Chapter 10: KABANATA 10 (1557 words)

“T-Troy…”

Natigilan si Leah ng makilala niya ang taong nakaupo sa swivel chair.

Ramdan niya ang bilis ng tibok ng puso niya at nanlalamig rin ang kamay niya. Napakuyom naman siya ng maalala niya ang mga sinabi nito tungkol sakanya noon. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng galit. Hindi niya inaasahan na magkikita ulit sila matapos ang limang taon.

“Anong…”

Parehas lang silang dalawa nakatitig sa isa’t-isa. Maya-maya ay nagsalita ang binata.

“Okay. Just give her work.” Saad ni Troy at ibinaling ang tingin sa mga papel na nasa harap niya at nagsimulang magsulat.

“Okay, po. Halika na Ma’am. Nasa table ko ang mga folder na gagawin mo.”

Tumango at sumunod naman si Leah sa lalaki. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin kay Troy hanggang sa makalabas sila ng opisina nito.

Hindi siya makapaniwala na matapos ang limang taon ay magkikita ulit sila at boss niya pa ito sa bago niyang trabaho.

“Kapag minamalas ka nga naman oh.”

“Ito na po yung mga gagawin niyo. Ang desk niyo po ay nasa labas lang ng pinto ni sir. May intel po doon sa desk niyo. Doon po kayo kakausapin ni Sir Salvatore.”

Tumango naman si Leah at kinuha ang dalawang makakapal na folder at saka tiningnan ang desk na nasa labas lang ng pinto.

“Salamat.” Tumango na lang rin ang lalaki at bumalik sa desk niya.

Pumunta naman si Leah sa may desk niya at saka umupo sa upuan doon. Malinis ang desk niya at medyo malawak ang espasyo. Inilapag niya ang bag niya sa lamesa.

Napatingin naman siya sa pinto kung saan nasa loob nito si Troy.

Napansin niya sa binata ang hindi pagbabago nito matapos ang limang taon, parang hindi ito nadadagdagan ng edad. Napaka-gwapo pa rin nito at mas nakadagdag gwapo dito ang maliliit na balbas nito sa baba. Naging maskulado rin ang pangagatawan nito.

Bumuntong hininga na lamang siya at itinuon ang atensiyon sa mga folder.

“Trabaho ang ipinunta mo dito, Leah. Tandaan mo.”

•*•*•*•*•*

Nang makalabas sa opisina si Leah at ang lalaki ay bigla namang sumakit ulit ang ulo ni Troy.

May pumasok na mga imahe sa kanyang isip ng sumakit ang ulo niya.

Kinuha niya agad sa drawer niya ang gamot at ininom iyon. Nawala rin naman unti-unti ang pagsakit ng ulo niya kaya naman ay nakahinga siya ng maluwag.

Simula ng maaksidente siya sa sinasakyan niyang sasakyan tatlong taon na nakakalipas ay wala siyang matandaan.

Ang sabi lang noon ng Mommy niya ay naaksidente siya ng pauwi niya at nitong isang linggo lang ay sumakit ang ulo niya ng makita ang isang resumè ng isang aplikante.

May binabanggit siyang pangalan sa ala-ala niya pero hindi niya alam kung sino iyon. Tinanong ni Troy ang Mommy niya kung may naging kasintahan ba siya noon pero naging tahimik lang ang ina niya tungkol dito.

Nang mawala na ang sakit ay napatingin siya sa pinto at sa resumè na hawak niya. Nabasa niya rin doon na may isa siyang anak.

Hindi niya alam pero may humihila sa kanya na kilalanin niya ang babae.

“Leah…”

Nang mabanggit niya ang pangalan na iyon ay nakaramdam siya ng kakaiba.

Hindi niya tuloy mapigilan na makunot ang noo niya dahil pamilyar sa kanya ang pangalan ngunit hindi niya alam kung saan niya ito narinig.

Binitawan niya ang resumè at napahawak sa baba niya.

“Leah…Who are you? Why do I feel so familiar with you.”

•*•*•*•*•*

Awasan na at nagliligpit na ngayon si Leah ng mga gamit niya. Naging maayos naman ang una niyang trabaho doon.

Medyo ilang pa rin siya sa tuwing kasama niya ang binata sa mga meeting nito kanina.

At ipinagtataka niya ay parang hindi siya nito kilala kaya minsan kanina ay hindi niya rin maiwasan na mainis.

Panay lang ang utos sa kanya nito na parang isang ordinaryong empleyado doon.

“Ano, Leah. Namimiss mo na ba ang dating trato sayo ni Troy?”

Napatawa na lamang siya ng maisip iyon.

“Mas mabuti na ang ganito na hindi close. Baka may masabi pa’ko na hindi maganda.”

Nang makaligpit ay agad siyang pumasok sa papasarang elevator. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makapasok sa loob.

Napasandal naman siya sa pader ng elevator sa loob ng hingalin siya. Nang mahimasmasan ay nakaramdam siya ng may nakatingin sa kanya.

Tiningnan naman niya ito at laking gulat niya na si Troy iyon.

Nakatingin rin ito sa kanya kaya naman ay umayos siya ng tayo at humigpit ang hawak niya sa bag niya. Ibinaling naman niya sa pinto ang tingin niya.

“Nakakahiya naman yung ginawa ko. Hayst.”

Maya-maya ay tumigil ang elevator sa sixth-floor at napuno ang loob ng elevator.

“W-Wait! Dahan-dahan lan---”

Naiipit si Leah sa gilid ng elevator dahil sa dami ng tao na pumasok. Napansin naman iyon ni Troy kaya naman ay hinila niya ang braso ng dalaga at yinakap.

