Chapter 13: I want to Make them Proud
Grade 7
"Congrats, beh."
"Naks, congrats, p're. Pa-lumpia ka naman diyan," natatawang saad ni Niko.
"I'm so proud of you best! Congraattsss."
"Thank you!" masayang usal ko.
Wala akong ibang naririnig kung hindi puro papuri ng mga kaibigan ko dahil nakasama ako sa top. Sa wakas natupad ko na iyong pangako ko sa sarili ko. At syempre para sa magulang ko. I want to make them proud—napagitla ako ng marinig kong mag ring ang phone ko. At isang malaking ngiti ang gumuhit sa mga labi ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Pa!" masayang bati ko sa kabilang linya.
"Nak, sorry pero hindi ako makakapunta sa school ninyo ngayon..."
Unti-unti nawala iyong ngiti na kaninang sumilay sa mga labi ko. Ano pa nga bang inaasahan ko? Tulad ng dati, syempre hindi sila pupunta para kuhanin ang card ko.
"Marami kasi akong ginagawa. At ang mama mo nasa trabaho—" hindi ko na siya pinatapos at agad ko ng binaba ang phone ko. Yeah, tulad ng dati I want to make them proud of me but I think it's still not enough.
Ginagawa ko lahat ng best ko at araw-araw akong nagdadasal para sa mataas na grades. Para kapag kinuha nila ang card ko magawa nilang ipagmalaki ang nag-iisa nilang anak na babae. Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi paulit-ulit na itong nangyayari pero hindi pa rin ako nadadala.
-
Grade 8
Laging wala ang magulang ko sa tabi ko. At ni minsan hindi ko naranasan na masuportahan ako. Sa araw na iyon natuto akong umuwi ng gabi, minsan alas-dose na ako umuuwi. Natuto akong magbisyo at mag-cutting class.
"Bakit ngayon ka lang?! Nauna pa kaming makauwi ng papa mo sa'yo! Kababae mong tao dis-oras ka na ng gabi kung umuwi!" bulyaw sa'kin ng mama ko.
Yeah, I want to make them proud of me but I failed.
"Bakit ito lang?! Kaka-selpon mo iyan! Tapos kung kani-kanino ka pa sumasama!" galit na usal sa'kin ni papa.
"Siguro may boypren ka na?!" sigaw naman ni mama.
Ito iyong unang araw na nagalit sa'kin si papa ng sobra at dahil sa grades ko. Nakakatawa kasi ginawa ko lahat ng iyon para mapansin nila ako. Baka sakaling tanungin nila kung anong nangyayari sa'kin, kung bakit ako nagkakaganito, kung kumusta na ba ako. Mas kilala pa nga ako ng ibang tao kaysa magulang ko kasi lagi silang wala.
"Maaga kang umaalis ng bahay tapos gabi ka na kung umuwi!" muling sita sa'kin ni papa.
Nakakatawa kasi noong mga panahon na ginagawa ko lahat para matuwa at mapansin nila ako ay hindi nila ako napapansin. Pero ngayong nakagawa ako ng pagkakamali, napansin nila.
-
Grade 9
"Mag-aral kayo ng mabuti. Ginagawa namin lahat ng papa ninyo para mapag-aral kayo at mabili ang mga gusto ninyo."
Lihim akong napangiti, kasi kahit kailan naman hindi ako naghangad ng kahit na anong materyal na bagay mula sa kanila. Ang gusto ko lang naman oras at maramdaman ko na kaya nila akong suportahan sa gusto ko.
Pero bakit ganoon? Parang ayaw sa akin ibigay na makasama manlang kayo. Habang tumatagal may pader sa pagitan natin. Pinipilit kong sirain iyong pader na iyon pero patuloy kayo sa pagbuo ng mataas na pader sa pagitan natin.
Sa pangatlong pagkakataon, yeah, I want to make them proud but I failed.
-
Grade 10
Sabi ko sa sarili ko noon hinding hindi ako mag-bo-boyfried pero bigo ako. Nakahanap ako ng lalaking uunawa at dadamay sa'kin. Naramdaman ko ulit kung paano sumaya, natuto ulit ako kung paano ngumiti. Pero panandalian lang pala iyon.
"Jhersey, p're, sila na ni Aubrey," seryosong saad ni Andrei.
May kung anong kirot ang naramdaman ko sa puso ko. Pero hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ng kaibigan ko. Hanggang sa naramdaman ko na iyong paglayo niya sa'kin at bigla na lang siyang nanlamig.
"Ano bang problema, Josh? Okay naman tayo, hindi ba?" aniko habang pinipigilan ko na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Pero nanatili siyang nakayuko at tahimik. Pilit akong ngumiti saka naglakad palayo. Ang lakas ng loob kong magtanong pero hindi ko pala kaya kung anong isasagot niya.
Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Josh.
Josh:
May sasabihin ako.
Ngumiti ako saka tumipa ng sagot ko sa kaniya.
Ako:
Alam ko na. Kayo na ni Aubrey?
Iyong susunod na reply niya ay hirap akong tignan. Hindi ko kaya. Pero may kung ano pa sa sarili ko na sana i-deny niya. Sana hindi ang isagot niya.
Josh:
Yes. I'm so sorry Jhersey.
Muli akong natawa sa isip ko. Masyadong masakit. Siya iyong naging sandalan ko. Siya iyong naging dahilan kung bakit nakakangiti ulit ako. Pero mas ginusto niya sa bestfriend ko.
Dumating ang araw ng moving up namin. Para sa iba masayang araw iyon. Pero para sa'kin, hindi.
"Pa, moving up na po namin."
"Mama mo papuntahin mo marami akong ginagawa," sagot ni papa.
"Ma, moving up na po namin."
"Ano sabi ng papa mo? May trabaho ako, 'nak. Siya na lang papuntahin mo," mabilis na sagot ni mama.
Gaya ng dati nagturuan sila kung sinong pupunta para sa'kin. Samantalang noong graduation ng kapatid ko parang gusto pa nila na dalawa silang pumunta. Pero kailanman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila o sa kahit na sino. Mas naiinis ako sa sarili ko.
I want to make them proud but I'm still a failure at the end.
"Saan ka ba galing kanina? Ang tagal-tagal matapos ng program ninyo tapos ang init-init pa," iritadong saad ni mama sa'kin.
"Pinuntahan ko po kasi si Sir. Pinatawag po kasi kami kanina para i-congratulate."
"Diyan ka na nga. Ang init-init na nga pinag-iinit mo pa lalo ulo ko." Sabay lakad palayo.
Nakakatawa kasi lahat masaya sa moving up maliban sa'kin. Nag-away pa kami ni mama dahil pinilit ko siyang makasama sa araw na iyon.
-
Grade 11
Natuto akong maging matigas. Natuto akong kimkimin lahat. Natuto akong 'wag magsabi ng problema sa iba. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ay iyong iiyak ako sa harap ng iba.
"Malapit na debut mo ah. Ano balak?" natatawang tanong sa'kin ng tita ko. Pero nagkibit balikat lang ako.
"Ang laki ng garahe ninyo sa inyo. Subdivision pa. Magpa-party kayo," dugtong pa niya.
"Hindi! Anong party. Gastos lang iyon," mabilis na sagot ni papa.
Pilit akong ngumiti sa kanila. Wala naman akong pake kung mag-de-debut ako. Para sa'kin kasi usual na birthday ko lang iyon. Birthday na lagi silang wala. Pero ang mas masakit iyong ipinapakita nila na ayaw nila akong makasama, ni hindi nga ako mabati ng tatay ko sa tuwing birthday ko. Nakakatawa 'di ba?
Para akong batang nanlilimos ng atensyon nila. Pero sa kabila no'n lagi ko pa rin ginagawa lahat para sa kanila. Pero sa lahat ng achievements ko wala sila sa tabi ko.
Yeah, I want to make them proud of me—but I failed.
Pakiramdam ko wala na akong dinulot sa mga taong nasa paligid ko kung hindi puro kabiguan. Wala na akong dinulot na maganda.
-
Grade 12
Nagsimula na akong mawalan ng interes sa lahat ng bagay. Wala akong ibang ginawa kung hindi matulog. Pakiramdam ko humihinga na lang ako pero iyong buong ako, wala ng buhay. Matagal ng patay.
I want to make them proud! I want to make them f*cking proud of me! But I always failed. Pakiramdam ko napaka wala kong kwentang tao. Hindi ko magawang maging proud ang magulang ko para sa'kin. Hindi ko magawang manatili iyong mga taong mahalaga sa'kin. Lagi akong nauuwing talunan at mag-isa.
"Gusto ko ng mamatay, gusto ko na lang maglaho na parang bula, gusto ko na lang lamunin ako ng lupa," wala sa sariling usal ko.
"Nakakatawa kasi maski sarili ko hindi ko na kilala. Ubos na ubos na ako."
Langit, lupa, impiyerno. Laslas pulso, tulo ang dugo.
Iyan iyong paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang sinusugatan ang sarili ko. Pero wala akong maramdaman na kahit na ano mula ro'n. Dahil mas masakit pa rin iyong sugat sa puso ko. Na kahit kailan hindi na maaalis.
Genre: Tragedy