Chapter 15

"25 years old female, injured in a vehicular accident, possible—"

Nagsimulang mablanko si Evan habang sinusundan ang paramedics na tumutulak sa kinahihigaan ni Phoebe. Rinig nya ang pagsasalita ng mga ito pero maski isa ay wala syang maintindihan.

"Baby, please wake up," aniya. Lahat na yata ng alam nyang dasal ay nasabi nya na kanina pero kahit anong gawin nya ay hindi nya pa rin nakikita ang paggalaw nito.

Sinapo nya ang kanyang noo habang pinanunuod ang mga doktor na asikasuhin ang dalaga ngunit ganoon agad kabilis syang nilamon ng takot nang marinig ang matinis na tunog mula sa aparatong nasa tabi ng babaeng nakaratay doon.

"Phoebe, no!" Mabilis syang pinigilan ng nurse nang magtangka itong lumapit. Evan could do nothing but to pull her hair habang pinanunuod ang mga doktor na magkagulo ang mga doktor na umaasikaso sa dalaga.

Alam nya ang nangyayari sa dalaga at hindi nya iyon matanggap.

"She's crashing! Can someone get me a crashcart!?" Malakas na sigaw ng doktor.

"Bag her!" Utos ng isa pang doktor. Agad na nagsipagkilusan ang iba pang naroon. Hindi maatim ng binata na panuorin habang tinutusukan ng tubo si Phoebe para mabigyan ng hangin na hindi na pinoprovide ng katawan nya.

Please Phoebe no. Please.

"Clear!" Rinig nyang sigaw ng doktor.

Hindi nya na napigilan ang mga luha nang makitang magpaulit-ulit ang doktor sa ginagawa nitong pagrevive sa dalaga. Iniyuko nya ang sarili sa parehong palad saka taimtim na nagdasal, bagay na hindi nya ginagawa noon.

"Evan."

"We have rhythm!" Agad na nag-angat ng tingin si Evan matapos iyon marinig. Panay ang palihim nyang pagpapasalamat sa Itaas nang makitang nagbalik nga ang dalaga. "Call OR 6! Tell them we're coming!" Muling salita ng doktor saka inayos ang bakal sa gilid ng kama.

Nang magsimulang maglakad ang mga ito ay agad na patakbong sumunod si Evan. Hindi nya inanda ang tinginan at pagkakagulo ng mga tao sa paligid. Sa isang iglap ay tila ba nalimutan nyang isa syang sikat na artista.

"Sir, hanggang dito na lang ho kayo." Harang ng isang nurse sa kanya.

Hinabol nya ng tingin si Phoebe at nang tuluyang sumara ang pinto ay agad nyang inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha.

"Evan."

"Louie." Walang kasing lungkot ang mga mata ni Evan. Hindi malaman ni Louie kung paanong aaluin ang alaga nang may muling pumatak na luha sa mga mata nito.

Ito ang kauna-unahang beses na nakita nyang umiiyak si Evan. Kadalasan kasi'y panay kapilyuhan lang ang alaga sa tuwing magkasama silang dalawa. Nasanay syang lagi itong nakangiti o di kaya'y seryoso ang mukha. Akala nya'y sanay na sya sa mga luha nito tuwing may taping pero iba ang ngayon. Maski hindi mo tignan ang mukha ni Evan ay mararamdaman mo ang sakit at lungkot nya. At sa oras na mag-angat sya ng tingin, hindi mo na rin makakayanan na panuorin ang paulit-ulit na pagpatak ng mga luha nya.

"You need to go home. Ako na ang bahalang maghintay sa kanya," saad ni Louie, pinipigilan na maluha sya. Inalalayan nyang maupo ang binata sa bakanteng silya na naroon.

"No." Matigas nyang tugon.

"Evan."

"I said no. Hindi ako aalis dito hanggang hindi lumalabas sa pinto na yan si Phoebe. What about the driver? And the producer?"

"Nasa presinto na ang driver."

"The producer?" May diing tanong nya. He will make them take responsibility for what happened to her.

"We can't file a case against him, Evan. Wala syang ginawang masama." Malumanay na tugon ni Louie dahilan para malakas na suntukin ni Evan ang kinauupuan.

"Anonv sinasabi mo? Anong wala?" Tumaas na ang boses ni Evan. Hindi nya matanggap ang sinabi ng manager. Matalim ang tingin na itinuro nya ang pinto ng operating room. "Kung hindi nya inutusan si Phoebe hindi sana mangyayari 'to!"

Malalim na nagbuga ng hininga si Louie, trying to control his emotions para hindi masabayan ang alaga. "Evan, alam mong walang may gusto ng nangyari."

"I want them both be in jail bago pa man magising si Phoebe." Masyadong sarado ang isip nya para tanggapin ang mga sinasabi ng nakatatanda.

"Evan."

"Just... Go home." Papahinang sagot nya. Iniyuko nya ang kanyang ulo saka pinagdaop ang mga palad. Alam nyang walang kasalanan ang producer pero hindi nya matanggap. Kung hindi nya inutusan ang dalaga, sana hindi mangyayari 'to. Kung sana sila mismo ang bumili ng kailangan nila' y wala sana rito si Phoebe at nakikipaglaban para sa buhay nya.

"Evan please."

"You know how long I have waited to finally see her fave to face, to hold and hug her, Louie. I can't just leave and go home knowing that she's inside this door, fighting to live." Evan's eyes are full of sadness. He was actually on the verge of crying pero pilit nyang pinipigilan ang mga luha dahil gusto nyang maging matatag para sa dalaga.

"The doctors are doing their best, Evan." Pagpapagaan ni Louie ng kanyang loob pero kahit anong salita yata ay hindi magiging sapat para sa kanya habang alam nyang pwedeng mawala si Phoebe ngayon. "Kailangan mong magbihis at magpahinga." Dagdag nya.

Nang tignan ni Evan ang kanyang suot ay doon nya lamang napagtanto na ang dating puti nyang damit ay naging pula na dahil sa dugo. It was Phoebe’s at alam ng lahat iyon.

"Hindi ako uuwi hanggat hindi sya lumalabas ng operating room."

"Evan!" Louie shouted. He closed his eyes shut para hindi makapagsalita nang hindi maganda sa kanyang alaga. He was never this stubborn!

"My decision is final. You can go home if you want to." Pagmamatigas nya. Ang pagiging desidido sa kanyang mga binitawang salita ay kitang-kita sa kanyang mukha.

Diretso ang tingin nya sa sahig, magkadikit ang mga palad at pinagkikiskis iyon sa isa't-isa.

"Hays!" Louie surrendered. Alam nyang sa puntong ito ay wala na syang ibang choice kundi sundin ang gusto ng kanyang alaga. "I'll bring you clothes." Aniya. Nang isipin nyang may ihahabilin pa si Evan nang lingunin nya ito ay nagkamali sya dahil nanatiling tahimik ang binata habang nakatingin sa sahig.

Malakas ang naging pagbuntong hininga nya bago tuluyang umalis.