Chapter 24: Spin The Bottle

Cia's Point of View

Halos ilang linggo na ang nakalipas mula noong nagsimula akong magtrabaho dito sa Pilipinas So far wala naman akong problema sa ibang empleyado, kay Aaron lang talaga.

Simula noong tumira ako dito sa condo ni Aaron, tuwing umaga lagi siyang nagpapadala ng pagkain. Nanghihinayang naman ako kubg hindi ko kakainin. Nasabi ko na sa kanya noon na huwag na siya magpadala, iniisip ko kasi si Sam. Ayaw kong may iba siyang isipin. Pero lagi kasing dinadahilan ni Aaron na iniutos iyon ng Uncle niya. Naiintindihan ko naman. Pero ang hindi ko maintindihan bakit hanggang sa tanghalian kubg hindi siya magpapadala, susunduin niya ako para kumain sa labas. Minsan gumagawa na ako ng paraan para hindi siya makasama kasi mali, pero hinding hindi ako manalo sa kanya.

Hindi pa kasi ako nakakalipat sa bahay namin kasi sobrang busy ko na rin. Hindi ko na nabibiyan ng time ang bahay. Sobrang pagod na ako kada uuwi. Kung pwedeng lumipat ako doon kahit walang linis linis gagawin ko. Kaso hindi pwede, baka ikamatay ko pa.

Ngayong araw ay birthday ni Aaron. Napagplanuhan nila Jizel na surpresahin siya. Nagtataka nga ako bakit hindi kasama si Sam. Sabi ni Jizel, may ibang plano si Sam para sa birthday ni Aaron. After work didiretso kami sa isang restaurant. Doon namin siya susurpresahin.

Narinig kong bumukas ang pinto ng office ko. Nagulat naman akong pumasok si Aaron.

"Why?" tanong ko sa kanya.

"Tapos ka na? Nagmessage kasi sa akin si Mark" sabi naman niya sa akin.

"Bakit raw?" tanong ko pa ulit pero ang totoo, alam ko na kung bakit niya ako pinuntahan.

"Nag-aaya kumain sa labas" sagot niya sa akin.

"So tama ang iniisip ko" sabi ko sa isipan ko.

"Ah ganoon ba" matipid kong sabi.

"Kung hindi ka pa tapos, hintayin na lang kita" sabi niya saka siya naglakad palapit sa upuan malapit sa may pintuan.

Tinapos ko na ang gawain ko para sa ngayong araw. Nakakahiya naman paghintayin ang birthday boy. Pagkatapos ko sa ginagawa ko, agad ko namang iniligpit ang gamit ko.

"Let's go" aya ko noong nakalapit ako sa kanya. Tumayo namab agad siya at naglakad palabas ng office saka kami sabay na naglakad palabas ng company. Agad naman siyang nagdrive papunta sa restaurant na pinareserve ni Mark.

"Bakit parang sarado naman?" tanong ni Aaron sa akin. Napansin kasi niyang walang ilaw ang restaurant, wala ring katao tao. Mukha talagang sarado na.

"Baka naman hindi" maang-maangan ko.

"Let me call him" sabi niya saka kinuha ang phone sa kanyang bulsa.

"Wala namang nakalagay na Closed sign, tara" sabi ko saka siya hinigit papalapit ng pinto ng restaurant.

Pag bukas ko ng pinto, biglang nagsigawan sila Airene Jizel at Mark. Kasabay nito ay ang pagbuhay ng mga ilaw ng restaurant.

"Happy Birthday Aaron!" sabay sabay naming bati noong makalapit ako sa kanilang tatlo. Iniabot na sa akin ng staff ng restaurant ang cake. Agad naman sinindihan ni Jizel ang Cake saka ako lumapit kay Aaron. Kumakanta naman ng happy birthday song ang tatlo at ang mga staff ng restaurant. Bakas na bakas sa mukha ni Aaron ang apgkasurpruse. Natuwa naman ako at masaya siya.

"Make a wish then blow your candle" sabi ko saka siya pumikit at ilang segundo lang ay iminulat na niya ang kanyang mata saka hinipam ang kandila ng cake.

