Chapter 25: I Dare You!
Cia's Point of View.
"Hindi ako maglalaan ng limang taon makalimutan ka lang kung hindi kita mahal. Hindi ako iiyak ngayon kung hindi kita mahal" pagtatapat ko. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
"Mahal na mahal din kita Cia. Ikaw lang walang iba" rinig kong sabi niya saka ko siya niyakap.
"I'm sorry kung hindi agad kita nasundan sa America. I'm sorry kung sa nakalipas na limang taon, umiiyak ka palagi ng dahil sa akin." napahiwalay ako ng yakap kay Aaron sa huling sinabi niya.
"Pano mo nalaman?" tanong ko.
"Alin?" tanong din niya sa akin.
"Tungkol sa huli mong sinabi." sagot ko.
"Palagi akong malapit sa iyo, hindi mo lang alam" sagot niya sa aking tanong.
"Nasa America ka? Bakit hindi ka nagpakita?" gulat kong tanong.
"Natakot akong hindi mo ako kausapin. Kaya si Tita ang una kong nilapitan" sagot niya.
"Alam ni mommy?" tumango naman siya.
"Kelan pa?" tanong ko ulit.
"Three years ago" sagot niya. "Three years ago mula noong nalaman ko kung saan ka nakaita. Doon ko nakita si Tita. Wala akong balak magpakita pero aksidenta niya akong nakita. Kinausap niya ako na huwag na kitang lapitan pa kasi nasasaktan ka lang. Pinagtapat ko kay Tita ang totoo pero hindi siya na kumbinsi. Everyday, pumupunta ako sa inyo. Inaantay kitang lumabas ng bahay niyo para sundan ka papasok sa opisina niyo. Gusto kong masigurong safe kang aali at uuwi ng bahay niyo. Nagagalit sa akin si Tita pero nakiusao ako. Hindi pa rin siya pumapayag pero nagmatigas ako. Mahal na mahal kota Cia. Noong oras na nalaman ko kung saan kayo nakatira, hindi ko na pinalampas pa. Ginawa ko ang lahat makita lang kita. For two years na hinanap kita. Halos mabaliw na ako kakaisip kung saan kita makikita." kwento niya sa akin na ikinatuwa ng puso ko.
"Alam ni Mark kung saan kami nakatira" sabi ko sa kanya
"Yes I know pero hindi niya sinabi sa akin. Nagmaka-awa ako pero hindi niya sinabi sa akin Galit na galit siya kasi sinaktan kita. Ilang beses niya akong binigyan ng oagkakataon masabi ko lang sa iyo ang nararamdaman ko pero ilang beses ko rin siyang binigo. Halos mapatay niya ako noong nalaman niyang tutuloy kayo sa America. Gusto niya ako para sa iyo. Pero noong huli, siya na ang sumuko. Napagod na siya sa akin. Kahit magulang ko, alam nila kung nasaan kayo pero hindi nila sinabi sa akin Kahit si Jizel at Airene hindi jila sinabi sa akin. Ganoon nila ako kinamuhian noong nasaktan kita. Noong nalaman nilang alam ko na kung saan ka nakatira, doon lang nila ako muling kina-usap." patuloy niyang pagkwento. Nahiga siya sa damuhan kaya napahiga na rin ako.
"Thankful ako sa kanila kasi tinuruan nila ako. Oo nagtampo ako pero as rime goes by, naintindihan ko kung bakit sila nagalit. Lalo pa sa past experience mo, wala akong karapatang magalit sa kanila. Pinoprotektahan ka lang nila." patuloy niya.
"So hindi ako naghahallucinate noong nakita kita?" naalala ko bigla yong araw na kumain ako sa labas with other guy.
"Hindi" sagot niya. "Kung mahal mo ako, bakit gindi mo ako nilapitan noon? Bakit hindi ka nagalit?" tanong ko sa kanya.
"Kasi nangako ako kay Tita na kahit anong mangyari, hindi ako magpapakita sa iyo" sagot niya.
"Noong akala ko naghahallucinate ako, doon ko narealize na mahal pa rin kita. Almost three years na yon mula noong nanirahan ako sa America. Kumbinsido na ako that time na naka move on na ako sayo pero hindi pala" kwento ko.
"Wait, kung alam ni mommy, ibig sabihin plinano ni mommy ang pag-uwi ko?" napabalikwas ako sa bigla kong naisip.
"No, ako ang nagplano. I mean nagkasundo kami noon na kapag umuwi ka ng Pilipinas, hahayaan na niya akong makalapit uli sa iyo. That time, si Tita na ang sumuko sa kakulitan ko. Halos araw-araw ko siyang kinukulit na gusto na kitang maka-usap at humingi ng second chance" paliwanag niya.
"So planado kahit ang pagtira ko sa unit mo?" bumangoj naman siya sa pagkakahiga at umupo sa tabi ko.
"No. Gusto ko lang masiguro na safe ka." sagot niya
"So si mom ang may plano noon. Ako ang anak niya pero ikaw ang kinampihan niya" kunwari ay nagtatampo ako.
"Cia" tawag niya sa akin noong makatayo siya saka niya ako inalalayan tumayo.
"Alam ko masyadong magulo ang nangyayari. Pero iisa lang ang sigurado ako. Mahal kita. Cia, will you be my girlfriend?" tanong niya saka siya lumuhod. Napansin ko namang nasa likuran na ni Aaron sila Airene, Jizel, Mark Sam at magulang niya.
"Oh my gosh!" gulat kong sabi
"Oo na yan!" sigaw nila.
"Mom?" bulong ko.
"As much as I want, I can't" maikli kong sabi na ikinagulat ng lahat. Maya-maya nakita kong naglalakad si mommy oalapit sa kinaroroonan nila Jizel
"Cia"
"Aaron, five years is eneough for me. Ayaw kitang maging boyfriend lang. I want to marry you." putol ko sa sinabi niya. Nagsigawan naman silang lahat.
"I dare you to marry me" paglilinaw ko. Tumayo siya at niyakap ako saka ako binuhat at umikot siya.
"I can't believe it" rinig kong sabi niya.
"I love you so much Cia!" sabi niya.
"I love you too Aaron!" then I realized, he kissed me on my lips.