Chapter 10 Sensational duo
"Pinapatanong ng mga viewer's ko kung nag i stream ka ba din daw." Isang araw ay nabasa niyang chat ng kaduo.
"As if may 'K' ako to go live" Natatawang reply niya.
"Why not? Magaling ka naman ah. Wala namang mawawala if you'll try." Pangungumbinsi nito.
" hmp, i'll think about it. Maybe.. " Nasagot na lamang niya.
Sabagay, may napapanood naman kasi siyang mga streamer na di naman ganun talaga kagaling. Magaling lang talaga sila mag isip ng contents like mga pranks. Diskarte lang naman talaga ang kailangan to attract viewers.
"Saka if you go live, it does'nt mean na kailangan mong ireveal yung pagmumukha mo." Mukhang mapapa oo na yata ang dalaga sa galing nitong mangumbinsi.
"Like inuyasha the top ph zilong ay hindi din naman nagpapakita ng mukha sa socmed."
"Geor for example, doesn't use his true voice and face."
Kilala niya ang streamer na binanggit ng lalaki. Ito yung top ph fanny na madalas mangpaprank. Base na din sa request ng mga fans nito.
"Even me, only few people knew who's the real me." Dagdag pa nito.
"You mean, di ka nagpi face reveal?" Gulat na sabi ng dalaga. How come ayaw nitong sabihin sa kanya ang fb page nito kung ganun lang din pala na di ito nagpapakita ng mukha.
"Im one of those streamers na nagcocostplay. I always wear mask when i go live." Pag amin nito.
"Saka dagdag curiousity na din yun. Mas naattract yung mga viewers pag may mga pakulo ka sa paglalive mo." Dagdag pa nito.
Oo nga naman, nasaisip ng dalaga. Yun ang tinatawag na diskarte.
"Then can i have your fb page?" Hirit niya. Baka sakaling pumayag nang walang hihinging kapalit. Pilyang sabi niya sa isip.
Curious na din naman kasi siya kung madami ba itong followers.
"hmp, let's compromise instead. Be a streamer and we will exchange accounts after." Naman. Di talaga niya ito maiisahan nang ganun ganun na lang. Ayaw talaga nito patalo.
"okay, okay. I will try basta di ako magpiface reveal. Bahala na." Sabi niya na lang dito.
"It's okay. Marami namang paraan eh sa paglalive na di ka nagpapakita ng mukha. Gayahin moko for example."
Ganoon nga ang naisip ng dalaga na diskarte sa gagawing stream. Makikiuso na muna siya ngayon sa trend. Hindi naman niya habol talaga to make money. Gusto lang niyang lumabas sa kanyang comfort zone. At saka dagdag libangan na din.
" Game. Chat kita later after ko gumawa ng page. Tulungan moko pag may mangbash ha." Hirit niya dito. Takot din naman kasi siya mabash kahit paano. Di pa siya ganoon kagaling pero tingin naman niya, yung kadalasang binabash eh yung mga masyadong nagmamagaling sa live nila. Sisiguruhin na lang niya na di masyadong offensive yung mga choice of words niya para di siya masabihang hambug.
Pagka offline niya sa ML ay agad agad niyang binuksan ang fb account niya to make a new page. Di na bago sa kanya iyon kasi nakagawa na siya ng page dati para naman sa kanyang shop iyon. Kaya madali na lang sa kanya ang paggawa ng bago.
Nung matapos niya ang setup ay nag isip siya ng magandang content. Wala talagang idea na pumapasok sa isip niya.
"Ganito pala maging streamer, ang hirap mag isip ng content." Nasabi niya sa sarili niya. Nakakabilib naman talaga yung mga streamer na di nauubusan ng idea.
Hanggang naisip niya na bakit di na lang siya magpakatotoo sa mga iaupload na mga videos. Mabilis siyang nag type sa keyboard ng kanyang computer.
Nilagay niya sa bio niya ang mga katagang "Samahan niyo ko mainis at matawa sa mga every day's experience ko patungo sa mythic division."
