Chapter 10: Prank Call

"P're, p're, Shantal." Sabay kalabit niya pa sa'kin.

"Ano?" iritadong sagot ko.

"Wala. Boring eh. Wala na naman tayong klase," sagot niya saka tumawa.

"Kaya ako na naman nakita mo? Buwisit ka," inis kong sagot.

Then after a few seconds, she laughed hysterically. Ganiyan 'yan kapag naiinis niya ako. Nasisiraan ng bait.

"Mahipan ka sana ng masamang hangin," bulong ko.

"Ano p're? May sinasabi ka?" Tanong niya habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Wala. Sabi ko nasaan ba si Angeline?" Pagiiba ko ng usapan.

She blows a loud breath and shrugged. "Hindi ko alam."

"Alam ko na. May load ka?" dagdag niya pa.

"Meron. Bakit? Ano na namang trip mo?"

"Mag prank call tayo!" masayang aniya.

I raised my right eyebrow. "No," I said quickly and shook my head.

"Dali naaa!" Pangungulit niya pa sa'kin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at saka ako niyugyog.

'Wtf?!'

"Oo na, oo na!" Sabay hawak ko sa magkabilang braso niya at padarag na inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Napipilitan man ay pumayag ako sa trip ng kaibigan ko. Hanggang sa napagkatuwaan na naming tatlo na gawin 'yon sa tuwing wala kaming klase.

Being the idiots we are, we call them up, talk to someone stranger, and almost got reported to the police.

But still my bestfriend Patricia, starting to dial again a new phone number for our new victim.

"Hello," she says in high-pitched overly feminine voice.

"Yes? Sino 'to?" sagot ng nasa kabilang linya. Dinig namin 'yon ni Ange since naka-loud speaker ang phone call.

"You have a chance to won two tickets to see your favorite band or artist..." we paused a second and laughed in a lower voice.

"T-totoo ba?" hindi maka-paniwalang sagot ng nasa kabilang linya. Habang kami ay pigil sa bawat paghinga at pagtawa.

"The only you need to do is answer my question..." another pause.

"Wait—is this a prank call?" she sounded confused.

"No," Patricia said automatically.

"Are you serious miss?" Nagsisimula ng mainis ang kausap ni Patricia sa kabilang linya kaya lalo kaming natawa.

"The last time I check. Yes, I'm serious." Patricia said while trying to be serious.

At ang sunod na narinig na lang namin ay ang pagbaba ng tawag sa kabilang linya. Kaya naman hindi na namin mapigilan na matawa ng sobra. Halos maiyak kami kakatawa sa bawat reaksyon ng mga matatawagan namin.

"Tara, p're, canteen." Pag-aaya sa'kin ni Patricia. Tumango lang ako at saka naglakad palabas ng room para pumunta sa canteen.

Hanggang sa nag-vibrate ang phone ko, kaya naman huminto ako sa paglalakad para kuhanin ang phone ko sa bulsa ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay nagtaka ako.

"Bakit?" tanong sa'kin ni Patricia.

"Si Ange tumatawag," nagtatakang sagot ko.

"Baka may ipapabili lang."

Nagkibit-balikat lang ako. "Sagutin mo na," dagdag pa niya.

Kaya naman nagtataka kong sinagot ang tawag. "Hello? P're?"

Pero nanatiling tahimik ang kabilang linya. Kaya lalo akong nagtaka. Ang nakakapagtaka pa ay ang alam namin nasa room siya kaya naman dapat ay may maririnig akong ingay manlang sa kabilang linya. Pero wala.

"Hello?" pag-uulit ko. Pero wala pa ring sumagot. Kaya naman pinatay ko na lang ang tawag baka pinagtitripan lang ako nang isang 'yon.

"Ano sabi?" pagtatanong ulit ni Patricia nang ibaba ko na ang phone ko at ibalik 'yon sa bulsa ko.

"Ayaw sumagot, eh."

Mahina siyang natawa. "Baka nantitrip lang."

Matapos naming magpunta sa room ay agad kaming bumalik sa room.

"Ange!" sigaw ko nang makapasok kami sa room.

"Bakit, p're? Namiss mo 'ko agad?" Sabay tawa niya.

"Bakit ka tumawag?"

Kumunot ang noo niya at takang nagtanong. "Tumawag?"

"Tumawag?" Pang-gagaya ko sa'kaniya habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin.

"H-hindi." Nauutal niyang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga ba, p're?"

"Bakit naman kita tatawagan? Alam ko naman na pupunta kayo sa canteen."

Nagkibit balikat ako bago sumagot. "Malay ko ba kung anong trip mo." At saka umupo.

"Pero hindi nga kita tina—" Naputol ang sasabihin niya ng mag-vibrate na naman ang phone ko. Agad na kumunot ang noo ko dahil name niya ang naka-register do'n.

Pinakita ko ang phone ko sa'kaniya. "Talaga?" sarkastikong sagot ko.

"P-pero wala akong hawak na phone!"

Binaba ko ang phone ko nang tumigil 'yon sa pag-vibrate. Sakto namang dating ni Patricia sa puwesto namin. "Bakit? Anong nangyayari?"