"Thank you everyone" sabi niya. Ngumiti naman ako saka ako naglakad palapit sa isang table para ilapag ang cake na hawak ko. Sumunod naman sila at agad na ring umupo sa mga bakanteng upuan. Noong paupo na ako, napansin kong ang bakanteng upuan na lang pala ay nasa pagitan ni Aaron at Airene. Wala akong choice kaya naglakad na ako sa papunta sa bakanteng upuan.

Ilang oras na ang lumipas mula noong dunating kami dito. Matapos namin surpresahin si Aaron, ipinahanda na rin ni Mark ang mga pagkain. Agad naman itong inihain ng mga staff. Matapos ihain ay nagsimula na rin kaming kumain. Sobrang saya nila, puro tawanan at kalokohan. Naapgtanto kong kapag bumalik na ako sa America, mamimiss ko sila. Kasi kapag bumalik na ako sa America, wala nang Jizel na mangungulit. Wala nang Airene na tatarayan ako, Walang Mark na mapang-asar. Higit sa lahat wala nang Aaron.

"Ang seryoso mo naman Cia!" rinig kong sigaw ni Mark sa akin, ngumiti naman ako sa kanya.

"Alam mo, lasing ka na" sabi ko saka ko siya inirapan.

"Alam mo Cia, spin the bottle na lang tayo" suggest naman ni Jizel.

"Spin the bottle?" sabi ki sa isipan ko Agad naman akong nakaramdam ng takot.

"Ok! Dating rules, bawal ang killjoy!" sigaw ni Airene saka inilapag ang glass bottle sa lamesa at pinaikot ito. Agad namn itong tumapat kay Mark.

"Mark, truth or dare?" tanong ni Airene kay Mark.

"Truth" maikling sbai niya.

"Truth? Ok! Rate Jizel from one up to ten. Gaano mo siya kamahal?" Tanong ni Airene.

"Basic!" sabi ni Mark saka siya tumayo at lumapit kay Jizel.

"Syempre one" sabi ni Mark na ikinagulat ni Jizel.

"One?!" galit na tanong ni Jizel.

"Oo, one million" pagkasabi niya ay biglang kinilig si Jizel.

Iniikot na muli ni Airene ang bote, tumapat naman ito kay Aaron.

"Truth or dare?" tanong ni Mark sa kanya

"Truth" sagot niya.

"Do you still love her" rinig kong tanong ni Mark.

"Ofcourse" pagnamalaki niya.

"Cheater!" bulong ko.

"Ha?" tanong sa akin ni Airene.

"Wala" sabi ko saka ako kumuha ng bote ng beer na nasa lamesa.

"May narinig ako" bulong niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa at itinuloy ko na lang ang pag inom ko.

"Truth or Dare" rinig kong tanong ni Airene. Maya-maya ay kinulbit ako ni Airene.

"Why?" iritao kong sabi.

"Sa iyo tumapat ang bote. I'm asking you, truth or dare?" sagot niya sa akin.

"A-ako?" tanong ko saka tiningnan ang bote.

"Shet!" sabi ko sa isipan ko. "Kapag nag dare ako, paniguradong pagdidiskitahan ako ni Airene. Kapag truth naman, kung ano-ano itatanong niya" patuloy kong sabi sa isipan ko.

"T-truth" nauutal kong sabi.

"Minahan mo ba ako?" tanong sa akin ni Aaron na biglang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"No" pagsisinungaling ko saka pina-ikot muli ang bote.

Hindi ko na pinansin pa ang mga sumunod na nangyari. Pakiramdam ko nagsisisi ako sa sinagot ko. Pakiramdam ko, mali ang ginawa ko.

"Aaron and Cia, nag truth na kayo kaya dare na ang gagawin niyo" nagulat ako sa sinabi ni Mark.

"What?!" pagalit kong tanong.

"Hindi ka nakikinig. Kanina pa napalitan ang rules" bulong ni Aaron sa akin.

"Ok ang dare ay i-dare ninyo ang isat isa" sigaw nila.

"What?!" naiirita kong tanong saka ako tumayo.

"I dare you Cia" panimula ni Aaron na ikinakaba ko. "I dare you to marry me" bigla akong nagulat sa huli niyang sinabi.

