Chapter 31

Sa isang isla sa Northern Luzon

LUIS

"One bitter old man deciding the fate of the young one. Ganyan ka na ba ka desperado Arthur, para lang matupad yang masamang balak mo?" sabi niya sa kararating lang na lalaki kasama ng mga tauhan nito.

Arthur dismissed his bodyguards with an imperious wave of his hand and turned to him. "You sound petulant, my friend. You should be gracious in defeat. The battle was engaged, and I emerged victorious."

He fought the urge to spit at the man's feet. Defeat? The hell it was. This was his show from beginning to end, even if the son of a bitch standing before him didn't realize it. He'd been working toward this moment ever since his phony heart attack. All the months of planning and calculating, in order to get to this point.

Narito siya ngayon sa isang isla na hindi niya alam kung saan. Sinadya talaga niyang magpabihag nalang para lang mailayo niya sa kapahamakan ang mga anak.

He was at a disadvantage right now but that wouldn't last. They weren't the only ones who knew how to manipulate that little microchip beneath an operative's rib cage. At kung sakali mang ma activate ang microchip na yon, manganganib ang mga inosenteng tao. Kaya kailangang mapigilan niya iyon bago mahuli ang lahat.

Malaki rin ang kasalan ni Arthur sa kanya dahil pinatay nito ang asawa niya at hinding-hindi niya kailanman ito mapapatawad. Pababayarin niya ito ng mahal. Ang alam lang ng mga anak niya na namatay sa plane crash ang kanilang ina dahil hindi niya maatim na sabihin sa mga ito na pinatay ang pinakamamahal nilang ina.

"I would raise a toast to you, Arthur, but my hands are otherwise occupied." They tied him to a high-backed chair, both hands and feet.

Napahalakhak naman ng tawa si Arthur. "Sa palagay ko nga, parang hindi ka komportable my friend ah."

"Okay lang. Hindi ko naman ito ikamamatay." sagot niya.

"Tonight we will have the chance to settle old issues between us."

"Lilipat ba tayo ng ibang lugar?" he observed.

"Perhaps yes," sagot nito. "because the facilities on this side of the Pacific are far superior to anything your country has yet to offer, for what we have in mind."

"Gutom na ako, hindi nyo ba muna ako pakakainin?"

"Natutuwa talaga ako sayo my friend, dahil hindi mo kami binigyan ng sakit sa ulo at nakipag cooperate ka pa samin. Kaya sige, makakatikim ka sa pinakamasarap mong dinner ngayon, at mamaya makikita mo pa ang ating espesyal na panauhin - ang anak mong si Matilda."

*****

MATI

She maintained a stony face on their way to the airstrip as Trust outline his plan.

"Makakaganti rin ako sayo." ika niya at sinimangotan ang lalaki. "Wala kang karapatan na tutokan ako ng baril."

"Swerte ka nga dahil hindi ko ito ginamit sayo." sabi pa nito. "Hindi naman ganito katigas ang ulo mo ten years ago."

"Hindi pa kasi ako ganap na babae ten years ago." sagot naman niya. "I was a teenage girl nong nagkakilala tayo. At hindi pwedeng basta-basta ka nalang sumusulpot at panghimasokan ang buhay ko. I won't allow it." No matter how much I love you, Trust.

"I had to get your attention." he said.

"Kaya sapilitan mo akong isinama."

"Kung yan ang pinaniniwalaan mo Mahal na Prinsesa, but honestly this is my first kidnapping."

"Hanep ka rin noh." aniya sabay irap nito.

"Kung makakakuha lang tayo ng jet plane, mabilis lang sana tayong makarating doon. But if not, we'll have to come up with something else and fast. Dahil hangga't bihag nila ang ama mo, the tougher this is going to be."

"Hindi naman natin pwedeng gamitin ang jet plane. Umuwi kasi sa probinsya ang piloto namin dahil nanganganak daw ang asawa. Kaya walang magpapalipad."

"I'll do it."

"Marunong kang magpalipad?"

Tumango ito.

"As in marunong kang magpalipad ng jet plane?"

"Oo naman, wala ka na namang tiwala sakin?"

She leaned back in her seat and crossed her arms over her chest. "Of course you can fly a jet. Superspy ka kaya." sarkastikong pahayag niya. "And I suppose you speak French, German, and Spanish fluently, at makakabasa ka rin ng Sanskrit. Dahil superspy ka nga, diba?"

"Hindi ka lang kasi naniniwala sakin."

She just rolled her eyes. "Whatever!"

TRUST

Hindi naman niya masisisi si Mati kung hindi nga siya pinaniniwalaan nito.

"So let's pretend you really can fly a jet." she said, baiting him. "Saan ka naman magpapalipad non?"

"You'll find out when we get there."

"Kung hindi mo sasabihin sakin kung saan, walang jet plane."

"Kung walang jet plane, hindi natin maliligtas ang ama mo." He looked at her. "It's my ball game now, Princess."

"What if the jet plane's not there?" mayamaya ay sinabi niya matapos ang ilang minutong pananahimik. "Baka ginamit na yon sa mga kalaban."

"Then we'll charter a flight."

Her jaw locked with anger, and they didn't speak again until they reached the airstrip. Malalim na ang gabi ng makarating sila doon. Natatanaw naman nila ang isang Cessna plane na papalipad na, at mayamaya lang ay lumipad na nga ito sa ere.

