Chapter 11: Betrayal
"Sinubukan ko na lahat at ginawa ko na ang makakaya ko para mabuksan ulit ang kaso ng mga magulang mo. But they won't approve the appeal unless we have an evidence in our hands," Atty. Montes said.
I heaved a sigh and leaned my back against my chair. "Hindi ko sila titigilan hangga't hindi sila pumapayag na mabuksan ulit ang kaso ng mga magulang ko."
I'm doing everything and my best that I can, as long as I can. But the higher up’s won't let me re-open the case for thorough investigation.
Hinilot ko ang magkabilang sentido ko bago muling magsalita. "Hindi mo naman susukuan hindi ba?"
'Kasi ako hindi.'
He shook his head. "No. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo. At 'yon ang trabaho ng isang abogadong katulad ko. Ang magbigay ng hustisya lalo na sa mga nangangailangan nito."
I began to breathe a sigh of relief. "That's nice Atty," I answered with a smile.
"Sasabihan o tatawagan na lang ulit kita kung may balita na."
"Thank you," I said too quickly.
He smiled at me. "Not at all Ms. Montenegro."
Matapos ng pag-uusap namin dumiretso ako sa parking lot ng coffee shop kung saan kami nagkita ni Atty.
The sky was getting darker. And the winds were getting stronger and whipping. I withdrew my hand from my pocket and pulled out my car keys.
Sumakay ako sa kotse ko saka bumuga ng malalim na buntong hininga. Habang tumatagal na hindi nabubuksan ang kaso ng mga magulang ko parang mas lalong nagiging imposible na mabigyan ko sila ng hustisya. Pinalipas ko muna ang ilang minuto para kalmahin ang sarili ko bago paandarin ang sasakyan ko pauwi sa bahay.
Nang makauwi ako sa bahay. Padarag akong umupo sa sofa at isinandal ang likod ko doon. I closed my eyes and blows a small breath. Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang binuga ko sa hangin. Nagsisimula ng maglakbay sa kung saan ang isipan ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Walang buhay na kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko para tignan kung anong meron.
Nagtaka ako dahil isa 'yong mensahe galing sa hindi kilalang numero. At ang ikinagulat ko ay ang mabasa ko ang mensahe.
'Stay away from him mi princesa'
Napatitig ako sa mensahe. Ilang beses pa akong pumikit at nagbabaka sakaling namamalikmata lang ako. Nagsisimula na ring bumilos sa pagtibok ang puso ko. Isang tao lang ang tumatawag sa'kin ng gano'n.
"D-dad?" wala sa sariling saad ko.
Dali-dali kong tinawagan ang phone number pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nagha-halo-halo na lahat ng emosyon ko. I took another deep breath as tears keep falling from my eyes.
"Dad, I miss you."
Lalo pang nagpagulo sa isipan ko ay ang sinabi niya sa mensahe. 'Stay away from him mi princesa' him? Sino? Kanino? Bakit?
Sa bawat araw na lumilipas paulit-ulit na tanong lang ang tumatakbo sa isipan ko. Kung si Dad ba talaga ang nagpadala ng mensahe na 'yon. Hindi kaya buhay pa siya? Buhay pa sila ni Mom? Pero paano? Kung buhay nga sila pareho. Sinong iniyakan ko noong araw ng libing nila? Kaninong puntod ang iniiyakan ko sa bawat araw na dadalawin ko sila sa sementeryo?
Isa lang ang malalapitan ko. Si Atty. Montes. Kaya agad kong kinuha ang phone ko para tawagan siya.
"Yes? Ms. Montenegro? What can I do for you young lady?" sagot nito sa kabilang linya.
"S-si d-dad—" I uttered.
"Inaayos ko pa ang tungkol diyan—"
"I think buhay siya," pagpuputol ko sa sasabihin niya. Pero nanatiling tahimik ang nasa kabilang linya. Marahil ay nagulat din siya katulad ko.
"May hinala ako na buhay pa sila Atty."
"Magkita tayo," iyon ang huling salitang narinig ko bago nawala ang kausap ko sa kabilang linya.
Hindi pa nagtatagal bago ko ibaba ang phone ay nagpadala ito ng mensahe. Address kung saan kami magkikita.
Wala na akong inaksayang oras. Mabilis kong kinuha ang gamit ko pati ang susi ng sasakyan ko at agad na lumabas ng bahay.
Sana nga buhay pa kayo Mom, Dad. Gustong gusto ko na kayong makita at makasama.
Pinaandar ko ang sasakyan ko at pinaharurot ito upang makarating ako ng mabilis sa address na ibinigay sa'kin ni Atty. Ang daming tanong sa aking isipan na gusto kong mahanapan ng kasagutan.
Nakarating ako sa address na binigay niya sa'kin. Isang lumang gusali? Bakit dito? May kung ano sa loob ko na pumipigil sa'kin para maglakad papasok do'n. Pero mas nanaig ang kagustuhan ko na makita at makasama ang mga magulang ko kung totoo ngang buhay pa sila.