"P're, 'di ba tumawag sa'kin si Ange kanina?" sagot ko.

"O-oo, bakit nga pala, Ange? Hindi ka raw sumasagot sabi ni Shantal. Ikaw ah pati kami pinag-ti-tripan mo." Sabay tawa niya. Napansin niyang siya lang ang tumatawa at nanatili kaming seryoso ni Ange, kaya naman natigil siya sa pagtawa.

"Bakit ba?" pagtatanong niya ulit.

"Hindi raw siya tumawag sa'kin," diretsong sagot ko.

"Ha? Eh, nakita ko pangalan mo ang nakalagay sa phone ni Shantal habang nagba-vibrate 'yon."

"'Wag niyo nga akong pagtripan. Kayo lang naman ang lumabas na magkasama kanina," saad ni Ange.

"Ikaw ang unang tumawag tuleg!" sigaw ko.

"Eh, wala nga akong dalang—"

Natigil kaming tatlo nang mag-vibrate ulit ang phone ko. Agad namang may kinuha si Ange sa bag niya.

"Ito oh, cellphone ko. Nakapatay! Kaya paano kita tatawagan?!" sagot niya saka binaklas ang cellphone niya at tinanggal ang battery no'n. Nakita rin namin ang sim niya na nandoon. Pero hindi pa rin tumitigil sa pag-vibrate ang phone ko.

"Shit," dinig kong mura ni Patricia.

"S-sagutin mo! Dali," suhestyon ni Ange.

Buti na lang talaga at wala ulit kaming klase. Kun'di siguradong lilipad nanaman ang utak ko ka-i-isip kung sino 'yong tumatawag sa'kin.

"Hello? Sino 'to?" sagot ko sa kabilang linya.

Pero nanatili pa ring tahimik ang nasa kabilang linya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko napag-desisyunan na ibaba ang tawag.

"Ano sabi? Ano sabi?" mabilis na tanong ni Patricia.

"Kita mo bang nag-usap kami? Wala nga akong ibang sinabi kun'di hello," inis kong sagot. Sinamaan ko naman ng tingin si Ange.

"What? Inosente ako," aniya.

"Tsaka tayong tatlo na nga lang magkakasama palagi. Maglolokohan pa ba tayo," dagdag niya pa.

"Tawagan mo," diretso kong saad.

"S-sino?" nauutal niyang sagot.

"'Yong number mo. Bakit ako lang ang tinatawagan? Kayong dalawa hindi? Ayusin n'yo mga buhay n'yo ah. Hindi na nakakatuwa," seryosong sabi ko.

"Fine! Sige tatawagan ko," napipilitan niyang sagot.

"Loud speak mo, p're," singit ni Patricia bago siya mag-dial ng sarili niyang phone number para tawagan.

"Teka. Number mo ba talaga 'yan?" usisa ko bago niya pa matapos ang pag-dial.

"O-oo." Sabay pindot ulit sa phone niya.

"Tignan n'yo pa." At pinakita samin ang phone niya kung saan naka-register ang number niya sa settings.

"What the—" rinig naming sagot ni Patricia matapos naming makita ang number ni Ange. Ibig sabihin number niya talaga 'yon? Pero nakapatay phone niya kanina no'ng may tumawag ulit sa phone ko.

'Shit! Literal na shit.'

Matapos niyang mag-dial at tumawag sa mismong number niya. Naghintay kami kung may sasagot. Ilang segundo pa ang lumipas bago sagutin nito ang tawag ni Ange. Pare-pareho kaming nagulat nang makita namin na tumigil sa pag-ring ang phone niya at may sumagot pero walang nagsasalita.

"H-hello? Sino 'to?" Gaya sa'kin ay wala ring nagsalita sa kabilang linya.

"Hello? Hello? Bakit ayaw mong magsalita?" pag-uulit pa ni Ange.

Susukuan na sana namin at ibababa ang tawag pero bigla itong nagsalita-boses babae. Mahina at nakakatakot ang boses niya.

"Tangina!" malakas na mura ni Patricia.

Dali-daling pinatay ni Ange ang tawag habang nangangatog ang mga kamay niya.

"A-ano 'yon?" tanong ni Ange matapos patayin ang tawag sa sarili niyang number.

Pero nanatili kaming tahimik ni Patricia dahil sa gulat.

"Sabi ko sainyo hindi ko kayo pinag-ti-tripan!" dagdag pa niya.

"Eh, sino 'yon?" tanong ko. Pero ni-isa sa amin ay walang makasagot.

Pinili naming bumalik sa room. Dahil magsisimula na ang huli naming klase. Buong oras ng klase ay tahimik kaming tatlo. Kaya nagtaka ang teacher namin nang oras na 'yon. Pero sinabi na lang namin na inaantok kami.

Kinabukasan hindi nakapasok si Ange dahil nilagnat. Hindi ko alam kung coincidence lang 'yon. Pero sa tuwing maalala namin 'yon ay nagtatayuan ang balahibo naming tatlo. Simula no'n tumigil na rin kami sa pagtawag ng kung sino-sino para manloko.

Genre: Mystery