Chapter 12
“Fvck.” Pagmumura ni Evan matapos marinig ang paulit-ulit na pagwawala ng kanyang cellphone. Saglit nya lamang iyong tinignan saka muling isinilid sa kanyang bulsa at bumalik sa ginagawa.
Ang mahihinang ungol ng dalaga ay nag-aalis ng katinuan sa kanya.
“I-importante y-yata y-yan.” Salita ni Phoebe. Bahagyang napangiti si Evan dahil sa mga halinghing sa bawat salitang binibitawan ng dalaga.
Isang beses nya pa iyong ginawaran ng halik bago tuluyang lumayo roon.
“Excuse me.” Nakangiting saad nya saka hinawakan ang pisngi ni Phoebe bago tuluyang sinagot ang tawag, “What?!”
Aligagang umayos ng tayo si Phoebe. Isinuot nya ang kanyang bra saka nakayukong naglakad patungo sa kanyang silid. Ngayon ay nilalamon na sya ng kahihiyan na parang hindi man lang nya naramdaman kanina.
“Bobo!” Paulit-ulit na saad nya sa kanyang sarili habang sinasabunutan nito ang buhok nya. Gusto nyang maiyak kung bakit ganoon na lang sya kabilis pumayag sa nangyari.
Ibinagsak nya ang katawan sa kama saka isinubsob ang kanyang mukha sa malambot na unan.
"Phoebe." Tatlong mahihinang katok ang muling naging dahilan ng pagbilis ng tibok sa kanyang puso. Gustuhin nya man na hayaan na lang ang binata sa labas ng pinto ay hindi nya magawa dahil ito pa rin ang magpapasahod sa kanya.
Bagsak ang parehong balikat na naglakad sya. Hindi naman dahil sa may sama sya ng loob kay Evan sa nangyari. Sadyang hindi nya lang matanggap sa sarili na ito pa lang ang unang beses na nagkasama sila pero hinayaan nya na ang binata sa hawakan ang parte ng iyon ng katawan nya. He sucked my nipples! Hindi nya lang basta hinawakan!
"Are you okay? Are you sick?" Nag-aalalang tanong ni Evan nang makita ang namumutlang mukha ng dalaga.
Agad nya itong hinawakan sa pulsuhan, "I'll take you to the hospital," saad nya. Agad na binawi ni Phoebe ang kanyang kamay saka nakayukong sumagot.
"Ayos lang po ako."
"Are you sure?" Paninigurado ng binata. Agad na hinawakan nito ang noo ng dalaga pero ganoon na lang ang gulat nya nang tabigin nito ang kanyang kamay.
Nahihiya sya. He smiled secretly.
"Aalis muna ako. Kumain ka na lang dyan."
"Hindi ho ba kita sasamahan, sir?" Mabilis na ng angat ng tingin si Phoebe. Ang namumula nyang mga pisngi ang syang naging hudyat para mas lalo pang lumaki ang pagkakangiti ng lalaking nasa kanyang harapan.
Bahagyang itiniklop ni Evan ang kanyang mga binti saka pumantay sa dalaga.
"You can call me Evan and no. I want you to rest," aniya na ginulo pa ang buhok ni Phoebe.
"O-okay."
"See you later." Paalam nya. Isang beses nya pang pinisil ang pisngi ng dalaga bago tuluyang naglakad palabas.
'God! She's really cute.' Nakayukong umiling si Evan sa sarili nang sumakay ito sa elevator. Awtomatiko syang napahawak sa kanyang labi saka mahinang tumawa. 'I love the taste of her inside my mouth.'
Sa loob ng condo ay pabalik-balik ang paglalakad na ginagawa ni Phoebe. Nag-aalala kasi ito na baka mawalan syang trabaho bago pa man nya maisagawa ang pakay dahil ngayon pa lang ay mukhang wala na syang silbi. Sino ba namn ang hindi matatanggal kung unang araw mo sa trabaho pero hindi mo na agad nagawa ang naka-atas sa'yo?