Pagkatype ng mga katagang iyon ay bumalik sa laro ang dalaga para makakuha ng mga magagandang videos ng laro niya para iedit at maiupload na sa kanyang bagong page. Di bale ng wala pang followers yun, uunahin na muna niya mag upload ng mga videos nang sa ganun di na blangko yung page niya.
Isang araw ding naging busy ang dalaga sa pag edit ng mga videos niya. Ginamit niya ang google voice para sa voice over ng kanyang videos. Di iyon mahirap para sa kanya. Noong college siya ay may background siya about editing kasi isa siya sa editorial staff ng university. Nilagyan niya din yun ng mga special effects at mga funny video clips na kinacut niya lang galing sa mga lumang pelikula.
Nang matapos ang lahat ng iyon ay nasisiyahan siyang pinagmasdan isa isa ang mga naupload na videos. Nang ma satisfy siya sa ginawa ay nag open siya sa ML para ibalita sa kaduo iyon. Hindi online ang kaduo ng mga oras na iyon pero nagchat na din siya dito. Naisip niya na marerecieve din naman nito iyon mamaya.
"May page na ako search mo lang" Pabuhat gaming hehe" Chat niya.
Dahil sa kawalan ng idea kung anong ipapangalan niya sa page niya ay yun na lang ang nilagay niya na pangalan. Sabagay, anytime naman ay puwede niya yung palitan kung makaisip na siya ng magandang pangalan.
Naisipan ng dalaga na tama na muna ang kakadutdot sa cellphone at magmo malling na muna siyang mag isa. Sumakit kasi ulo niya sa isang araw na pagbababad sa computer. Mamayang gabi na lang siya mag iinvites ng mga friends para di naman magmukhang sementeryo yung page niya sa katahimikan.
Eksakto alas siyete ng gabi noong mapagod ang dalaga sa pagwiwindow shopping at naisipan na magcheck ng kanyang social media accounts. Nagtaka siya nang makita ang bumabahang notiffication sa kanyang bagong page.
"What the heck?" Gulat na sabi niyang makita na walang tigil ang pag add ng mga numbers sa followers icon. Ganoon din ang mga likes ng mga inupload niyang videos. Madami dami na ding comments ang ilan sa mga videos na inupload niya.
Nakita niya na may nag appear na messages sa inbox niya kaya dali dali niya itong binasa.
"Collab daw sabi ng mga fans mo." From rico gaming ang sender ng mensaheng iyon.
"Rico gaming?" Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga nang maalala nga ito nga pala yung page ng kaduo.
"hmp, mastalk nga muna."
Pinindot niya ang profile info nito at ang follow button saka niya tiningnan isa isa ang mga uploaded videos nito.
"Ito yung kahapon na duo kami. Matingnan nga mga comments ng mga viewers." Curious na sabi niya.
"ayiehhh kilig ako sa dalawang ito."
"hahaha ganda ng chemistry nila sa battlefield. Mukhang maalaga si miss vale." Panunukso ng isang follower nito. Ito yung kahapon na nag invade ang binata kung saan nakakuha siya ng double kill.
"Naku mukhang nainlove na lodi natin ah."
"Lods, ligawan mo na baka maunahan pa kita." Sabi pa ng isa pa.
At madami pang mga positive comments na nabasa ang dalaga. At least naman di siya napapahiya sa laban nilang yun kahapon.
"Lods, susundan namin journey niyo hanggang magkatuluyan kayo. Ayieehhh 😘😘😘😘" isa pang comment ng follower nito. Sa lahat ng comment na andun, iyon lang ang tanging mensahe na nakita niyang nireplyan ng binata. Curious siya kung anong nireply nito kaya pinindot niya yan.
" That's for sure boss. 😅😅😅 " Rico gaming replied.
Aba may planu pala talaga ang mokong na iyon na ligawan siya. Kinilig naman ang dalaga sa nabasa. Sino ba naman ang di kikiligin na ang tulad nito na may milyon milyong followers ay proud na proud sa pag sasabing liligawan siya..