Kinuha niya ngayon mula sa loob ng kanyang bag ang mga iilang papeles at tinitigan ng mabuti ito. "My name is Roy Calzado," sabi niya sa mahinang boses. "I was an air force pilot, and I flew for eight years already."

Mati looked down at his license and passport.

"Saan mo nakuha ang mga ito?"

"Pwede mo naman makuha lahat, basta alam mo lang kung saan mo ito kukunin."

"At kasama ba don ang mga illegal na dokumento?"

He hated the fear and uncertainty in her beautiful eyes, but there was no help. Not right now. Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig, alas dyes na pala. Kung tama nga ang kalkulasyon niya, they had no more than twenty minutes to get airborne before her pursuers pinpointed his latitude and longitude to the precise degree.

Matapos maipresinta niya ang mga ilang dokumento para sa pagpapalipad ng eroplano. Fifteen minutes later ay nabigyan na siya ng permiso.

Mati was seated next to him in the cockpit, seat belt fastened, fingernails gripping the armrest.

MATI

Sigurado siyang makukuwestyon din si Trust sa ipinakitang lisensya nito, at baka anumang oras ay maho-hold sila sa paglipad. Pero nang inispeksyon na sila ng controller, tinapik lang ni Trust ang balikat nito at humudyat na ang controller na pwede na silang lumipad.

"Ang galing mo rin manloko, ano?" she said as they took their seats in the cockpit.

Liningon siya ni Trust at ngumiti ito ng wagas saka siya binigyan nito ng headphones at sinimulan ang pagpindot ng mga buttons sa instrumental panel.

"Kaya ko ring gawin yan." sabi pa niya. "Kaya hindi ibig sabihin na tama nga yang mga pinipindot mo."

She had a moment's hesitation when the engines roared to life, and a second of major apprehension when the ground crew cleared them to taxi over to the runway, nag expect na siyang pumalya ang lalaki sa pagpapatakbo sa eroplano sa runway.

Pero parang sinampal siya sa reyalidad nang maayos na napapalipad ni Trust mula sa runway ang eroplanong sinasakyan nila.

Lumingon ulit sa kanya si Trust habang pataas ng pataas sila. "See, I told you."

"Salamat naman at hindi ka pumalya." nakuha pa niyang sabihin iyon sa pagkapahiya niya.

A few hours later they landed at a small airfield in Aparri, in Northern Luzon.

"Nasa Aparri na tayo?" she asked with a lift of her brow, as the plane rolled past the Welcome to Aparri sign and came to a stop.

"We need to refuel."

"Refuel?" she stopped and stared at him. "Saan mo ba talaga ako dadalhin, huh?"

"Mag-uusap tayo sa pagbalik ko." sabi nito habang tinatanggal ang kanyang seat belt. "Hindi ako magtatagal."

She just watched as he exited the plane. Samantalang bigla siyang nakaisip na tumakas.

Pwede ka ng tumakbo, Mati. Tanggalin mo na ang iyong seat belt, stand up, and run for your life. Anyway may pera ka namang dala at mga credit cards. Ngayon na ang pagkakataon mo na tumakas.

Pero bakit parang napako siya sa kanyang kinaupoan?

Wala ka na yata sa tamang pag-iisip, Mati. Hindi na dapat mapagkatiwalaan si Trust, isipin mo nga na ginawa ka niyang hostage.

She was the daughter of a wealthy man. The same man who'd said Trust wasn't good enough to marry her.

But there it was again, the bone-deep, soul shattering certainty that, no matter how strange or frightening the situation might be, she was where she was meant to be.

Ang unang pagkakataon na nararamdaman niya ito ay noong dise-otso pa lamang siya, walang kamuwang-muwang at madali lang paniwalain ng isang pag-ibig. Pero hindi na siya dise-otso ngayon, at mas lalong hindi na siya naive.

Ang akala niyang pag-ibig noon ay namatay na rin kasama ni Trust, pero ngayong gabi - parang bumalik na naman siya sa nakaraan.

TRUST

Matapos ang trenta minutos, sumakay na ulit siya sa eroplano, and took his seat next to Mati. Sinuot na rin niya ang headphones. Medyo malayo pa ang byahe that's why he needed to stay sharp. He started the engine, then taxied out to the start of the runway. Moments later, nasa alapaap ulit sila.

"I want to know what the hell is going on," basag nito sa katahimikan nila. "Don't patronize me, and don't try to protect me. Don't do one damn thing except tell me the truth. Kung hindi mo yon magagawa, pwes wala ng pag-asa para sa ating dalawa."

Tiningnan niya si Mati sa mga mata nito, at nakita niya ang bukod tanging babae na nagpapatibok sa kanyang puso, at ang dahilan rin sa kanyang pagkasawi sa pag-ibig. Yes, he still loved her. Pero isang ilusyon na lamang kung patuloy pa rin niyang mamahalin ang dalaga. This wasn't just about saving his own butt any longer, or it wasn't about saving the world. It was about this woman.

Akala niya madali lang para sa kanya na kung bumigay ulit si Mati ay tapos na ang ninanais niya. Pero hindi. Si Mati pa rin ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. At kung mag-iba lang ang takbo ng sitwasyon nila ngayon, baka ito pa ang kanyang hinaharap. Napapamura naman siya sa isip, na kung bakit sa lahat ng panahon ngayon pa niya ulit nakapiling ang dalaga kung kailan malabo na ang lahat.

"Ang totoo, matagal na kaming magkakilala ng ama mo, thirteen years ago na."