Chapter 13

Unti-unting umarko ang mga labi ni Phoebe paitaas nang makita ang mukha ng pamilyar na tao sa kanyang harapan. Hindi nya na kailangan pang kwestyunin kung sino iyon dahil iisang lalaki lang naman ang nakalapit sa kanya ng sobra. Evan. Maski sa panaginip ay napakagwapo mo.

Maingat nyang iniangat ang kanyang kaliwang kaway saka inihaplos iyon sa mukha ng binata. Eh? Parang totoo! Ramdam nya ang pagkurba ng labi ni Evan nang pasadahan nya iyon ng maingat na haplos.

“Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nahalikan ko sya,” aniya saka matamis na ngumiti. Kapag nainlove talaga ako sa lalaking yon ay mayayari ako kay ate! Isang beses nya pang ginawaran ng haplos na puno ng lambing ang labi ng binata pero nang ibaba nya na ang kanyang kamay ay laking gulat nya nang maramdaman ang init na nagmumula sa mga palad ni Evan.

Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang gawa nang gawaran sya nito ng halik. “Good evening.” Nakangiting pagbati ng binata. Ipinahinga nya ang ulo sa kanyang palad saka tinignan ang bawat parte ng mukha ni Phoebe.

“S-sir?” Hindi makapaniwalang salita ng dalaga. Ilang ulit nyang pinikit ang kanyang mga mata para makasigurado sa kanyang nakikita. At nang tuluyang pumasok sa isip nya ang mga ginawa kanina ay awtomatiko syang nag-ayos ng higa saka kinuha ang unan sa gilid at itinakip iyon sa kanyang mukha.

Paulit-ulit nyang minumura ang sarili dahil sa kahihiyan. Narinig nya yon?!

“Hey, okay ka lang?” Tanong ni Evan na pilit tinatanggal ang unan sa mukha ng dalaga.

Tumango si Phoebe at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa unan.

“Okay, kapag natapos ka nang kiligin, pumunta ka na sa kusina.” Anang binata. Rinig nya pa ang mahinang pagtawa nito habang naglalakas paalis.

Ha? At sino ang nagsabi na kinikilig ako? Kung kilig ‘to, patayin nyo na lang ako!

“Phoebe!” Rinig nyang pagtawag matapos ang ilang minuto.

Madiin syang napapikit. Pwede bang hindi na kami magsabay kumain? Kung may maidadahilan lang sya ay paniguradong nagdahilan na sya!

“Phoebe!”

“Nandyan na po!” Tugon nya pero ang totoo ay naroon pa rin sya sa kanyang kinahihigaan.

“I can’t see you. Where are you?”

“Papunta na ho, sir.” Saad nya. Dahil walang ibang choice ay mabilis na bumangon si Phoebe. Ibinalik nya muna ang vacuum na hawak sa pinagkuhanan nya saka kinuha ang pagkain na binili nya kanina para sa hapunan.

“Faster, babe!” Rinig nyang pagtawag nito kaya naman mabilis syang tumakbo papunta sa dining area.

Nang marating nya iyon ay agad nyang naramdaman ang matinding kaba nang makita ang magkasalubong na kilay ng binata habang nakatitig sa two hundred pesos na inilagay nya doon kanina. Sabi ko na nga ba’t kulang pa iyon eh!

“What’s this?” Tanong ng binata saka ipinakita ang hawak nya.

“Pera ho.” Tugon nya. Itinago nya ang dalang pagkain sa kanyang likuran nang makita ang mamahaling putahe roon sa lamesa.

“Yeah I know na pera ‘to. I mean para saan ‘to? And bakit napakaraming naiwan na pagkain sa ref?” Muling tanong nya na nakaturo pa sa ref. Saan ko ba dapat ilagay yon?

