Chapter 3: Befall
FLASHBACK
[WEEDING BOOTH]
"Now Ethan Madrigal, do you take this woman—" Panimula ng kaibigan namin na nagsilbing pari sa wedding booth.
"Kahit 'wag mo ng ibalik p're," bulong nito kay Ethan. Nagtawanan naman ang iba pa naming mga kaibigan pati si Ethan, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Matagal na kaming magkaibigan ni Ethan. Matagal na rin akong may gusto sa'kaniya pero hindi ko alam kung pansin niya. Kaya no'ng malaman ko na kaibigan namin ang mag-ha-handle ng wedding booth. I grab the opportunity agad para kahit dito manlang maikasal kami.
He cleared his throat. "I repeat. Now Ethan Madrigal do you take this woman to be thy wedded wife, to live together in the holy bonds of matrimony? To love her, to comfort her, honor and keep her, in sickness and in health and forsaking all others."
Ethan smiled at me. "Yes, Father."
END OF FLASHBACK
Napapangiti na lang ako habang sinusukat ang wedding gown para sa kasal namin ni Ethan. Hindi ko akalain na seseryosohin niya 'yon. Maraming naghahabol at nagkakagusto sa kaniya kaya hindi ko lubos akalain na mauuwi kami sa kasalan.
"You look so beautiful, babe." Pipihit na sana ako paharap sa kaniya pero niyakap na niya ako mula sa likuran.
"Lagi ka nga palang maganda," bulong pa nito sa'kin. Saka binaon ang mukha nito sa leeg ko. Pakiramdam ko nagsisimula ng mamula ang pisngi ko.
I chuckled. "Alam na alam mo talaga kung paano ako bobolahin, Mr. Madrigal."
"Of course not, Mrs. Madrigal," pagdidiin niya sa 'Mrs'.
"Bagay na bagay sa'yo ang kanta sa kasal natin. You really look so beautiful in white," saad pa nito saka tinignan ang kabuuan ko sa salamin.
Natatawa akong humarap sa'kaniya. "I love you, babe."
"I love you more." And then he kissed me.
-
Lumabas ako para magpahangin ng biglang may humawak sa braso ko na isang matanda. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Lola naman. 'Wag naman ho kayong mang-gu-gulat ng gano'n. Aatakihin ho ako sa puso ng dahil sa inyo."
"Humanda ka iha dahil may mangyayaring hindi mo inaasahan sa'yong minamahal," aniya na lalong nagpabilis ng tibok sa puso ko.
"H-hindi k-ko ho—"
"Amber!" naputol ang sasabihin ko ng marinig kong tawagin ako ni Mommy.
"Ano bang ginagawa mo dito sa labas? Jusko kang bata ka. Tara na nga sa bahay. Nandoon si Shiela at kanina ka pa hinihintay."
"P-pero my 'yong matanda kasi—"
"Matanda? Eh wala naman akong nakitang kasama mo dito kanina. Tara na nga umuwi na tayo."
'Imagination ko lang ba 'yon?'
I shooked my head. No. Wala lang 'yon. Dahil lang siguro sa init.
"Amber," tawag sa'kin ni Shiela ng makauwi na kami.
"Oh, siya, maiwan ko muna kayo diyan. Maghahanda lang ako ng meryenda para sainyo," saad ni Mommy.
"The best ka talaga tita," biro ni Shiela. Tumawa lang si Mommy saka dumiretso sa kusina.
"Saan ka ba galing?" panimula niya ng makaupo na kami sa sofa.
"Nagpahangin lang," tipid kong sagot.
"Seriously? Ang init kaya sa labas. Anyway, akala ko nagkita kayo ni Ethan. Alam mo namang may tradisyon tayo 'di ba? Na bawal magkita ang ikakasal hanggang sa mismong araw ng kasal nila," paliwanag ni Shiela.
Bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Nagkita kami no'ng isang araw. Shit!
"Namumutla ka, Amber. Are you okay?"
Bumalik lang ako sa wisyo ng tumunog ang phone ko. Pero mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"T-tita" sagot ko sa phone.
-
WEDDING DAY
So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
Totoo pala talaga na mag-fa-flashback lahat sa oras ng kasal n'yo. Lahat ng ala-ala naming dalawa bumalik sa isipan ko.
from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
Hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa altar. Kung saan naghihintay ang pinakamamahal ko.
"Amber Quizon, will you take Ethan Madrigal as your husband?" tanong sa'kin ng pari.
'May 3, 2010 no'ng sumagot ako sa'yo bilang girlfriend mo. Ngayon May 3, 2020 sasagot ako sa'yo bilang asawa mo.'
"I do father."
"For as much as, Ethan and Amber have consented together in holy wedlock, and have witnessed the same before God and this company, and there to have pledged their faith each to other and have declared the same by joining hands and by giving and receiving rings; I now pronounce you as husband and wife."
Binuksan nila ang kabaong kung saan parang mahimbing lang na natutulog si Ethan. Pumunta ako doon para halikan at yakapin siya sa huling pagkakataon.
Nagsimula ng mag unahan sa pagbagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Maging ang paligid ay nagsimula ng mag-ingay.
He died because of car accident. Namatay siya bago ang araw ng kasal namin.
'I love you always Ethan'
Genre: Romance and Tragedy