Nagulat naman si Leah sa ginawa ng binata. Napahawak naman siya sa dibdib nito ng matulak siya papalapit sa binata saka nagsara ang pinto ng elevator.

Napatingin naman siya sa binata na nakatingin sakanya. Iniiwas niya ang tingin dito ng naramdaman niyang uminit ang mukha niya.

Rinig naman niya ang bilis ng tibok ng puso niya na nakdagdag init ulit sa mukha niya.

“Yah! Stop! Bakit ang bilis ng tibok mo? Nararamdaman niya kaya? Oh my, AAHHH!”

Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil na sa ground floor ang elevator at isa-isa ng naglabasan ang mga tao sa elevator.

“We’re here.” Rinig na sabi ni Leah mula kay Troy.

Napabitaw naman si Leah sa binata.

“S-Salamat.” Saad niya saka lumabas ng elevator.

Habang papalayo ay ramdam niya pa rin ang bilis ng tibok mg puso niya.

“Hindi ito maganda.”

•*•*•*•*•*

Nakatingin naman si Troy sa papalayong likod ni Leah. Napatingin naman siya sa braso niya kung saan yinakap niya ang dalaga gamit ito.

Hindi niya alam pero kahit iyong pagyakap na iyon ay napaka-pamilyar sa kanya.

Bigla namang tumunog ang selpon niya at pagkatingin niya ay ang Mommy niya ang tumatawag. Sinagot naman niya ito.

“Hey, Mom.”

?: “Anak? Tapos ka na ba sa work mo?”

“Yes, why?”

?: “Ayun! Uwi ka dito sa bahay, sabay tayo mag-dinner ng Daddy mo.”

Napabuntong hininga naman siya ng marinig ang sinabi ng Mommy niya.

“Mom. Pwede bang sa susuno---”

? : “Please. Kahit ngayon lang? Miss na kita. Nilutuan kita ng paborito mong menudo.”

Ilang minuto siyang tahimik kapagkuwan ay pumayag na rin siya.

“Okay, okay.”

Pagkasabi niya nun ay nagpaalam na ang Mommy niya. Nang maibaba ang tawag ay napatawa na lamang siya ng maalala nito ang masayang boses na ina niya.

Dalawang taon na rin siyang hindi umuuwi sa bahay nila dahil sa nagka-alitan sila ng ama niya. Nalaman niya kasi noon na may kinalaman si Daddy kung bakit siya naaksidente pero hindi nila sinasabi sakanya ang dahilan.

At may kutob rin siya na may alam sila sa nakaraan na nakalimutan niya.

Nang makalabas sa building ay dumeretso siya sa parking lot saka pinaandar ang sasakyan niya pauwi ng bahay.

•*•*•*•*•*

Napaupo naman sa pagod si Leah sa sofa sa may sala ng bahay nila pagpasok. Sakto naman ay kakababa lang ni Adrianne na nakasuot na sando at pajama.

“Musta ang work?” Tanong nito saka binuksan ang refrigerator at kumuha ng gatas na naka karton.

“Maayos naman, pero…”

Tumingin naman sa kanya si Adrianne ng itigil niya ang sinasabi.

“Pero?”

“Boss ko si Troy.”

Naibuga naman ni Adrianne ang iniinom niyang gatas sa gulat.

“What?”

Pinunasan ni Adrianne ang bibig niya at lumapit kay Leah.

“Ano? May ginawa ba sayo ang hay*p na iyon? Bakit? Paanong nangyaring boss mo siya? Saan siya nakatira? Halika sugurin na natin. Ang hay*p na iyon. Ang lakas niyang magp---”

“Wait, nga! Isa isa muna okay. Wala siyang ginawa sakin at sa kasamaang palad siya ang may-ari ng kompanya ng pinag-tatrabahuan ko ngayon at sekretarya niya ako.”

“So, ano ng gagawin mo? Alam niya na ba na may anak kayo?”

“Hindi ko alam. At wala akong balak na ipaalam sa kanya na may anak kami.”

Nagdesisyon siyang hindi ipakilala kay Carlo ang tunay niyang ama at wala rin siyang balak na ipakilala ang anak niya sa binata.

Gagawin niya ang lahat para hindi makilala ni Troy si Carlo. Sariwa pa rin kasi sa kanyang ala-ala ang ginawang pang-g*g*go ni Troy sa kanya at hindi niya ito mapapatawad.

“Sige na, matulog kana. Pupuntahan ko na muna si Carlo sa kwarto.” Saad ni Leah saka umakyat.

Pumasok naman siya sa loob ng kwarto ni Carlo at naabutan niyang tulog na ito.

Inayos niya ang kumot nito at saka tumabi ng upo dito.

Hinaplos naman ni Leah ang mukha ng anak niya at saka napansin ang itsura nito.

“Kamukang-kamukha mo talaga ang Daddy mo.”

Gusto man niyang itanggi pero kamukang-kamukha ni Troy ang anak nila lalo na ang mga mata nito na kulay tsokolate. ‘Ni wala man lang naimana ang anak niya sa kanya.

Wala siyang balak ipaalam sa binata na may anak sila dahil sa ginawa nito sa kanya. Pero kung ang bata na mismo ang magtatanong sa kanya ay magsisinungaling na lamang siya.

Pero alam niyang hindi magtatagal iyon kaya naman ay kailangan niyang iwasan ang binata kahit na anong paraan.

“Past is past. Hindi na dapat ako magpa-apekto.”