"Pero sabi nya okay lang naman na sya na lang, hindi ba?" Pagkausap nya sa sarili. Kinagat nya ang kanyang hintuturo saka kinuha ang kanyang cellphone.
"H-hello?" Mabilis na salita nya nang sagutin abg tawag.
"You missed me?" Hindi man nya nakikita ay ala nyang nakangiti ang binata sa paraan pa lang ng pagtatanong nito.
"H-hindi. Ano, nasaan ka na ho, Sir?"
"Why? I'll be quick. May kailangan lang akong puntahan."
"Sasamahan na ho kita, sir," aniya. Mabilis nyang isinuot ang sapatos saka lumabas ng condo na tinutuluyan ng kanyang amo.
"I told you to call me Evan. Bakit sir pa rin ang tawag mo sa akin? Or better yet call me.... babe."
"Ba-bakit?"
"Anong bakit?"
"Wala ho. Sir, nasaan ka na? Baka malaman ni Mr. Lance na hindi kita sinamahan eh. Baka matanggal ako sa trabaho."
"Don't worry about Lance. Kumain kana dyan at magpahinga. I'll be home before you know it."
Magpoprotesta pa sana sya ngunit hindi na nito nagawa dahil agad nang pinatay ni Evan ang tawag.
Wala syang ibang nagawa kundi bumalik sa loob ng bahay. Nang maramdaman nya ang pagkalam ng sikmura ay agad syang nagtungo sa kusina.
Nagsimula syang kumain at hindi nya maipaliwanag ang kakaibang saya na naramdaman nya sa bawat pagkagat sa fried chicken. Iyon lang ang napili nyang kainin dahil baka hindi nya kayanin ang presyo ng iba. Halata kasi sa itsura non na mga mamahalin ang ibang naroon. Nang matapos ay agad syang nagtungo sa kanyang silid saka kumuha ng isang daan sa kanyang wallet.
"Okay na kaya 'to?" Tanong nya saka pinakatitigan ang perang hawak.
Isang fried chicken lang naman ang kinain nya eh. Pero magkano kaya ang presyo non? Para makasigurado ay muli syang kumuha ng isa pang one hundred pesos, "Pwede na siguro' to."
"Sardinas na lang siguro ang uulamin ko mamaya." Nakangiting saad nya saka inilagay ang pera doon sa lamesa.
Saglit pa muna syang nagpahinga bago napagdesisyunan na maglinis ng bahay.
ALAS-SYETE NA nang maiparada ni Evan ang kotse sa parking lot. Bitbit ang iba't-ibang klase ng pagkain para sa babaeng naiwan doon sa condo nya ay nakangiti syang sumakay ng elevator.
Ano kayang ginagawa nya? He was called sa office kanina at hindi nya akalain na magtatagal ng ilang oras ang biglaang meeting with the directors.
"What is she doing?" Tanong nya sa sarili. Paulit-ulit na syang nagdoorbell pero walang nagbubukas ng pinto.
Inilagay nya ang lahat ng paper bag sa kaliwang kamay saka pipindutin sana ang code ng bahay pero laking gulat nya nang hindi iyon tuluyang nakasara.
"Phoebe?" Nagmamadali syang nagtanggal ng sapatos. Ilang ulit nyang tinawag ang pangalan ng dalaga pero wala ni isang sumagot. Ang pag-aalala ay hindi nya maitago nang maisip na baka may kung ano nang nangyari kay Phoebe.
"Phoebe—" Kusa syang napatigil nang makitang nakahiga ang dalaga sa sofa, mukhang pagod na pagod. Hawak nito ang vacuum at nakapikit.
Dahan-dahan nyang inilapag ang lahat ng pinamili sa lamesang naroon saka maingat na naupo sa harap ni Phoebe.
'You always make me smile.' Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga. Nang ikibot nito ang kanyang labi ay hindi nya napigilan ang sarili na gawaran ito ng mabilis na halik.