang mahabang buhok ng dalaga pero ang ngiting umikit sa kanyang labi ay agad ding nawala nang makita ang humaharurot na sasakyan palapit sa dalaga.
“Phoebe!” Malakas na pagtawag nya saka mabilis na tumakbo. Kitang-kita nya pa kung paanong natigilan ang dalaga sa gitna ng daan matapos marinig ang malalakas na pagbusina. Nang isipin nyang maabutan nya ang dalaga sa bilis nang pagtakbo nya ay nagkamali sya dahil bago pa man nya marating ang kinaroroonan ng babae ay parang tumigil na ang kanyang mundo nang makita ang pagkalat ng kapeng dala nito sa sahig.