Chapter 4: Stand by Me

Pagpasok ko pa lang ng gate natatanaw ko na ang kumpulan ng mga estudyante na nagbubulungan.

"Omayghad! 'di ba president 'yan ng science club?"

"Kawawa naman."

"Sayang pogi pa naman."

"Ikaw talaga girl pati patay hindi mo pinapalagpas."

"I'm just saying lang naman."

"Ang sabi-sabi ng ibang estudyante dito ay may sumpa raw ang building ng senior high dahil may namatay na estudyante do'n dati. At kada dalawang buwan ay may namamatay do'n."

"Ilang beses na nga raw pina-bless ang building na 'yon pero nonsense dahil tuloy tuloy pa rin ang nangyayaring pagpatay sa mga estudyante."

"Yna!"

Nawala ang atensyon ko sa mga nagkukumpulan na estudyante dahil sa pagtawag sa'kin ni Jerome.

"Nandiyan ka lang pala. Tara na malapit na tayong ma-late sa klase natin," he stated.

"Akala ko ba hindi ka paniwalain ng kahit na anong elemento o kahit pa sa mga pamahiin at sabi-sabi?" he asked, out of the blue. Habang naglalakad kami papunta room namin.

"Yeah," I answered coldly.

"Pareho tayo kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino may gawa nito. Dahil tulad mo hindi ako naniniwala na sumpa ang dahilan sa pagkamatay ng mga estudyante rito."

"B-bakit? I mean wala ka namang mapapala kung mahuli mo man ang taong 'yon."

Pero hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ko dahil nakarating na kami sa classroom namin.

-AFTER CLASS-

"Yna! Tara samahan mo ko," he said, tentatively.

"Saan?"

"Sa building ng senior high."

"B-bakit?"

"May ipapakita ako sa'yo." Sabay hatak nito sa'kin papunta sa building ng senior high.

Pagkarating namin sa naturang gusali. Isang tahimik na paligid ang sumalubong sa'min. Dahil sa nangyayaring pagpatay sa mga estudyante pinasara ang building na 'to. Pina-bless noon pero nang magtuloy-tuloy pa rin ang pagpatay sa mga estudyante ay wala na silang ibang nagawa kun'di ang ipasara ito. Pero hindi pa rin naging hadlang 'yon dahil hanggang ngayon ay may namamatay pa rin na estudyante sa mismong gusali na 'to.

"Take a look," aniya, sabay turo sa mga numero na nakasulat gamit ang dugo.

"Ito 'yong natatanging clue na iniwan ng last victim. It is the number 16, 1, 39, and 11. Nakita ang mga numero na 'yan habang naliligo sa sariling dugo ang biktima. Kung sasabihin natin na ang mga numero ay date it become nonsense dahil wala namang 39 sa kalendaryo natin," he explained.

"Exactly, kahit saan natin tignan wala itong sense at hindi ito magiging konekted sa nangyaring insidente," I said automatically.

"Pero nalaman ko rin na ang biktima ay president ng science club dito sa school natin. So kung susubukan natin sa periodic table. Those are the atomic number for Sulfur, Hydrogen, Yttrium, and Sodium which is the symbol of those elements is S for Sulfur, H for Hydrogen, Y for Yttrium and—"

"NA for Sodium. It became Shyna and Yna for short," I said with a smirk on my face.

"I underestimated you, little detective," I added.

"W-what i-s the m-meaning o-of this, Yna? Bakit mo 'yon ginawa?!" bulyaw nito sa'kin.

I laughed without humor. "Matalino ka nga pero kulang naman ang impormasyon mo. Mapapahanga mo na sana ako—dahil sa mga lalaking 'yon namatay ang kambal ko!" I yelled back.

"Now she can't fulfill her promise that she stands by me no matter what happen. Pinagsamantalahan nila ang kapatid ko. Dalawang buwan niyang tiniis 'yon bago siya mag suicide." Naikuyom ko ang kamay ko sa inis at galit na nararamdaman ko. I gritted my teeth out of much irritation.

He was frozen in place with wide eyes and parted lips. He was just looking at me in the middle of shock.

I chuckled. "Pero mukhang may gustong sumama sa'kanila."

Genre: Tragedy and Mystery