Chapter 12: Fearing the Unknown

Pagkagising ko agad akong bumaba sa kuwarto ko ng mapagtanto ko na wala na sa tabi ko si Erin.

"Good morning love!" she said as a greeting and hugged me tightly.

"How's your sleep?" she added.

"Akala ko iniwan mo na ako," biro kong sagot sa kaniya.

She laughed without humor that made my eyebrows knitted. "Happy pill mo naman ako masyado."

She cleared her throat. "Masyado mo kasi akong pinapatawa. Alam mo gutom lang 'yan. Tara kumain na tayo at pinaghanda na kita ng almusal." Sabay hatak niya sa'kin at hinayaan ko na ang sarili ko na magpatianod sa kaniya.

And I was amazed ng makita ko ang mga pagkain na nakahanda sa lamesa.

"Kailan ka pa natutong magluto?" I said, out of the blue.

"H-ha?" she uttered.

"Kako kailan ka pa natuto magluto?" pag-uulit ko sa tanong ko.

"Ah... pinag-aralan ko lang p-para sa'yo," she explained after a second.

'Weird'

"I see, so let's eat?"

She nodded in reply. At sabay na kaming naupo para kumain.

"Hindi mo naman kailangan na pag-aralan pa kung paano magluto para sa'kin. Paano kung nasunog mo 'tong buong bahay? Saan na lang tayo gagawa ng baby?" natatawa kong saad habang kumakain.

But she remained silent na ipinagtaka ko. She's staring at me while her face turns cold.

"May problema ba, love?"

"Nothing. Gusto ko lang na titigan ka," seryoso niyang sagot pero hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mukha niya.

She's always weird pero ito na yata 'yong pinaka weird na kilos niya. But apparently, I found myself looking at her. And appreciate how beautiful this woman in front of me. She had slender eyebrows while her eyelashes were velvety. She had sea-nymph ears, pointed nose, and dainty lips.

Habang pinagmamasdan ko siya ay narinig kong may nag doorbell. Kaya napatingin si Erin sa'kin.

"Ako na." Saka ako naglakad papunta sa pintuan.

"Insan!" Sabay yakap ni Yasmine sa'kin pagbukas ko ng pintuan.

"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka?" saad ko matapos niya akong yakapin.

"Actually, nagsabi ako hindi nga lang sa'yo," natatawa niyang sagot.

"Galing na rin ako rito kanina," dugtong niya pa saka pumasok sa loob ng bahay.

"Kay Erin?" takang tanong ko.

Tumango siya sa akin. "Kaya sinama ko na rin siya. Tulog ka pa kasi kanina—"

"What are you talking about Yas? Eh kanina ko pa kasama si Erin," takang tanong ko at hindi na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Baka nananaginip ka lang o baka gutom lang 'yan, Kuya Jace," sagot niya habang nakakunot ang noo.

Sasagot pa sana ako ng may marinig akong boses mula sa pintuan. "Love!"

I turned my head to her direction. 'Wtf?'

Niyakap niya ako ng mahigpit saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Sorry hindi na kita ginising kanina para makapagpaalam sa'yo," malungkot niyang saad.

Pero nanatili akong walang imik. 'Anong nangyayari? The fuck!'

"Nagluto ka na pala, kuya Jace!" masayang wika ni Yas na nagpabalik sa'kin sa ulirat.

'Kung kasama ni Yas si Erin kanina pa sinong kausap ko mula kanina at nagluto pa ng almusal?'

Nagsisimula na akong kilabutan sa mga iniisip ko. Pero hinayaan ko na lang 'yon. Umakto akong parang walang nangyaring kakaiba. Alam ko rin naman na hindi sila maniniwala.

Natapos kaming kumain ng hindi pa rin nawawala sa isip ko kung anong nangyari kanina. Nanaginip lang ba ako? Pero imposible dahil may pagkain na sa lamesa. Nagluto ako habang tulog? Damn it!

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Masisiraan na yata ako ng bait kakaisip kung anong nangyari.

"Love are you okay?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Erin. Hindi ko napansin na nandito pa rin pala siya.

"Pansin ko na parang kanina ka pa wala sa sarili mo. Hindi ba maganda ang gising mo?" tanong niya pa.

"Nagising kasi ako ng wala ka sa tabi ko," palusot ko.

She giggled. "Puro ka biro. Mabuti pa pumunta na tayo sa taas. Nandoon na si Yas sabi niya gusto ka niya makasama dahil namimiss ka na raw niya."

I smirked. "Susunod ako."

"Sure?" she assured.

I nodded then she kissed me before she left. Habang ako ay pumunta sa lababo para maghilamos. Baka sakaling bumalik ako sa wisyo. Dinarama ko ang lamig ng tubig sa mukha ko ng may bigla akong maramdamang tao sa likod ko. Nagsimulang manindig ang mga balahibo ko sa hindi malamang dahilan.

Tinignan ko siya gamit ang salamin sa harapan ko. Her smile was knife-edge thin and bared her large teeth. Nagbago na iyong inosenteng babae na kasama ko kanina. Her eyes were beady and dark like those of a crab and conveyed almost no expression.

She smirked evilly. "Kamukhang kamukha ko siya, 'di ba?"

Genre: Mystery