“A-ah a-ano ho k-kasi.” Kulang pa ba ‘yon? “Yan na lang kasi ang natitira kong pera eh.” Nahihiyang tugon nya. “Wag po kayo mag-alala, dadagdagan ko na lang kapag nakuha ko unang sahod ko. Isang fried chicken lang naman ho ang kinain ko.” Kung alam nya lang na ganoon pala kamahal ang fried chicken na iyon sana hindi na lang sya kumain! Ano bang ginamit na pangprito roon? Ginto? “P-promise. Pinangbili ko na ho kasi ng pagkain ko para sa isang linggo yung natira kong pera.”

“Do you think I am making you pay? Sit down.” Utos ni Evan. Mabilis syang sumagot saka inilagay sa kanyang kandungan ang dalang nyang plastic pero hindi iyon nakaligtas sa paningin ng binata. “What is that?”

“A-ah. P-pagkain ko ho. Pasensya na po kayo. Sa sala na lang po ako kakain.” Mabilis na paghingi nya ng paumanhin. Ang mga mayayaman na tulad ng lalaking ito ay nasisigurado nyang hindi matatagalan ang amoy ng sardinas kahit para sa kanya ay napakabango non.

“Sit down! S-sit here, beside me.” Nagtatakang pinanuod ni Phoebe na paulit-ulit tapikin ni Evan ang silyang inilapit nya sa kanya. At kapag sinabi malapit, literal na malapit na magdidikit ang mga balat nila! “Nasaan ang perang ibinigay sa’yo ng kompanya?”

“Iniipon ko po kasi yon eh.”

“For what?”

“Artista din ho kasi ang ate ko. Kapag kailangan nya ng damit ay ako ang bumibili.”

“What about her management?” Tanong nya saka tumayo para kumuha ng maiinom nilang dalawa.

“W-wala ho yata syang management.”

“Impossible. Let’s meet her tomorrow.”

“Ho?!” Hindi napigil ni Phoebe na magtaas ng boses matapos ang narinig. Ano?! Anong sasabihin ko? Na hindi pwede dahil sinaktan nya si ate? Mababaliw na sya sa kakaisip sa maaring irason!

“May problema ba?”

“Wala ho.” Pilit nyang pinahinahon ang kanyang sarili pero nagwawala na talaga ang puso’t-isip nya.

“Good. And take this back.” Aniya saka inilapag ang pera sa lamesa. “Hindi mo kailangan bayaran ang kakainin mo rito.”

Nakangiting nilagyan nya ng pagkain ang plato ng dalaga. Bagaman nanunuot sa dila ni Phoebe ang panlasa ng mga pagkain ay hindi nya magawang mag-enjoy. Paulit-ulit kasi nyang hinahalukay ang isip kung ano nga ba ang kanyang irarason sa kagustuhan ng amo.

“Phoebe!”

Hindi ko naman pwedeng irason sa kanya na baka mahimatay si Ate kapag nakita sya dahil sa sobra nitong kagwapuhan.

“Ay gwapo!” Sa sobrang gulat nasabi nya ang salitang iyon.

Tuloy nang lingunin nya si Evan ay nakatalumbaba na ito’t nakangiti sa kanya. “Oo, alam kong gwapo ako. Kanina pa kita tinatawag, is something bothering you?”

Umiling sya bilang tugon. Ilang segundo pa muna syang pinakatitigan ng binata bago may kinuha sa kabilang silya. “I bought you a gift.” Saad nya at inilapag ang isang kahon sa harap ni Phoebe.

Nagtataka syang nagpapalit-palit ng tingin sa binata at kahon. “P-para ho saan ito?”

“Sa’yo. Open it.”

“Ano ho ito? Baka hindi ko kayang bayaran, wag na lang.” Bahagya nya iyong itinulak pabalik kay Evan pero muli lang nitong itinulak iyon palapit sa kanya.

“That is why it’s called a gift dahil hindi mo kailangang bayaran, stupid.” Natatawang saad ng binata.

“O-okay. S-salamat.” Nahihiya man ay tuluyang sinira ni Phoebe ang ballot ng kahon na iyon. Isang manipis na box ang laman non na hindi nya alam kung para saan pero sa isip ay may ideyang namumuo na sa kanya. “A-ano ‘to?”