"Atty. Montes!" pagtatawag ko sa pangalan niya pero walang sumasagot. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Bakit ba kasi kailangan dito pa kami magkita?
Hanggang sa bigla na lang may tumakip sa ilong at bibig ko gamit ang panyo mula sa likuran ko. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa'kin. Hanggang sa nawalan na ako ng malay dahil sa naamoy ko galing sa panyo na nakatakip sa'kin.
Nang magising ako ay nakaramdam ako ng sobrang sakit sa ulo ko. And the reality of the situation kicked me hard on my gut. Nakakulong at nakatali ako.
Hanggang sa nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang kaisa-isang taong pinagkatiwalaan ko. Kumuyom ang mga kamay kong nakatali habang nakatingin ng masama sa'kaniya.
"Anong ibig sabihin nito, Atty. Montes!" sigaw ko sa'kaniya. Gusto ko siyang sugurin pero mahigpit akong nakagapos sa kinauupan ko ngayon.
Pero ngumiti lang ito ng nakakaloko. Ibang iba siya sa nakilala ko. Ibang iba ang postura at emosyon na nababasa at nakikita ko sa'kaniya ngayon.
He laughed. "Chill. Masyado ka namang mainit. Kung nakakamatay lang ang pagtitig. Malamang pagpasok ko pa lang dito ay nakabulagta na ako sa harap mo." At saka tumawa ulit.
Pero hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong nakatingin sa'kaniya. "Anong ibig sabihin nito?" pag-uulit ko sa tanong ko.
Naalala ko bigla 'yong mensaheng pinadala sa'kin. 'Stay away from him' ngayon nag-sink in na sa'kin kung sino 'yon.
"B-bakit?" nagsisimula ng manubig ang gilid ng mga mata ko. Pero pinipigilan ko 'yon. Ayokong mag mukhang kawawa at mahina sa harap niya.
Nahihirapan man dahil natatakot ako sa puwede niyang maging sagot ay tinanong ko pa rin. "Nasaan na ang mga magulang ko?"
"Tama ka. Buhay pa sila. Pero sadly, ikaw naman ang mawawala. At sila naman ang mamamatay kakahanap sa'yo. Funny, right?" nakangiting sagot niya.
"Bakit? Anong ginawa ko sa'yo? Anong ginawa ng pamilya ko sa'yo?! Para paglaruan mo kami ng ganito?! Pinagkatiwalaan kita!" bulyaw ko sa'kaniya kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.
His face turns cold. "Gusto mong malaman kung bakit? Gusto mong malaman kung bakit?!"
Sa isang iglap puno na ng galit ang nababasa ko sa mga mata niya. Itinukod nito ang isang tuhod niya upang maging pantay kami at bahagyang inilapit ang mukha nito sa'kin. Kaya mas nakikita ko ngayon ang galit sa mga mata niya. He immediately gripped my jaw. Nakaramdam ako ng sakit mula roon pero wala ng mas sasakit pa sa traydorin ka ng kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan mo. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak. Kaya mas lalo ko pang naramdaman ang sakit hanggang sa nahihirapan na rin akong huminga.
"Gusto mong malaman kung bakit?" mariin niyang saad.
"Nang dahil lang naman sa mga magulang mo hindi ko nakuha agad kung anong meron ako ngayon. Hinadlangan nila ako kahit pa isa sila sa pinagkakatiwalaan ko. I felt betrayed. Ginawa ko lahat para marating ko kung nasaan ako ngayon, hindi ko alam unti-unti na palang nawawala sa'kin ang ka-isa-isang tao na pinahalagahan, iningatan, at minahal ko. Siya rin ang dahilan kung bakit pilit kong inaabot ang pangarap ko. Pero ng dahil sa mga magulang mo nawala siya sa'kin! Kung hindi nila ako hinadlangan noon pa man hindi sana aabot sa puntong iwan niya ako! Sinira nila buhay ko naiintindihan mo ba 'yon, Ashley! Sinira ng mga magulang mo ang buhay ko! Ngayon pakiramdam mo sinaksak ka patalikod ng ka-isa-isang taong pinagkakatiwalaan mo?" Ngumiti muna siya ng nakakaloko bago muling magsalita. "Ganiyang ganiyan ang nararamdaman ko noon no'ng traydurin ako ng mga magulang mo!" Saka marahas na binitawan ang pagkakahawak niya sa panga ko.
Muli itong tumayo pero hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa'kin.
"Kaya bakit ko hahayaan na magkasama kayo ulit?"
He smiled bitterly and plunged his hand back into his coat pocket and pulled out a gun. I stared, frozen for a second utter disbelief. He pointed the gun at me, but I remained silent. Walang lumalabas na kahit na anong salita mula sa bibig ko. I'm so exhausted mentally, physically, and emotionally. Hindi ko alam kung makakaya ko pa. I wanted to give up. I just close my eyes before he pulled the trigger.
Genre: Mystery and Tragedy