"Nababaliw ka na ba?" nanggigigil kong tanong. Hindi na kasi ako natutuwa. "Aaron ikakasal na kayo ni Sam, tapos ganyan ang dare mo sa akin? Niloloko mo ba si Sam?" sunod-sunod kong tanong. "I dare you Aaron!" sigaw ko. "I dare you to stay away from me. Tigilan mo na tong kalokohan mo, itigil na natin tong friendship na ito. Tigilan mo na mga ginagawa mo sa akin. Huwag ka na magpadala ng breakfast, huwag mo na akong pupuntahan sa office. Stop everything your doing Aaron!" sabi ko saka ako naglakad palayo habang lumuluha.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Pero ito ang tama. Ayaw kong may ibang masaktan. Ayaw kong masaktan si Sam.

Habang naglalakad ako, naramdaman kong may nakasunod sa akin. Maya-maya pa ay nararamdaman kong tumatakbo siya palapit sa akin kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad. Hanggang sa naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"Cia, olease give me another chance" rinig kong sabi ni Aaron. Pilit akong kumakawala sa yakap niya Natatakot akong baka may ibang makakita.

"No Aaron! Walang another chance. Ikakasal ka na. Irespeto mo naman ang finace mo!" sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko ngunit mas humihigpit ito.

"No! No!" sigaw naman niya. Nararamdaman kong nababasa na ang likod ko.

"Aaron bitawan mo ako!" sigaw ko pa ngunit parang wala siyang naririnig.

"Aaron!" sigaw ko pa.

"Cia?" rinig kong tanong ng oamilyar na boses.

"Sam?" sabi ko na siyang lalong ikinagulat ko.

"Sam! It's not what you think." sabi ko saka ko pilit na tinatanggal ang kamay ni Aaron. "Aaron bitawan mo ako. Mahiya ka naman sa fiance mo!" sigaw ko.

"Kuya Aaron, hindi mo pa nasasabi?" tanong ni Sam.

"Kuya?" naguguluhan na ang isipan ko. "Kuya ang tawag mo? Ikakasal na kayo hindi ba?" tanong ko kay Sam.

"No ate. Kuya I think kailangan mo siya kausapin. Ate kailangan niyong mag-usap" sabi ni Sam saka siya naglakad palayo sa amin.

"Cia" rinig kong sabi ni Aaron habang umiiyak.

"I'm sorry" sabi niya saka unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"Hindi ko finace si Sam" pagtatapat niya na ikinagulat ko pero hindi ako makapagsalita. Napaharap ako dahil sa narinig ko.

"Wala akong finace Cia. Hindi kami ikakasal ni Sam"pagtatapat niya saka siya lumuhod sa harapan ko.

"Patawarin mo ako" sabi niya saka siya unti-unting yumuko.

"All this time pinag mukha mo akong tanga" naiiyak kong sabi.

"I'm sorry" sabi niya.

"Kung hindi mo siya fiance, ano mo siya?" gustong gusto kong malinawan.

"Pinsan ko si Sam" sagot niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Hinayaan mo akong maniwala sa kasinungalingan Aaron" sabi ko saka pilit na pinupunasan ang luha ko.

"Hindi ko sinasadya. Mahal kita Cia kaya ko iyon nagawa" pagtatapat niya.

"A-ano?" pakiramdam ko kasi nagkakamali ako ng rinig.

"Mahal kita Cia, mahal na mahal kita" ulit niya.

"Mahal mo ako?" tanong ko at tumango naman siya. "Kailan pa?" tanong ko ulit.

"Bago ka pa lumipat sa school namin" sagot niya. Napaupo naman ako sa harapan niya.

"Bago pa ako lumipat? So ang dare noong college tayo, alam mo iyon?" tankng ko.

"No. Alam ko lang may pinaplano si Mark noon pero hindi ko alam na iyon yon" sabi niya saka siya tumunghay at humarap sa akin.

"Alam ni Mark?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot.

"Cia, I want to ask you again. Minahal mo ba ako?" tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ang totoo o hindi.

"Kung hindi, gagawin ko ang dare mo. Lalayuan na kita. Titigilan ko na lahat ng ginagawa ko para sa iyo." sabi niya na ikinalungkot ko.